Professional Documents
Culture Documents
Second Quarterly Test in Filipino 4
Second Quarterly Test in Filipino 4
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
DOMAINS
Understanding
Remembering
Evaluating
Bilang Bilang
Analyzing
Applying
Creating
Pamantayan sa Pagkatuto ng % ng
Araw Aytem
PANUTO: Basahin at unawain ang maikling kuwento. Itiman ang bilog ng letra na
may wastong sagot.
Ang Langaw at ang Kalabaw
Isang araw habang si Kalabaw ay masayang-masayang naliligo sa ilog, napuna niya ang isang
Langaw sa kanyang tabi. “Langaw, anong ginagawa mo rito? Pagalit ang tanong ni Kalabaw. “Pasensiya ka
na. Hindi lamang ako makalipad sapagkat nabasa ang aking pakpak,” malungkot na sagot ni Langaw.
“Ganoon ba? Hintayin mo ako at lulutasin ko ang iyong problema,” sabi ni Kalabaw kay Langaw.
Ilang minutong nagdaan at bumalik si Kalabaw na may dala-dalang mga dahon. Inilagay ni Kalabaw
ang isang dahon sa kaniyang bibig at dahan-dahan niyang ipinahid sa pakpak ni Langaw.
Patuloy na ginawa ito ni Kalabaw upang matuyo ang pakpak ni Langaw. “Kalabaw maraming
salamat sa iyong pagtulong. Marahil kung wala ka ay namatay na ako.” Masayang wika ng Langaw.
“Hayun, may kalabaw na kumakain ng damo. Barilin mo na at baka makawala pa,” ang sabi ng
mangangaso sa kaniyang kausap. Nakaakma na ang baril nito nang dumating si Langaw. Lumipad siya nang
paikot-ikot sa tainga ng mangangaso hanggang sa bigla na lamang napaputok nito ang baril.
Nang marinig ni Kalabaw ang putok. Kumaripas ito nang takbo. Makalipas ang isang lingo, muling
nagkita ang dalawa at naikuwento ni Langaw kay Kalabaw ang kaniyang ginawang pagbabayad ng utang na
loob.
3. Alin sa mga sumusunod na pares ng salita ang tama ang pagkakahiram at pagbabaybay
dito?
A. jogging – dyadying C. videotape - videoteyp
B. pizza – piza D. south - timog
4. Pangingisda ang hanapbuhay ng mag-amang Rick at Carlo. Sa kabila ng masungit na
panahon ay pumalaot pa rin ang mag-ama. Ano ang maaaring susunod na mangyayari?
A. Maraming mahuhuling isda ang mag-ama.
B. Malalagay sa panganib ang kanilang buhay banta ng masungit na panahon.
C. Lalaki ang kanilang kita sa pangingisda dahil masungit ang panahon.
D. Maraming lulutuing isda ang mag-anak ni Mang Rick at Carlo.
7. Dahil sa pandemyang ating naranasan, tayo ay namumuhay sa new normal. Ano ang
kahulugan ng new normal?
A. makabagong paraan sa pagtakbo ng pamumuhay
B. tradisyunal na paraan sa pamumuhay
C. paulit-ulit na paraan ng pamumuhay
D. makalumang paraan ng pamumuhay
8. May dalang mainit na kape sa mangkok ang nanay ni Lorna. Biglang nasagi ito ng
kapatid niyang tumatakbo. Hulaan mo ang susunod na mangyayari. Piliin ang iyong
sagot.
A. Maaaring mabuhusan ng mainit na kape ang kapatid niya.
B. Titimplahan niya muli ng kape ang nanay niya.
C. Magtitimpla muli ang nanay niya ng kape.
D. Pagagalitan ang kapatid.
9. Pinakaaabangan ng mga tao sa Pilipinas ay ang kapistahan sa bawat lugar. Iba't ibang
tradisyon ang iyong makikita. Hindi mawawala ang paghahanda ng masasarap na
pagkain. Ang iba ay dumarayo pa upang makikain at makipiyesta. May mga palaro at
palabas na inihahanda upang maging masaya ang Kapistahan. Ano ang paksa ng
tekstong binasa?
A. Pinakaaabangan ng mga Pilipino C. Handaan tuwing Pista
B. Mga palaro tuwing Pista D. Iba’t ibang Tradisyon Tuwing Pista
10. Sina Kath at Lara ay naglalaba sa balon. Anong uri ng pandiwa ayon sa panahunan
ang salitang may salungguhit?
A. pangnagdaan C. Panghinaharap
B. pangkasalukuyan D. Wala sa nabanggit
13. Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog kaya sa kaunting pag-ulan ay umaapaw ito.
Ano ang BUNGA sa pangungusap?
A. kaya sa kaunting pag-ulan C. kaya umaapaw ito
B. marami ang nagtatapon ng basura D. basura sa ilog
14. Si Jasmin ay palaging nag-aaral ng kaniyang aralin. Ano ang maaaring maging bunga
ng pahayag.
A. Sumakit ang kaniyang ulo
B. Nasira ang kniyang mga ngipin
C. Siya ay nahirapan sa pagsusulit.
D. Mataas ang kaniyang nakuhang marka sa pasusulit
A. 4 1 2 3 5
B. 4 3 2 1 5
C. 1 2 3 4 5
D. 2 3 4 1 5
17. Tuwang-tuwa si Mang Kardo at marami siyang naaning palay. Malaking tulong ito sa
kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang anak na magkokolehiyo sa darating na pasukan.
Ilarawan kung bakit tuwang-tuwa si Mang Kardo.
A. makakapagkolehiyo na ang kanyang anak
B. agad siyang makakauwi
C. masiglang pinagmamasdan ang paligid
D. marami siyang naaning palay
19. Akin ang tsinelas sa may pintuan. Anong uri ng panghalip ang may salungguhit?
A. palagyo B. palayon C. paari D. pamatlig
20. Luis, _________ ang lunch box na naiwan sa mesa. Nakasulat ang pangalan mo.
Ano ang tamang panghalip na paari ang gagamitin upang mabuo ang pangungusap?
A. akin B. kanya C. amin D. iyo
21. Siya ay nagtatanim ng gulay sa kanilang bakuran. Anong aspekto ng pandiwa ang
nakasalungguhit?
A. Naganap B. Nagaganap C. Magaganap D. Wala sa nabanggit
22. Sa Sabado ____________ kami sa dagat. Alin sa mga sumusunod ang tamang
pandiwa para sa pangugusap?
A. naligo B. naliligo C. maliligo D. ligo
24. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga salitang naglalarawan?
A. bilog B. matamis C. isinama D. berde
25. Ilarawan ang damdamin ng tauhan sa talata nang Makita niya ang mga pakwan sa
palengke.
A. galit B. natakot C. malungkot D. masaya
A. B. C. D.
29. Ang pamilya ay binubuo ng ama, ina at anak. Ito ang pinakamaliit na yunit ng isang
lipunan. Ang ama ang haligi ng tahanan at ang ina naman ay ang ilaw ng tahanan.
Ang mga anak ay tungkuling mag-aral nang mabuti at tumulong sa tahanan.
Ano ang paksa?
A. Ang Ana at Ina C. Ang Pamilya
B. Ang mga Anak D. Ang Tungkulin ng Anak
30.Ibigay ang wakas ng kuwento.
Galing sa tindahan si Terry. May nakasalubong siyang isang marungis na bata na kasa-
kasama ang kaniyang maliit na kapatid. Ilang araw na raw silang hindi kumakain.
A. Nanonood ng TV ang buong mag-anak at masayang kumakain.
B. Binigyan ni Terry ng pagkain ang marungis na bata at nagpasalamat ito sa kanya.
C. Nawala ang kanyang pitaka.
D. Bumili si Terry at umuwi kaagad.
Lubos na Gumagalang,
Marko Reyes
Pinuno ng Pangkat 3
31. Anong bahagi ng liham ang Mahal naming Bb. Santos?
A. Pamuhatan C. Katawan ng Liham
B. Bating Panimula D. Bating Pangwakas at Lagda
33. “Dapat nag-aral na lamang ako kagabi nang di ako nahihirapan ngayon," wika ni Sam.
Ano ang damdamin ng tauhan na nagsasalita?
A. pagsisisi B. paghanga C. pagrereklamo D. pagkagalit
Basahin ang talata.
Ang Elepante at ang mga Bulag
ni Pablo Cuasay
36. Naglakad si Sarah nang marahan palabas ng silid-aralan. Alin sa pangungusap ang
pang-abay?
A. naglakad B. Sarah C. nang marahan D. silid-aralan
38. Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakakuha ng iba't ibang kaalaman. Maaari
nilang gamitin ang mga kaalaman na ito sa kanilang mga buhay. Nalilinang din nito ang
bokabularyo ng mambabasa.
Piliin ang sumusuportang detalye sa teksto.
A. Nalilinang din nito ang bokabularyo ng mambabasa.
B. Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakakuha ng iba't ibang kaalaman.
C. Walang kaalaman ang mga taong mahilig magbasa.
D. Iisa lamang ang nalilinang kapag nagbabasa, ito ay ang bokabularyo.
40. “ Ang aming paaralan ay malawak at maganda.” Ano ang mga pang-uring ginamit sa
pangungusap?
A. aming B. paaralan C. malawak, maganda D. at