Professional Documents
Culture Documents
AP 3 2nd Periodic Test
AP 3 2nd Periodic Test
Department of Education
MIMAROPA Region
SCHOOLS DIVISION OF MARINDUQUE
Boac, Marinduque
I-Panuto: Basahing mabuti at unawain ang bawat aytem. Piliin at punan ng shade ang
bilog ng tamang sagot .
1. Ang MIMAROPA ay binubuo ng mga lalawigan. Alin ang hindi kabilang sa mga lalawigang
ito?
A. Marinduque B. Mindoro C. Quezon D. Romblon
_____6. Ang Marinduque ay isang lalawigan sa MIMAROPA. Ayon sa alamat ang isla na ito ay
nabuo sa pag iibigan ng dalawang tao. Sino ito?
A. Gat Salamat at Prinsesa Urduja C. Datu Batungbakal at Rajah Marina
B. Marin at Duque D. Datu Puti at Prinsesa Maruja
_____7. Nagkaroon ng labanan sa Pulang lupa kung saan maraming sundalong amerikano ang
namatay.Sino ang namuno sa labanan ito?
A. Col. Juan Sumulong C. Col. Pedro Macaraeg
B. Col. Maximo Abad D. Col. Paterno del Prado
_____8. Ang batas 2280 ay ipinasa ng kongreso ng Pilipinas na muling pagtatag ng Marinduque
bilang isang hiwalay na lalawigan. Kailan ito naganap?.
A. Pebrero 21, 1920 C. Mayo 15, 1920
B. Marso 12,1920 D. Hulyo 22, 1920
_____9. Sino ang mga naunang nanirahan sa Romblon na nagmula sa tribong Panay at
Mangyan mula sa Mindoro.
A. Negritos C. Malay
B. Indones D. Badjao
_____10. Noong 1917, Muling itinatag ang Romblon bilang hiwalay na lalawigan. Anong batas
anag nagtakda nito?
A. Philippine Act of 1364 C. Philippine Act No.2724
b. Republic Act of 1965 D. Republic Act of 2865
_____11. Ito ang Pinakamalaking lalawigan sa buong bansa na may sukat na 1.7 milyong
ektarya?
A. Romblon C. Mindoro
B. Palawan D. Marinduque
_____12. Natanyag ang lalawigan ng Palawan sa buong Mundo dahil sa pook pasyalan na
itinuturing na Seven Wonders of the World.
A. Puerto Princesa Underground River
B. Palawan White Beach
C. Palawan Scuba Diving Resort
D. Cuyo Sandbar and Beach Resort
_____15. Sa pamumuno ni Kapitan Teofilo Roque kasama ang 88 gerilya gamit ang mga lumang
baril at mahigit 100 sibilyan na may armas na itak, pana, sibat at garote ay nagawa nilang
paatrasin ang tropang Amerikano sa naganap na labanan sa__________.
A. Laguna B. Mogpog C. Paye D. Makiling
_____16. Saan makikita ang isang malaking bato na sumisimbolo sa hegrapikong kinatatayuan
ng Marinduque bilang pinakapuso ng Pilipinas?
A. Sta. Cruz, Marinduque C. Makati, Philippines
B. Boac, Marinduque D.Luzon Datum ng 1911
_____18. Alin dito ang hindi nagbibigay ng tamang salaysay tungkol sa simbolo ng lalawigan?
A. Ang simbolo ng lalawigan ay hindi nagpapakita ng katangian.
B. Ang simbolo ng lalawigan ay nagpapakita ng kasarinlan nito.
C. Ang simbolo ay naglalarawan sa katangian ng lalawigan.
D. Ang simbolo ng lalawigan o lungsod ay nagpapakita ng katangian.
_____19. Sa awit na MIMAROPA HYMN, ano-anong lalawigan ang nabanggit ayon sa acronym
nito?
A. Romblon, Marinduque, Palawan, at Mindoro
B. Mindoro, Palawan, Romblon, at Marinduque
C. Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan
D. Palawan, Romblon, Marindque, at Mindoro
_____20. Ang ____________ sa bayan Boac, Marinduque ang siyang tanyag/ sentro ng
edukasyon tungo sa karunungan ng mga mag-aaral na sumasagisag sa magandang
pundasyon ng mga makabagong henerasyon ng mga ma-aaral sa lalawigan ng Marinduque.
A. Marinduque Central School C. Marinduque Montessori
B. Marinduque State College D. Marinduque Elementary School
_____21. Ang pulang simbolo na ito ang kumakatawan sa pamahalaan sa ating lalawigan. Saang
lugar naroroon matatagpuan ang ating Kapitolyo?
A. Mogpog B. Sta. Cruz C. Torrijos D. Boac
II. Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na simbolo, piliin, at isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot sa bawat aytem.
_____23. Ang opisyal na seal ng Marinduque ay may tatlong bituin sa itaas na bahagi nito at
punong niyog na nasa gitna nito na sumasagisag sa pangunahing pinangkukunang-yaman
ng mga taga Marinduque. Ano naman ang kumakatawan sa maliliit na bangka sa loob nito?
A. pangingisda B. paglalangoy C. paglalaro D. pagtatago sa ilalim ng
tubig
_____24. Dito sa Romblon naman ay ano ang mapapansin mo? Ano naman kaya ang kanilang
pinagkukunang-yaman dito?
A. pagpapaupa B. pagpapaganda C. pagpapasaya D. pangingisda at pagmamarmol
_____25. Ang Palawan, ang siyang pinakamadaming puno at mga hayop sa opisyal na seal
nasiyang kumakatawan sa _______________.
_____26. Tungkol naman sa Oriental Mindoro, ang tamaraw na isa ang siyang kumakatawan sa
____________.
A.pagdadaing B. pagmimina C. paghahayupan D. pagsasaka
_____27. Ang opisyal na seal ng Occidental Mindoro ay may tatlong tamaraw na siyang
kumakatawan sa ________ ng mga tao dito sa pagsasaka dahil sa kapatagan
taniman ng
lalawigang ito.
A. tamad B. ganda C. talino D. sipag
III. Panuto: Awitin ang awit/himno ng lalawigan ng Marinduque. Pagkatapos, punan ang mga
patlang sa pamamagitan ng pagpili ng titik ng tamang sagot.(28-32)
MARINDUQUE MARCH
_____33. Ito ay isinasagawa tuwing mahal na araw upang gunitain ang mga nangyari noong
ipinako sa krus si Hesus. Ito ay ang mga taong nakasuot ng mascara ng sundalong Romano
na sumasama sa parade tuwing Biyernes Santo. Ano ang tawag sa pagdiriwang na ito?
A. Moriones Festival B. Pahiyas Festival C. Ati-atihan D. Streetdancing
_____34. Ang Marinduque ay kilala sa magiliw na pagtanggap sa panauhin.Ito ay tradisyon ng
Awit panalangin para sa taong nagdiriwang ng kaarawan at pagtanggap sa panauhin na
nilalagyan ng korona at inaalayan ng bulaklak,sayaw at awit.
A. Putong C. Koronahan
B. Moryonan D. Kantahan
_____36. Paano mo maipagmamalaki ang iyong lalawigan na may pagpapahalaga sa kapwa mo?
A. Ibabahagi ko ang mga pagkain at produktong yari/galing sa sariling lalawigan .
B. Sasabihin ko na ang mga pagkaing nasa lamesa ay galing sa ibang bansa.
C. Itatago ko ang mga pagkain laman lupa na niluto ng nanay ko at lalabas ko ang
tsokolateng padala ng ate ko galing Amerika.
D. Kukutyain ko siya upang di niya malaman na taga probinsiya/lalawigan ako.
_____37. Ang mga tao sa lalawigan ng Marinduque ay may iba’t ibang katangiang tanglay, ano-
ano ang ilan sa mga katangiang nila?
A. maasikaso, malambing, at masayahin C. palamura, palaaway, at tsismosa
B. mayabang, palaaway, at sinungaling D. tsismosa, mayabang, at
palaaway
_____38. Ano ang masasabi mo sa mga tanawin sa iyong lalawigan? Paano mo ito
maipagmamalaki sa ibang tao?
A. maganda at nakakahalina sa mga turista kaya’t lagi kong ikukuwento ang mga ito sa
kanila.
B. hindi ko sasabihin na may bagong resort sa Maniwaya upang di marating ng mga turista.
C. hindi ko alam ang mga tanwain kaya hindi ko maikuwento ang tungkol sa mga ito.
D. hahayaan ko na lang na ibang tao ang makaalam tungkol dito.
_____39. Bilang isang mamamayan sa iyong laawigan, ano sa palagay mo ang kaya mong gawin
upang mapanatili ang kagandahan at kaayusan ng mga tanawin sa inyong lalawigan?
A. Hahayaan ko na maglinis ng kapaligiran ang mga tao sa iba’t-ibang lugar sa aming lalawigan.
B. Panonoorin ko ang mga taong naglilinis at nagtatanim sa aming lalawigan.
C. Tutulong ako sa paglilinis at pagtatanim ng mga halaman sa aming lalawigan sa abot ng
aking makakaya upang maipakita at mapanatiling maayos at maganda ang aming tanawin.
D. Pupunta na lang ako sa ibang lugar upang doon magpalipas ng sariwang hangin.
_____40. Ano sa palagay mo ang iyong kontribusyon bilang isang tunay na mag-aaral upang
mapaunlad ang iyong lalawigan para sa hinaharap na bukas?
A. mag-aaral na mabuti upang pagdating ng tamang panahon ay makakita ako ng
maayos na trabaho at mapaglingkuran ang lalawiagang aking kinabibilangan.
B. bahala na ang nanay ko sa aking kinabukasan.
C. hahayaan ko na lang na dumating ang tamang panahon upang ako’y yumaman.
D. Ang Ate ko ay tatawagan ko sa ibang bansa upang ako’y ipasok ng trabaho.
GOOD LUCK!!!
Parent’s Signature