Professional Documents
Culture Documents
Ikalawang Markahan Sa Filipino 5
Ikalawang Markahan Sa Filipino 5
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
SASMUAN ELEMENTARY SCHOOL
Sasmuan, Pampanga
PAKIKINIG
Makinig nang mabuti sa babasahing teksto ng iyong guro at sagutin ang mga sumusunod na
tanong sa aytem 1-10.
1. Ano ang tungkulin ng Inang Dalag sa kanyang pamilya?
A. Si Inang Dalag ang tagapagpaliwanag ng patakarang ipinatutupad ni Amang Dalag.
B. Siya ang tagahanap ng pagkain para may mailuto.
C. Siya ang tagapangalaga sa kanyang mga anak.
D. Siya ang tagabantay ng kanilang tahanan.
2. Sino sa magkakapatid na dalag ang malikot at palasaway?
A. batang dalag C. matandang dalag
B. bunsong dalag D. panganay na dalag
3. Ano kaya ang nangyari sa sutil na dalag?
A. Nahuli siya ng isang namimingwit.
B. Nagutom siya at kumain ng damo.
C. Nakapunta siya sa mundo ng mga tao.
D. Nasarapan siya sa bulateng kinagat niya.
4. Pagsunod-sunurin ang mga pangungusap ayon sa napakinggang kuwento.
a) Madali nilang natagpuan si bunsong dalag, ngunit nang kanilang lapitan, nakita nilang may
kagat-kagat ito at biglang nahilang paitaas.
b) Minsan, lumangoy sila nang lumangoy. Napahiwalay si bunsong dalag sa kanyang mga
kapatid dahil sadyang malikot at palasaway ito.
c) Isang araw, nagbilin si Inang Dalag sa kanyang mga anak na huwag maghihiwalay na
magkakapatid.
d) Sa isang munting sapa sa kabukiran, may mag-anak na dalag. Dito sila payapang
naninirahan.
e) Samantala, napansin ng isang dalag na nawala ang kanilang bunsong kapatid. Hinanap nila
ito.
A. a-b-c-d-e C. b-c-e-a-d
B. c-d-e-b-a D. d-c-b-e-a
5. Nagbilin ang iyong nanay na huwag magpapapasok na kung sino-sino sa inyong bahay. Sa
panahon kasi ngayon, uso ang mga akyat-bahay gang. May biglang kumatok sa inyong pintuan.
Sinilip mo sa bintana at hindi mo siya kakilala. Palinga-linga sa paligid at naghahanap ng mga
bagay na maaaring niyang ilagay sa kanyang malaking bag. Ano ang gagawin mo?
A. Tatawag sa hotline ng barangay para i-report ang taong hindi mo kilala.
B. Sisigaw ka nang malakas at sasabihing “Magnanakaw!”
C. Pagbubuksan mo ng pinto ang taong kumatok.
D. Magtatago sa itaas ng bubong.
6. “Tena kayo’t hanapin natin siya,” anang nagugulumihanang ina at agad niyakag ang iba pang
anak upang hanapin ang bunso. Ano ang ibig sabihin ng nagugulumihanan?
A. naguguluhan C. natutuwa
B. nagagalit D. naiiyak
7. Dahil sa paalaala ng ina, lagi silang magkakasama at langkay-langkay kung manginain. Ano
ang kasalungat na salita ng langkay-langkay?
A. dala-dalawa C. isa-isa
B. pangkat-pangkat D. lima-lima
8. Wala na ang sutil na dalag! Naging biktima siya ng paing inihanda ng namimingwit.
Alin sa mga sumusunod na salita ang kasingkahulugan ng sutil?
A. masunurin C. matigas ang ulo
B. mapagmahal D. mabait na dalag
9. “Huwag kayong maghihiwalay na magkakapatid. Lagi kayong mag-iingat sa inyong
panginginain,” ang paalaala ni Inang Dalag. Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng tauhan sa
kuwento?
A. natutuwa C. nagagalit
B. nag-aalala D. nalulungkot
10. “Mabuti pala ang nag-iisa at solong-solo ko ang pagkain,” tuwang-tuwang sabi ng bunsong
dalag habang hindi malaman kung ano ang unang kakainin. Ang pahayag na ito ay
nagpapahiwatig nang __________ damdamin.
A. pagkamangha C. pagkabigla
B. pagkalungkot D. pagkatuwa
PAGSASALITA
Piliin ang letra ng pandiwang may naiibang aspekto.
Para sa bilang 13-17. Buuin ang balita. Punan ang patlang ng pandiwang nasa wastong
aspekto ayon sa diwang isinasaad nito. Gawing gabay ang salitang-ugat na nasa loob ng
panaklong.
13. __________ (asa) na ang pagtaas ng presyo ng tinapay sa mga susunod na araw kasunod ng
malaking taas-presyo sa harina sa merkado.
A. Asahan C. Umasa
B. Aasahan D. Umaasa
14. Dahilan ng mga panadero, __________ (taas) ng P10-P30 ang presyo ng kada sako ng harina
kahapon sa lokal na merkado bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng trigo sa pandaigdigang
pamilihan.
A. magtaas C. tataas
B. magtataas D. tumaas
15. Nakadagdag pa rin ang epekto ng mataas na palitan ng dolyar sa piso, na __________ (sara)
sa P53.94 kaninang umaga, dahil dolyar ang pambayad sa pag-aangkat o pag-i-import ng mga
produkto.
A. magsara C. magsasara
B. nagsara D. nagsasara
16. Sa ngayon, __________ (laro) sa P690-P710 kada sako ang bentahan ng harina sa pamilihan.
A. maglalaro C. maglaro
B. naglalaro D. naglaro
17. Gayunman, hindi naman binanggit ng mga panadero kung magkano ang posibleng
__________ sa presyo ng tinapay sa mga susunod na araw.
A. itataas C. tataasan
B. itaas D. tataasin
18. Ang tuko ay isang maliit at kadalasan ay __________ butiki na may pagkaliliit na kaliskis sa
katawan.
A. malaking C. malusog na
B. malapad na D. matabang
19. Ang mga mata nito ay __________ at tulad ng sa pusa at ang mga daliri nito ay malalapad.
A. malalaki C. malulusog
B. malalapad D. matataba
Para sa bilang 20-23. Punan ang patlang ng angkop na pang-uring maylapi ayon sa diwang
isinasaad ng pangungusap.
20. Ang papel ng mga gurong Pilipino sa ating lipunan ay __________ (halaga).
A. mahalaga C. higit na mahalaga
B. mas mahalaga D. pinakamahalaga
21. Pinupuri ang karamihan sa mga gurong Pilipino dahil sila ay __________ (tiwala).
A. may tiwala C. ipagkakatiwala
B. katiwa-tiwala D. mapagkakatiwalaan
22. Natuto silang maging __________ (dasal) upang magkaroon ng matatag na kalooban.
A. dasalan C. magdarasal
B. madasalin D. ipagdarasal
23 Kailangang maging __________ (unawa) ang mga guro sa kanilang mga estudyante.
A. maunawain C. pag-uunawa
B. mapang-unawa D. magkaunawaan
24. Mayroon kayong pangkatang gawain sa EPP. Gagawa kayo ng atsara .
Gusto mong magpaturo sa iyong lola. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
A. “Lola, maaari n’yo ba akong turaan kung paano gumawa ng atsara?”
B. “Pssst! Turaan mo akong gumawa ng atsara.”
C. “Lola, turaan mo akong gumawa ng atsara.”
D. “Lola, paano ba ang gumawa ng atsara?”
25. Magkakaroon kayo ng patimpalak sa paaralan. Pagandahan at paramihan ng mga pananim
na gulay sa harapan ng inyong silid-aralan. Nais mong malaman ang iba pang detalye tungkol sa
paligsahang ito. Ano ang itatanong mo sa iyong guro?
A. “Titser, ano ang gagawin natin?”
B. “Titser, paano namin sisimulan ang paggawa?”
C. “Titser, hindi po ako marunong magtanim. Pwede po bang bumili na lang ng gulay?”
D. “Titser, ano-ano po ba ang mga pananim na dapat naming ilagay sa harap ng silid-aralan?”
26. Nag-message ang iyong Tiya Marta. Pinapupunta ka niya sa kanilang bahay upang kunin ang
mga lumang damit at sapatos sa kanilang garahe. May gagawin ka sa araw na iyon at hindi naman
kasya ang ipamimigay niya. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
A. “Hindi ko kailangan ang mga iyan!”
B. “Kung kailan luma na ang mga gamit, doon ninyo ipamimigay!”
C. “Paumanhin po Tiya Marta, marami na po kaming damit at sapatos. Ipamigay na lang ninyo sa
ibang nangangailangan.”
D. “ Pasensya na po kayo Tiya Marta, hindi po ako makakapunta diyan. May importante po akong
gagawin. Dadaanan ko na lamang po ang mga iyan sa ibang araw.”
27. Kinuha ni Isabel ang nakatagong trumpeta at hinipan niya ito nang malakas. Ano ang
dalawang salitang magkaugnay sa pangungusap?
A. at-ito C. Kinuha-Isabel
B. ni-niya D. trumpeta-hinipan
28. Kapit-bisig ang mga guro at magulang upang mapaganda ang aming paaralan. Ano ang ibig
sabihin ng kapit-bisig?
A. Nagtutulungan C. Nag-aaway
B. Naghahawakan ng kamay D. Nagsusumbatan
Basahin ang mga talata sa ibaba. Tukuyin ang paksa ng bawat isa.
29. Ang pananalig ay katumbas ng paniniwala. Katumbas din ito ng pagkakaroon ng pag-asa na
makakamit ang minimithi. Nagiging makulay ang buhay kapag may pananalig sapagkat ito ay
nagsisilbing inspirasyon natin sa buhay.
A. Pag-asa C. Pangarap
B. Pananalig D. Inspirasyon
30. Bayani ang tawag natin sa mga taong nagpapamalas ng angking katapangan, katalinuhan,
kasipagan at kabutihan sa kapwa. Bayani ring maituturing ang mga maka-Diyos, makatao,
makabayan at makakalikasang gawain.
A. Bayani C. Pangulo
C. Kapwa D. Mamamayan
31. Pagrerecycle ang tawag sa muling paggamit o paggawa ng iba pang bagay mula sa mga
patapong kagamitan. Ito ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamalasakit sa kalikasan
sapagkat bukod sa pagiging kaunti ang basura ay malilinang ang pagiging malikhain ng mga tao
sa pag-iisip ng mga maaaring magawa mula sa luma, sira o patapon ng mga bagay at makakabuo
muli ng mga kapaki-pakinabang na materyal.
A. Basura C. Pagrerecycle
B. Kalikasan D. Bagong material
Pangalawang magulang kung siya’y ituring
Dito sa paaralan lagi siyang dinidinggin
Kuwento, tula, epiko at mga tugma
Sasambitin ang mga ito nang kaaya-aya
33. Ano ang magiging reaksyon ng guro kung nadatnan niyang marumi ang sild-aralan?
A. matutuwa C. malulungkot
B. magagalit D. masisiyahan
Matapos mabatikos sa social media, inatras na ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III
ang kanyang mungkahi na baguhin ang huling linya ng pambansang awit na Lupang Hinirang.
Ayaw ni Sotto sa linyang, “Aming ligaya na pag may mang-aapi, ang mamatay nang dahil sa
‘yo” at nais niya itong palitan ng “Aming ligaya na pag may mang-aapi, ang ipaglaban kalayaan
mo.”
Ayon kay Sotto, marami ang hindi nakakaintindi sabay pahiwatig na hindi na niya isusulong
ang panukala.
Pero susuportahan daw ni Sotto ang bersiyon ng pagkanta ni Joey Ayala ng National
Anthem. Tama umano ang pagbigkas at ang tono.
41. Bakit binatikos si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa social media?
A. Papalitan ang pamagat ng pambansang awit ng Pilipinas.
B. Pinapakulong lahat ng mga kabataang gagawa ng krimen.
C. Nais niyang palitan ang huling linya ng Lupang Hinirang.
D. Iibahin ang tono ng Lupang Hinirang.
42. Kung ikaw ang tatanungin, nais mo bang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang?
A. Hindi po, dahil ito na po ang ating pambansang awit at masusi pong naipasa ito sa batas.
B. Hindi po, dahil magagalit ang pamilya ng sumulat ng Lupang Hinirang.
C. Opo, dahil wala ng gustong mamatay ngayon para sa bayan.
D. Opo, dahil hindi maganda ang huling linya ng awit.
43. Sa binasang opinyon ng manunulat, bakit maraming kabataan ngayon ang napapariwara sa
buhay?
A. Nagrerebelde sila sa pamahalaan.
B. Hiwalay ang kanilang mga magulang .
C. Naimpluwensyahan sila ng kanilang mga kaibigan.
D. Kasalanan ng magulang kung bakit nangyayari ang ganito sa kanilang mga anak dahil hindi sila
pumapasok sa paaralan.
44. Ano ang gagawin sa mga kabataang 13-anyos pababa na sangkot sa krimen sakaling maipasa
sa batas ang panukala ni Sen. Tito Sotto?
A. Dadalhin sila sa bahay ampunan
B. I-enrol sila sa ALS (Alternative Learning System)
C. Tuturuan silang maghanapbuhay
D. Pananagutin na sila sa batas sa salang ginawa.
Pagsulat
Walang Klase
47. Sanhi:
______________________________________________________________________________
48. Bunga:
______________________________________________________________________________
49. Sanhi:
______________________________________________________________________________
50. Bunga:
______________________________________________________________________________
PAKIKINIG
Aytem 1-10
Ang Sutil na Dalag
(Mga Babasahing Filipino 5)
Sa isang munting sapa sa kabukiran, may mag-anak na dalag. Dito sila payapang
naninirahan. Si Amang Dalag ang nasusunod dito. Si Inang Dalag naman ang tagapagpaliwanag
ng patakarang ipinatutupad ni Amang Dalag.
Minsan, lumangoy siya nang lumangoy hanggang mapahiwalay siya sa kanyang mga
kapatid. “Mabuti pala ang nag-iisa at solong-solo ang pagkain,” tuwang-tuwa sabi ng bunsong
dalag habang hindi malaman kung ano ang unang kakainin.
Samantala, napansin ng isang dalag na nawala ang kanilang bunsong kapatid. Ibinulong
nito sa kanyang ina ang nangyari.
“Sa lahat ng anak ko, iyan ang napakalikot at napakatigas ng ulo,” nagngingitngit na wika ng
ina.
“Tena kayo’t hanapin natin siya,” anang nagugulumihanang ina at agad niyakag ang iba
pang anak upang hanapin ang bunso.
Madali nilang natagpuan ito, ngunit nang kanilang lapitan, nakita nilang may kagat-kagat ito
at biglang nahilang paitaas.