Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO IV

Panuto: Pakinggang mabuti ang akda. Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat tanong.

1. Bakit itinuturing na napakahalagang mineral ang tubig?


A. Sapagkat ang tubig ay mahalaga.
B. Sapagkat ito ay binabayaran.
C. Sapagkat ito ay masarap inumin.
D. Sapagkat hindi mabubuhay ang mga tao, halaman at hayop kung wala ito.

2. Ano ang maaaring mangyari kung patuloy na mag-aaksaya ng tubig ang mga tao?
A. Dadami ang tubig sa mundo.
B. Magkakaroon ng La Niña sa Pilipinas.
C. Lalaki ang babayaran ng mga tao sa tubig.
D. Mauubos ang tubig sa mundo at wala nang magagamit ang susunod na henerasyon.

3. Kung dumating ang panahon na maubos ang tubig sa mundo, ano ang maaaring mangyari?
A. Magiging madumi ang paligid
B. Magiging madumi at mabaho ang mga tao.
C. Mamamatay ang mga tao, hayop at halaman.
D. Magsasaya ang mga tao dahil hindi na babaha.

4. Ano ang maaring mangyari kung matututo ang mga taong magpahalaga at magtipid ng tubig?
A. Magkakaroon ng pagbaha.
B. Magkakaroon ng tagtuyot sa mundo.
C. Magkakaroon ng hanapbuhay ang mga tao.
D. Magkakaroon ng patuloy na suplay ng tubig hanggang sa darating na henerasyon.

Panuto: Piliin ang titik wastong sagot sa mga tanong.


5. Masayang nagbalik sa kani-kanilang silid ang mga mag-aaral. Anong uri ng pang-abay ang
salitang may salungguhit?
A. pamaraan B. panlunan C. pamanahon D. pangkailan
6. Sa umaga makikita ang napakagandang pagsikat ng araw. Alin ang pang-abay na pamanahon?
A. makikita B. napakaganda C. pagsikat D. sa umaga

7. ________________ kumakain ng almusal ang aming pamilya. Aling pang-abay na pamanahon


ang dapat gamitin sa sitwasyon.?
A. Tuwing gabi B. Tuwing tanghali C. Tuwing hapon D. Tuwing umaga

8. Bago umuwi sa bahay si Nanay ay dumaraan muna siya ___________________ upang bumili ng
pang-ulam.
A. sa paaralan B. sa simbahan C. sa palengke D. sa parke

9. Ang mga mag-aaral ay nagtutungo ____________________ upang humiram at magbasa ng aklat.


A. sa kantina B. sa aklatan C. sa palaruan D. sa opisina
10. Ang magaganda ____ tanawin ay ipinagmamalaki natin.
A. na B. ang C. ng D. g

11. Ang mga mamamayan__ nakatira sa tabing dagat ay kadalasang mangingisda.


A. o B. na C. ng D. g

12. Ang tubig __ umaagos sa talon ay nanggagaling sa itaas ng bundok.


A. na B. ng C. g D. ang

13. Isa sa pinakamaganda__ tanawin sa Pilipinas ang Banaue Rice Terraces.


A. o B. na C. ng D. g
14. Ang mga anyong tubig __ anyong lupa ay nagbibigay ng magagandang tanawin sa bansa.
A. ngunit B. at C. habang D. subalit

15. Nakikinig ang mga mag-aaral ______ nagtuturo ang guro.


A. habang B. ngunit C. subalit D. kahit pa

16. Gusto kong sumama sa pamamasyal ______ tila babagsak na ang ulan.
A. o B. at C. habang D. ngunit

17.Tanyag ang Disney Land sa buong mundo ______ isa itong magandang pook pasyalan.
A. subalit B. ngunit C. sapagkat D. datapwat

18. Mahirap lamang sina Ramon ______ di sya nawawalan ng pag-asa.


A. datapwat B. subalit C. ngunit D. sapagkat

19. Ang pulubi ay nang-umit ng tinapay sa palengke. Saan matatagpuan ang simuno sa pangungusap?
A. gitna B. unahan C. hulihan D. walang tamang sagot

20. Masigla at malakas na ang matandang may sakit. Ang panag-uri ay nasa ________ ng
pangungusap.
A. gitna B. unahan C. hulihan D. walang tamang sagot

21. Sambakol ang mukha ni Jenny dahil naubusan siya ng tinapay. Alin sa mga sumusunod ang ibig
sabihin ng mga salitang may salungguhit?
A. nakatawa B. umiiyak C. nakasimangot D. nakangiti

22. Ang aksidenteng nakita ko ay tunay na nakakapanindig balahibo. Ano ang kahulugan ng
idyomang nakakapanindig balahibo?
A. nakakatawa B. nakakakilabot C. nakakaiyak D. nakakayamot

23. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng pantasya?


A. Kapag umuulan tumataas ang tubig sa ilog.
B. Kapag umuulan maaaring magkaroon ng baha.
C. Bumabagsak ang ulan kapag di na ito kaya ng ulap.
D. Kapag umuulan sumasayaw ang mga puno at bulaklak.

24. Alin sa mga sumusunod na salaysay ang bunga ng imahinasyon o kathang isip?
A. Ang mga palaka ay nakatira sa tubig.
B. Maingay ang mga palaka kapag umuulan.
C. Naging palaka si Kara nang siya ay masugatan.
D. Si Kara ay dinala sa doktor upang magamot ang kanyang sugat.

25. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng katotohanan?


A. Ang lahat ng malalaking puno ay matitigas na kahoy.
B. Mahusay na panggatong ang mga puno sa gubat kaysa sa patag.
C. Ang ugat ang bahagi ng halaman na kumakapit sa lupa upang di mabuwal.
D. Mas maraming pakinabang na nakukuha sa malalaking puno kaysa sa maliliit.

26. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng matinding damdamin?


A. Makinig kang mabuti sa ikukuwento ko. C. Wow! Napakaganda naman ng iyong damit.
B. Dalhin ang mga aklat na ito sa silid-aklatan. D. Kaninong lapis ang napulot mo kahapon?

27. Ang lahat ng nabubuhay sa mundo ay nilikha ng Diyos.Anong uri ng pangungusap ito?
A. patanong B. pasalaysay C. pautos D. padamdam

28. Sa mga pangungusap sa ibaba, alin ang nagsasaad ng utos?


A. Bakit kaya nagbago ang anyo niya?
B. Makinig kang mabuti sa ikukuwento ko.
C. Si Uwak ay dating maputi at magandang ibon.
D. Pwede bang ikuwento mo sa akin ang kanyang alamat?

29. Gustong malaman ni Dennis ang petsa kung kailan nilimbag ang aklat niya. Saan niya ito
hahanapin?
A. talaan ng nilalaman B. paunang salita C. pahina ng karapatang-sipi D. pabalat

30. May ilang salitang hindi maunawaan si Tina at gusto niyang malaman ang kahulugan ng mga ito.
Saang bahagi ng aklat niya ito makikita?
A. talaan ng nilalaman B. talahulugan o glosari C. indeks D. paunang salita

31. Ang takdang aralin nina Janna ay magtala ng pamagat, pangalan ng mga may akda ng aklat at
kung kailan ito inilimbag. Saang bahagi ng aklat niya mahahanap ang sagot?
A. paunang salita B. talaan ng nilalaman C. karapatang-sipi D. pabalat

32. Nakalahad dito ang damdamin ng may akda patungkol sa aklat. Anong bahagi ito ng aklat?
A. pabalat B. pamagat C. paunang salita D. talaan ng nilalaman

33. Pumunta sa ibang bansa ang iyong mga kamag-aral upang makipagpaligsahan sa paglangoy.
Kung nais mong malaman ang resulta ng paligsahan, anong bahagi ng pahayagan ang una mong
bubuklatin?
A. Pahinang Editoryal C. Pahinang Palakasan
B. Anunsyo Klasipikado D. Pahinang Obitwaryo
34. Natanggal sa trabaho ang iyong kapatid. Anong bahagi ng pahayagan ang maaari niyang basahin
upang makahanap siya ng mga kompanyang pwede niyang aplayan?
A. Pahinang Editoryal C. Pahinang Palakasan
B. Anunsyo Klasipikado D. Pahinang Obitwaryo
35. Mahalagang alam mo ang mga nangungunang balita para sa balitaan ninyo sa Araling Panlipunan.
Saang bahagi ng pahayagan ito babasahin?
A. Pamukhang Pahina C. Balitang Pandaigdig
B. Pitak Pantahanan D. Panlibangan
36. Gustung-gustong malaman ni Nelly kung kailan muling magkakaroon ng konsyerto ang paborito
niyang bandang 6-Cycle Mind. Sa anong bahagi ng pahayagan niya ito makikita?
A. Pitak Pantahanan C. Pahinang Panlibangan
B. Pahinang Pampalakasan D. Anunsyo Klasipikado

Susi sa Pagwawasto

1. D 21. C
2. D 22. B
3. C 23. D
4. D 24. C
5. A 25. C
6. D 26. C
7. D 27. B
8. C 28. B
9. B 29. C
10. C 30. B
11. D 31. D
12. A 32. C
13. C 33. C
14. B 34. B
15. A 35. A
16. D 36. C
17. C
18. B
19. B
20. B

You might also like