Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

BOSES BALITA

594
DECEMBER 5,2023

SEGMENT 1: STATION ID: 17 SECONDS


MUSIC BED: UP AND UNDER FOR STATION ID
Sean: Mula sa bansang may isang daang milyong Pilipino,
kami ang inyong kasangga sa paghahatid ng mga
balitang makabuluhan,
Lyza: mula sa pinakamahusay na
himpilan sa bansa, ito ang boses ng bayan,
Sean & Lyza: DXLB Boses Balita.

SEGMENT 2: ANCHORS’ INTRO: 60 SECONDS


MUSIC SEPARATOR: UP AND UNDER FOR ANCHORS’ INTRO
Louky: Hatid sa inyo ng DXLB, narito na ang inyong mga
tagapagbalita
MUSIC BED: UP AND UNDER FOR ANCHORS’ INTRO
Sean: Magandang araw, Pilipinas
Lyza: Maayong adlaw, dakbayan sa Cagayan de Oro
Sean: Ngayon ay Lunes, ika-11 ng Disyembre, taong
Kasalukuyan
MUSIC SEPARATOR: UP AND UNDER FOR ANCHORS’ INTRO
Lyza: Ito ang kaanib ng Pilipinong mamamayan,
boses ng bayan
MUSIC BED: UP AND UNDER FOR ANCHORS’ INTRO
Sean: Ako ang inyong tagapagpahayag, Sean Salavante
Lyza: At ako naman, si Shane Bernal
ang inyong saksi sa mga pangunahing balita sa
pulong balitaan,
Sean: Ito ang,
Sean & Lyza: Boses Balita Singko-Nuwebe-Kwatro
MUSIC BED: UP AND UNDER FOR HEADLINES
Lyza: Narito na ang mga nagbabagang balita sa oras na
ito
MUSIC SEPARATOR: UP AND UNDER FOR NATIONAL NEWS
Lyza: 5,000 Bilanggo Planong Palayain ng Gobyerno
Bago Magpasko
MUSIC SEPARATOR: UP AND UNDER FOR NATIONAL NEWS
Sean: President Bongbong Marcos nagpositibo sa
COVID-19
MUSIC SEPARATOR: UP AND UNDER FOR LOCAL NEWS
Lyza: Mga Estyudante ng MSU inilikas matapos ang
pagsabog
MUSIC SEPARATOR: UP AND UNDER FOR SPORTS NEWS
Sean: JRU guard JL Delos Santos, pormal nang sasali sa
Converge
MUSIC SEPARATOR: UP AND UNDER FOR SHOWBIZ NEWS
Lyza: Breakup ng Kathniel, niyanig kahit ibang bansa

SEGMENT 3: NATIONAL NEWS (1): 45 SECONDS


MUSIC BED: UP AND UNDER FOR NATIONAL NEWS
Sean: Para sa unang dagsa ng balitang national,
5,000 Bilanggo Planong Palayain ng Gobyerno
Bago Magpasko, Larnce Panaligan, ibalita mo
MUSIC SEPARATOR: UP AND UNDER FOR NATIONAL NEWS
Larnce: Plano ng Bureau of Jail Management and
Penology
(BJMP) na palayain ang nasa 3,000 hanggang
5,000 persons deprived of liberty (PDL) bago ang
Pasko, Disyembre 25, inihayag ng Presidential
Communications Office (PCO) noong ikalawa ng
Disyembre, Sabado.
Ang nasabing batas ay nagpapahintulot sa mga
PDL
na bawasan ang kanilang oras ng pagkakakulong
batay sa good behaviour, na nagreresulta sa
kanilang maagang paglaya.
Umano, ang GCTA ay pinuri dahil sa pagiging
isang
mahusay na paraan upang palayain ang mga PDL
at mabawasan ang mga pasilidad ng bilangguan.

CUEE OUT: Larnce Panaligan, para sa DXLB Boses Balita


MUSIC SEPARATOR: UP AND UNDER FOR NATIONAL NEWS

SEGMENT 4: NATIONAL NEWS (2): 40 SECONDS


Shane: Para sa isa pang balitang national, President
Bongbong Marcos nagpositibo sa COVID-19, para
sa mga detayle, narito si Ralp Butcon
MUSIC SEPARATOR: UP AND UNDER FOR NATIONAL NEWS
Ralp: Pangulong Bongbong Marcos positibo sa COVID-

19, umaga ng Martes, Disyembre ika-lima.

Pangatlong beses nang pumositibo sa COVID-19

ang presidente sa loob Ng kanyang termino.

Ayon sa Presidential Communications Office, Ang

presidente ay nasa mabuting lagay at kaya paring

gampanan Ang mga Gawain kahit positibo sa

COVID-19.

CUE OUT: Muli, Ralp Butcon, boses ng bayan, Boses Balita


MUSIC SEPARATOR: UP AND UNDER FOR LOCAL NEWS

SEGMENT 5: LOCAL NEWS: 40 SECONDS


Sean: Maraming salamat Ralp, para sa balitang local,
mga
estyudante ng MSU inilikas matapos ang
pagsabog,
nakaalerto diyan si Lovely Taganahan.
MUSIC SEPARATOR: UP AND UNDER FOR LOCAL NEWS
Lovely: Inilikas ng Mindanao Local Government Unit ang
mga mag aaral ng Mindanao State University
matapos ang pagsabog sa Marawi City, Lanao del
Sur, noong Linggo, ikatlong araw ng Disyembre.
Inutusan ni Iligan City Mayor, Frederick Siao, ang
CDRRMO na maglaan ng masasakyan upang
makalabas ang mga magaaral sa nasabing
unibersidad. Apat ang namatay, at limampu ang
namataang sugatan sa pagsabog.
CUE OUT: Lovely Taganahan, para sa balitang lokal.
MUSIC SEPARATOR: FOR OUTRO

SEGMENT 6: INFOMERCIAL: 65 SECONDS


Shane: Salamat Lovely, ang mga balitang dapat ninyong
tutukan ay abangan sa pagbabalik ng ating
programa pagkatapos ng ilang mga paalala.
MUSIC SEPARATOR: FOR INFOMERCIAL
Boy: (Open door) Hi love, I'm home, kamusta ang Araw mo?
Girl: Okay naman love, nakakapagod sobra sa work.
Boy: May ulam naba love?
Girl: Wala pa, kakarating ko lang din eh.
Boy: Sigeh love, ako na magluluto.
Girl: Thank you love.
(Cooking noise)
Boy: Love paabot naman ng-
(Linog noisee)
Love, asan ka? Off ko muna to!
(Turn off noise sa stove and gasul)
Girl: Love andito ako sa ilalim Ng lamesa.
(Slowly noise dies down)
Boy: Hali ka na love, labas na Tayo.
(Open door, then outside noise)
(Slowly noise dies down)
Boy: Buti naman huminto na.
Girl: Oo nga love eh. Naku! Yung ulam naten love?
Boy: Medium Rare pa ata Yun love.
MUSIC SEPARATOR: FOR INFOMERCIAL
Louky: Panatilihing handa sa anumang sakuna.
Protektahan Ang sarili sa Lindol at huwag kalimutan
ang duck, cover, and hold. Isara Ang mga bagay na
maabot gaya Ng mga stove, ilaw, kuryente, at iba
pa.
Alamin ang mga exit places and evacuation centers.
MUSIC CUT OFF: FOR INFOMERCIAL
Lyza: Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng NDRRMC at
ng
himpilang ito
MUSIC SEPARATOR: FOR SPORTS

SEGMENT 7: SPORTS NEWS: 60 SECONDS


Lyza: At muli, kayo ay nakikinig sa programang
naghahatid ng makatotohanang panayam sa pulong
balitaan. DXLB Boses Balita
MUSIC SEPARATOR: (594)
Sean: Sa balitang sports, JRU guard JL Delos Santos,
pormal nang sasali sa Converge, para sa
pampalakasang detalye, narito si Louky Taal
MUSIC BED: FOR SPORTS
Louky: Nagbukas na ang bagong kabanata sa karera ni JRU
guard JL Delos Santos nang pumirma sya ng
kontrata
sa Converge upang mas maipakita ang kanyang
talas
na kakayahan sa PBA.
Inaasahang mas maraming kabataan ang
mahihikayat sa Converge roster sa paghanga nila
kay
Delos Santos.
Bukod pa rito, kasali rin sa rookie draft sina King
Caralipio, Inand Fornillos, Patrick Maadenberg, at
Bryan Santos.
Ang dating Heavy Bombers ay kasama sa key
players
ng JRU sa NCAA Season 99 na may average na
7.94
points, 5.83 rebounds, 6.28 assists, 2.28 steals at
0.61
blocks.
Samakatuwid, bukas na ang nakatakdang debut ni
Delos Santos sa kanyang bagong koponan.
CUE OUT: Tampok na mga larong kinaka aliwan, ito ang
balitang
palakasan na lagi ninyong maaasahan. Muli, ito si
Louky Taal para DXLB Boses Balita.

MUSIC SEPARATOR: FOR OUTRO


MUSIC SEPARATOR: FOR TIMECHECK
Lyza: Time check, ang oras natin ngayon ay ___ minuto
makalipas ang alas ___ ng hapon.

SEGMENT 8: SHOWBIZ NEWS: 35 SECONDS


Lyza: At ngayon, para sa showbiz, Breakup ng Kathniel,
niyanig kahit ibang bansa! Para sa karagdagang
detayle, Kent Degumbis, ibahagi mo.
MUSIC BED: FOR SHOWBIZ
Kent: “Chapter closed”: nitong taon nang mag post ang
ABS-CBN actress and superstar Kathryn Bernardo
sa
kanyang instagram account tungkol sa hiwalayan
nila
ng kanyang teenage loveteam noong ika-tatlumpu
ng
Nobyembre na si Daniel Padilla. Maraming KathNiel
fans mula Indonesia, Singapore, Thailand, at
Vietnam
ang nag-iiyakan at naglabas ng kanilang mga
nararamdam sa X.
Ibinalita rin ng Channel News Asia ng Singapore ang
paghihiwalay ng power couple matapos ang 11
years
na pagsasamahan off cam.
Maraming netizens ang nagka teorya kung ano nga
ba talaga ang dahilan ng hiwalayan.
CUE OUT: Mga kumareng marites, para sa karagdagang
showbiz
balita na dito mo lang makikita. Ako po si Kent
Degumbis ang inyong kasosyo sa balitang showbiz.

SEGMENT 9: ANCHOR’S OUTRO: 50 SECONDS


Sean: Maraming salamat Kent, at bago tayo magtapos,
partner, alam mo ba na isa sa mga National Priority
Plans sa sektor ng edukasyon ay ang pagkakaron
Ng invent school program na siyang magsisilbing
plataporma upang pasiglahin ang pagkamalikhain at
pag-imbento sa mga kabataan
Lyza: Oo partner, narinig ko narin na isa ito sa mga
DOST projects, inaasahang kinalabasan ng proyekto
ay ang pagkakaroon ng malikhaing mga output para
sa
mga bagong imbensyon, pananaliksik, at
pagpapaunlad ng teknolohiya; pag-imbento o
pagbabago ng mga ideya para sa pagpapaunlad ng
komunidad; kamalayan at proteksyon ng mga
karapatan ng bawat mamamayan.
Sean: Talagang tama ka diyan partner,
At maraming salamat sa pakikinig. Ito po ang inyong
tagapagbalita, Sean Salavante.
Lyza: At muli, ako po ang inyong kasosyo, Shane Bernal
Sean: Hanggang sa susunod na pakikinig, ito ang
Sean & Lyza: DXLB Boses Balita
MUSIC BED: (594)
(OUTRO)

SEGMENT 10: STATION ID OUTRO: 15 SECONDS

You might also like