Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KINAM NATIONAL HIGH SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP) 9


Unang kwarter
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
Pangalan: ______________________________Baitang/Seksyon:_______________Petsa:________
I. Panuto:Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1. Ano ang tawag sa samahan ng mga taong may iisang layunin at nag-uugnayan sa isa’t
isa sa pamamagitan ng pinagkasunduang sistema at pamamaraan?
A. Lipunan B. Institusyon C. Komunidad D. Pamahalaan
_____2. Ano ang kabutihang panlahat?
A. Kabutihan ng nakararami.
B. Kabutihan ng mga mayayaman.
C. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan.
D. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan.
_____3. Alin sa mga sumusunod ang hindi elemento ng kabutihang panlahat?
A. Kapatiran C. Paggalang sa indibidwal na tao
B. Kapayapaan D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat?
_____4. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo
kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Sino ang nagwika nito?
A. Aristotle B. Bill Clinton C. St. Thomas Aquinas D. John F. Kennedy
_____5. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
A. paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad.
B. pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
C. pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa
nagagawa ng iba.
D. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit tumatanggi sa
pagbabahagi para sa pagkamit nito.
_____6. Aling sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng kabutihang panlahat?
A. Ibinabahagi ni Gab ang kaniyang mga sagot sa kaniyang katabi.
B. Nag-aaral si Princess upang makapagsilbi sa kaniyang lipunan bilang doktor.
C. Pina-iiral ang 4 P’s upang makatulong sa mga kababayang naghihirap sa buhay.
D. Isinakripisyo ng mga bayani ang kanilang buhay upang makamtan ang kalayaan.
_____7. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng isang mapayapa na lipunan?
A.Tahimik ang lugar ni Karl dahil kaunti lang ang mga tao dito.
B.Mapayapa ang lugar ni Marchelle dahil sa curfew tuwing gabi.
C.Umiiral ang paggalang at katarungan sa lugar ni Charles.
D. May presensya ng martial law sa aming lugar. Tayahin
_____8. Paano isasabuhay ni Leo ang pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat?
A.Itapon ang basura sa tamang lalagyan.
B.Tulungan ang mga magulang sa gawaing bahay.
C.Magdasal araw-araw para patnubayan ng Diyos.
D. Linangin ang sarili para umunlad bilang tao at maibahagi ang sarili sa iba
_____9. Alam ni Allaiza na mahalaga sa pakikipagkapwa ang pagmamahal. Ano ang gagawin
niya?
A. Igagalang ang mga mayamang tao.
B. Igagalang ang mga guro niya ngayon sa Baitang 9.
C. Tulungan ang mga taong makapagbigay ng anomang kapalit.
D. Tulungan ang mga nangangailangan na hindi naghihintay ng gantimpala
_____10. Ang sumusunod ay mga elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
A. Kapayapaan C. Paggalang sa indibidwal na tao
B. Katiwasayan D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
_____11. Bakit kailangan ng bawat isa sa atin na kumilos upang makamit ang kabutihang
panlahat?
A. Dahil may kani-kaniya tayong kakayahan, katayuan at kinalalagyan sa lipunan
B. Dahil ayaw natin makaroon ng mga tamad sa lipunan.
C. Dahil hindi tayo mabubuhay na mag-isa lamang.
D. Dahil may karapatan tayong kumilos.
_____12. Misyon ng tao ang pagpapanatili ang kabutihang panlahat. Alin dito ang hindi totoo?
A. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan.
B. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.
C. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya.
D. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan
_____13. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang
pangungusap ay:
A. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na
layunin ng lipunan.
B. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng
lipunan.
C. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang
indibidwal.
D. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga
layunin.
_____14. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang
pangungusap ay:
A. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng
tao.
B. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas na Batas.
C. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa
pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal.
D. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa
pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat.
_____15. Maaaring mabuhay ang tao kahit hindi siya makihalubilo sa iba subalit:
A. tatanda siyang walang karamay sapagkat wala siyang kapwa-tao
B. kulang ang kanyang magiging kaalaman sa mga pangyayari sa paligid
C. hindi magiging ganap ang kanyang pagiging tao
D. matatagalan ang kanyang pag–unlad bilang tao
II. Sabihin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pangungusap.

_____16. Ang lipunan ay may karapatang piliin ang kanyang pangangalagaang mamamayan.

_____17. Ang pamilya ang kinikilalang may pinakamabigat na impluwensiya sa paghubog ng

moral at ispiritwal na pagpapahalaga ng tao.

_____18. Sa isang tunay na lipunan, dapat ay pantay – pantay ang lahat ng tao sa katarungan,

pag – aari, talino at kakayahan.

_____19. Ang lipunan ay kaloob ng Diyos at hindi kailanman uunlad dahil ang tao ay may

potensyal na maging mabuti o masama.

_____20. Dahil pamilya ang mahalaga sa pag – unlad ng tao, ang taong walang pamilya ay

walang kaganapan

You might also like