ESP10 Q2 Mod 3 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 3:
Mga Salik Na Nakaaapekto sa
Pananagutan ng tao sa Kahihinatnan
ng Kilos at Pasiya

AIRs - LM
LU_Q2_ESP10_Module_3
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Ikalawang Markahan - Modyul 3: Mga Salik Na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao sa
Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Charmaine T. Dumaguin


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Content Reviewer: Rosalie C. Gomez
Language Editor: Janice S. Pejo
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Joniel C. Narvasa

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 3:
Mga Salik Na Nakaaapekto sa
Pananagutan ng tao sa Kahihinatnan
ng Kilos at Pasiya
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Sapulin

Ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at
pananagutan sa sarili. Sa tulong ng babasahing ito, mahalagang lakbayin mo ang
pag-unawa sa kilos mo bilang tao at ang pananagutan mo kaugnay nito. Ano-ano
nga bang mga salik ang nakakaapekto sa paggawa mo ng kilos? Paano mo ito
pananagutan kung sakaling maranasan mo?
Sa modyul na ito, inaasahang malinang sa iyo ang kaalaman, kakayahan at
pag-unawa sa mga sumusunod:
1. Naipapaliwanag ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa
kahihinatnan ng kaniyang kilos at pasya (EsP 10 MK – II c – 6.2)
2. Nakapagsusuri ng isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos
dahil sa kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at gawi
(EsP 10 MK – II d – 6.3)

Narito ang mga layunin sa pag-aaral sa modyul na ito.


a. Natutukoy at naipapaliwanag ang mga salik na nakakaapekto sa
pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos
b. Nasusuri ang isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos dahil sa
kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at gawi
c. Nakakapagbigay ng isang sitwsyong nagpapakita ng iba’t-ibang salik na
nakakaapekto sa makataong kilos

1
LU_Q2_ESP10_Module_3
Aralin Mga Salik na Nakaaapekto
1 sa Makataong Kilos

Simulan

Gawain 1. Bigyang Kahulugan!


Panuto: Magsulat ng dalawang salita na maaring iugnay o magpapaliwanag sa mga
salitang nasa ibaba. (2 puntos bawat bilang)

1. Gawi a.____________________________________________
b. ___________________________________________

2. Kamangmangan a.___________________________________________
b. __________________________________________

3. Karahasan a.___________________________________________
b. __________________________________________

4. Masidhing Damdamin a.___________________________________________


b. __________________________________________

5. Takot a.___________________________________________
b. __________________________________________

Rubrik sa Paglalahad ng Sagot


Iskor Pamantayan

• Nakapagsulat ng dalawang salitang may kaugnayan at


2
nagpapaliwanag sa salita.
• Nakapagsulat ng isang salitang may kaugnayan at
1
nagpapaliwanag sa mga salita.

2
LU_Q2_ESP10_Module_3
Lakbayin

Ang mga sumusunod ay ang limang mga salik na nakaaapekto sa makataong


kilos: ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi.
1. Kamangmangan
Ang papel ng isip ay isa sa pinakamahalagang elemento ng makataong kilos.
Ang kamangmangan ay ang kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng
tao. Ito ay may dalawang uri: Nadaraig (Vincible) at Hindi Nadaraig (Invincible).
Nadaraig (Vincible) na maituturing ang isang kamangmangan kung ito ay
nagpapakita ng kawalan ng kaalaman sa isang gawain subalit may pagkakataong
itama o magkaroon ng tamang kaalaman kung gagawa ng paraan upang malaman
at matuklasan ito. Hindi Nadaraig (Invincible) na kamangmangan naman kung ang
kamangmangan ay dahil sa kawalan ng kaalaman na mayroon siyang hindi alam na
dapat niyang malaman. O kaya naman walang posibleng paraan upang malaman
ang isang bagay sa sariling kakayahan o sa kakayahan man ng iba.
Kung walang paraan upang maitama ang kamangmangan, ang isang gawa ay
hindi itinuturing na makataong kilos at walang pananagutan sa bahagi ng gumawa.
Halimbawa na lamang ay ang gawa ng isang taong itinuturing na wala sa matinong
pag-iisip. Ang sirkumstansiyang ito ay hindi makakapagpanagot sa kaniyang gawa.
Ngunit kung ang kamangmangan na kayang baguhin sa pamamagitan ng isang
masikap na paraan na alamin ang isang bagay bago gawin, may kapanagutan na
siya sa kaniyang kilos. Maaari itong makapagbawas ng pananagutan dahil sa
kaunting kakulangan sa pagsisikap na malabanan ang kamangmangan. Halimbawa
nito ay ang paglabag ng isang taong hindi pamilyar sa batas sa bagong lugar na
kaniyang pinuntahan o pinaglipatan. Ang pananagutan sa kaniyang ginawa ay hindi
direktang makikita dahil sa kawalan niya ng kaalaman tungkol sa mga umiiral na
batas sa lugar na iyon.
2. Masidhing Damdamin

Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos (tendency)
o damdamin. Maituturing ito na paglaban ng masidhing damdamin sa isip. Ang
pangangailangan ng masidhing damdamin ay mas matimbang kaysa sa dikta ng isip.
Ito ay ang malakas na utos ng sense appetite na abutin ang kaniyang layunin.
Tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o paghahangad na makaranas ng
kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap.

3
LU_Q2_ESP10_Module_3
Pag-ibig, pagkamuhi, katuwaan, pighati, pagnanais, pagkasindak,
pagkasuklam, pagnanasa, desperasyon, kapangahasan, pangamba, at galit ay ang
mga halimbawa ng masidhing damdamin.
Ang passion o masidhing damdamin ay normal na damdamin na maaaring
maramdaman ng isang tao. Subalit ang tao ay may pananagutan upang
pangasiwaan ang kaniyang emosyon at damdamin dahil kung hindi, ang mga
emosyon at damdaming ito ang mangangasiwa sa tao. Kaya ang paghubog ng mga
positibong damdamin at maayos na pagtanggap sa mga limitasyon sa buhay ay isang
daan upang mapangasiwaan ang damdamin.
Maaaring nauuna (antecedent) o kaya’y nahuhuli (consequent) ang masidhing
damdamin. Ang nauuna (antecedent) ay damdamin na nadarama o napupukaw kahit
hindi niloob o sinadya. Umiral ito bago pa man gawin ang isang kilos. Sa ilalim nito
ang damdamin ay hindi malaya kaya ito ay kilos ng tao (act of man). Habang ang
nahuhuli (consequent) naman ay damdaming sinadyang mapukaw at inalagaan kaya
ang kilos ay sinadya, niloob, at may pagkukusa. Kaya naman bago pa isagawa ang
kilos ay dapat na magkaroon ng panahon upang labanan nang mas mataas na antas
na kakayahan – ang isip – upang mawala ang sidhi ng damdamin.
Halimbawa. Biglang nayakap ng isang lalaki ang katabi niyang babae dahil
sa sobrang kagalakang dulot ng pagpasa niya sa kanilang markahang pagsusulit.
Maaari ba siyang akusahan ng sexual harassment? Nakadepende ito sa uri ng
damdamin na maaring nauuna (antecedent) o kaya’y nahuhuli (consequent).
Ang naunang damdamin (antecedent) ay hindi nakapag-aalis ng kapanagutan
subalit nakapagpapababa lamang ito. Sa ilalim ng damdaming ito, nababawasan ang
pagkukusa sapagka’t ito ay nakabatay sa kaalaman at kalayaan. Naaapektuhan nito
ang isip kaya’t naaapektuhan nito ang paghuhusga at pagpapasiya. Gaya na lamang
sa halimbawa natin sa lalaking nayakap ang kaniyang kaklase sa sobrang galak.
Hindi siya masisisi ng pagiging guilty ng sexual harassment dahil hindi niya sinadya
o kinusa na matapakan ang karapatan ng iba. Ngunit kailangan pa rin niyang
humingi ng paumanhin sa kaniyang maling kilos. Sa kabilang banda, ang
nahuhuling damdamin (consequent) naman ay ang pagkakaroon ng panahon na
alagaan ang damdamin at ginagamit na dahilan o paraan sa ikinikilos. Kung
magbabase sa halimbawa na nabanggit, mapapanagot ang lalaki sa kaniyang maling
kilos kung ito ay kaniyang pinaghandaan o sinadyang gawin bago pa man
maisagawa ang kilos. Sa kabilang dako, ang damdaming nauuna ay maaaring
maging damdaming nahuhuli kung ito ay aalagaan at ipagpapatuloy na manatili.

4
LU_Q2_ESP10_Module_3
3. Takot

Ang takot ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri


ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay. Ito ay isang halimbawa
ng masidhing silakbo ng damdamin. Ito rin ay tumutukoy sa pagpataw ng puwersa
gaya ng pananakit o pagpapahirap upang gawin ng isang tao ang kilos na labag sa
kaniyang kalooban. Nakapaloob din dito ang pananakot sa tao o sa kaniyang mga
mahal sa buhay upang mapasunod itong gumawa ng masama.
May mga pagkakataong kumikilos tayo nang may takot o di kaya ay dahil sa
takot kaya nagawa natin ang isang bagay. Ngunit ang pananagutan ng isang tao sa
kilos na ginawa ay hindi nawawala dahil sa takot kundi ito’y nababawasan lamang.
Ito ay dahil malinaw pa rin sa isip ang ginagawa mong kilos.

4. Karahasan

Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao
na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa. Maari itong
gawin ng mga taong may mataas na impluwensiya. Ang kilos o gawa ay maaring
mawala ang pananagutan kung ito ay may impluwensiya ng karahasan.

5. Gawi

Gawi o habits ay ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagwa at naging


bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw. Hindi nawawala ang pananagutan ng
isang tao kung ang kaniyang gawa o kilos ay nakasanayan na. Ito ay sa kadahilanang
nagsimula muna ang kilos o gawa na may kapanagutan at pagkukusa bago lubusang
nakasanayan. Kaya naman ang gawi ay hindi kailanman nakapagpapawala ng
kapanagutan sa kahihinatnan ng makataong kilos.

5
LU_Q2_ESP10_Module_3
Galugarin

Gawain 2: Tama o Mali

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang T kung ang
pahayag ay nagpapahayag ng katotohanan at M naman kung ang pahayag ay walang
katotohanan.

___ 1. Ang papel ng isip ay isa sa pinakamahalagang elemento ng makataong kilos.

___ 2. Kamangmangan ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat


taglay ng tao.

___ 3. Ang makataong kilos ay maaaring mabawasan o kaya ay mauwi sa pagiging


isang ordinaryong kilos ng tao dahil sa mga salik na nakaaapekto rito.

___ 4. Hindi direktang nakaaapekto o nakapagpapabago ng kalikasan ng isang


makataong kilos ang mga salik ng makataong kilos.

___ 5. Ang paghubog ng mga negatibong damdamin at maayos na pagtanggap sa mga


limitasyon sa buhay ay isang daan upang mapangasiwaan ang damdamin.

___ 6. Kinakailangan na magkaroon ng sapat na panahon upang labanan ng isip ang


sidhi ng damdamin.

___ 7. Habits o gawi ay ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging


bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw.

___ 8. Kung ang isang gawa o kilos ay nakasanayan na, hindi nababawasan ang
pananagutan ng isang tao at hindi ito nawawala.

___ 9. Ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin
ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa ay tinarawag
na karahasan.

___ 10. Ang pagkatakot ay isa sa mga halimbawa ng masidhing silakbo ng


damdamin.

6
LU_Q2_ESP10_Module_3
Palalimin

Gawain 3. Balik-tanaw Kaibigan!

Panuto: Alalahanin at isulat ang isang sitwasyon sa iyong buhay na kung saan
naranasan mo ang isa sa mga salik- Kamangmangan, Masidhing Damdamin,
Karahasan, Takot at Gawi. Pagkatapos, tukuyin ang salik na nakaapekto sa iyong
kilos o gawi at isulat ang iyong pananagutan at natutunan mula rito. Gamitin ang
pormat at rubriks sa pagsagot.

Pananagutan at
Sitwasyon Salik
Natutunan

7
LU_Q2_ESP10_Module_3
Rubrik sa Paglalahad ng Sagot
Iskor Pamantayan

• Nakapagtala ng personal na karanasan na nagpapakita


ng kilos o gawa na naapektuhan ng sa isang salik na
natalakay
10 • Natukoy ng tama ang salik nakaapekto sa kilos o gawang
naranasan
• Nakapagsulat ng malinaw at maayos ng panangutan at
natutunan
• Maayos at malinis ang pagkakasulat ng sagot
• Nakapagtala ng personal na karanasan na nagpapakita
ng kilos o gawa na naapektuhan ng sa isang salik na
natalakay
8 • Natukoy ng tama ang salik nakaapekto sa kilos o gawang
naranasan
• Nakapagsulat ng panangutan at natutunan
• Hindi gaanong maayos at malinis ang pagkakasulat ng
sagot
• Nakapagtala ng personal na karanasan na nagpapakita
ng kilos o gawa na naapektuhan ng sa isang salik na
natalakay
6 • Hindi natukoy ng tama ang salik nakaapekto sa kilos o
gawang naranasan
• Hindi nakapagsulat ng panangutan at natutunan
• Hindi gaanong maayos at malinis ang pagkakasulat ng
sagot
4 • May naisagot ngunit hindi akma

8
LU_Q2_ESP10_Module_3
Aralin Pagkukusa sa Kilos:
2 Salik Nakakaapekto

Simulan

Gawain 4: Ibabahagi Ko
Panuto: Balikan ang mga katagang tumatak sa iyong isipan patungkol sa mga bilin
o paalala sa iyo ng iyong mga mahal sa buhay bago gumawa ng isang kilos. Magsulat
ng isang bilin o paalala at ipaliwanag kung bakit ito mahalagang isakilos. Gamiting
gabay ang rubriks sa ibaba.

Bilin o Paalala Paliwanag

Rubrik sa Paglalahad ng Sagot


Iskor Pamantayan

• Nakapagsulat ng isang bilin o paalala mula sa kaniyang


mahal sa buhay.
10 • Naipaliwanag nang maayos at malinaw ang kahalagahan
ng pagsasakilos nito
• Maayos at malinis ang pagkakasulat ng sagot
• Nakapagsulat ng isang bilin o paalala mula sa kaniyang
8 mahal sa buhay.
• Naipaliwanag ang kahalagahan ng pagsasakilos nito
• Maayos at malinis ang pagkakasulat ng sagot
• Nakapagsulat ng isang bilin o paalala mula sa kaniyang
5 mahal sa buhay.
• Hindi naipaliwanag ang kahalagahan nito
• Hindi gaanong malinis o maayos ang pagkakasulat

9
LU_Q2_ESP10_Module_3
Lakbayin

“Ano man ang gagawin, makapitong iisipin”. Isang salawikaing nagpapaalala


sa atin na dapat nating pag-isipang mabuti ang bawat kilos na ating gagawin. Dahil
kung hindi, baka sa huli’y pagsisisi ang kahihinatnan ng ating mga nagawang kilos.
Marami ng mga kilos ang tinatanggap ng ating lipunan dahil ang mga ito ay bahagi
na ng pang-araw-araw ng gawain ng tao. Bilang bahagi ng sistema, may posibilidad
na ituring ang mga ito na katanggap-tanggap na kilos. Ang bawat kilos na niloob ng
tao ay may kaakibat na pananagutan. Ang antas ng pananagutan ay nakadepende
sa antas ng kilos na ginawa. Nangangahuklugan ito nan may maliit o nmalaking
pananagutan para sa maloiitr at malaking bagay na nagawa. ANg Likas na Batas
Moral ay patuloy na iiral upang manatili at umiral ang katarungan. Lahat ng bagay
ay may kapalit, malaki man ito o maliit pa.
Kung itinuturing mo ang iyong sarili na may pananagutan ka sa iyong ginawa,
nakahanda ka rin dapat na tanggapin anuiman ang kahihinatnan ngg kilos na ito.
Dito mo mapapatunayan na ang katatagan mo bilang isang mapanagutang
indibidwal na may makataong kilos.

10
LU_Q2_ESP10_Module_3
Galugarin

Gawain 5: Kaya kong Itama!

Panuto: Gunitain ang isang pangyayari sa buhay na kung saan ikaw may tao kang
nasaktran (maaaring dahil sa kapabayaan mo o dahil sa pansariling kabutigan lang
ang iniisip mo). Isulat sa unang akolum ang sitwasyon na kung saan may nasaktan
kang kapwa at sa ikalawang kolum naman ay ang taong iyong nasaktan. Sa ikatlong
kolum, isulat moa ng hakbang na iyong gagawin upang ayusin ang ugnayan mo at
ng taong iyong nasaktan.

Sitwasyon kung saan Kapwang Nasaktan Mga Hakbang upang


may Nasaktan kang Ayusin ang Ugnayan
Kapwa

Pamantayan sa Pagwawasto sa Gawain

Pamantayan NAPAKA - MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMUL


HUSAY (8) (6) A
( 10 ) (4)
Kalidad ng Napaka - Mabuting Matatanggap Kailangang
Pagpapaliwanag husay ng pagpapa – ang pagpapa – isaayos
pagpapali - liwanag liwanag (Malaki ang
wanag (Katamtamang (May kaunting kakulangan,
(Buo at pagpapa – kamalian ang nagpapakita
maliwanag) liwanag) pagpapa – ng kaunting
liwanag) kaalaman)

11
LU_Q2_ESP10_Module_3
Palalimin

Gawain 6. Piliin mo
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon sa unang kolum at
ipaliwanag ang salik na nakakaapekto sa kilos ng tauhan.
Salik at Paliwanag

1. Sa sobrang saya dahil nanalo sina


Carlos sa patimpalak, bigla niyang
nayakap ang kaniyang kaklase na si
Romina.

2. Hindi maialis sa sistema ni Armando


ang pagsasalita ng mga hindi kanais
nais bilang kaniyang ekspresyon.

3. Saksi si Ernesto sa nangyaring


kaguluhan sa loob ng kanilang klasrum
ngunit hindi niya ito ipinaalam sa
kanilang guro.

4. Nalabag ng grupo ni Isidro ang batas


na nagbabawal na magpaskil ng poster
sa mga pader sa isang kanto dahil hindi
nila alam ang umiiral na batas doon.

5. Hinayaan na lamang ni Ben na


tumakbo ang mga kumuha ng kaniyang
bag dahil wala rin naman siyang
kakayahang habulin pa ang mga ito.

Rubrik para sa Pagmamarka (Pagpapaliwanag)


Iskor Pamantayan
2 Napakahusay at napakalinaw ang inilahad na paliwanag

1 Bahagyang mahusay at bahagyang malinaw ang inilahad


na paliwanag

12
LU_Q2_ESP10_Module_3
Sukatin

Gawain 7: Pagpipili
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin
ang pinakaangkop na sagot at isulat ang letra ng iyong napiling sagot sa iyong
sagutang papel.
____1. Anong salik ang tumutukoy sa masidhing pag-asam o paghahangad na
makaranas ng kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na
nagdudulot ng sakit o hirap.
A. Gawi B. Karahasan C. Masidhing Damdamin D. Takot
____2. Anong kilos ng tao ang isinasagawa nang may kaalaman, malaya at kusa?
A. Acts of Human B. Kilos-Loob
C. Kilos ng Tao D. Makataong Kilos

____3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng takot?


A. Madalas na magsalita ng hindi kanais-nais si Isko tuwing kinakausap
ang mga kaibigan
B. Pinili na lamang ni Carmina na manahimik upang hindi madamay sa
kaguluhan sa kanilang klasrum
C. Nayakap bigla ni Benson ang kaniyang matalik na kaibigan nang
malaman na nanalo sila sa patimpalak.
D. Nahirapan si Anna na sagutan ang kaniyang mga modyul dahil awala
siyang ibang sanggunian bukod sa mga luma niyang kuwaderno.

____ 4. Paano mo masasabing kamangmangang nadaraig ang isang kilos?


A. Kung ang tao ay hindi nag-iisip mabuti
B. Kung ang tao ay walang kaalaman sa isang gawain
C. Kung ang tao ay walang kakayahang isagawa ang kilos
D. Kung ang tao ay kumikilos ayon sa dikta ng damdamin

____ 5. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa gawi o habits?


A. Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos
(tendency) o damdamin
B. Ito ay ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na
ng sistema ng buhay sa araw-araw
C. Ito ay ang pagpataw ng puwersa gaya ng pananakit o pagpapahirap upang
gawin ng isang tao ang kilos na labag sa kaniyang kalooban.
D. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isangtao
na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa.

13
LU_Q2_ESP10_Module_3
____ 6. Paano malalaman kung ang masidhing damdamin ay nauuna (antecedent)?
A. Kung ito ay niloob, sinadya o may pagkukusa.
B. Kung ito ay hindi umiiral bago pa man gawin ang isang kilos.
C. Kung ang kilos ay malaya kaya ito ay kilos ng tao (act of man).
D. Kung ito ay damdamin na nadarama o napupukaw kahit hindi niloob o
sinadya.
____ 7. Alin sa mga sumusunod na kilos ang bawas ang pananagutan dahil sa
masidhing damdamin?
A. Pagnanakot sa kaklase
B. Nakasanayang pagsasalita ng masama
C. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko
D. Pagkuha ng pagkain ng mas nakakabatang kapatid
____ 8. Ano ang pinakawastong paglalarawan sa salik na kamangmangan?
A. Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay
ng tao.
B. Ito ay mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng
sistema ng buhay sa araw-araw
C. Ito ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng
pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay.
D. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang
tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at
pagkukusa.
____ 9. Ano ang itong maituturing na isa sa pinakamahalagang elemento ng
makataong kilos?
A. Damdamin B. Isip C. Kilos-Loob D. Konsensiya
____ 10. Alin ang halimbawa ng kilos ng tao (acts of man)?
A. Pag-aaral B. Paghikab C. Paglilinis D. Pagkanta
____ 11. Habang naglalakad pauwi si Amanda, biglang may humablot sa kaniyang
pitaka at gamit sa pang-eskwela. Anong salik ang nakaapekto sa kilos ni
Amanda?
A. Gawi B. Karahasan
C.Kamangmangan D. Masidhing damdamin
____ 12. Hindi nakapag-aral mabuti si Benjamin dahil nahumaling siyang maglaro
sa computer noong nakaraang araw. Kaya naman kinabukasan, wala siyang
naisagot sa kanilang pagsusulit. Anong salik ang inilalarawan sa sitwasyon
ni Benjamin?
A. Gawi B. Karahasan C. Kamangmangan D. Takot

14
LU_Q2_ESP10_Module_3
____ 13. Maya’t maya ay tumatayo at lumilipat sa kinauupuan niya si Rambo ng
walang maayos na dahilan. Anong salik ang nakakaapekto sa kilos ni
Rambo?
A. Gawi B. Karahasan
C. Kamangmangan D. Takot
____ 14. Magkakasamang nanood ng isang pelikulang naglalaman ng nakakagulat
at nakakatakot na tema sina Isabel, Marian at Saira. Pag-uwi sa kanilang
bahay, hindi pa rin maalis sa kanilang isipan ang kanilang napanood kaya
nagdulot ito sa kanila ng pagkabagabag. Anong salik ang inilalarawan sa
sitwasyon?
A. Gawi B. Karahasan
C. Kamangmangan D. Takot
____ 15. Anong uri ng masidhing damdamin ang may damdaming sinadyang
mapukaw at inalagaan kaya ang kilos ay sinadya, niloob, at may
pagkukusa?
A. Antecedent B. Act of man
C. Consequent D. Human act

15
LU_Q2_ESP10_Module_3
LU_Q2_ESP10_Module_3
16
Sukatin
Gawain 7: Pagpipili
1. c Aralin 1:
Galugarin
2. d
Gawain 2: Tama o Mali
3. b
4. b
1. T
5. b 2. T
6. d 3. T
7. c 4. M
8. a 5. M
9. b 6. T
10.b 7. T
11.c 8. M
12.b
9. T
13.a
10. T
14.d
15.b
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul para sa Mag-aaral, pahina 83-104, Unang
Edisyon 2015

https://www.myph.com.ph/2011/09/salawikain-kasabihan-tungkol-sa-
buhay.html#.X5BQX9AzbIU

https://kellymadjad.wordpress.com/2015/09/17/module-5-ang-pagkukusa-ng-
makataong-kilos-at-mga-salik-na-nakaaapekto-sa-pananagutan-ng-tao-sa-
kahihinatnan-ng-kilos-at-pasiya/

17
LU_Q2_ESP10_Module_3
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telephone: (072) 607 - 8127
Telefax: (072) 205 - 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

18
LU_Q2_ESP10_Module_3

You might also like