Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SAINT MARY’S UNIVERSITY

Bayombong, Nueva Vizcaya, Philippines


SCHOOL OF HEALTH AND NATURAL SCIENCES
CENTER FOR NATURAL SCIENCES

April Joy V. Casculan


BSN 1D
5028-Panitikang Filipino

1. Ano ang panitikan?


Ang panitikan ay tumutukoy sa pagbibigay ng mga kaisipan, karanasan, at
nararamdaman ng isang tao sa pasulat at pasalita na pamamaraan. Ang panitikan ay anumang
sulatin na siyang iniulat ng isang tao. Kung aaralin ang pinagmulan nito, ang panitikan ay
tinatawag ding literatura na nagmula sa salitang “litera” na isang salitang Latin na ang ibig
sabihin ay “titik”. Kung kaya’t ang mga pasulat at pasalita na akda na ating makikita at
mababasa ay isang halimbawa ng panitikan.
2. Ano ang dalawang anyo ng panitikan?
Ang dalawang anyo ng panitikan ay ang tinatawag na akdang prosa o tuluyan at akdang
patula. Ang akdang prosa o tuluyan ay naglalaman ng pangungusap at talata. Sa anyong ito
mababatid ang tuoly tuoly at natural na daloy ng mga ideya, mayroong kalayaan sa paggawa
nito at walang sinusunod na tugma. Sa kabilang banda naman, ang akdang patula ay tumutukoy
sa pagpapahayag ng ideya sa masining na paraan, na kung saan isinasaalang-alang nito ang
sukat, taludtod, bilang ng pagbigkas at malikhaing pagprepresinta ng mensahe.
3. Anu-ano ang mga uri na nakapaloob sa dalawang anyo ng panitikan?
Ang mga uri na nakapaloob sa akdang prosa o tuluyan ay ang malikhaing kwento,
nobela, dula, alamat, pabula, anekdota, balita, talambuhay, sanaysay, mito, parabula, at
talumpati. Samantalang ang mga uri na nakapaloob sa akdang patula ay ang tulang pasalaysay
na binubuo ng epiko at balad, tulang liriko na binubuo naman ng awiting bayan, soneto, elehiya,
oda, dalit, at awit at korido, tulang pandulaan naman na naglalaman ng komedya, melodrama,
trahedya at parsa o saynete.
4. Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikang filipino?
Lubos na mahalagang pag-aralan ang panitikang Filipino sapagkat nakakatulong ito
upang maging maalam ang mga Pilipino patungkol sa sariling wika. Nakakatulong din ito upang
mas maunawaan ng bawat isa and kultura’t tradisyon ng sariling bansa at magin mabuting
ehemplo sa bawat mamamayan ang pagtangkilik sa mga akda ng kapwa Pilipino, at maging
maalam sa katalinuhan ng lahing pinagmulan.

Marianolouella (2020) Panitikan-Kahulugan, mga Uri at mga Halimbawa


https://www.slideshare.net/marianolouella/panitikan-kahulugan-mga-uri-at-mga-halimbawa

1|Page

You might also like