Filipino 7 Q2 Modyul 6 Students

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

7

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Epiko (Panitikan ng Visayas)

AIRs - LM
LU_Q2_Filipino7_Module6
FILIPINO 7
Ikalawang Markahan - Modyul 6: Epiko
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Florean S. Tovera


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Mga Tagasuri: Armi L. Valdez at Alvin D. Mangaoang
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Vincent O. Dumaguin

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education – SDO La Union

Office Address: Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union


Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

ii
LU_Q2_Filipino7_Module6
7

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Epiko (Panitikan ng Visayas)

LU_Q2_Filipino7_Module6
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para


sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.

iv

LU_Q2_Filipino7_Module6
Sapulin

Isang marubdod na pagbati sa iyo minamahal kong mag-aaral. Batid kong


sabik ka nang maglakbay para tumuklas ng mga bago at dagdag na kaalaman. Tiyak
kong kagigiliwan mo ang ating paglalakbay. Ano pang ginagawa mo, halika na at
samahan mo akong tuklasin ang mundo ng kababalaghan.

Dito sa Modyul 6, iyong mababatid ang epiko ng kabisayaan. Masasalamin


dito ang kanilang mga paniniwala, pamumuhay at kultura. Bago pa man dumating
ang iba’t ibang mananakop sa ating bansa, mayroon na tayong sariling mga
paniniwala, kultura, wika at mga akdang pampanitikan tulad ng mito, alamat at
kuwentong-bayan. Ang ating bansa ay mayaman sa panitikan, bawat rehiyon nito
ay mayroong maipagmamalaking sariling mga kuwento lalo na patungkol sa mga
kabayanihan.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, mauunawaan mo ang sumusunod:


Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs):
1. Nagagamit nang maayos ang mga pang-ugnay sa paglalahad (una, ikalawa,
halimbawa at iba pa) (F7-IIg-h-10); at
2. Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng mga
taga-Bisaya sa kinagisnang kultura (F7PN-IIg-h-10).

Mga Tiyak na Layunin:


1. Natutukoy ang kahulugan, kasaysayan, katangian at elemento ng
epiko;
2. Nauunawaan ang buod ng epikong “Hinilawod”;
3. Nasusuri ang mga katangiang taglay ng mga tauhan sa epiko;
4. Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga
ng mga taga-Bisaya sa kinagisnang kultura; at
5. Nagagamit nang maayos ang mga pang-ugnay sa paglalahad (una,
ikalawa, halimbawa at iba pa).
Nakahanda ka na ba? Halika na’t sasamahan kita sa pagtuklas ng mga
karagdagang kaalaman.

1 LU_Q2_Filipino7_Module6
Aralin

6 Epiko: Hinilawod

Simulan

Bago ka magpatuloy sa araling ito ay susubukin muna natin kung ano ang
iyong kaalaman patungkol sa araling ito. Kung handa na, umpisahan na!
Gawain 1: Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang pinakawastong titik ng
iyong sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Anong anyo ng panitikan ang tumatalakay sa kabayanihan na may
halong kababalaghan?
A. Alamat B. Dula C. Epiko D. Nobela
2. Ito ang salitang Griyego ng epiko na nangangahulugang “awit”.
A. Epic B. Epikos C. Epos D. Essais
3. Alin sa sumusunod na epiko ang nagmula sa kabisayaan partikular sa
Panay?
A. Biag ni Lam-ang B. Hinilawod
C. Hudhud D. Kudaman
4. Ano ang tawag sa isang epiko na sobrang haba at umaabot sa isang
daang araw ang pagkukuwento?
A. Epikos B. Epos
C. Macro-epic D. Micro-epic
5. Anong elemento ng epiko na tumutukoy sa lugar at oras kung saan
naganap ang mga pangyayari?
A. Sukat B. Tagpuan C. Tauhan D. Tugma
6. “Robert huwag kang gumawa ng masasama wala itong
magandang maidudulot sa iyo.” Anong pang-ugnay ang angkop gamitin
sa pangungusap?
A. dahil B. ngunit C. sapagkat D. kung
7. “Una magsuot ng face shield at face mask, ikalawa madalas na
paghuhugas ng kamay, ikatlo at pinakamahalagang sundin ay ang
pananatili sa loob ng tahanan lalo na sa mga hindi pa
nababakunahan.” Saan ginagamit ang mga nasalungguhitang salita?
A. Paghahambing B. Paglalahad
C. Paglalarawan D. Sanhi o Dahilan

2 LU_Q2_Filipino7_Module6
8. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga halimbawa ng pang-
ugnay sa pagsisimula ng pangyayari?
A. una B. kalaunan C. sa simula D. sa una
9. Ano ang tawag sa salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita,
parirala o sugnay?
A. Pang-abay B. Pang-angkop
C. Pang-ukol D. Pang-ugnay
10. Paano nakatutulong ang mga salitang ginagamit na pang-ugnay para
maging mabisa ang paglalahad?
A. madaling maintindihan kung sino ang pinag-uusapan
B. maging malinaw ang pangungusap na pinapahayag
C. para malaman ang tinutukoy ng pangungusap
D. para hindi malilito ang mambabasa

Mahusay kaibigan! Nagawa mo ang paunang pagtataya. Huwag kang mag-


alala kung mababa man ang iskor na iyong nakuha dahil nakatitiyak akong
pagkatapos ng araling ito ay mapauunlad mo pa ang iyong kaalaman. Dagdagan mo
lang ang iyong pagsisikap habang tayo’y nagpapatuloy.

Lakbayin

Alam mo bang…

Epiko ang tawag sa anyong pampanitikang tumatalakay sa kabayanihang


may halong kababalaghan? Nagmula ito sa salitang Griyego na “epos” na
nangangahulugang “awit”. Hinango rin sa salitang epikos na nangangahulugang
“Dakilang Likha”. Ang epiko ay mahabang salaysay na maaaring bigkasin sa anyong
patula o paawit. Tinatawag na “macro-epic” ang isang epiko kung ito ay sobrang
haba at maaaring umabot o humigit sa isang daang araw ang pagkukuwento. Ito ay
naglalaman ng “micro-epic” na isang parte o bahagi ng kuwento na maaaring
ihiwalay para makabuo ng isa pang bukod na kuwento.

Mga Elemento ng Epiko


1. Banghay – ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari na maaaring
payak o komplikado. Nahahati ang epiko sa limang bahagi: simula-saglit na
kasiglahan-kasukdulan-kalakasan at wakas.
2. Matatalinghagang pahayag – mga salitang hindi nagbibigay ng direktang
kahulugan. (halimbawa: balat sibuyas-mahiyain, naniningalang-pugad-
nanliligaw)
3. Sukat at Indayog – sukat ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod, sa epiko
ang mga tiyak na sukat ay: wawaluhing pantig, lalabindalawahing pantig at
lalabingwaluhing pantig samantalang ang indayog ay ang taas-baba sa
pagbigkas.
4. Tagpuan – lugar at oras kung saan naganap ang mga pangyayari.
5. Tauhan – sila ang nagbibigay ng buhay, kumikilos sa epiko, ang mga tauhan
ay karaniwang may angking kapangyarihan.
6. Tugma – matatagpuan sa huling pantig ng bawat taludtod, pagkakasintunog
ng mga pantig sa dulo ng salita.

3 LU_Q2_Filipino7_Module6
Apat na Kinikilalang Epiko ng Bisaya
1. Haraya – katipunan ito ng mga tuntunin tungkol sa kabutihang asal at
salaysay ng mga paghahalimbawa ng nasabing tuntunin.
2. Lagda – kalipunan ng mga tuntunin ukol sa mabuting pagtupad sa tungkulin
sa pamahalaan na napapaloob sa mga salaysayin at pangyayari.
3. Maragtas – isang ulat pangkasaysayan na nagsasaad ng pinagmulan ng
Bisaya.
4. Hinilawod – isa sa pinakamatanda at pinakamahabang epiko ng Kanlurang
Bisaya, nagsasaad ito ng kaunlaran at kultura ng Panay.

Ang Hinilawod ayon kay Jocano ay hinango sa dalawang salita: “Hini”- na


ibig sabihin ay tunog o himig at “Lawod”- na nangangahulugan namang dagat.
Ang Hinilawod samakatuwid, ay nangangahulugang “Himig ng Dagat” o sa
matalinghagang salin ay “Himig mula sa Dagat”. Sinasabing isa sa
pinakamahabang epiko sa Sulod, mga grupo ng tao sa kabundukan ng Gitnang
Panay. Ang epiko ay nahahati sa apat na mahahalagang bahagi ito ang: Kuwento
nina Alunsina at Datu Paubari, Pakikipagsapalaran ni Labaw Donggon,
Pakikipagsapalaran ni Humadhapon at ang Pakikipagsapalaran ni
Dumalapdap.

Ngayon matutunghayan mo ang isa sa apat na pangunahing epiko ng


Kabisayaan ang Hinilawod na sinasabing pinakamatanda at pinakamahabang epiko
ng Panay dahil binubuo ito ng 18 salaysay na kumakatawan sa tatlong henerasyon
na may kaugnayan sa Iloilo, Aklan at Antique. Basahin at unawaing mabuti ang buod
ng epikong ito sa loob ng kahon.

Hinilawod
(buod)

1. Si Alunsina ay isang dakilang babae na taga-dagat Silangan. Pumayag


siyang magpakasal kay Paubari na isang karaniwang tao.
2. Nagalit si Maklimsa-twan, ang panginoon ng lambak at kapatagan na
nagselos sa desisyong ginawa ni Alunsina kaya sinalanta niya ang kaharian
nina Paubari at Alunsina.
3. Sa tulong ni Suklan Malayon(kapatid ni Alunsina) na tagapangalaga ng
tahanan ng mag-asawa, nakaakyat sila sa bundok ng Madyaas kaya
nakaligtas sila sa bagyo at baha.
4. Pagkatapos ng delubyo, bumaba na ang mag-asawa sa kapatagan at
namuhay nang payapa.
5. Nagkaanak sila ng tatlong lalaki na pawang mga higante.
6. Sila ay sina Labaw Donggon ang panganay, Humadapnon ang pangalawa
at ang bunsong si Dumalapdap.
7. Pagkatapos silang isilang pinatawag ni Alunsina ang paring si Bungot-
Banawa upang isagawa ang “pabatak dungan” ( isang ritwal na ginagawa
ng mga babaylan na kung saan pinapalakas ang mga sanggol at binigyan
ng mga anting-anting ).
8. Kaya’t matapos ang ritwal naging malalakas at makikisig ang
magkakapatid.
9. Unang nakipagsapalaran si Labaw Donggon ,hiningi niya ang pahintulot ng
ina upang humanap ng mapapangasawa.
10. Hinarap niya at hiningi sa kanila na mapangasawa ang kanilang mga anak.
11. Nagbigay sa kaniya ng mga pagsubok ang mga ito na kaniya namang
napagtagumpayan ngunit sa pangatlong pagkakataon, nadaig siya ni

4 LU_Q2_Filipino7_Module6
Saragnayan ang hari ng kadiliman kaya nabigo siyang mapangasawa ang
ikatlong babaeng napipisil niya bilang asawa na si Maltong Yawa
Sinagmaling Diwata.
12. Binalak ni Humadapnon na iligtas ang kapatid.
13. Sa pagtungo niya sa kaharian ni Saragnayan, nasalubong niya ang
mangkukulam na si Pinganun-Pinungganun.
14. Nagpalit ito ng anyo upang siya ay akitin iniligtas siya ng kaibigang si
Buyong Matanayon.
15. Samantala, si Labaw Donggon ay iniligtas naman ng kaniyang anak na si
Aso Managa.
16. Nakarating sa kaharian ng Umban Pinaumbaw si Humadapnon sa tulong
ng kaniyang mahiwagang lupa, naalis niya ang mahiwagang bato na nasa
sentro ng kaharian kaya napangasawa niya ang prinsesa ng Umban
Pinaumbaw.
17. Sa kaniyang pangatlong pakikipagsapalaran nakamit niya ang kamay ni
Bungadang Pada, Sinaklang Bulawon na diyosa ng kadiliman.
18. Sa pakikipagsapalaran naman ni Dumalapdap, kailangang mapatay niya si
Banalakon na isang higanteng may dalawang ulo upang makamit si
Mahuyok-huyokan.
19. Nakipaglaban din siya kay Ayutang , ang higanteng kabag.
20. Nagtamo ito ng sugat sa kilikili na siyang pinakamahinang bahagi ng
katawan ni Ayutang.
21. Pumalag nang pumalag ito kaya ang lupang tinatapakan nito ay biglang
nahati sa dalawa.
22. Lumubog ang mga bato sa dagat at pagkatapos ay muling lumutang at
naging pulo ng Panay at Negros.
23. Ipinamahagi sa tatlong magkakapatid ang bagong tatag na lupa. Si Labaw
Donggo ay naging hari ng Irong-irong ( na ngayon ay tinatawag na Iloilo ),
si Humadapnon ang hari ng Mantik ( Antique ngayon ) at si Dumalapdap
ang hari ng Aklan.

Panitikang Kayumanggi ( Pangkolehiyo)


Teksto sa Panitikang Pilipino
National Bookstore 1994

Alam mo bang…

Ang pang-ugnay ay tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng


dalawang salita, parirala, o sugnay? Ito ay mahalaga upang makita ang pag-
uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Nagagamit ang pang-
ugnay sa pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari, hanggang sa pagwawakas
ng pagsasalaysay.

Ang mga pang-ugnay na ginagamit sa Pagsasalaysay o Paglalahad sa


pagsusunod-sunod ng pangyayari o pagbibigay ng proseso, hakbang o panuto
ay ang mga salitang una, ikalawa, ikatlo, kasunod, panghuli at iba pa.

5 LU_Q2_Filipino7_Module6
Galugarin

Gawain 2: Talakayang Pangnilalaman!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong. Gumamit ng
hiwalay na papel para sa mga kasagutan.

1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa epikong binasa?

2. Sino ang pinakamatagal na nakasagupa ni Labaw Donggon?

3. Tama ba ang ginawa ng magkapatid na iligtas ang kanilang ama sa kamay ng


kaaway nito? Pangatwiranan ang iyong sagot.

4. Sa iyong palagay, sino sa tatlong magkakapatid ang kahanga-hanga?


Pangatwiranan.

5. Anong aral ang masasalamin sa epikong iyong binasa na magagamit mo sa


iyong pang-araw-araw na buhay?

Gawain 3: Alaala Subukin!


Panuto: Ayusin ang mga titik sa loob ng kahon na nasa Hanay B upang maibigay
ang hinihingi ng mga pahayag na nasa Hanay A. Gumamit ng hiwalay na
papel para sa gawaing ito.

Hanay A Hanay B
1. Salitang Griyego ito ng epiko
SOPE
2. Pagkakasintunog ng mga UGAMT
pantig sa dulo ng salita

3. Diyos ng mga Bisaya NOLA

4. Nangangahulugang dagat DOLAW

5. Ibig sabihin ng “hini” GNUTO

6 LU_Q2_Filipino7_Module6
Gawain 4: Tukuyin Mo!
Panuto: Tukuyin kung anong kultura/kaugaliang Pilipino ang sinasalamin ng mga
bahagi ng epiko sa ibaba. Kopyahin ang mga bahagi at ilagay sa tapat nito
ang ipinakikitang kultura/kaugaliang Pilipino. Gumamit ng hiwalay na
papel para sa gawaing ito.

Bahagi ng Epiko Kaugalian/Kulturang Pilipino


1. Pagkatapos isilang ay agad na ipinatawag ni
Alunsina ang paring si Bungot-Banwa para
gawin ang ritwal na pabatak dunga.
2. Humingi ng pahintulot si Labaw sa kaniyang
ina upang maghanap ng mapapangasawa.
3. Nang makarating sa lugar ay hinarap niya
ang mga magulang ni Anggoy Ginbitinan at
hiniling na mapangasawa ang kanilang anak.
4. Pagkatapos maisilang ang tatlong anak
binigyan sila ng pangalan na Labaw Donggo,
Humadapnon at Dumalapdap.

Gawain 5: Kilalanin Mo!


Panuto: Kilalanin ang mga pag-ugnay na ginamit sa paglalahad sa akda na
nagpapakita ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. Maglista ng tatlo (3).
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1.
2.
3.

Gawain 6: Gamitin Mo!


Panuto: Ilahad sa ibaba ang mga dapat gawin kapag nakaramdam ng sintomas ng
CoViD-19. Gamitin ang mga pang-ugnay na ginagamit sa paglalahad ng
pagsusunod-sunod tulad ng una, ikalawa, ikatlo, ikaapat at panghuli.
Tiyaking tama ang pagkakasunod-sunod. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Una

Ikalawa

Ikatlo

Ikaapat

Panghuli

7 LU_Q2_Filipino7_Module6
Palalimin

Gawain 7: Ivideo Mo Na ‘Yan!


Panuto: Ikaw ay magkukuwento tungkol sa isang napakahalagang pangyayari sa
iyong buhay. Gamitin ang mga pang-ugnay na ibinigay sa itaas at kuhanan
mo ng video ang iyong sarili. Ipasa ito sa messenger ng iyong guro.
(Maaaring isulat ang iyong kuwento sa isang buong papel kung walang
gagamitin sa pagkuha ng video)

Rubriks sa Isasagawang Awtput:


Kalinawan sa paglalahad ng detalye o 10 puntos
mensahe
Kahusayan sa pananalita o pakikipag- 7 puntos
usap
Tama ang pagkakagamit ng mga pang- 3 puntos
ugnay
Kabuoan 20 puntos

Ang galing mo, ‘di ba? Alam kong nag-eenjoy ka. Nakapaglakbay ka sa
pamamagitan ng aralin na ito. Busog na busog ang iyong mga mata at punong -puno
ka pa ng kaalaman.

Sukatin

Magaling! Binabati kita dahil nakaabot ka sa bahaging ito. Tiyak kong marami
kang nalaman sa mga iba’t ibang mga gawain sa Modyul na ito. Ngayon, ating
tatayahin ang iyong kaalaman sa natapos na aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong o pahayag. Piliin at isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ang salitang Griyego ng epiko na nangangahulugang “awit”.


A. Epic B. Epikos C. Epos D. Essais

2. Ano ang tawag sa epiko na sobrang haba at umaabot sa isang daang


araw ang pagkukuwento?
A. Epikos B. Epos
C. Macro-epic D. Micro-epic

3. Alin sa sumusunod na epiko ang nagmula sa kabisayaan partikular sa


Panay?
A. Biag ni Lam-ang B. Hinilawod
C. Hudhud D. Kudaman

8 LU_Q2_Filipino7_Module6
4. Anong anyo ng panitikan ang tumatalakay sa kabayanihan
na may halong kababalaghan?
A. Alamat B. Dula C. Epiko D.
Nobela

5. Isa sa mga pangunahing epiko ng Bisaya na nagsasaad ng


pinagmulan nito.
A. Haraya B. Hinilawod
C. Lagda D. Maragtas

6. Anong elemento ng epiko ang tumutukoy sa lugar at oras


kung saan naganap ang mga pangyayari?
A. Sukat B. Tagpuan C. Tauhan D.
Tugma

7. Ayon kay Jocano, ano ang ibig sabihin ng “Hini”?


A. dagat B. hangin
C. lawod D. tunog o himig

8. Ano ang tawag sa salitang nagpapakita ng relasyon ng


dalawang salita, parirala o sugnay?
A. Pang-abay B. Pang-angkop
C. Pang-ukol D. Pang-ugnay

9. “ , hugasan ang bigas ng dalawang beses. Pangalawa ilagay


ito sa kalan. Pagkatapos ay lutuin na may katamtamang
lakas ng apoy. Hanguin kapag ito ay tuyo na.” Ano ang
angkop na pang-ugnay sa patlang?
A. Una B. Sa huli
C. Sa madaling sabi D. Unang araw

10. Alin sa sumusunod na kataga ang maaaring gamitin sa


paglalahad ng isang pangyayari.
A. una B. ikalawa
C. huli D. lahat ng nabanggit

You might also like