Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Kayarian ng Salita:

- Nabubuo ang salita mula sa salitang-ugat sa pamamagitan ng pag-uulit,


pagtatambal, o pagdadagdag ng panlapi

➔ Payak - salitang ugat (ex: araw, damit)


➔ Inuulit - inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito
Dalawang Uri ng Inuulit:
➢ Pag-uulit na ganap - inuulit ang salitang ugat (gabi-gabi, iba-iba)
➢ Pag-uulit na di-ganap - inuulit lang ang bahagi ng salita (kasa-kasama,
uusok)

➔ Maylapi - binubuo ng salitang ugat at isa o higit pang panlapi


- Unlapi - umayaw
- Gitlapi - bumili
- Hulapi - puntahan
- Kabilaan - kagandahan

➔ Tambalan - binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang


salita lamang (bahay-kubo, bahaghari, patay-gutom, boses-palaka)

Ang Buhay at Panitikan ng mga Maranao:

Maranao - mga Pilipinong Muslim na nakatira sa Mindanao sa kapaligiran ng Lawa ng


Lanao

Lawa ng Lanao - nakasentro dito ang buhay at kultura ng mga Maranao

Okir - isang napakahalagang simbolong pangkultura ng mga Muslim


➔ Kadalasang inuukit nila sa mga kahoy at metal
➔ Makikita sa halos lahat ng kanilang mga sining

Sarimanok - larawan ng makulay na engkantadong ibon na may kapit na isda ang mga
paa
➔ Isa ring mahalagang sining ng mga Muslim

Epikong Darangen - simbolo rin ng mga Muslim


➔ Binubuo ng 72,000 linya
➔ Narito ang tala tungkol sa kanilang kasaysayan at pakikipagsapalaran ng kanilang
lahi at mitikal na bayani
➔ Noong 2005, idineklara ng United Nations Educational, Scientific and Cultural
Organization (UNESCO) ang epikong ito bilang Intangible Cultural Heritage of
Humanity

Applique - sining ng pagtatagpi-tagpi ng mga retaso upang makabuo ng isang malaking


kumot o pansapin

Ang Dula:
Dula - akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal ang kaisipan ng may-akda sa
pamamagitan ng diyalogo, kilos, at galaw

Entablado - dito itinatanghal ang mga tradisyonal na dula

Mga Dula na itinatanghal sa kalye:


➔ Salubong - ginagawa tuwing Linggo ng Pagkabuhay
➔ Panunuluyan - ginagawa tuwing Kapaskuhan
➔ Tibag - ginagawa tuwing Mayo

Noong Dekada ‘80, maraming mga dula ang itinatanghal sa lansangan, plasa, pagawaan,
simbahan, o sa ibabaw ng mga trak.

Mga Dulang Panlansangan:


➔ Panday-Sining
➔ Tanghalang Bayan
➔ Gintong Silahis
➔ Katilingban sa Katubuhan (Bacolod)

Mga Uri ng Dula:


➔ Trahedya - tungkol sa mga antas at hangganan ng buhay at pagkabigo ng
pangunahing tauhan
➔ Komedya - nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay nagkakasundo at
walang namamatay
- Layunin na libakin ang mga karaniwang pagkakamali at bisyo sa lipunan

Mga Sangkap ng Dula:

➔ Tagpuan - daigdig na gagalawan ng tauhan


- Dito magaganap ang kuwento
- Tinatawag rin na milieu

➔ Tauhan - palaging may protagonista at antagonista ang isang dula


➔ Protagonista (Bida) - sa kaniya nakapokus ang mga pangyayari sa dula
➢ Dahilan kung bakit may kuwento ang dula
➔ Antagonista (Kontrabida) - kalaban ng bida

➔ Banghay - tawag sa sunod-sunod na mga pangyayari sa dula


- Naitatakda ang magiging takbo ng dula

➔ Diyalogo - hindi palaging pasalita


- Maari ring pagtahimik, o mga kilos at galaw ng mga tauhan

Tatlong Bahagi ng Dula:


1. Yugto - paghahati ng dula
- Ginagawa sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw o pagladlad ng kurtina sa
entablado
2. Tanghal - binabago ang tanghalan
- Nagaganap din sa pamamagitan ng pagpatay sa ilaw at pagladlad sa kurtina
ng entablado

3. Tagpo (Eksena) - paglalabas-pasok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa


dula

Iba pang Elemento ng Dula:


1. Iskrip o nakasulat na dula - kaluluwa ng dula
- Lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon dito

2. Aktor - ang mga nagbibigay ng buhay sa mga tauhan sa iskrip

3. Tanghalan - alinmang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula

4. Direktor - ang nagpapaliwanag sa mga nilalaman ng iskrip

5. Manonood - hindi maituturing na dula ang isang pagtatanghal kung hindi ito
napanood ng mga tao

Haiku at Tanka:

Haiku:
➔ Binubuo ng 3 taludtod
➔ 17 na bilang
➔ 5-7-5 na pantig
➔ Karanasan o obserbasyon ng manunulat
➔ Simpleng salita
➔ Bagay o pangyayari sa kalikasan

Tanka:
➔ Mas matanda sa haiku
➔ Maikling awitin na puno ng damdamin
➔ 5 na taludtod
➔ 5-7-5-7-7 na pantig
➔ Liriko ng kalikasan
➔ Pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig
➔ Maaaring baliktarin ang mga pantig

Murasaki Shikibu:
➔ Utusan sa korte sa panahon ni Emperatris Akiko
➔ Kilala bilang manunulat ng klasikong akdang Tale of Genji
➔ Tale of Genji - isa sa pinakauna at kilalang nobela sa kasaysayan
➔ Sumulat ng talaarawan o diary na kaugalian ng babaeng nasa korte
➔ Isa sa iniwan niyang naging mahalagang hanguan ng kaalaman ukol sa
buhay ng Hapon sa korte at kasaysayan

Matsuo Munefusa:
➔ Kilala sa taguring Basho
➔ Pinakatanyag na manunulat ng haiku sa panahon ng pag-usbong ng genre nito
➔ Dakilang manunulat ng haiku
➔ Sumasalamin ang kaniyang mga tula sa kaniyang pansariling karanasan
➔ Nanirahan sa Edo (Tokyo)
➔ Edo - ngayon ay Tokyo, kung saan siya nagsimulang magsulat ng Haiku
➔ Linked-verse forms o renga

Yosa Buson:
➔ Makata at pintor sa Edo (Tokyo)
➔ Itinuring na mahusay na makata sa kanyang panahon
➔ Iniwan ang mayaman nilang pamilya para sa sining
➔ Natutunan ang tradisyonal na pagsulat ni Basho
➔ Sumasalamin ang mga tula niya sa hilig sa pagpinta
➔ Chinese poems in Japanese:
➢ Eksperimentasyon sa mga isinulat na tula na ginagamitan ng modernong
taludturan
➢ Ang dalawa ay naglalaman ng mga kasabihan o pahayag sa wikang Tsino

Kasaysayan ng Literatura ng Japan:


Kojiki o Records of Ancient Matters:
- Dito inilahad ang kasaysayan ng Hapon

Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves:


- Pinakaunang koleksiyon ng mga tulang Hapones
- 4500 tula na Tanka

Heian:
- Tinaguriang Ginintuang Panahon ng Sining at Literaturang Hapones

Tale of Genji:
- Isinulat ni Murasaki Shikibu
- Pinakamahalagang nobelang nagsasalaysay ng mga pangyayari, pagmamahalan,
suliraning personal, at tensyon sa korteng Hapones

The Pillow Book:


- Sinulat ni Sei Shonagon
- Sanaysay na naglalarawan sa buhay, pagmamahalan, at libangan ng mga
Maharlika sa korte ng Emperador ng bansang Hapon

Ponemang Suprasegmental:

Ponema - pangunahing yunit ng tunog sa wika


- Pinakamaliit na bahagi ng wika na may makabuluhang kahulugan
- Maaring maging titik, tunog, o kombinasyon nito
- Tunog na ginagamit upang makabuo ng mga salita sa wika

2 uri ng Ponema:
- Ponemang segmental
- Ponemang suprasegmental

Ponemang Segmental - tumutukoy sa mga tunog o bahagi ng tunog na nagbibigay-


kahulugan sa mga salita
- Nabubuo ang mga salita at pangungusap
- 21 katinig
- 5 patinig

Ponemang Suprasegmental - hindi inirerepresenta ng mga letra sa alpabeto ngunit


kasingkahalaga rin ng mga ponemang segmental sa paghahatid ng kahulugan

3 Ponemang Suprasegmental:
- Tono
- Haba at diin
- Antala

Tono - pagtaas o pagbaba ng tono ng pagsasalita ay maaring magbago ng kahulugan


- Mataas
- Katamtaman
- Mababa

Haba - haba ng bigkas sa pantig ng isang pantig


- Gumagamit ng tuldok para sa pagkilala nito

Diin - lakas ng bigkas ng pantig


- BU.kas, buKAS

Antala - saglit na pagtigil sa pagsasalita


- Nagbibigay ng kahulugan sa isang pahayag

Ambahan at Tanaga:

Tanaga - isang uri o porma ng tagalog na tula na may 4 na taludtod


- Pitong pantig sa bawat taludtod
- Naglalaman ng isang diwa ng makata (7-7-7-7)
- Kadalasan ay nagtataglay ng isang tugmaan (a-a-a-a)
➢ Inipitan - a-b-b-a
➢ Salitan - a-b-a-b
➢ Sunuran - a-a-b-b

Ambahan - katutubong tula na nililikha ng mga Mangyan


- Surat Mangyan - sariling sistema ng pagsulat ng mga Mangyan
- Ginamit nila ito bago pa dumating ang mga Kastila
- May sukat na pitong pantig sa bawat taludtod maliban sa unang taludtod
- Ang unang linya ay nagpapakilala sa kung sino ang nagsasalita
- Binibigkas itong parang isang engkantasyon
- 3 taludtod na umaabot hanggang 20 taludtod
- Partikular, ang mga Hanunuo at Buhid
- Sila ay matatagpuan sa:
➢ Bayan ng Bulalacao at Mansalay sa Oriental Mindoro
➢ San Jose sa Occidental Mindoro

Fray Ignacio Francico Alcina (1668) - binanggit niya na ang ambahan bilang isa sa mga
sinanunang anyo ng pagtula ng mga Bisaya.

Antoon Postma:
- Naging popular ang ambahan dahil sa kanya at sa kanyang saliksik sa buhay at
kultura ng mga Hanunuo
- Naglabas ng isang aklat na koleksiyon ng mga tulang Mangyan (muling
nalathala 1981)

Pabula:
- Madalas na inilalarawan nito ang dalawang hayop na may magkaibang ugali at
nagwawakas ang kuwento na nagwawagi ang may mabuting ugali

Paunang Kaalaman:
- May malalim na impluwensiya ng paniniwalang Taoismo, Confucianismo, at
Budismo ang mga kuwentong-bayan ng mga Tsino
- Sinasabi na nagmula ito sa India o sa Kanlurang Asya
- Karaniwang paksa ng mga kuwento sa poklorikong Tsino ang tungkol sa kalikasan
at katangian ng tao, kasaysayan, pag-ibig, at mga supernatural, o salaysayin

Talaan ng mga Salita:


➔ Parang - lugar na malawak at damuhan
➔ Sisilain - huhulihin o dadakmain
➔ Palumpong - isang uri ng halamang may matigas na sanga
➔ Suminghal - maikli at malakas na tunog
➔ Peregrino - manglalakbay
➔ Hinagap - walang inaasahan
➔ Batahin - sakripisyo
➔ Palaso - sibat o pana
➔ Magkanlong - magproteksyon
➔ Paham - indibidwal na may pambihirang talino at abilidad

Si Tung Kuo at ang Lobo sa Kaniyang Sako:


- Isang muling pagsasalaysay ng kwentong-bayan mula sa China sa Panahon ng
Dinastiyang Ming
- Batay sa Sweet and Sour Tales from China
- Retold by Carol Kendall and Yao-wen Li

Pangunahing Tauhan:
➢ Tung Kuo
➢ Lobo
➢ Panginoong Chao

Iba pang Tauhan:


➢ Matandang Puno
➢ Baka
➢ Matanda

Pang-ugnay:

Pang-ugnay - mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa


pangungusap, na maaaring dalawang salita, dalawang parirala, o dalawang sugnay

➔ Pang-angkop - mga katagang nag-uugnay sa panuring at sa salitang


tinuturingan
a. Pang-angkop na -na - ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa
katinig maliban sa n
- Mabait na bata
- Marikit na bituin

b. Pang-angkop na -ng - ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa


mga patinig
- Batang mabait
- Bituing marikit
(kapag ang unang salita ay nagtatapos sa n, tinatanggal ang n at ikinakabit ang
-ng)
- Lipunang payapa

➔ Pang-ukol - uri ng pang-ugnay na nagsasaad ng kaugnayan ng pangngalan o


panghalip sa ibang salita sa pangungusap
- Para sa, ukol sa, laban sa, alinsunod sa, labag sa, ayon sa, para
kay/kina, ukol kay/kina
- Halimbawa: Laban sa karapatang pantao ang kaniyang ginagawa.

➔ Pangatnig - salitang nag-uugnay ng isang salita o kaisipan sa isa pang salita o


kaisipan, ng parirala sa kapwa parirala, o sugnay na pinagsusunod-sunod sa
pangungusap
a. Nag-uugnay sa magkatulad na kaisipan: at, pati, o, ni, saka, maging
- Ikaw man o siya ang manalo, ang mahalaga patas ang naging laban
ninyo.
b. Nag-uugnay sa magkasalungat na ideya: gayon, kung, palibhasa, kapag,
sapagkat, ngunit, subalit, datapwat, kahit
- Nagtagumpay siya sa kaniyang plano kahit wala siyang nakuhang
suporta sa mga tao.

c. Nag-uugnay ng dahilan at bunga ng mga pangyayari: sapagkat, kaya,


upang, dahil, dahil sa, upang
- Umuwi nang maaga si Tina dahil masama ang kaniyang pakiramdam
d. Nag-uugnay sa panahong naganap ang kilos: nang, samantalang,
habang, bago
- Sumali siya sa kilusan bago pa man niya malaman ang katotohanan.

Matalinghagang Salita:

Matalinghagang salita - ginagamit sa pagbibigay ng di-tuwirang kahulugan at


pagpapakita ng kaisipan
- Kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan
- Sa akdang pampanitikan, mahalaga ang pagpapahayag ng mga ideya sa estilong
matalinghaga sapagkat mas binibigyang-sining nito ang paglalahad ng isang akda

Halimbawa:
- Malakas ang ihip ng hangin → mayabang
- Boses-palaka → sintunado
- Suntok sa buwan → imposible
- Dagang-bahay → taksil sa kasambahay
- Matanda at matutuyo na ang sapa → mawawala

You might also like