64da4d299b6b9 Pagbasa at Pagsusuri NG Iba T Ibang

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 45

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA'T IBANG TEKSTO TUNGO SA

PANANALIKSIK
BAITANG 11, YUNIT 9
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang
Teksto
TALAAN NG NILALAMAN

Introduksyon 3

Aralin 1: Kaisipan ng Tekstong Kaugnay sa Sarili, Pamilya, Komunidad,


Bansa, at Daigdig 4
Layunin Natin 4
Subukan Natin 5
Pag-aralan Natin 6
Alamin Natin 6
Sagutin Natin 11
Pag-isipan Natin 11
Gawin Natin 12
Aralin 2: Tekstong Pansiyentipiko 14
Layunin Natin 14
Subukan Natin 15
Pag-aralan Natin 16
Alamin Natin 16
Sagutin Natin 21
Pag-isipan Natin 21
Gawin Natin 21
Aralin 3: Tekstong Panghumanidades 23
Layunin Natin 23
Subukan Natin 24
Pag-aralan Natin 25
1
Copyright © 2018 Quipper Limited
Alamin Natin 25
Sagutin Natin 29
Pag-isipan Natin 30
Gawin Natin 30
Aralin 4: Tekstong Pang-agham Panlipunan 32
Layunin Natin 32
Subukan Natin 33
Pag-aralan Natin 34
Alamin Natin 34
Sagutin Natin 38
Pag-isipan Natin 38
Gawin Natin 38
Pagyamanin Natin 41
Paglalagom 43
Dapat Tandaan 44
Gabay sa Pagwawasto 44
Sanggunian 45

2
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pindutin ang Home button para
bumalik sa Talaan ng Nilalaman

BAITANG 11 | PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA'T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

YUNIT 9

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang


Teksto

Bahagi ng akademikong kasanayan ang pagbabasa. Mahalagang malaman ng mambabasa


kung anong uri ng teksto ang kaniyang binabasa. Ang isang epektibong mambabasa ay
nagkakaroon ng pagkakataong madagdagan ang kaalaman sa iba’t ibang paksa. Malilinang
ang kaniyang kakayahan sa mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng pagsasanay sa
pagkilatis ng mga ideyang mula sa isang manunulat.

Sa araling ito ay tatalakayin ang iba’t ibang uri ng teksto na maaaring makaharap habang
naghahanda sa pananaliksik.

3
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 1
Kaisipan ng Tekstong Kaugnay sa Sarili, Pamilya,
Komunidad, Bansa, at Daigdig

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naiuugnay ang
binasang teksto sa mga kaisipang nakapaloob sa sarili, pamilya, komunidad, bansa,
at daigdig.

Sa puntong ito ay naghahanda na tayo para sa paggawa ng sariling pananaliksik. Hinasa na


tayo ng mga nakaraang yunit para sa gawaing ito—mula sa pagkilala sa iba't ibang uri ng
teksto hanggang sa mga kasanayan sa akademikong pagbasa. Sa ating paghahanda,
maraming iba't ibang akda ang ipababasa ng ating guro. Nariyan ang mga sanaysay tulad
ng siping ito:

Ayon kay Marshall Macluhan (1960), malilikha ang isang “Global Village” dahil sa sabay-sabay
na paggamit ng tao ng mass media. Kabilang na rito ang radyo. Kumpara sa iba’t ibang uri ng
media, ang radyo ang may pinakamaraming naaabot na tagapakinig. Ito ay dahil sa naihahatid
kaagad ang balita mula sa aktuwal na pinangyayarihan nito (Fortunato, 2001). Bukod rito, ang
radyo ay isang aktibong midyum dahil ang mga kontobersiyal at mahahalagang pangyayari
bawat oras ay kaagad na naipapahayag. Dahil ganito ang kalikasan ng pagbabalita sa radyo,
kailangang makisangkot ang mga tagapakinig. Kailangan nilang buuin sa kanilang isipan ang
larawan ng mismong tagpuan ng balita. Ngunit higit sa pagbabalita, mayroong tungkulin ang
media sa kaniyang mga tagapakinig. Responsibilidad ng midyum na ito ang pagbibigay ng
balita sa daigdig. Tungkulin nito ang magbigay ng tamang pagsusuri sa identidad at mga
ugnayang panlipunan.

Tiyak akong naunawaan ninyo ang mensahe nito. Maaaring makagagawa ka pa ng


malinaw na grapikong pantulong upang mapadali ang paglagom at paggawa ng
kongklusyon nito.

4
Copyright © 2018 Quipper Limited
Paano nga ba natin mabisang maaalala ang impormasyong tulad nito?
Paano pa natin magagamit ang ganitong datos sa hinaharap?
Paano ba ito magkakaroon ng kabuluhan sa ating sariling buhay?

Sa ating pagbabasa, bago tayo magsarado ng aklat, at bumuklat ng bagong pahina,


subukan muna nating buhayin ang mensahe nito sa pag-uugnay ng teksto sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daigdig.

Subukan Natin
Magbigay ng maikling paliwanag kung paano nakaapekto ang sumusunod sa
pagtatamo ng edukasyon. Isulat sa katapat na kahon ang kaugnay na paliwanag.

Sarili

Pamilya

Komunidad

Bansa

Daigdig

5
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pag-aralan Natin

Nakagagawa tayo ng mga koneksiyon sa Alamin Natin


pagitan ng teksto at sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig kapag ginagamit Tandaan at gawing gabay ang
natin ang ating iskema. Matatandaan mula sa kahulugan ng sumusunod na
unang yunit na ang iskema ay kolektibong salita:
kaalaman o karanasang nakaimbak sa ating • makabuluhan - mayroong
isipan. saysay o kahalagahan
• koneksiyon - kaugnayan
Sa tuwing ina-activate natin ang ating iskema • pagbabalita - pagpaparating o
ay gumagawa tayo ng ugnayan sa ating pag-uulat ng balita
binabasang akda. Hindi na ito pawang salita • todo - sagad; lahat
para sa atin, kundi nagiging makabuluhan
itong kaalaman. May mga pahayag tayong
nababanggit habang binabasa natin ang akda, gaya ng ilang halimbawang ito:

"Ang tulang ito ay nakatulong sa aking maka-move-on.."

"Ah! ito pala ang saysay ng math at istadistika para sa


negosyo ni Tatay!"

"Mahalagang malaman ng mga tao ang mga terminong


ginagamit ng mga meteorologist upang maiwasan ulit
ang hindi magagandang epekto ng Ondoy at Yolanda."

May mga tekstong madaling kakitaan ng kaugnayan sa ating buhay, ngunit mayroon din
namang mahirap hanapan ng koneksiyon. Sa tuwing kailangan nating hanapan ng
kaugnayan ang isang akda, tandaan natin ang sumusunod na hakbang:

• Una, itala ang mahahalaga at interesanteng detalye ng tekstong binasa.


• Pangalawa, hanapan ang mga ito ng koneksiyon sa sariling karanasan.
• Pangatlo, sagutin ang mga gabay na tanong.
• Panghuli, isaayos ang lahat ng detalye upang bumuo ng malinaw na lagom at
kongklusyon ng tekstong binasa.
6
Copyright © 2018 Quipper Limited
Balikan natin ang binasang sipi ng pananaliksik at ilapat ang mga hakbang:

Ito ay isang tekstong impormatibo.

Ang paksa nito ay tungkol sa


epekto at responsibilidad ng
pagbabalita sa radyo. Sinasabi sa
talata na ang pagbabalita sa
radyo ang may pinakamaraming
tagapakinig sa lahat ng mga uri ng
mass media. Mabilis na
dumarating ang balita at maaari
pang sa oras ng mismong
pangyayari ay naibabalita na ang nagaganap. Ito ay isang midyum na kailangan ng
pagtakbo ng imahinasyon ng mga consumer dahil pawang tunog at salita lang ang
lumalabas dito. Dahil sa mga salik na ito, tungkulin ng midyum ng radyo ang magbigay ng
tamang representasyon ng balita, mga identidad, at ugnayang panlipunan sa kaniyang
mga tagapakinig.

May radyo rin kayo sa bahay diba? O kahit sa iyong cellphone ay mayroon din.
Makapakikinig ka ng mga balita kahit saan ka pumunta.

Kung hanggang dito na lamang


ang nagawa nating pag-uugnay sa
teksto, maaari pa nating i-activate
nang todo ang ating iskema.

Kaugnayan ng Teksto sa Sarili, Pamilya, Komunidad, Bansa, at Daigdig


Siguradong may kaalaman pa tayo tungkol sa kung paanong binabago ng radyo ang
pagbabalita. Nasa pagsagot ng sumusunod ang pagtuklas sa taglay nating iskema:

7
Copyright © 2018 Quipper Limited
1. Ano-ano ang pagkakaiba ng teksto sa
karanasan mo, sa karanasan ng iyong
pamilya, sa karanasan ng iyong komunidad,
sa bansa, at sa buong daigdig?

2 Ano-ano ang ipinapaalala ng teksto sa


iyong sarili, pamilya, komunidad, bansa, at
daigdig?

3. Ano-ano ang pagkakatulad ng teksto sa


karanasan mo, sa karanasan ng iyong
pamilya, sa karanasan ng iyong komunidad,
sa bansa, at sa buong daigdig?

Upang gawing makabuluhan ang sanaysay, maaring ganito ang ating sagot sa unang
patnubay na tanong:

Lahat ay mayroong access sa radyo, pero


dahil may telebisyon at Internet sa aking
cellphone, mas pipiliin kong alamin ang
balita gamit ang mga uri ng media na ito.
Marahil, ganito rin ang kaso para sa aking
pamilya na kahit na binubuksan ang radyo sa
umaga, at pinakikinggan ito habang
bumibiyahe patungong trabaho ay mas
pipiliing panuorin ang balita sa telebisyon at
basahin ito habang nagba-browse sa
Internet.

Ano-ano ang ipinapaalala ng teksto sa aking sarili at daigdig?

Pamilyar ako sa kung paanong kailangang paandarin ang imahinasyon kapag nakikinig sa
kuwentuhan o pagbabalita ng mga kaibigan. Kailangan tuloy maging maingat ang tagakuwento
dahil puwedeng bukas sa interpretasyon ang kanilang sinasabi at maaaring hindi ito
maunawaan nang tama. Ganoon din sa pagbabalita. Dapat talaga maging responsable sa
pamamahayag. Ito ang dahilan kung bakit malaki ang tungkulin ng mga broadcaster sa radyo.
8
Copyright © 2018 Quipper Limited
Ang broadcasting sa buong mundo ay
buhay na buhay. Radyo na siguro,
kumpara sa cellphone, computer, at
telebisyon, ang pinakamurang
elektronikong commodity na
mapagkukuhanan ng balita. Totoo ang
suri sa sanaysay na marami ang
tumatangkilik nito. At dahil dito,
masasabi talagang mabigat ang
responsibilidad ng mga broadcaster na
gawing tama ang kanilang pagbabalita
sa lahat ng panahon.

Ano-ano ang pagkakatulad ng teksto sa karanasan ng aking komunidad at sa bansa?

Nakatutuwa ang pagkakaroon ng mga


community radio shows. Matatagpuan ang
mga ito sa loob ng campus. Marahil, meron
din sa inyong eskuwelahan. Ang mga ito ay
training ground hindi lang para mapabuti ang
tiwala sa sarili ng mga baguhan na
mamamahayag at magkaroon sila ng
karanasan. Ito rin ay bilang pagsasanay para
sa responsableng pamamahayag.

Pagdating sa Pilipinas, tinitingala ang mga


broadcaster ng radyo. Maririnig sila sa mga
jeep, taxi, at mga lugar na ating pinupuntahan
araw-araw. Siguro, kahit walang telebisyon ay patuloy na magkakaroon ng kaalaman sa mga
nangyayari sa paligid ang lahat ng tao dahil sa tulong ng radyo. Nangyari pa ngang noong
panahon ng batas militar, sa sobrang importante nito ay nagbobroadcast nang patago ang
ilan, at nagpatuloy pa rin ang mga estasyong gaya ng Radyo Veritas, upang magpahayag ng
saloobin ng mga nasa oposisyon. Sa tulong ng broadcasting, napaalab ang mitsa ng People
Power. Ito ang taglay na kapangyarihan ng pagbabalita gamit ang radyo bilang midyum.

9
Copyright © 2018 Quipper Limited
Bilang panghuling hakbang, susubukan nating lagumin at bigyang kongklusyon ang ating
mga sagot:

Communal ang karanasan ng pakikinig ng balita. Puwedeng mag-isa ka habang nakikinig nito,
pero pag-uusapan at pag-uusapan ito kasama ng iyong mga kapamilya, at kakomunidad.
Ganuon din kalakas ang kapangyarihan ng pamamahayag sa radyo upang mapagbuklod ang
mga tao. Ang radyo para sa buong mundo ang pangunahing pinagkukuhanan ng balita. Dahil
dito, marami ng pangyayari ang nagdulot ng pagbabago sa kasaysayan tulad ng People Power
sa Pilipinas.

Mahalaga ang pagiging wasto ng pagbabalita, pero mas mahalaga pa rin ang tamang
pagproseso ng mga balita. Gamit ang tama at totoong impormasyon, nasa sa ating masusing
imbestigasyon at pagpapasya ang pagbabago ng kasaysayan.

Matapos nating malaman kung ano ang papel ng iskema sa pag-ugnay ng teksto sa ating
sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig, ating babalikan ang mahahalagang punto
nito.

Gumagawa tayo ng mga ugnayan sa kahit anong uri ng teksto upang maging makabuluhan
ang mensahe nito sa ating buhay. Magiging mabisa ang paggawa natin ng mga ugnayan
kung ia-activate o gagamitin natin ang ating iskema.

10
Copyright © 2018 Quipper Limited
Maaari nating itala ang
mahahalagang detalye ng isang
akda at gawan ito ng kaugnayan
sa ating buhay. Pero kung
naubusan na tayo ng koneksiyon,
maaaring tanungin natin kung
paanong naiiba, pamilyar, at
maitutulad ang teksto sa ating
sarili, sa ating pamilya, sa ating
komunidad, sa ating bansa, at sa
buong daigdig.

Ngayon, tayo ay hinahamong magbasa ng kahit anong uri ng teksto mula sa iba’t ibang
larangan, at makita na buhay ang mensahe nito para kaninuman.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang iskema?
2. Ano ang nangyayari kapag ginagamit ang iskema habang nagbabasa?
3. Ano ang huling hakbang sa pag-uugnay ng tekstong nabasa sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig?

Pag-isipan Natin
Ano ang papel ng ating iskema sa paggawa ng mga kaugnayan ng isang bagay sa ating
sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig?

11
Copyright © 2018 Quipper Limited
Gawin Natin
Magsaliksik ng isang teksto na tumatalakay sa modernisasyon ng pampublikong
transportasyon sa Pilipinas. Gupitin o i-print ito at ipasa kasama ng gawain sa ibaba.
Sagutin ang sumusunod na tanong:

Paksa: Modernisasyon ng Pampublikong Transportasyon

1. Ano-ano ang
pagkakaiba ng teksto sa
karanasan mo, sa
karanasan ng iyong
pamilya, sa karanasan ng
iyong komunidad, sa
bansa, at sa buong
daigdig?
2 Ano-ano ang
ipinapaalala ng teksto sa
iyong sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at
daigdig?

3. Ano-ano ang
pagkakatulad ng teksto sa
karanasan mo, sa
karanasan ng iyong
pamilya, sa karanasan ng
iyong komunidad, sa
bansa, at sa buong
daigdig?

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:


12
Copyright © 2018 Quipper Limited
[25%]
[50%] [100%]
Pamantaya Mas Mababa [75%] Mark
Kailangan pa Napakahusa
n kaysa Magaling a
ng Pagsasanay y
Inaasahan
Nilalaman Wala o may Sinikap na Mahusay ang Napakahusay
kaunting masagot ang mga sagot, ng mga sagot;
pagsisikap na ang mga bagaman tiyak na tiyak
masagot ang tanong, subalit may ilang na natuto sa
mga tanong; mali ang mali sa mga aralin
napakalabo ng pagkakalahad; bahagi;
nilalaman ng kailangan pang natuto sa
mga sagot; magsanay para aralin
tila walang sa tamang pag-
natutuhan sa unawa
aralin
Kaayusan Walang Kailangang Maayos at Napakaayos
at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang at napakalinis
napakadumi maging maayos output; may ng ipinasang
ng output; at malinis sa ilang nakitang output;
napakaraming paggawa; bura, dumi, o walang
nakitang bura, maraming pagkakamali nakitang
dumi, o nakitang bura, bura, dumi, o
pagkakamali dumi, o pagkakamali
pagkakamali
Panahon Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa
ng ng output sa ng output sa ng output sa ng output
Paggawa loob ng ilang loob ng ilang itinakdang bago pa ang
panahon panahon panahon ng itinakdang
matapos ang matapos ang pagpapasa panahon ng
itinakdang itinakdang pagpapasa
pasahan dahil pasahan
ipinaalala ng
guro
KABUUAN

13
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 2
Tekstong Pansiyentipiko

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy ang
kalikasan ng tekstong pansiyentipiko, at makagagawa ng makabuluhang ugnayan
dito.

Silid-Aralan Pang-Agham

Tinalakay sa nakaraang aralin ang mga hakbang sa pag-uugnay ng teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig. Pag-aaralan naman ngayon ang isang uri ng tekstong
mapakikinabangan natin sa gagawing pananaliksik. Ito ang tekstong pansiyentipiko.

Ano ang tekstong pansiyentipiko?

Ano-ano ang katangian nito?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!


14
Copyright © 2018 Quipper Limited
Subukan Natin
Umisip ng isang naimbentong teknolohiya na lubhang nagpaunlad at nagpaginhawa
sa buhay ng mga tao. Ilahad ito sa loob ng kahon sa ibaba. Gumupit din ng larawan
nito at isama sa loob ng kahon.

15
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pag-aralan Natin

Naalala mo ba na sa bawat baitang ng iyong Alamin Natin


pag-aaral ay may science project? Masayang
gawin ang mga ito lalo na kung ikaw ang
Tandaan at gawing gabay ang
pumipili ng eksperimento. Tapos ay ipapakita
kahulugan ng sumusunod na salita:
ito sa harap ng klase at sa huli, bago bumalik
• baitang - grado; antas
sa upuan ay ipapasa ang report o ulat na
ginawa. • tanyag - sikat; kilalang kilala
• layunin - tunguhin; motibo;
Ang bawat ulat na iyong ipinasa ay walang adhikain
ipinagkaiba sa naililimbag na mga artikulo sa • komunsulta - sumangguni;
mga tanyag na science magazine. Pagdating humingi ng gabay
sa layunin, pareho ang mga ito na
• maisalin - mailipat
dokumentasyon ng mga isinagawang
proseso at paglalahad ng kinalabasan ng
eksperimentasyon o paggawa ng imbensiyon. Ang mga ito ay tekstong pansiyentipiko.

Ang tekstong pansiyentipiko ay akdang naglalaman ng pag-aaral o pananaliksik na


nakatuon sa mga disiplinang nasa larangan ng siyensiya at teknolohiya.

Ang layunin ng siyensiya ay


mangalap at magpatibay ng mga
datos upang makabuo ng teorya
tungkol sa materyal na mundo.
Ang teknolohiya naman ay ang
paggamit ng mga datos at
teoryang nanggaling sa siyensiya
upang makalikha ng mga
imbensiyon.

May iba’t ibang disiplina sa larangan ng siyensiya at teknolohiya. Kung gayon, maraming
maipapaksa ang tekstong pansiyentipiko tungkol sa medisina, Information Technology,
istadistika, at iba pa.

16
Copyright © 2018 Quipper Limited
Hindi lang ang mga balita tungkol sa
mga sangay ng siyensiya, teknolohiya,
at matematika ang mababasa sa mga
tekstong pansiyentipiko. Malalaman
din dito ang developments o pag-aaral
sa bagong tuklas na mga bagay, hayop,
o elemento, at mga ulat na naglalahad
ng proseso at kinalalabasan ng mga
imbensiyon at eksperimento.

Pormal ang mga salitang ginagamit sa


isang tekstong pansiyentipko. Obhetibo
ang wika at pananaw na ginagamit dito.
Makababasa rin tayo ng mga jargon mula
sa disiplinang pinapaksa nito kaya may
pagkakataon na kailangan din nating
kumonsulta sa diksiyunaryo.

Mababasa ang mga tekstong


pansiyentipiko sa mga science
magazine, textbook, o babasahin
sa komperensiya. Ito ang mga
teknikal na pag-uulat, laboratory
report, at pananaliksik.

Ngayong alam na natin ang mga katangian, paksa, at halimbawa ng tekstong


pansiyentipiko, ating subukang bigyang kabuluhan ito sa pamamagitan ng paggawa ng
mga ugnayan ng teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigidig.

Basahin natin ang sipi ng isa pang pananalliksik:

Ang sakit na dala ng Zika virus ay naisasalin sa pagkagat ng lamok na Aedes aegypti. Ang mga
ito ay madalas na nangangagat tuwing umaga, at pagabi na. Ang mga lamok na ito ang siya
ring nagsasalin ng sakit na dengue, chikungunya, at yellow fever. Posible ring maisalin ang
17
Copyright © 2018 Quipper Limited
virus na ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Ang pangunahing sintomas ng sakit na dulot ng
Zika virus ay lagnat, rashes sa balat, conjunctivitis o sore eyes, at pananakit ng katawan at ulo.
Malalaman kung may Zika virus ang isang pasyente kung siya ay naglakbay o nanggaling sa
mga lugar kung saan aktibo ang transmisyon nito. Wala pang gamot at bakuna laban sa sakit
na dala ng Zika virus. Ngunit, inaasahang ang pasyente ay gagaling sa loob ng dalawa
hanggang pitong araw na pagpapahinga, pag-inom ng maraming tubig, at pag-inom ng gamot
laban sa pananakit ng katawan at sa lagnat.

Isa itong halimbawa ng tekstong pansiyentipiko dahil pumapaksa ito sa transmisyon, mga
sintomas, at paggamot ng sakit na dala ng Zika virus. Nakapaloob ang impormasyong ito sa
larangan ng medisina. Ang wika ng talatang ito ay pormal, direkta sa punto, at naglalaman
ng mga katunayan o facts. Isa itong halimbawa ng pananaliksik.

Maaaring tayo man ay hindi pa


nagkakasakit na hatid ng Zika
virus, ngunit ang tekstong
pansiyentipikong ito ay
makabuluhan para sa ating
lahat. At magiging lalong
makabuluhan ang mensahe nito
kung gagawan natin ito ng mga
ugnayan gamit ang ating iskema
o dating kaalaman.

Kaugnayan ng Teksto sa Sarili,


Pamilya, Komunidad, Bansa, at
Daigdig
Sa tulong ng mga gabay na tanong sa
kung paanong naiiba, paanong pamilyar,
at paanong maitutulad ang teksto sa
sarili, pamilya, komunidad, bansa, at sa
buong daigdig, mahahanapan natin ng
kabuluhan ang talata tungkol sa sakit na
dala ng Zika Virus.

18
Copyright © 2018 Quipper Limited
Ano-ano ang pagkakaiba ng ating binasang tekstong pansiyentipiko sa aking sarili, at sa
aking pamilya?

Masasabi kong hindi pa ako nagkakasakit na hatid ng Zika virus.


Nagpapasalamat din ako at hindi pa nakararanas nito ang aking pamilya.

Ano-ano ang ipinapaalala ng


pananaliksik sa aking sarili, at sa
daigdig?

Alam ko kung gaano kahirap


magkaroon ng sakit. Hindi man
parehong-pareho ang sintomas nito
sa dengue, katulad nito ay wala
pang ganap na gamot dito at hindi
pa rin naman abot ng karamihan
ang bakuna nito. Marami-rami na
rin akong kilalang nagkasakit ng
dengue. Ang mga sakit na katulad
na dala ng Zika virus ay nakakaalarma at nangangailangan ng matinding pagtutok at pag-
alaga.

Pamilyar ako sa nakaaalarmang kaso


ng Zika virus sa Latin America. Nakakita
ako ng mga litrato ng mga sanggol na
sinilang na may microcephaly nang
dahil may Zika virus ang kanilang ina.
Nakakaawa ang mga kasong ito lalo
na’t hindi lang sa isang komunidad ito
nangyari, kung hindi rin sa maraming
bansa sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Ano-ano ang pagkakatulad ng teksto


sa karanasan ng aking komunidad, at
sa bansa?

19
Copyright © 2018 Quipper Limited
Hindi pa man nagkasakit na hatid ng Zika virus ang sinuman sa aming komunidad, pero,
marami ang nag-alala na baka ito dumating sa aming lugar. Nang dahil sa balitang mga
sintomas, at wala pang gamot para rito, mauunawaan mong natatakot ang ilang mga tao.
Ibang klase rin talaga tumugon ang mga tao pagdating sa sakit. Naroon ang mabahala
lamang, ngunit meron ding natatakot. At habang walang gamot at bakuna para rito, lahat ng
paran upang maiwasan ito ay makatutulong para sa komunidad tulad ng sa amin.

Hindi bago para sa mga Pilipino ang mga sakit na dala ng kagat ng lamok. Nariyan ang dengue,
typhoid, at yellow fever. Bilang isang tropikal na bansa na katulad ng mga nasa Latin America,
mabilis na dumami ang mga lamok na nagdadala ng sakit sa maraming lugar sa bansa.
Nakalulungkot na vulnerable tayo sa sakit na dala ng Zika virus, pero dahil marami na tayong
karanasan sa mga sakit na dala ng kagat ng lamok, maalam na rin tayo kung paano iiwasan
ito.

Ngayong natuklasan nating makabuluhan ang tekstong ito sa ating buhay, mainam na
bumuo tayo ng lagom at kongklusyon para dito:

Matapos nating malaman kung ano ang pansiyentipikong teksto, ang mga katangian,
paksa, halimbawa, at mga hakbang upang magawan ito ng kaugnayan sa ating buhay,
balikan natin ang mahahalagang punto nito.

Hindi lang kapupulutan ng kabuluhan ang mga teorya at imbensyon ng siyensiya at


teknolohiya. Mayroon ding ambag na tekstong pansiyentipiko ang mga larangang ito na
siyang nagbibigay ng mga pormal at obhetibong ulat, balita, at pag-aaral. At ang mga ito

20
Copyright © 2018 Quipper Limited
ang magsisilbing lunsaran para sa marami pang pagtuklas, eksperimento, at
imbensiyon na nakapagpapaunlad ng ating pang araw-araw na buhay.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang tekstong pansiyentipiko?
2. Ano ang katangian ng mga salitang ginagamit sa mga tekstong pansiyentipiko?
3. Ano ang mga ambag ng mga tekstong pansiyentipiko sa buhay ng tao?

Pag-isipan Natin
Paano natin maiuugnay ang tekstong pansiyentipiko sa ating sarili, sa ating pamilya, sa
ating komunidad, bansa, at daigdig upang magkaroon ito ng kabuluhan sa ating buhay?

Gawin Natin
Magsaliksik ng isang tekstong pansiyentipiko na nakatuon sa mga ginawang pag-aaral sa
mga pangunahing sanhi ng pag-ikli ng buhay ng mga tao (lifespan) sa mundo. Ilahad ang
kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig gamit ang tsart sa ibaba
bilang gabay.

Paksa: Mga Sanhi ng Pag-ikli ng Buhay ng mga Tao sa Mundo

Kaugnayan sa sarili at
pamilya
Kaugnayan sa pamilya

Kaugnayan sa komunidad

21
Copyright © 2018 Quipper Limited
Kaugnayan sa bansa o
daigdig

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:


[25%] [50%]
Mas Mababa Kailangan pa [75%] [100%]
Pamantayan Marka
kaysa ng Magaling Napakahusay
Inaasahan Pagsasanay
Nilalaman Wala o may Sinikap na Mahusay ang Napakahusay
kaunting masagutan ang pagsagot sa ng
pagsisikap na tsart, subalit tsart; bagaman pagkakasagot
masagot ang mali ang may ilang mali ng tsart; tama
hinihingi; pagkakalahad; sa mga bahagi, ang
napakalabo ng kailangan pang masasabing pagkakasagot;
pagsagot; tila magsanay para halos tama ang tiyak na tiyak
walang sa tamang pag- pagkakasagot; na natuto sa
natutunan sa unawa natuto sa aralin
aralin aralin
Kaayusan at Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at
Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng
napakadumi maging output; may ipinasang
ng output; maayos at ilang nakitang output; walang
napakaraming malinis sa bura, dumi, o nakitang bura,
nakitang bura, paggawa; pagkakamali dumi, o
dumi, o maraming pagkakamali
pagkakamali nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa
Paggawa ng output sa ng output sa ng output sa ng output bago
loob ng ilang loob ng ilang itinakdang pa ang
panahon panahon panahon ng itinakdang
matapos ang matapos ang pagpapasa panahon ng
itinakdang itinakdang pagpapasa
pasahan dahil pasahan
22
Copyright © 2018 Quipper Limited
ipinaalala ng
guro
KABUUAN
Aralin 3
Tekstong Panghumanidades

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy ang
kalikasan ng tekstong panghumanidades, at makagagawa ka ng mga makabuluhang
ugnayan dito.

Ang larangan ng panitikan, pilosopiya, at sining ang mga pag-aaral na siyang nagtuturo sa
atin kung ano ang kahulugan at kabuluhan ng buhay. Ipinoproseso nito sa iba't ibang uri
ng sining ang ating mga emosyon. Ang mga kuha ng camera, pinta, pagtugtog ng gitara ay
mga aktibidad na hindi naman kailangan ng papel at panulat ay nagsimula sa mga salita.
Ang mga ito ay may mga kasanayang kailangang ituro, at pag-ibayuhin. Mayroon din itong
mga liriko na kailangang itala. Ang mga likha ng panitikan, pilosopiya, at sining ay mayroon
ding produktong tekstong panghumanidades. Ito ang tatalakayin natin sa araling ito.

23
Copyright © 2018 Quipper Limited
Ano ang tekstong panghumanidades?

Ano-ano ang katangian ng tekstong panghumanidades?

Subukan Natin
Magtala ng mga kilalang personalidad sa bansa sa sumusunod na larangan ng
humanidades.

1. Panitikan

2. Pilosopiya

3. Teatro

4. Pagpipinta

5. Iskultura

6. Arkitektura

7. Pelikula

8. Musika

24
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pag-aralan Natin
Alamin Natin
Ang humanidades ay larangan ng pag-aaral na
nakatuon sa kung paanong ipinoproseso ng
Tandaan at gawing gabay ang
tao ang kaniyang karanasan sa mundo, sa iba't
kahulugan ng sumusunod na salita:
ibang anyo at iba't ibang midyum.
• repleksyon - salamin;
humahalintulad
Kahulugan ng Tekstong • disiplina - larangan ng pag-aaral
Panghumanidades • subhetibo - kasalungat ng
Ang tekstong panghumanidades ay mga obhetibo; hindi partikular;
akdang naglalaman ng repleksyon at maaaring magbigay ng opinyon
interpretasyon ng buhay ng tao gamit ang iba't • polyeto - maliit na papel na may
ibang sining at pagpapahayag. Makababasa ka nakasulat na impormasyon o
ng tekstong panghumanidades mula sa mga salaysay
disiplina ng malikhaing pagsulat, relihiyon, • punto-de-bista - mula sa
pelikula, musika, pagpipinta, at iba pa. pansariling pananaw

Maaaring subhetibo ang wika nito o hindi


pormal dahil malayang magpahayag ng
kaisipan ang tekstong panghumanidades.

Maaaring gumamit ng matatalinghagang


pananalita sa larangan ng humanidades lalo
na sa disiplina ng sining at panitikan.

Maliban na lamang kung naisaad, ang mga


teksto sa larangan ng humanidades ay bukas
sa interpretasyon

Mga Uri ng Tekstong Panghumanidades


May tatlong uri ng tekstong panghumanidades. Maaaring ito ay impormasyunal,
imahinatibo, at pangungumbinse.

25
Copyright © 2018 Quipper Limited
Impormasyunal ang tekstong
panghumanidades kung tumatalakay
ito ng facts o mga katunayan.
Halimbawa nito ay talambuhay,
textbook tungkol sa mga konsepto ng
pilosopiya, at polyeto na
nagsasalaysay sa kasaysayan ng isang
likhang sining.

Imahinatibo naman ang tawag sa mga


malikhaing akda at maging kritisismo
nito. Halimbawa nito ay ang liriko ng
awit, iskrip ng pelikula at dula, at maikling kuwento.

Pangungumbinse naman ang uri ng pagpapahayag na nagpapaniwalang suportahan o


hindi ang isang akdang pansining o kaisipang pampilosopiya. Halimbawa nito ay ang mga
kritisismong pampanitikan, diskusyon tungkol sa relihiyon, at rebyung pampelikula.

Ngayong alam na natin ang mga katangian, uri, at halimbawa ng tekstong


panghumanidades, ating subukang bigyang kabuluhan ito sa pamamagitan ng paggawa ng
mga ugnayan ng teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig.

Basahin ang halimbawang teksto:

Masasabi nating ito ay isang impormasyunal na uri ng tekstong panghumanidades.


Tumatalakay ito sa papel ng mga kasangkot sa proseso ng paglikha ng sining. Ito raw ay
bumubunga ng aesthetic pleasure. Hindi man nito kinailangan ng matatalinghagang salita,
tunog personal at impormal pa rin ito lalo na at gumamit ito ng mga Ingles na salita kahit
pa may salin ang mga ito sa Filipino. 26
Copyright © 2018 Quipper Limited
Tayo ay maaring naging spectator na ng isang likhang sining tulad ng pelikula, konsiyerto,
at dula. Puwedeng tayo mismo ang nagsulat, at nagtanghal ng mga ito. Higit nating
makikita ang kabuluhan at mensahe nito kung gagawan pa natin ito ng mga ugnayan
gamit ang ating iskema o dating kaalaman.

Kaugnayan ng Teksto sa Sarili, Pamilya, Komunidad, Bansa, at Daigdig


Sa tulong ng mga gabay na tanong sa kung
paanong naiiba, paanong pamilyar, at paanong
maitutulad ang teksto sa sarili, sa ating pamilya,
sa ating komunidad, sa bansa, at sa buong
daigdig, mahahanapan natin ng kabuluhan ang
ating nabasang talata.

Ano-ano ang pagkakaiba nitong teksto sa aking


sarili, at sa aking pamilya?

Maaaring ang maging sagot ay:

Masasabi kong hindi pa ako nagiging manunulat o artista ng isang dula, konsiyerto, o pelikula.
Para sa koneksiyon ng tekstong ito sa aking pamilya, wala rin sa kanila ang nakaranas ng mga
ito.

Ano-ano ang ipinapaalala ng teksto sa aking


sarili, at daigdig?

Maaaring ang maging sagot ay:

Nakapanunuod ako ng mga pagtatanghal sa


teatro, at nakikita ko sa mga artista kung gaano
sila kasaya habang at pagkatapos ng isang
pagtatanghal. Mukhang totoo nga ang sinasabi
ng talata na mayroong aesthetic pleasure sa
proseso ng paglikha ng sining.

27
Copyright © 2018 Quipper Limited
At kung tutuusin, hindi lamang ito totoo para sa aking napanuod, kundi para sa lahat ng mga
nagtatanghal sa buong mundo. May mga nabasa na akong pananaliksik na ang mga artista, at
manunulat ay sunod-sunod kung magtanghal, o sunod-sunod kung maglabas ng mga iskrip o
aklat. Ito ay dahil sa ganadong-ganado sila sa pagtanghal at pagsulat dala ng aesthetic
pleasure na hatid ng sining.

Ano-ano ang pagkakatulad ng teksto sa karanasan ng aking komunidad, at sa bansa?

Maaaring ang maging sagot ay:

Marami na tayong karanasan bilang komunidad ng mga spectator. Kapag nakapanuod tayo ng
isang magandang pelikula, konsiyerto, o dula ay hindi tayo tumitigil sa kuwentuhan tungkol
dito. Minsan ay nanghihikayat pa talaga tayo na sama-samang manuod ulit. Dahil ito sa
gustong-gusto nating maibahagi ang ating karanasan at maiparanas kahit papaano ang
aesthetic pleasure ng sining sa iba pang tao, sa iba pang komunidad.

Maiuugnay ang mensahe ng talata sa


pangkalahatang karanasan ng mga
Pilipino. Likas kasi tayong mga performer.
Kahit sa mga simpleng handaan ay hindi
nawawalan ng musika. Lalo pang makikita
ito sa propesyunal na eksena sa dami ng
mga artistang nagpasikat sa ating bansa
tulad ni Lea Salonga at iba pang mga
mang-aawit at musikero sa Broadway.
Marami ring mga OFW na ang trabaho ay
ang magtanghal. Sigurado akong hindi nila
ginagawa ito dahil lamang sa pera. Sila ay
naging mga artista dahil sa aesthetic
pleasure ng paglikha.

28
Copyright © 2018 Quipper Limited
Ngayong natuklasan nating makabuluhan ang teksto sa ating buhay, mainam na bumuo
tayo ng lagom at kongklusyon para rito:

May aesthetic pleasure sa karanasan ng pagiging artist, performer, at spectator. Hindi man ako,
ni ang aking pamilya, naranasang magsulat o magperform ay kitang-kita kung gaano kabuhay
ang kalakaran ng sining sa loob ng mga komunidad sa lahat ng panig ng mundo. Totoo ito para
sa Pilipinas dahil sa patuloy na pag-usbong ng mga Pilipinong performer sa loob at labas ng
bansa. Bilang indibiduwal namang spectator, naranasan ko ang tuwa habang at pagkatapos
manuod. Napag-isipan ko tuloy kung gaanong nakasalalay ang ating kaligayahan sa kalakaran
ng mga manunulat, at mga nagtatanghal. Marahil, ang kanilang paglikha ng sining ang isa sa
malalaking dahilan kung bakit tayo natutong magpahalaga sa ating mga emosyon, at sa
kagandahan ng buhay.

Matapos nating malaman kung ano ang tekstong panghumanidades, ang mga uri,
halimbawa, katangian, at ang mga hakbang upang magawan ito ng kaugnayan sa ating
buhay, balikan natin ang mahahalagang punto nito.

Ang tekstong panghumanidades ay ang impormasyunal, imahinatibo, at


nangungumbinseng mga polyeto, akdang piksyon, at rebyu na naglalahad ng repleksyon at
interpretasyon ng buhay mula sa personal at matalinghagang punto-de-bista ng mga
manunulat, pilosopo, at artista. Ang mga ito ay akdang bukas sa interpretasyon at dala ng
aesthetic pleasure ay yumayabong nang yumayabong ang kalakaran nito.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang tekstong panghumanidades?
2. Ano ang impormasyunal na tekstong panghumanidades?
3. Paano mailalarawan ang wika at pananalitang gamit sa mga tekstong
panghumanidades?

29
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pag-isipan Natin
Paano natin maiuugnay ang tekstong panghumanidades sa ating sarili, sa ating pamilya, sa
ating komunidad, bansa, at daigdig upang magkaroon ito ng kabuluhan sa ating buhay?

Gawin Natin
Humanap ng tekstong panghumanidades para sa bawat uri nito (impormasyunal,
imahinatibo, at pangungumbinse). Gupitin at i-print ito at ipasa kasama ng gawain sa
ibaba. Tukuyin ang mga pahayag na nagpapatunay ng uri ng tekstong panghumanidades.
Gawing gabay ang tsart sa ibaba.

Mga Tekstong Panghumanidades

Uri Paksa Ilang Pahayag

Impormasyunal

Imahinatibo

Pangungumbinse

30
Copyright © 2018 Quipper Limited
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay.
[25%]
[50%]
Mas Mababa [75%] [100%]
Pamantayan Kailangan pa Marka
kaysa Magaling Napakahusay
ng Pagsasanay
Inaasahan
Nilalaman Wala o may Sinikap na Mahusay ang Napakahusay
kaunting masagutan ang ang mga sagot ng mga sagot;
pagsisikap na tsart, subalit bagaman may tiyak na tiyak
masagot ang mali ang ilang mali sa na natuto sa
hinihingi; pagkakalahad; mga bahagi; aralin
napakalabo ng kailangan pang natuto sa aralin
pagsagot; tila magsanay para
walang sa tamang pag-
natutunan sa unawa
aralin
Kaayusan at Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at
Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng
napakadumi ng maging maayos output; may ipinasang
output; at malinis sa ilang nakitang output; walang
napakaraming paggawa; bura, dumi, o nakitang bura,
nakitang bura, maraming pagkakamali dumi, o
dumi, o nakitang bura, pagkakamali
pagkakamali dumi, o
pagkakamali
Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa
Paggawa ng output sa ng output sa ng output sa ng output bago
loob ng ilang loob ng ilang itinakdang pa ang
panahon panahon panahon ng itinakdang
matapos ang matapos ang pagpapasa panahon ng
itinakdang itinakdang pagpapasa
pasahan dahil pasahan
ipinaalala ng
guro
KABUUAN

31
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 4
Tekstong Pang-agham Panlipunan

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy ang
kalikasan ng tekstong pang-agham panlipunan, at nakagagawa ng mga
makabuluhang ugnayan dito.

Sa tuwing napapatanong ka kung bakit tumataas ang presyo ng pamasahe, sa tuwing


walang pasok at gusto mong malaman kung bakit may non-working public holiday, at sa
tuwing nagtatalakayan kung paano masosolusyonan ang trapiko at iba pang problema ng
bansa, nakikiisa ka sa mga usapin ng social sciences o agham panlipunan.

Para sa bawat usaping tinatalakay sa agham panlipunan mayroon at mayroong papel na


nasusulat tungkol dito. At ang papel na nababasa sa pahayagan, sa textbook, at sa mga
magasin ay tinatawag na tekstong pang-agham panlipunan.

Ano ang tekstong pang-agham panlipunan?


Ano-ano ang katangian nito?

Alamin ang mga sagot sa araling ito.


32
Copyright © 2018 Quipper Limited
Subukan Natin

Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang sumusunod na pahayag tungkol agham-
panlipunan.

____________________ 1. Ang agham panlipunan ay larangan na nakatuon sa pag-aasal

ng mga pangkat ng tao o sibilisasyon.

____________________ 2. Para sa bawat usaping tinatalakay sa agham panlipunan

mayroon at mayroong papel na nasusulat tungkol dito.

____________________ 3. Ang tekstong pang-agham panlipunan ay mga akdang

ginamitan ng approach ng siyensiya na obhetibo habang

pumapaksa tungkol sa kalikasan at ugnayan ng tao na larangan

naman ng humanidades.

____________________ 4. Hindi lang sa larangan ng ekonomiya, kasaysayan, at pulitika,

maririnig ang mga usapin ng agham panilpunan.

____________________ 5. Hindi sakop ng agham-panlipunan ang mga paksa ukol sa

problemang kinakaharap ng bansa.

33
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pag-aralan Natin
Tekstong Pang-agham Panlipun Alamin Natin
Ang agham panlipunan ay larangan na nakatuon
sa pag-aasal ng mga pangkat ng tao o Tandaan at gawing gabay ang
sibilisasyon. kahulugan ng sumusunod na
salita:
• epektibo - mabisa
• teritoryo - sakop na lugar
• detalye - impormasyon; datos
• iniimbestigahan - sinisiyasat;
sinusuri
• byuda - nawalan ng asawa
• segurista – naninigurong tiyak
ang ginagawa

Ang tekstong pang-agham panlipunan ay mga akdang ginamitan ng approach ng


siyensiya na obhetibo habang pumapaksa tungkol sa kalikasan at ugnayan ng tao na
larangan naman ng humanidades. Makababasa ka ng tekstong pang-agham panlipunan
mula sa mga disiplina ng kasaysayan, arkeolohiya, ekonomiks at iba pa.

Hindi lang sa larangan ng ekonomiya,


kasaysayan, at pulitika maririnig ang mga
usapin ng agham panlipunan. Pumapasok
ang sikolohiya sa tuwing nais nating
malaman kung ano ang pinaka epektibong
study habit. Teritoryo naman ng heograpiya
ang pagmapa ng mga isla sa Pilipinas na
gustong-gusto nating puntahan. Sa
larangan naman ng sosyolohiya inaaral ang
mga isyu ng iba't ibang klase ng pamilya -
pamilyang OFW, pamilyang may single parent, at iba pa.

34
Copyright © 2018 Quipper Limited
Katangian ng Tekstong Pang-agham Panlipunan
Tiyak, at direkta sa punto ang mga detalye ng tekstong pang-agham panlipunan. Naglilista
rito ng mga obserbasyon na pinapatibay ng mga ebidensiya. Mayroong tatlong uri ng
tekstong pang-agham panlipunan. Maaaring ito ay impormasyunal, argumentatibo, at
nanghihikayat.

Impormasyunal ang mga akdang naglilinaw tungkol sa isang tiyak na paksa. Halimbawa
nito ay ang pananaliksik.

Ang editoryal ang isang halimbawa ng argumentatibong papel na iniimbestigahan ang


bawat panig ng isang isyu.

Maaaring sa anyong sanaysay, testimonyal, at talumpati naman ang mga tekstong


nanghihikayat na ipinapaniwala ang pagiging tama ng isang panig ng pinagtatalunang
paksa.

Kaugnayan ng Teksto sa Sarili, Pamilya, Komunidad, Bansa, at Daigdig


Ngayong alam na natin ang mga katangian, uri, at halimbawa ng tekstong pang-agham
panlipunan, ating subukang bigyang kabuluhan ito sa pamamagitan ng paggawa ng mga
ugnayan ng teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig.

Basahin ang halimbawang tekstong pang-agham panlipunan:

“Ang Pampasaherong Dyipni at ang Ugaling Pinoy”


ni Florentino T. Timbreza

Subalit sa totoong buhay o sa tunay na takbo ng


mga pangyayari, sa gawa at sa layunin, ang Pinoy
ay puspusang praktikal. Siya ay hindi lamang
realistic kundi materialistic pa. Ang kaugaliang ito
ay siyang nilalaman ng kaniyang mga
kasabihang, “Di baleng byuda, basta may pera;
Di baleng pangit, basta may atik,” at “Barya lang
po sa umaga.”

35
Copyright © 2018 Quipper Limited
Bukod pa rito ang Pinoy ay segurista, “Huwag kang barat, hustuhin mo ang bayad,” at
“Kalimutan ang lahat, huwag lang po ang bayad.” Kaya batay sa mga ito maaaring sabihin sa
larangan ng pangangaral, ang Pinoy ay spiritualistic, ngunit sa pagnanasa at sa gawa, siya ay
materialistic. Ito ang isang halimbawa ng tinatawag nilang “split-level Christianity” ng mga
Pilipino.

Tiyak at direkta sa punto ang manunulat sa pagbanggit agad ng mga linyang


makapagpapatunay sa kaniyang mga asersyon. Mababasang sinusubukan nitong alamin
ang sikolohiyang Pilipino sa pag-aral sa wika ng mga dyipni drayber. Nais sabihin ng may-
akda na may kontradiksyon sa pag-uugali ng mga Pilipino, na habang malaki ang
paniniwala niya sa simbahan at mga pangaral nito, ay praktikal at materyoso naman tayo.

Paano magiging makabuluhan ang tekstong ito para sa atin? Magkakaroon at lalong
magiging makabuluhan ang mensahe nito kung gagawan natin ito ng mga ugnayan gamit
ang ating iskema o dating kaalaman. Sa tulong ng mga gabay na tanong sa kung paanong
naiiba, paanong pamilyar, at paanong maitutulad ang teksto sa sarili, sa ating pamilya, sa
ating komunidad, sa bansa, at sa buong daigdig, mahahanapan natin ng kabuluhan ang
ating nabasang sipi.

Ano-ano ang pagkakaiba nitong teksto sa aking


sarili, at sa aking pamilya?

Maaaring ang maging sagot ay:

Hindi ako drayber ng dyipni at wala rin sa aming


pamilya ang nagmamaneho nito. Hindi ako ganuon
kapamilyar sa kung saan galing ang kanilang mga
kasabihan na inaral ng ating may-akda.

36
Copyright © 2018 Quipper Limited
Ano-ano ang pinapaalala ng teksto sa aking sarili, at
daigdig?

Maaaring ang maging sagot ay:

Pamilyar ako sa mga kasabihan na inaral ng may-akda.


Nakikita ko ang ilan sa mga ito habang sumasakay sa
dyip. Napapaisip din ako sa kung ano ang ibig sabihin ng
mga ito. Pagdating sa ugnayan ng teksto sa daigdig,
hindi lang sa Pilipinas, kung hindi sa iba ring bansa
makikita ang sikolohiya ng isang nasyon sa kanilang mga
kasabihan.

Ano-ano ang pagkakatulad ng teksto sa


karanasan ng aking komunidad, at sa bansa?

Maaaring ang maging sagot ay:

Pilipino ako at bahagi ako ng komunidad ng


mga Kristiyano. Tulad ng nakararami,
naiintindihan namin kung gaano kahirap
sumunod ng 100 porsiyento sa pangaral ng
relihiyon, kaya mayroong mga tulad nitong
kontradiksyon sa pag-uugali.

Sa Pilipinas, isang halimbawa ng kontradiksyong ito ay ang pagdiriwang ng mga piyesta. Dahil
sa tuwing tayo ay naghahanda, hindi tayo nagtitipid sa pagkain, sa programa, at sa palamuti.
Materyalistiko tayo sa ganitong paraan, maaaring minsan sumusobra sa punto na nakaliligtaan
na natin ang tunay na dahilan ng pagdiriwang – ang benerasyon para sa isang santo o patron.

Ngayong natuklasan nating makabuluhan ang teksto sa ating buhay, mainam na bumuo
tayo ng lagom at kongklusyon para rito:

Tinalakay ng may-akda na si Florentino Timbreza ang pagkakaroon ng kontradiksyon sa


pagiging Katoliko ng mga Pilipino. Gamit ang ebidensiya ng mga kasabihan mula sa mga
drayberng dyipni, naobserbahan niyang maaaring materyoso ang Pinoy bagaman hinihingi sa
37
Copyright © 2018 Quipper Limited
kaniyang maging espirituwal. Ang karanasan ng pagiging dyipni drayber ay natatangi sa iilan.
May sarili silang wika at ang wikang ito ay nauugat sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay. Subalit, nagagawa pa ring maging unibersal ng gamit ng mga kasabihang ito
hindi lamang para maging repleksyon nilang drayber, kung hindi repleksyon para maging
repleksyon ng komunidad ng mga Kristiyano. Malaki pala ang potensiyal ng perspektibo ng mga
dyipni drayber upang matuklasan ang mentalidad ng mga Pilipino. Lehitimong repleksyon pala
ang kanilang wika para makilala pang lalo kung sino tayo bilang nasyon.

Matapos nating malaman kung ano ang tekstong pang-agham panlipunan, ang
mga katangian, uri, halimbawa, at ang mga hakbang upang magawan ito ng ugnayan sa
ating buhay, balikan natin ang mahahalagang punto nito.

Ang tekstong pang-agham panlipunan ay direktang naglalahad ng mga tiyak na


obserbasyon at ebidensiya sa anyo ng pananaliksik, sanaysay, at editoryal. Maaari itong
magbigay ng impormasyon, maglahad ng argumento, at mangumbinse sa ating maniwala
sa isang panig sa napapanahong isyu tungkol sa pag-aasal at ugnayan ng tao.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang tekstong pang-agham panlipunan?
2. Paano mailalarawan ang mga katangian ng tekstong pang-agham panlipunan?
3. Ano-ano ang uri ng tekstong pang-agham panlipunan?

Pag-isipan Natin
Paano mapakikinabangan sa praktikal na paraan ang pagkakaroon ng tao ng kakayahang
maiugnay ang sarili niya sa mga bagay na may kinalaman sa agham-panlipunan?

38
Copyright © 2018 Quipper Limited
Gawin Natin
Balikan ang tekstong “Ang Pampasaherong Dyipni at ang Ugaling Pinoy” ni Florentino T.
Timbreza. Suriin ang pagkakasulat ng teksto kung ito ba ay nagtataglay ng mga katangian
ng isang tekstong pang-agham panlipunan. Gawing gabay ang tsart sa ibaba sa
pagsasagawa ng pagsusuri.

Ang Pampasaherong Dyipni at ang Ugaling Pinoy


Patunay (gamit ang ilang
Tanong Sagot pahayag o pangungusap sa
teksto)
Anong uri ito ng
tekstong pang-agham
panlipunan?
Tiyak ba ang mga
detalyeng inilahad?

Direkta ba sa punto
ang mga detalye sa
teksto?
Naglahad ba ito ng
mga obserbasyon na
pinapatibay ng mga
ebidensiya?

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

[25%]
[50%] [100%]
Pamantaya Mas Mababa [75%] Mark
Kailangan pa Napakahusa
n kaysa Magaling a
ng Pagsasanay y
Inaasahan

39
Copyright © 2018 Quipper Limited
Nilalaman Wala o may Sinikap na Mahusay ang Napakahusay
kaunting masagutan ang mga sagot ng mga sagot;
pagsisikap na mga tanong, bagaman may tiyak na tiyak
masagot ang subalit mali ilang mali sa na natuto sa
hinihingi; tila ang mga bahagi, aralin
walang pagkakalahad; natuto sa
natutuhan sa kailangan pang aralin
aralin magsanay para
sa tamang pag-
unawa
Kaayusan Walang Kailangang Maayos at Napakaayos
at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang at napakalinis
napakadumi maging maayos output; may ng ipinasang
ng output; at malinis sa ilang nakitang output; walang
napakaraming paggawa; bura, dumi, o nakitang bura,
nakitang maraming pagkakamali dumi, o
bura, dumi, o nakitang bura, pagkakamali
pagkakamali dumi, o
pagkakamali
Panahon Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa
ng ng output sa ng output sa ng output sa ng output
Paggawa loob ng ilang loob ng ilang itinakdang bago pa ang
panahon panahon panahon ng itinakdang
matapos ang matapos ang pagpapasa panahon ng
itinakdang itinakdang pagpapasa
pasahan dahil pasahan
ipinaalala ng
guro
KABUUAN

40
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pagyamanin Natin
Isagawa ang inaasahang pagganap (performance task).

Pakinggan ang awiting "Alaala" ni Freddie Aguilar. Saliksikin din ang liriko ng kanta upang
lubos na maunawaan ang paksa at tema nito. Pagkatapos ay gumawa ng isang powerpoint
presentation na naglalahad ng kaugnayan ng awitin sa sarili, pamilya, komunidad, bansa,
at daigdig.

Para higit na maunawaan ang inaasahang pagganap, narito ang GRASPS:

Tunguhin Ibahagi ang kaugnayan ng isinasaad ng awiting "Alaala"


(Goal) ni Freddie Aguilar sa sarili, pamilya, komunidad, bansa
at daigdig.
Gampanin Tagapagsuri ng teksto ng isang awitin
(Role)
Tagatanggap Mga mag-aaral
(Audience)
Kalagayan Dapat mataglay ang bawat mag-aaral ng kakayahan at
(Situation) kasanayang makapaglahad ng kaugnayan ng isang
teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig
Bunga at Pagganap Powerpoint Presentation; pag-uulat sa klase
(Product and
Performance)
Pamantayan Rubrik
(Standard)

41
Copyright © 2018 Quipper Limited
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

[25%] [50%]
Pamantaya Mas Mababa Kailangan pa [75%] [100%] Mark
n kaysa ng Magaling Napakahusay a
Inaasahan Pagsasanay
Kalidad ng Halos walang Nakabuo ng Mahusay ang Napakahusay
Nilalaman nabuong pinal presentasyon; pagkakagawa ng
na sinunod ang ng pagkakagawa
presentasyon; ilan sa presentasyon; ng
tila hindi natutuhan sa sinunod ang presentasyon;
naunawaan mga aralin karamihan sa sinunod ang
ang mga aralin natutuhan sa lahat ng
mga aralin natutuhan sa
mga aralin
Tiyaga/ Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang
Pagsisikap gawain para gawain, ngunit gawain na may isang
lamang hindi kasiya-siyang napaka-
may maipasa sinikap na resulta, may gandang
sa guro mapaganda pa pagsisikap na gawain na may
itong lalo pagandahin masidhing
pang lalo pagsisikap na
maging
natatangi ito

Kasanaya Hindi Nagpapakita May angking Nagpapakita


n/ Husay naipakikita ang ng husay sa ng husay at
pagnanais na pagnanais na paggawa; galing sa
mapaghusay mapaghusay kailangan pa paggawa; may
ang ang kaniyang ng kaunting sapat na
isinumiteng paggawa pagsasanay kaalaman o
gawain pagsasanay

KABUUAN

42
Copyright © 2018 Quipper Limited
Paglalagom
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't

Kaisipan ng Tekstong Kaugnay sa Sarili,


Pamilya, Komunidad, Bansa, at Daigdig
Ibang Teksto

Tekstong Pansiyentipiko

Tekstong Panghumanidades

Tekstong Pang-agham Panlipunan

43
Copyright © 2018 Quipper Limited
DAPAT TANDAAN
• Nakagagawa tayo ng mga koneksiyon sa pagitan ng teksto at sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daigdig kapag ginagamit natin ang ating
iskema.
• Ang tekstong pansiyentipiko ay akdang naglalaman ng pag-aaral o
pananaliksik na nakatuon sa mga disiplinang nasa larangan ng siyensiya
at teknolohiya.
• Ang tekstong panghumanidades ay mga akdang naglalaman ng
repleksyon at interpretasyon ng buhay ng tao gamit ang iba't ibang sining
at pagpapahayag.
• Ang tekstong pang-agham panlipunan ay mga akdang ginamitan ng
approach ng siyensiya na obhetibo habang pumapaksa tungkol sa
kalikasan at ugnayan ng tao na larangan naman ng humanidades.

Gabay sa Pagwawasto

Aralin 1: Kaisipan ng Tekstong Kaugnay sa Sarili, Pamilya, Komunidad, Bansa, at


Daigdig

Subukan Natin
Malayang sagot ngunit hindi dapat lumayo ang mga kasagutan sa kahalagahan ng
pagtatamo ng edukasyon at kapakinabangang dulot nito sa bawat aspekto.

Aralin 2: Tekstong Pansiyentipiko

Subukan Natin
Malayang sagot ngunit siguruhing ang kasagutan ay palasak at alam ng lahat.
Siguruhing may larawan ng imbensiyon na kalakip ang ipinasang gawain.
44
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 3: Tekstong Panghumanidades

Subukan Natin
Malayang sagot ngunit siguruhing ang mga kasagutan ay palasak at kilala ng nakararami.

Aralin 4: Tekstong Pang-agham Panlipunan

Subukan Natin
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Mali - sakop ng agham-panlipunan ang mga paksa ukol sa problemang kinakaharap
ng bansa

Sanggunian
Arrogante, Jose A. Pagpapahalagang Sining sa Filipino. Lungsod ng Mandaluyong:
National Bookstore, Mandaluyong City. 2002.

Nuncio, Rhoderick V., et. al. Makabuluhang Filipino sa Iba’t Ibang Pagkakataon.
Lungsod Quezon: C&E Publishing Inc., Quezon City,. 2013.

Pacay, Wilmor III. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Lungsod ng Pasay: JFS Publishing Services, Inc., 2016.

Villafuerte, Pat et. al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Lungsod ng Quezon:
Lorimar Publishing Co., Inc., 2005.

“Adolescent Pregnancy.” World Health Organization. Mula sa


http://www.who.int/maternal_child_adolescent/topics/maternal/adolescent_preg
nancy/en/
45
Copyright © 2018 Quipper Limited

You might also like