Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Mathematics 1

Kwarter 1
Modyul 15
Naihahambing ang mga Numero Hanggang sa
100 Gamit ang kaugnay simbolong “greater
than” (>)

1
Mathematics – Unang Baitang
Unang Markahan – Modyul 15 Naihahambing ang mga Numero Hanggang sa 100 Gamit ang
kaugnay simbolong “greater than” (>)
Ikalawang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Angelina R. Formento


Editors: Luz M. Gonzales
Tagasuri:
Nilalaman: Wilma P. Soriano Liza A. Alvarez, EPS - Science/STEM/SSP
Teresita P. Tagulao, EdD, EPS Mathematics,
Geraldine Joy S. Bumanlag-SLR ABM
Joy C. Garcia Joselito E. Calios, EPS - English/SPFL/GAS
Juni D. Ponting Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
Filipino/GAS/Piling Larang
 Wika: Gina M. Bongalos Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
Jessica N. Dacles Norlyn D. Conde, EdD, EPS
Teknikal: Jessica O. Leaño MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Tagaguhit: Edison P. Clet Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz Librada L. Agon, EdD, EPS EPP/TLE/TVL/TVE
Jessica O. Leaño Dulce O. Santos, PhD, EPS Kindergarten/MTB-
MLE
Management Team: Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS - Special
Education Program
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña, EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City


Department of Education – National Capital Region
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-

i
Mathematics 1
Kwarter 1
Module 15
Naihahambing ang mga Numero Hanggang sa 100 Gamit ang kaugnay simbolong “greater
than” (>)

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics 1 ng Modyul 15
tungkol sa araling Paghambing ng mga Numero Hanggang sa 100 Gamit ang
simbolong “greater than” (>)

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

iii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics 1 ng Modyul 15


tungkol sa araling Paghambing ng mga Numero Hanggang sa 100 Gamit ang
simbolong “greater than” (>)

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

iv
v
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng aralin,ikaw ay inaasahang naihahambing


ang mga numero hanggang sa 100 gamit ang simbolong “greater
than” (>).

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Aling bilang ang nagpapakita ng mas mataas sa 36?
A. 63 B. 15 C. 35
2. Anong simbolo ang ginagamit sa paghahambing ng mas mataas
ang bilang sa kaliwa?
A. > B. < C. =
3. Alin ang nagpapakita ng tamang paghahambing ng bilang na
gamit ang kaugnay na simbolo ng “greater than” (>)?
A. 6 >10 B. 60 > 50 C. 50 >60
4. Kung may 25 na ibon sa puno at lumipad ang 5 sa bubong.
Paghambingin ang ibon na natira sa puno at ang ibon sa bubong
gamit ang kaugnay na simbolong “greater than” (>).
A. 25 > 5 B. 20. < 5 C. 20 > 5

5. Si Nena ay mas matanda ng 5 taon sa kanyang kapatid na si


Cora. Kung si Cora ay 15 taong gulang, aling pangkat ang
nagpapakita ng tamang paghahambing ng kanilang edad?
A.25 > 15 B. 20. < 5 C. 20 > 15

BALIK-ARAL

Panuto: Isulat sa loob ng bayabas ang pinakamataas na bilang.

SDO_Pasig_Q1_Math_1_Modyul_15
ARALIN

Basahin at unawain ang suliranin.

Bawal lumabas ang mga bata sa kalsada dahil sa paglaganap ng


COVID-19, kaya ang magkakapatid na Pedro at Lina ay matiyagang

SDO_Pasig_Q1_Math_1_Modyul_15
ginugol ang kanilang oras sa pagbabasa ng aklat. Sa loob ng isang
Linggo, si Pedro ay nakapagbasa ng 27 na pahina at si Lina naman ay
nakapagbasa ng 18 na pahina. Sino ang mas maraming pahina ang
nabasa?

Sa paghahambing na gamit ang kaugnay na simbolo ng “greater


than” (<) tignan ang bilang sa sampuan o tens kung alin ang mas
mataas ang bilang sa kanilang dalawa.

PEDRO LINA

8 7 pahina 7 8 pahina

sampuan sampuan
Mas mataas ang bilang ni Pedro sa sampuan o tens kaysa kay
Lina, kaya ang bilang ng nasa kaliwa ay mas mataas kaysa sa kanan
samakatuwid ang simbolong gagamitin ay > .

Simbolo: 87 >78

Pagbabasa: 87 ay mas mataas sa 78

Si Pedro ang may mas maraming pahinang nabasa kaysa kay Lina.

Paghambingin ang larawan


Bilangin kung ilang ang sampuan o tens at isahan o ones mayroon ito.

SDO_Pasig_Q1_Math_1_Modyul_15
45 43
Sa paghahambing ng bilang gamit ang kaugnay na simbolo na > mas
mataas o” greater than.”
Una natin titingnan ang bilang sa sampuan o tens .
45 43

sampuan sampuan
kapag pareho ang kanilang bilang ang susunod natin
titingnan ang isahan o ones.
45 43
isahan isahan
sampuan sampuan

kapag ang bilang sa kaliwa ay mataas kaysa sa kanan ang gagamitin


natin na kaugnay na simbolo ay >
simbolo : 45 > 43

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

SDO_Pasig_Q1_Math_1_Modyul_15
Panuto: Paghambingin ang mga bilang na nasa lobo. Isulat ang
tamang simbolo sa gitnang lobo.
1.

4.

2.

5.
3.

Pagsasanay 2
Panuto: Piliin ang bilang sa loob ng panaklong at isulat ang
paghahambing gamit ang simbolong “greater than” >.

Halimbawa :Ang 32 ay mas marami sa (23 ,45) 32 > 23

1. Ang sampu ay mas marami sa (15 , 5 ) ___________

2. Ang bilang 49 ay mas marami sa (94 , 39) _________

3. Ang bilang na 75 ay mas marami sa (55, 85)_______

4. Ang 88 ay mas marami sa ( 78, 97 ) _____________

5. Ang 99 ay mas marami sa ( 88, 100) _______________

Pagsasanay 3
5

SDO_Pasig_Q1_Math_1_Modyul_15
Panuto: Punan ang bawat patlang ng salitang mas marami o mas
kaunti.

1. Ang 45 ay mas ________ sa 25.


2. Ang 67 ay mas ________ sa 57.
3. Ang gulong ng 10 biskleta ay____________sa gulong ng 5 tricycle.
4. Ang paa ng 4 na aso ay ________ kaysa paa ng 5 manok.
5. Ang 6 piraso ng sampung piso ay ________ kaysa 10 piraso ng
limang piso.

PAGLALAHAT

Paano mo isasagawa ang paghahambing na gamit ang kaugnay


na simbolo ng “greater than”(>)?
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Hindi makapaglaro ang bata sa kalsada dahil sa paglaganap ng


COVID-19, kaya naisipan nila sagutan ang mga pahina sa libro ng
matematika na may mga katanungan. Narito ang mga nakuha nilang
puntos.

Nora Allen David


68 54 36

SDO_Pasig_Q1_Math_1_Modyul_15
1. Paghambingin ang puntos na nakuha ni Allen at David gamit ang
kaugnay na simbolo ng “greater than”?
________________________________________________
2. Paghambingin ang puntos ni Nora at allen?
________________________________________________

3. Ano ang binigyang pagpapahalaga ng mga bata?


________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Aling bilang ang nagpapakita ng mas mataas sa 46?
A. 36 B. 15 C. 64

2. Ano ang ibig sabihin ng simbolo na > sa paghahambing?


A. mas marami B. mas kaunti C. pareho

3. Aling pangkaat ng paghahambing ang tama?


A. 93 > 39 B. 10 > 12 C.44 > 55

4. Aling pangkat ang nagpapakita ng tamang paghahambing ng


gulong ng 4

at gulong ng 5 ?

A.3 > 5 B.12 < 10 C. 12 >10

5. Kung si Naya bumili ng 3 garapon ng atis na may 4 na piraso ang


laman ng bawat garapon
7

SDO_Pasig_Q1_Math_1_Modyul_15
at si Ana ay bumili ng 8 piraso ng atis.
Aling pangkat ng pagahahambing ang tama?
A.3 > 8 B .4< 8 C. 12 >8

SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Balik Pagsasanay Pagsasanay Pagsasanay Panapos na


pagsubok aral 1 2 3 pagsusulit
1. a 1. 99 1. > 1.10 >5 1. Mas marami 1. c
2. a 2. 65 2. > 2.49 > 39 2. Mas marami 2. a
3. b 3. 81 3. > 3. 75 >55 3. Mas marami 3. a
4. c 4. 98 4. > 4. 88 >78 4. Mas marami 4. c
5. c 5. 85 5. > 5. 99 > 88 5. Mas marami 5.c

Sanggunian
Department of Education- Bureau of Learning Resources 2017. Mathematics 1 kagamitan ng
Mag-aaral.Ground Floor, Bonifacio Bldg.,Deped Complex Meralco Avenue, Pasig City,
Philippines

Department of Education- Bureau of Learning Resources 2013. Mathematics 2 kagamitan ng


Mag-aaral.Ground Floor, Bonifacio Bldg.,Deped Complex Meralco Avenue, Pasig City,
Philippines

SDO_Pasig_Q1_Math_1_Modyul_15
9

SDO_Pasig_Q1_Math_1_Modyul_15

You might also like