Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Balagtasan

“SA SUMAMANG BATA, SINO ANG MAY SAGUTIN: ANG PAARALAN BA OTAHANAN NATIN”

Lakandiwa:
Isang karangalang kami ay maghahandog Nitong balagtasan na kalugod-lugod
Ito’y ugali na ng mga Tagalog

Mana kay Balagtas na tula’t


alindog.
Bilang Lakandiwa paksa’y lilinawin,

Sa sumamang bata sino’ng may sagutin


Ang paaralan ba o tahanan natin?

Dapat Managot ang Tahanan:

Araw na masaya’t maligayang araw


Ang unang bati ko sa nangapipisan
Lalo na sa Guro, Ama’t Inang
mahal
Sa aking katalo’t mga kamag
-aral

Ako po ay sugo nitong paaralan Upang ipagtanggol sa mga


labananSa masamang gawa niyang kabataanAng dapat
sisihin ay mga tahanan

Mga paaralan ang itinuturo


Pagbasa’t pagsulat at ugaling wasto

Guro’y may
tuntunin na dapat makuroLahat ng gawain inaaral sa puso

Ang mga tahanan ang dapat managot


Pagka’t sa tahanan maraming gusot
At may kasabihan ang mga Tagalog
Pag puno’y matamis ang bunga ay gamut

Maraming magulang ang nagpapabayaSa mga tungkulin sa anak


ng mutya;
Ang Ama’y lasenggo, Ina’y sa sugalan
Ang anak ay tiyak na nasa lansangan.
Dapat Managot ang Paaralan:
Wika ng magulang ang mahal kong anak Nang aking ipasok halos umiiyakGulang pitong taon
salitang masaklapHindi nalalaman, isip hindi mulat

Bakit nang mag-aral ang anak na mahalSalitang masama ngayon ay nalaman


Natutong dumabog sa kanyang magulangKung magkabihira hindi mautusan

Di ko sinasabing guro ang may turo Saan natutuhan ang isip na liko Sa aming tahanan ang gawing di
wasto
May pangaral agad, katabi’y lanubo

Marami sa guro mahina ang loobAyaw parusahan mga batang buktotAng mga pamalo bawal na raw
lubosAyon daw sa aklat ipinag-uutos

Dapat Managot ang Tahanan:

Natuklasan namin magulang na irogMarami sa batang di kilala ang Diyos,At


ang buong angkan hindi nagdarasalPagdating ng hapon sa iisang altar

Kaya’t nang mag


-aral mahal ninyong anakAy ang pagkukurus aming tinumpakHindi lang
pagbasa at wastong pagsulatPagsamba sa Diyos tinuturong ganap.

Di ko nilalait ang mga magulangSobrang magpalayaw sa anak na hirang


Ayaw magpapalo’t mapangaralan
Niyang mga gurong alila ng bayan

Kapagka lumiban mahal ninyong anak

Kami’y lumiliham agad hinahanap


Kung magkabihira magulang na liyagAy namumuhi pa sa aming pagtawag.

At saka sa ngayon kami’ng sisisihin


Tumutulong lamang sa inyong tungkulin
Kaya maliwanag pag bata’y suwail
Magulang ang siyang dapat na sisihin.

Dapat Managot ang Paaralan:

Paano mahuhubog ang isip nalikoKung di huhutukin niyang mga guro


Sabi ni Balagtas habang mura’ng buto
Dapat na hutukin nang hindi palalo.

Iyong amining ang mga barkadaAy sa paaralan diyan


nakikitaGulang labinlima sa mga eskwelaAlangang binate,
alangang dalaga
Kapagka ang guro diya’y nagpabaya
Mga anak natin tiyak na sasama Ang patabi-tabi at
kali-kalingaSa may murang puso tiyak na masama

a paaralan po ay maraming bagay Ang natututuhan


niyang kabataanKaya mga guro kapag patay-
patayMaglalahong ganap ang kay mundong ilaw

Sa panahon ngayon pag bata’y sumama

Guro’t paaralan ang may salang lubha


Dito namulat ang isip ng bataKayo ang maghigpit sa
pag-aaruga.

Lakandiwa:

Sa aking palagay, mga katwiranInyo nang


narinig, minumutyang bayanSa sumamang
bata, sino nga ba ang may sagutinAng
paaralan ba o tahanan natin?

Ngunit namasid ko ang mga


bulunganHalos walang tigil habang
naglalabanan.Itong balagtasan wawakasan
ko naKayo ang humatol, bayang sinisinta!

You might also like