Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

MAJOR 14: MAIKLING KWENTO AT NOBELANG FILIPINO

ARALIN 1:

Ang Maikling
Kwento
Layunin:
 Natutukoy ang kasaysayan ng maikling kwento; at
 Naiisa-isa ang mga katangian ng maikling kwento.

Handa ka na ba?

Maikling
Kwento

 Ano ang (mga) salita/katangian ang umuugnay sa “Maikling Kwento”?


 Magbahagi ng nalalaman sa “Maikling Kwento”.

Gabay na katanungan:

Inihanda ni : E. Dela Cruz 2


MAJOR 14: MAIKLING KWENTO AT NOBELANG FILIPINO

HANDA KA NA BA?
Pag-aralan Natin!

Ano ang Maikling Kwento?

Katuturan:

 Ang Maikling Kwento ay isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng


isang mahalaga at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan
at nag-iiwan ng isang kakikintalan sa isip ng mga mambabasa. (Arrogante, et al,
1991)
 Ayon kay Edgar Allan Poe, “Ama ng Maikling Kwento”, ito ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isip na hango sa isang tunay ng
pangyayari sa buhay.
 Dagdag pa niya, ito ay isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang
nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan. Tinatalakay ang natatangi at
mahahalgang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. May kapayakan at
kakaunti ang mga tauhan.

Maikling Kwento at Tradisyong Oral sa Panitikan


Ang panitikang pasalita ay karaniwang anyo o uri ng panitikan sa mga lipunan na
walang nakasulat na wika. Sa mga lipunang literatura ginagamit ito lalo na sa paghahatid ng
mga genre ng tradisyon at alamat. Sa alinmang kaso, ipinapasa ito sa pamamagitan ng
pagsasalita sa mga henerasyon.
Ito ang una at pinakalaganap na mode ng komunikasyon ng tao, at may kasamang mga
alamat, tanyag na alamat, alamat, kanta, at iba pa. Ngayon, ang ilang mga form - tulad ng
kwentong bayan - ay patuloy na umiiral, lalo na sa mga kumplikadong lipunan na wala pang
sistema ng pagsulat, ngunit kinakailangang nakakaimpluwensya ang nakasulat na kultura sa
tradisyon ng bibig.

Inihanda ni : E. Dela Cruz 3


MAJOR 14: MAIKLING KWENTO AT NOBELANG FILIPINO

Katangian ng Maikling Kwento


1. Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay.
2. Gumagamit ng isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin at iba pang mga
tauhan.
3. Gumagamit ng isang mahalagang tagpo o ng kakanuting tagpo.
4. Nagpapakilala ng mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdualn na sinusundan
ng wakas.
5. Nagtataglay ng iisang impresyon o kakintalan.

Kasaysayan ng Maikling Kwento sa Pilipinas


A. Bago Dumating Ang Mga Kastila
 Kuwentong bitbit – dito nag-ugat ang maikling kwento, maiikling salaysay na
pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng guniguning ‘di
kapanipaniwala.

B. Panahon ng Kastila
 Kakana – sumulpot pagdating ng Espanyol, naglalaman ng mga alamat at engkanto,
panlibang sa mga bata.
 Kuwento ay tungkol sa buhay ng mga santo at santa -layunin nila ay mapalaganap ang
Kristiyanismo.
 Parabula- naglalaman ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral. Hal. Ang Mabuting Samaritano

C. Panahong Post Kolonyal (Panahon ng Amerikano)


 Ang maikling kuwentong Tagalog ay naisulat noong mga unang sampung taon ng mga
Amerikano. Mga unang anyo nito ay ang dagli at pasingaw.
 Dagli - maikling- maikling salaysay na gayong nangangaral nang lantaran ay namumuna,
nagpapasaring at nanunuligsa. Hal: “Sumpain Nawa Ang Mga Ngiping Ginto” ni Cue Malay.

Inihanda ni : E. Dela Cruz 4


MAJOR 14: MAIKLING KWENTO AT NOBELANG FILIPINO

 Pasingaw. Patungkol sa mga paralumang hinahangaan, sinusuyo, nililugawan at kung anu-ano


pa. Sa mga dahon ng pahayagang Kaliwanagan at Ang Kapatid ng Bayan ito kumita ng
liwanag. Madalas na ang mga may-akda nito ay gumagamit o nagtatago sa kanilang mga
sagisag panulat.
 Napatanyag at namalasak ang pagsulat ng dagli at naging katha at sa bandang huli ay tinawag
na maikling katha hanggang 1921. Noong 1910, nagtagumpay ang “Elias” ni Rosauro Almario
sa pahayagang Ang Mithi sa bisa ng 14,478 na boto ng mga mambabasa.
D. Panahon ng Hapon
 ¨Pansamantalang napinid ang mga palimbagan sa panahon ng mga Hapones ngunit pagkaraan
ng ilang buwan ay muli itong nabuksan. Pinahintulutang makapaglathala ang Liwayway
kaya‟t biglang nakapasok ditto ang mga akda na dati ay hindi tinatanggap ng naturang
babasahin. Dahil dito ang mga manunulat na dating nagsusulat sa Ingles ay nangagtangkang
magsulat sa Tagalog.
 Nagdaos ng timpalak ang Liwayway at pinili ang mga pangunahing kuwento noon na tinipon
sa isang aklat. “Ang 25 Pinakamabubuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943.
 Nanguna sa timpalak ang sumusunod na apat na kuwento.: Pangunahin- “Lupang Tinubuan”
Narciso Reyes Pangalawa “Uhaw Ang Tigang na Lupa” Liwayway A. Arceo Pangatlo-
“Nayon at Dagat-dagatan” NVM Gonzales Pang-apat- “Suyuan sa Tubigan” Macario Pineda
 Kabilang sa mga bagong pangalan sina Liwayway A. Arceo, Amado Pangsanghan, Aurora
Cruz, sa mga nanguna sa kanila, nakilala sina Teodora Agoncillo, Gemilliano Pineda at
Serafin Guinigundo atbp.
E. Panahon ng Kalayaan
 Ang Gantimpalang Carlos Palanca, isang timpalak pantikan ay nagdulot ng bagong hamon sa
mga manunulat sa Ingles at Pilipino. Nagsimula ang patimpalak sa maikling katha noong 1950
 Naitatag ang Kapisanang KADIPAN (aklat, diwa at panitikan) na itinatag sa pamamahala nina
Ponciano B. Pineda at Tomas Ongoco ng MLQU.

Inihanda ni : E. Dela Cruz 5


MAJOR 14: MAIKLING KWENTO AT NOBELANG FILIPINO

 Ang Diwa at Panitik (1965) ay nagpalabas ng magasing Sibol na ang nilalaman ay tuntunin sa
panitikan, wika at pagtuturo.
 Noong Enero 1962, ang magasing Akda ang naging kaakit-akit na babasahing naglalathala ng
mga orihinal na akda at salin saTagalog ng mga manunulat sa Ingles.
 Ang magasing Panitikan ay muling pinalabas ni Alejandro G. Abadilla noong Oktubre, 1964
at tumagal hanggang 1968.
 Nagtaguyod ang Pamantasan ng Ateneo ng Urian Lectures na pinamahalaan ni Bienvenido
Lumbera.
 Ang Gawad Balagtas ay patimpalak ng pamahalaan noong 1969. nilahukan ng katipunan ng
sampung akda. Nagwagi si Wilfredo Virtusio ng unang gantimpala sa kanyang “Si Ambo at
Iba Pang Kuwento”.
 Ang huling taon sa dekada 60 ang panahon ng protesta. Ang mga manunulat ay pumaksa sa
kaawa- awang kalagayan ng iskuwater, sa mga suliranin ng magbubukid at manggagawa.

F. Panahon ng Bagong Lipunan (Batas Militar).


 Sa kadahilanang halos lahat ng kuwentista sa Pilipinas sa panahong Batas Militar ay
kasangkot sa kilusang makabayan, tampok sa kanilang mga akda ang mga suliraning tulad ng
paghihikahos ng marami sa pagpapasasa ng iilan, kabulukan sa pagpapatakbo ng pamahalaan,
kawalan ng katarungan sa mga limot na mamamamayan at pang- aalipin ng negosyanteng
dayuhan at ng sabwatan ng mga burgis. Lantad ang poot sa mga akdang ito.
 Sagisag- isang magasing inilathala ng Kagawaran ng Pabatirang Madla upang magkaroon ng
mapaglalathalaan ng mga akdang hindi tinatangkilik ng mga popular na babasahin.
Nagtaguyod din ito ng Gawad Sagisag at nakatuklas ng mga bagong manunulat.
 Ang iba’t ibang kuwentong lumabas at naisulat sa panahong ito ay pawang sumasaling sa ugat
ng lipunan
 Sa panahong ito, naging palasak ang pagpunta ng mga Pilipino sa bang bansa lalo na sa
Estados Unidos, ito ang naging batayan ni Domingo Landicho upang isulat ang kuwentong”
Huwag mong Tangisan Ang Kamatayan ng Isang Pilipino sa Dibdib ng Niyebe” na siyang
pinagkalooban ng gantimpalang Palanca noong 1975.

Inihanda ni : E. Dela Cruz 6


MAJOR 14: MAIKLING KWENTO AT NOBELANG FILIPINO

Kamatayan ng Isang Pilipino sa Dibdib ng Niyebe” na siyang pinagkalooban ng gantimpalang


Palanca noong 1975.
 Samantala, noong 1979-1980, isang simple subalit pinakamakahulugang kuwento ang napili ng
Palanca upang gawaran ng gantimpalang pinakamahusay para sa taong iyon ang kuwentong
“Kandong “ni Reynaldo Duque. G. Kasalukuyang Panahon.
 Nagpatuloy ang Liwayway sa pagbubukas ng kanilang pinto para sa mga manunulat ng
kuwentong ngayon pa lang sumisibol. Maraming kuwentong nailathala ng mga pagbabagong
naganap sa bansa pagkaraan ng EDSA Revolution. Ito ang mga kuwentong nagtataglay ng
diwa, saloobin, at paniniwala ng mga manunulat sa bagong panahon.
 Nagkaroon ng iba„t ibang pamamaraan ng pagkukwento. Ang mga paksang dati ay hindi
naisusulat ay napapansin. Naging matimpi ang pagtalakay ng paksa. Madula ngunit maligoy.
Ang mga katangiang iyan ay namalagi hanggang sa kasalukuyan at ito„y tinawag na
kontemporaryong maikling kwento.

H. Panahon ng Internet.
 Sa panahong ito ay hindi na lamang sa mga aklat o iba pang babasahin mababasa ang mga
maiikling kwento. Marami ng mga apps sa internet o sa cyberspace na kung saan mababasa ang
mga ito online, kagaya ng Wattpads na karamihan sa mga nagsusulat ay mga kabataan o bagong
usbong na mga awtor. Ang mga kwentong ito ay maaari ring i-download o di kaya basahin nang
online

Ugat ng Maikling Kwento


1. Mitolohiya
Ito’y salaysay tungkol sa iba’t ibang diyos na pinaniniwalaang mga sinaunang katutubo. Ang
salaysay na ito ay tungkol sa mga kababalaghan at tungkol sa kanilang mga pananalig at
paniniwala sa mga anito.

Inihanda ni : E. Dela Cruz 7


MAJOR 14: MAIKLING KWENTO AT NOBELANG FILIPINO

2. Alamat. Isinasalaysay ng kuwentong ito ang pinagmulan ng isang bagay, pook, pangyayari at
iba pa. Pinalulutang din dito ang mahahalagang mensahe at mga aral sa buhay.

3. Pabula. Ito’y isang uri ng kuwentong gumagamit ng mga hayop bilang mga tauhan. Bagama’t
kathang-isip lamang ang kuwentong ito walang tiyak na batayan. Ang pabula ay naghahatid pa
rin ng mahahalagang mensahe at aral ng buhay.

4. Parabula. Ito’y salaysay na hango sa Bibliya. Lumulutang dito ang moral at ispiritwal na
pamumuhay ng mga tao at ang paglalahad ay patalinghaga.

Inihanda ni : E. Dela Cruz 8


MAJOR 14: MAIKLING KWENTO AT NOBELANG FILIPINO

Lagumin mo!

Timeline ng Kasaysayan ng Mailing Kwentp

Katutubo Kastila Amerikano Hapon

Batas Militar Kasalukuyan

Sintesis:

Inihanda ni : E. Dela Cruz 9


MAJOR 14: MAIKLING KWENTO AT NOBELANG FILIPINO

Aralin 2
Kahalagahan at Mga Bahagi
ng Maikling Kwento

 Naiisa-isa ang kahalagahan at mga bahagi ng maikling kwento.

Pag-aralan Nat in!

Kahalagahan ng Maikling Kwento

Bilang bahagi ng panitikan


Isa ito sa mga panitikan na nagbibigay ng mensahe. Ito rin ay naging daan upang
umunlad panitikang Pilipino na hanggang ngayon ay unti-unti pa ring gumaganda.

Ang Maikling Kwento ay marami ring pakinabang. Ilan na rito ay ang mga sumusunod:
1. ang mga taong nagmamadi ay makababasa nito sa isang upuan lamag dahil
nangangailangan lamang ito ng kaunting panahon para matapos;
2. nagbibigay ito ng kasiyahan sa isang tao pagkatapos magbasa;
3. nagpapasigla sa isang tao na magbasa pa ng ibang kuwento; at
4. nagiging isang paraan ito upang maibalik ang hilig ng isang tao sa pagbabasa.

Inihanda ni : E. Dela Cruz 10


MAJOR 14: MAIKLING KWENTO AT NOBELANG FILIPINO

Mga Bahagi at Elemento ng Maikling Kwento


Ang mga bahagi ng maikling kuwento na kinapapalooban ng mga elemento ay ang mga
sumusunod:
A. SIMULA
Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman
kung sinu-sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa.
Maaaring bida, kontrabidao suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan
ng mga aksyon o mga insidente kasama na dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento.
At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing
tauhan.
B. GITNA
Ang gitna ay ang bahaging naglalaman ng mga sumusunod:
1. saglit na kasiglahan
2. tunggalian
3. kasukdulan
Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
may kinalaman sa suliranin.
Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa
sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung
saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban
Tatlong Uri ng Tunggalian:
1. Sarili laban sa sarili
2. sarili laban sa kapwa
3. sarili laban sa kalikasan

Ang kasukdulan ang pinakamaramdaming bahagi kung saan matatamo ng pangunahing tauhan
ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Ang wakas ay ang bahaging naglalaman ng kakalasan at katapusan.
Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng dahan – dahang pagbaba ng daloy ng kwento mula
sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.

Ang katapusan ang bahaging naglalaman ng magiging solusyon ng kwento. Ito ay maaring
masaya bunga ng pagwawagi o pananaig at malungkot bunga ng pagkatalo o pagkabigo.
Inihanda ni : E. Dela Cruz 11
MAJOR 14: MAIKLING KWENTO AT NOBELANG FILIPINO

C. WAKAS
Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging
nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa
kasukdulan, at ang katapusan ay ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento.
Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng
dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin
ang wakas ng kwento para hayaan ang mambabasa na humatol o magpasya kungano sa palagay
nito ang maaaring kahinatnan ng kwento.

Sangkap ng Maikling Kuwento

1. Tagpuan. Tumutukoy ito sa pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento. Naglalarawan ito ng


ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan.
2. Tauhan. Ang nagbibigay buhay sa kuwento, makikilala sila sa kanilang panlabas na
kaanyuan- pisikal at pananamit, kilos na magpapahiwatig ng kanilang ugali at diyalogo.
3. Banghay. Ito ang pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Bahagi ng Banghay: a. simula b. suliranin c. saglit na kasiglahan d. kasukdulan
e. kakalasan f. wakas.
4. Tema o Paksa. Ito ang sentral na ideya sa loob ng kuwento o ang mahalagang pangkaisipan
ng akda

Inihanda ni : E. Dela Cruz 12


MAJOR 14: MAIKLING KWENTO AT NOBELANG FILIPINO

You might also like