1st Periodical Test Filipino 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAGADIAN DIOCESAN SCHOOLS

SANTA MARIA GORETTI COLLEGE, INC.


Purok 1 Poblacion, Mahayag, Zamboanga Del Sur
S.Y. 2023-2024

TALAHANAYAN NG ISPISIPIKASYON- UNANG MARKAHAN


FILIPINO- 9

MGA KASANAYANG KAALAMA PROSESO PAG- PRODUKTO/ 100%


PAGKATOTO N UNAWA PAGGANAP

I.A. Napapaunlad ang sarili sa 1-5 5


pag-- unawa ng napakinggan

B. Nalilinang at napapalawak 6-13 8


ang talasalitaan

C. Nasusukat ang kaalaman at 14-23 10


pang-unawa sa pagsasanib ng
wika at panitikan sa
paglilinang ng kakayahang
pangkomunikatibo.

II. A. Natutukoy o nakikilala 24-26 3


ang mga salita o kataga na
ginagamit sa mga sumusunod
na pangungusap

B. Nalilinang ang kakayahan 27-31 5


sa talasalitaan

C.1. Nakikilala at natutukoy 32-36 5


ang mga salitang ginagamit
bilang bahagi ng pananalita sa
paglinang ng kakayahang
komunikatibo

2. Nakikilala ang mga 37-46 10


idiyomatikong mga pahayag

Napagsusunod-sunod ang 47-51 5


mga pangyayari
Nasusuri ang mga pahayag 52-55 4
kung tama o mali
III.Nakasusulat g isang 56-60 5
talatang naglalarawan
Kabuuan 23 28 4 5 60
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA
FILIPINO 9

Pangalan: ___________________________________________________ Iskor:

Panuto: Piliin at ilagay ang titik ng tamang sagot sa nakalaang patlang.


_____1. Ang kuwentong makabanghay ay higit na na pinapahalagahan ang ________ ng kuwento.
( a. tauhan b. banghay c. diyalogo d. tagpuan )
_____2.Si Sitti Nurhaliza ay may ginintuang tinig. Ano ang kahulugan ng ginintuang himig?
( a. ginto b. maganda c. mamahalin d. matining )
_____3.Ito ay uri ng tula ayon sa layon na nakatuon sa pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata sa isang pook o pangyayari.
( a. balagtasan b.deklamasyon c. mapang-uroy d. mapaglarawan )
_____4.Ito ay nagpapahayag ng masidhing damdamin o guni-guni sa kamatayan.
( a. awit b. dalit c. elehiya d. oda )
_____5.Maituturing ang isang kwento na alamat kapag
a. naganap sa mga tanyag na lugar c.nagsasalaysay ng pinagmulan ng bagay
b.naglalaman ng mga makatotohanan na pangyayari d.naglalahad ng totoong pinagmulan ng bagay
Para sa mga bilang 6-
Ang pagkainis at kalungkutan ay hatid ng walang katapusan sa aking mga mata sa kabila ng pagsisikap ko na
huwag umiyak. Hindi lamang ako nagdadalamhati sapagkat nawalan ako ng dangal,higit sa lahat nahihirapa ako’tnagdurusa
dahil ako’y pinandirihan tulad ng isang ketongin na kinasusuklaman at pinarurusahan. Ano ang aking nagawa mula noon? Ang
mayroon lang ako ay ang pinakamalabong alaala niyon na para bang isa iyong bagay na malayo sa nakalipas.Natatandaan ko
lang ang kaniyang mahabang tinig na bumubulong “Patayin natin si Wataru”, at dumampi sa aking tainga ang kaniyang bigote
habang ako’y humihikbi.
_____6. Ang salitang dumampi ay nangangahulugang ___________
( a. sumayad ng bahagya b. sumadsad c. dumagan d. pumasok )
_____7.Sa pangungusap na “Higit sa lahat nahihirapan ako ndahil ako ay pinandirihan”,Alin sa pangungusap ang pangatnig
( a. ay b. dahil c. higit d. lahat )
_____8. Ano ang gamit ng salitangatsa unang pangungusap ng talata?
( a. pangatnig b. pang-abay c. pandiwa d, pang-uri ) _____9.Sino ang
nagsasalita sa talata?
( a. babae b. bagay c. lalaki d. gamit )
_____10. Ang uri ng sanaysay na may himig na nakikipag-sap lamang sa katabi at gumagamit ng mga hindi gaanong pormal na
salita.
( a. naglalahad b. naglalarawan c. personal d. impersonal )
_____11. Ang pang-ugnay bahagi ng mga salitang
( a. pangkayarian b. pananda c. pantukoy d. pangawing)
_____12. Si Haring Rama V ng Thailand ay paporito ang alamat na “Ang alamat ng Prinsesa Manorah”, dahil sa
a.makatotohanan ang mga pangyayari
b. nagagandahan siya sa kuwento ng prinsesa
c. ito ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon
d.siya ang lalaking umibig sa kalahating tao,kalahating sisne.
_____13.Sa kuwentong “Ama” napatay nito ang anak na di sinasadya dahil sa hindi nito matanggap ang pagkasisante sa trabaho
at lasing nang maganap ang pangyayaring iyon. ___________ ng kuwento,siya ay nagsisi at nangako sa harap ng puntod ng
anak. Anong panangdang pandiskurso ang angkop sa patlang?
( a. sa pagtatapos b. sa halip c. pagdating na panaho’y d. pagkaraa’y )
Para sa bilang na 14-23
Sa simula’y pulong inangkin ng dagat Perlas ng Silangan ang itinaguri,
Hinagkan ng araw,hinaplos ng ulap; Dito sa bayan kong May pagkakandili;
Niyapos ng hanging amiha’thabagat At pinagkukutaan ng maraming lipi,
Kalikasa’y siyang kumandiling ganap Mga katutubong may nilulunggati

Kung pagmamasdan mo’y tila butyl-perlas Mula sa Aparri at hanggang sa Jolo,


Sa maamong dagat,kukuti-kutitap; Isang bayan itong di maigugupo; At
nang kalauna’y nagsabog ng hiyas Igorot,Ifugao,angkang Muslim sa
Sulu, Na nagsisilbing ilaw sa baying may lingap Iisa ang lahi... iisa ang dugo.
*Hango sa tula ni Pat V. Villafuerte

_____14.Ang tula ay may himig na ________________.


( a. naglalarawan b. pumupuri c. tumutuligsa d. sumasang-ayon )
_____15.Ang inilalarawan sa tula ay_____
( a. tao b. bagay c. bansa d. hayop )
_____16. Aling bahagi sa saknong ang ang malinaw na mababasa ang inilalarawan sa tula?
( a. isa b. dalawa c. tatlo d. apat )
_____17.Madaling maigugupo ang mga sindikato kung ang bawat isa ay tumulong na masugpo. Ang salitang
maigugupo nangangahulugang ___________.
( a. mapabagsak b. makukuha c. masasakop d. maiimpluwensiyahan )
_____18.Ang estilong ginamit sa paglalarawan sa huling saknong ay_______.
( a. kapanahunan b. heyograpikal c. pinagmulan d. cultural )
_____19.Sa huling saknong ay ipinahihiwatig nito ang _________
( a.pagkakabuklod-buklod b. pagsasama-sama c. pagkakaisa d. lahat ng nabanggit )
_____20.Aling saknong nagpapahiwatig na ang bayan ay sinakop ng maraming lahi?
( a. isa b. dalawa c. tatlo d. apat )
_____21.Nagpatawag ng pulong ang Ulongguro kanina.Alin pang-abay?
( a. kanina b.Ulongguro c. pulong d. kami )
_____22.Ang pang-abay na ginamit sa bilang 20 ay_____.
( a. pamanahon b. kawsatibo c. panagano d. pamaraan)
_____23.Bukod sa pang-uri at pandiwa, ano pa ang inilalarawan ng pang-abay?
( a. pang-ukol b. pangngalan c. pang-abay d. panghalip )
Para sa bilang 24-26
Nasabi ko sa sarili ang bayan ko’y di payapa
Pagkat mga mamamayan ay wala nang pang-unawa Ang sitwasyon sa Mindanao kung di huhupa
Bansang ating kinagisnan,mawawasak na ngang kusa

_____24.Ang damdamin na ipinapahiwatig ng saknong ay _____


( a. panlulumo b. kalungkutan c. kasawian d. kapighatian )
_____25.Nais kong humupa na ang sagupaan ng MILF at PNP. Ang salitang humupa ay
nangangahulugang_____. ( a.titigil b. lalaktaw c. magtuloy-tuloy d. mauulit )
_____26. Layunin ng tekstong ito ang _______
( a. maglahad ng saloobin b. manuligsa c. nangangatwiran d. maglalarawan ng damdamin)
Para sa 27-31- Pagpapalawak ng talasalitaan
_____27. Ang takot ay sa alalala ng isang lasing na suntok sa bibig.
( a. suntok na walang puntirya b. suntok ng nahihilo c. suntok ng taong lasing d. mahinang suntok)
_____28.Sinorpresa sila ng ama sakaluwagang-palad nito.
( a. kakuriputan b. pagkamaunawain c. kabaitan d. pagiging galante )
_____29.Ang halinghing niya ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama. Ang halinghing ay....
a.labis na nagpapaligaya sa ama b.lubhang kinaiinisan ng ama
c.puwedeng ipangkayod na niyog d.kasing-lakas ng halinghing ng kabayo
_____30.Ipinaglalamay ang wala-sa –panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman.
( a. hindi pa hinog b. minamadali c. maaga kaysa karaniwan d. nahuli sa panahon )
_____31. Ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit
(a.malapit nang umulan b. may buhawing mananalanta c. may mapupunit na ulap d. may kidlat )
II.Para sa bilang 32-36
A. Kilalanin at Salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit sa pangungusap. Isulat sa patlang ang PK
kung pang-angkop,PU kung pang-ukol at PT kung pangatnig.
_______32. Nagpasalamat siya sa Diyos dahil sa gumaling ang kanyang karamdaman.
_______33. Ayon kay Aristotle ang dula ay isang masining at makaagham na panggagaya sa kalikasan ng buhay
_______34.Sobrang pait ang naranasan ng ama mula nang namatay ang kanyang anak .
_______35. Bukod-tangi ang kagandahan ni Prinsesa Manorah kaya nagustuhan ni Prinsipe Suton.
______36. Ang pagmamahal ng ama ni Adrian ang nakapagpagising sa kanyang katauhan
B.Salungguhitan ang idyomatikong pahayag na ginamit sa bawat pangungusap.
37.Laging butas ang bulsa ko kaya di ako nakakapamili ng bagong gamit.
38. Pakilista sa tubig ang utang ko,ate. Joke lang... di ka mabiro.
39.Ang aking anak ay may kusang palo.
40.Minsan ang mga lalaki ay mabulaklak ang dila.
41.Nakansela ang klase dahil sa masama ang panahon.
42.Lahat ng mga nasasagap mo ay balitang kutsero lang.
43. Nadakip siya dahil sa mahaba ang kanyang kamay.
44.Oops...di ba magkautang-dila tayo noong hayskul,naalala mo?
45.Mababa lang ang luha ko kapag nakakapanood ako ng drama.
46.Bumili ng bagong bakal si Nanaysa SM para kay bunso.
Para sa bilang 47-51
Panuto :Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa kwentong “Anim na Sabado ng Beyblade. Lagyan ng
bilang 1 - 5.
____ naki-bertday naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro ng beyblade
____ tuluyan na siyang nakalbo subalit di na kusang nalagas ang mga buhok.
____ nang hilingin na niyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw.Hiniling ang paborito niyang
maraming – maraming beyblade
____ eksaktong katapusan ng Pebrero ay pumanaw na ang anak. Wala na ang beyblade at ang may –ari
nito .Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Payapang magpapaikot at ikot.
____ di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung wasto ang ipinahahayag , kung hindi wasto isulat ang salitang
MALI.
______ 52.Si Kinnaree Manorah ay isang prinsesa ng alamat ng Thai.
______ 53. Ang mga Kinnaree ay nakatira sa maalamat na kaharian ng Bundok Grairat.
______ 54. Limang Kinnaree ang anak nina Haring Prathum at Reynang Jantakinnaree.
______ 55. Nakita ni Prahnbun ang mga kinnaree na masayang nagtatampisaw sa ilog.
Pagsulat
Panuto: Sumulat ng isang talatang naglalarawan hinggil sa isang tanyag na babae, Tukuyin ang kanyang mga
naging ambag sa lipunan
ANSWER KEY: Unang Markahan
FILIPINO GRADE 9

1. B
2. B
3. D
4. C
5. C
6. A
7. C
8. A
9. A
10. D
11. A
12. C
13. A
14. A
15. C
16. B
17. A
18. B
19. D
20. C
21. A
22. Bonus
23. C
24. B
25. A
26. A
27. B
28. D
29. B
30. C
31. A
32. PT- dahil sa
33. PU-ayon kay
34. PK-sobrang pait
35. PT-kaya
36. PK- ng
37. butas ang bulsa
38. pakilista sa tubig
39. kusang palo
40. mabulaklak ang dila
41. masama ang panahon
42. balitang kutsero
43. mahaba ang kanyang kamay
44. magkautotang- dila
45. mababa lang ang luha
46. bagong bakal
47. 2
48. 3
49. 1
50. 5
51. 4
52. Tama
53. Tama
54. Mali
55. Tama
56. -60- Pagsulat

You might also like