Hestia

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Hestia

Si Hestia, ang diyosa ng apoy at protektor ng


tahanan. Siya ay anak na babae nina Cronus at
Rhea. Si Hestia ay hindi gaanong kilalang diyos sa
labindalawang diyos na Olympian. Noong siya’y
ipinanganak, nilamon siya ng kanyang ama
kasama ang kanyang mga kapatid dahil ang
titanong si Cronus ay natatakot na baka agawin
nila ang kapangyarihan nito. Matapos
magtagumpay ang mga diyos ng Olympian sa
labanan nila ng mga titans, si Hestia ay
nagsimulang sambahin bilang protektor na diyosa
ng mga tahanan. Ang diyosa ay niligawan nina
Apollo at Poseidon ngunit tinanggihan nya silang
pareho dahil mayroon siyang panata na kalinisang-
puri. Binigyang karangalan ni Zeus ang diyosa at
tiniyak na maaari siyang manatiling malinis ng
hanggang walang hanggan. Si Hestia ay isang
banayad at mabait na diyosa kung kaya’t hindi
siya nakisali sa mga matitinding labanan ng mga
diyos. Sa Roma, ang diyosa ay sakop rin ng
katanyagan. Doon siya ay kilala sa pangalang
Vesta at sa kanyang templo ay mayroong sacred
flame na inaalagaan ng mga babaeng pari na
kilalang Vestals. Ang Diyosang Hestia ay patuloy
na nagbibigay sindi sa mga dupungan at kaya’t
patuloy siyang nagbibigay ng kaginhawahan at
seguridad sa mga tahanan ng mga tao.

You might also like