Etikal Na Pananaliksik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ETIKAL NA PANANALIKSIK

PAG-UULAT SA ASIGNATURANG FILIPINO

Bilang Parsiyal na Katuparan sa Pangangailangan


Ng Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t-ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik

Ipinasa kay: Ginoong Bryan John B. Lumingkit

Ipinasa nila: Client Marlo D. Pandatu


Etikal na pananaliksik
Ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan,
matapat, at mapagpahalaga sa kapuwa ng isang tao. Kung ilalapat ito sa
pagsasagawa ng pananaliksik, mahihinuha na ang pagiging etikal sa larangang
ito ay pagsunod sa mga pamantayang may pagpapahalaga sa katapatan,
kabutihan, at pagpapanguna sa kapakanan ng kapwa

Gabay sa etikal na pananaliksik


1. Pagkilala sa pinagmulan ng ideya ng pananaliksik

Gaya ng nabanggit sa unang bahagi ng aralin, ang pananaliksik ay


maihahalintulad sa paglahok sa isang pampublikong diyalogo. Ibig sabihin,
bukod sa mananaliksik ay maaaring marami nang naunang nag-isip tungkol
sa partikular na paksang nais mong unawain at pagyamanin. Mahalaga ang
pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik at iskolar na naging
tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksik. Sa pamamagitan ng
diyalogong ito, nakalilikha ng isang komunidad ng mga mananaliksik na may
malasakit at iisang layunin.
2. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok
Kinakailangang hindi pinilit ang sinomang kalahok o respondente sa
pagbibigay ng impormasyon o anomang partisipasyon sa pananaliksik. Bago
simulan ang pagsagot sa sarbey, pakikipanayam, o eksperimento, kailangang
maging malinaw muna sa mga tagasagot ang kabuuang layunin ng
pananaliksik at halaga ng kanilang partisipasyon. Kung eksperimental,
mahalagang maunawaan din ng kalahok ang bigat o inaasahang peligro ng
eksperimento at kailangang buong-loob ang kaniyang paglahok sa kabila nito.
3. Pagiging kumpidensyal at pagkukubli at pagkakakilanlan ng mga
kalahok. Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anumang
impormasyon na magmumula sa kanila ay gagamitin lamang sa
kapakipakinabangan ng pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng mananliksik
kung paano ikukubli ang pagkakakilanlan ng tagasagot lalong-lalo na sa mga
pananaliksik na may sensitibong paksa. Sa mga pagkakataong kailangang
isapubliko ang resulta ng pananaliksik o kaya ay ibahagi sa colloquium o
publikasyon, kailangan pa ring hingan ng permiso ang mga tagasagot na
pangunahing pinagmulan ng ng datos ng pananaliksik.
4. Pagbabalik at paggamit ng resulta ng pananaliksik. Mahalagang ipaalam
sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa
kinalabasan ng pag-aaral. Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na
ang yaong mga nasa komunidad, na ginagamit lamang sila ng mananaliksik
upang kumuha ng datos at pagkatapos ay parang bulang nawawala ang mga
ito. Ito ay dahil sa mangilan-ngilan lamamng na mananaliksik ang bumabalik
upang ibahagi sa mga kalahok ang kinalabsan ng pag-aaral. Kung may awtput
tulad ng modelo, pagbuo ng polisiya, o iba pang mahahalagang
rekomendasyon ang pananaliksik, makabubuti kung ipaalam ito sa
kinauukulan para makatulong sa kapakinabangan ng komunidad o kaugnay
na institusyong pinag-aralan.

PLAGIARISM AT ANG MGA RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK


Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang Plagiarism ay
ang tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya na walang
kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito. Tinukoy ng
Plagiarism.org (2014) ang iba pang anyo ng plagiarism gaya ng;
1. Pag-angkin sa gawa, produkto, o ideya ng iba;
2. Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga sinisiping pahayag:
3. Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng sinisiping
pahayag:
4. Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng
teksto ngunit pangongopya sa ideya ng walang sapat na pagkilala;at
5. Ang pangongopya ng napakaraming ideyasa isang pinagkunan na halos
bumuo na sa iyong produkto, tukuyin man o hindi ang pinagmulan nito.

MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI MATAPOS ANG IKALAWANG DIGMAANG


PANDAIGDIG WILLIAM TROCHIM (2006) WEB CENTER FOR SOCIAL RESEARCH
METHOD

NUREMBERG WAR CRIMES TRIAL- nailagay sa pampublikong kamalayan


ang pamamaraan ng mga doctor at siyentistang aleman na gumagamit ng
taong bihag sa concentration camp bilang sangkap sa kanilang pananaliksik o
eksperimento.
NUREMBERG CODE- ito ay ang sampung batayang prinsipyo sa pagsasagawa
ng pananaliksik.

You might also like