Akademik Reviewer

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Paksa: Mga Uri ng Pagsulat

SINTESIS at BIONETE

Ang Sintesis ay isang ebalwasyon o pagsusuri sa ebidensya ng isang pananaliksik at


sa opinyon ng isang eksperto sa isang partikular na paksa na ginamit upang
makatulong sa pagpapasya sa pagbuo ng mga patakaran. Ito rin ang pagbuo ng
paglalahad sa iba’t-ibang paksa na nabasa o narinig. Kasama rin dito ang pagsusuri
ng mga datos na natuklasan, ganoon din ang pagbuo ng kaalaman,konsepto,o
interpretasyon. Tumutukoy din ito sa kakayahang mapagsama-sama ang iba’t-
ibang bahagi para makabuo ng isang bagong anyo ng kaalaman.

Ang Bionete naman ay isang maikling tala ng personal na impormasyon ukol sa


isang awtor na maaaring makita sa likuran ng pabalat ng libro at kadalasang may
kasamang litrato ng awtor o may akda ng nasabing aklat.

PANUKALANG PROYEKTO

Ang Panukalang proyekto ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano
o adhikain para sa isang komunidad o samahan.

Ayon kay Bartle kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng


positibong pagtugon mula sa pinag uukulan nito.

Ang Panukalang Proyekto ay detalyadong deskripsiyon ng isang serye ng mga


aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema. Ito ay isa ring
paraan upang makita ang detalyadong pagtatalakay sa dahilan at
pangangailangan sa proyekto, panahon sa pagsasagawa ng proyekto at
kakailanganing resorces.(Nebiu,2002)

Ang panukalang proyekto ay kadalasang nakasulat; minsan ito ay sa anyong oral


na

ANG KATAWAN NG PANUKALANG PROYEKTO

Dapat lutasin ang mga suliraning nangangailangan ng kagyat na tugon. Ang


pagtugon sa mga pangangailangang ito ang ating pangunahing layunin, at ang mga
layunin ang mga bagay na gusto nating makamit.

Halimbawa: ang isang kalsada sa inyo ay baku-bako at puro butas, ang mga butas na
ito ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng mga sasakyan kung kaya’t kailangan
matakpan agad, ano ang bagay na kailangan ng inyong lugar? Ngayong alam mo
na ang kung ano ang suliranin at ang iyong kailangan, maipapahayag mo na ang
iyong layunin. Kailangan ng iyong lugar ng mas maayos na mga kalsada, kung saan
makadaraan ang mga sasakyan nang hindi ito nasisira.

Pansinin na ang iyong layunin ang nagbibigay dahilan kung bakit gusto mong
maayos ang mga kalsada, na ang ating layunin ay makapagbigay ng mas maayos na
mga kalsada, o gawing sementado ang mga kalsada. Ang mga pangungusap na ito
ang magbibigay ng paraan o kung paanong ang iyong panukalang proyekto ay
makakamit.

PAGSULAT NG TALUMPATI
ito ay isang akdang pampanitikan na sinasalita sa malawakang manonood at
tagapakinig
Masining na pagtalakay ng paksa na naglalayong makahikayat sa paniniwala
at paninindigan ng nagtatalumpati.
Ang isang mahusay na talumpati ay dapat nakapagbibigay- impormasyon,
nakapagpapaunawa, nakapagtuturo at nakahihikayat ng mga konsepto at paninidigan
sa mga manonood o tagapakinig.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG TALUMPATI


Isaalang-alang ang uri ng wikang dapat momo gamitin na kaaya-aya sa mga
tagapakinig.
Gumawa ng balangkas na dapat sundin sa gagawing talumpati.
Iayon ang mga salita,tayutay, kasabihan o salawikaing gagamitin sa
pagpapahayag ng mga ideya sa talumpati.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGTATALUMPATI


Paghahanda
Pagpapanatili ng Kawilihan sa tagapakinig
Pagpapanatili ng Kasukdulan
Pagbibigay ng konklusyon

Pasalitang Komunikasyon - ang pangunahing paraan upang mapanatili ang pakikipag-


ugnayan,at pakikipagkaisa ng mga tao. Ito rin ay nagsisilbing daan upang ang mga guro
at mag aaral ay magkaunawaan at tahakin ang landas ng tagumpay. Sa anumang
larangan ng buhay, ito’y daan sa walang humpay na pagpapayaman, pag-unawa at
pagsulong ng iba’t-ibang tao sa landas na kinabibilangan. Tunay ngang kailangan ang
pagsasalita sa anumang pagkakataon. Mapa-propesyon,pangangalakal, o sa tahanan na
magsisilbing susi sa minimithing hangarin ng bawat isa.

Mga Anyo at Uri ng Talumpati

talumpati ng pagtanggap (acceptance speech) na laganap sa mga programang


paggawad.
talumpati sa pagtatapos (commencement speech) na kadalasang binibigkas ng
natatanging mag-aaral na may pinakamataas na grado o pinakamatagumpay sa klase
tuwing araw ng pagtatapos.
luksampati (eulogy) na nagsisilbing parangal at paggunita sa alaala ng isang taong
yumao.
talumpati ng pamamaalam (farewell speech) na bahagi ng ritwal na pamamaalam,
pagreretiro, paglisan sa bansa, o pagbitiw sa propesyon.
impormatibong talumpati (informative speech) na naglalayong mag-ulat sa madla ng
resulta sa bagong pag-aaral o kaya’y manghikayat ng pagkilos. Kabilang na rito ang state
of the nation address (SONA) ng mga pangulo upang itanghal sa mamamayan ang
kanyang tagumpay at ang mga proyekto
talumpati ng pag-aalay (speech of dedication) na maaaring papuri sa piling tao, bayani o
panauhing pandangal.
brindis (toast) na bahagi ng ritwal sa isang salu-salo na nagpapahayag ng
pagpapahalaga at pagkilala sa taong pararangalan.

may mga talumpating pinaghahandaan-dumadaan sa pananaliksik, pagpili ng paksa,


pagkilala sa tagapakinig at nakabubuo pa ng balangkas. Ngunit may mga talumpating
“hindi napaghahandaan” at ang tawag dito’y impromptu speech.

Gabay na mga Katanongan :

1. Ano ang anyo ng isang sintesis, sinopsis o buod?


2. Talumpating binigkas ni Presidente Barrack Obama sa Cairo, Egypt.
3. Sinu-sinong mga may-akda ang nakasama sa historikal at kontrobersyal na “ 20 Speeches
that Moved a Nation noong 2002”?

You might also like