Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Modyul 1- Aralin 5: Tekstong Argumentatibo

Bilang at Pamagat ng Gawain: Gawain 2: Pagsasanay

S AMA-SAMANG PAGLAPAT
AT PAGLIKHA…
Gawaing Paglalapat REAKSYONG PAPEL
At Paglikha

Target sa Pagkatuto:
 Nakasusulat ako ng isang reaksyong papel tungkol sa akdang binasa.

 Nailalahad ko nang mahusay ang aking posisyon batay sa mga makatotohanang datos na
aking nakalap.
Sanggunian:
 Pinagyamang Pluma- Filipino sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik ni Alma Dayag et al.
Likhain Mo:
 Ang pagbuo ng reaksyong papel batay sa nabasang teksto ay makatutulong upang
malinang ang kakayahan ng isang mag-aaral na sumuri ng mga impormasyong kanyang
nababasa.
Panuto:
 Balikan ang tekstong argumentatibo na iyong binasa. Sumulat ng isang reaksyong papel
batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa iyong sarili, iyong
pamilya, komunidad, sa ating bansa at sa daigdig. Magbigay ng mga datos o
impormasyong susuporta sa iyong posisyon. Maaari mong pabulaanan o purihin ang mga
argumentong inilahad ng mga manunulat.
Ang K-12 (kinder to grade 12) ay ang bagong implementasyon ng gobyerno na naglalayong palitan ang
kurikulum ng elementarya at sekundaryang edukasyon sa Pilipinas at dagdagan ito ng dalawang taon,
(ANAKBAYAN UP LOS BANOS, 2012). Ayon sa Department of Education (DepEd) ang programang ito ang
solusyon sa lumalalang krisis sa edukasyon ni dating Pang. Benigno S. Aquino III. Ngunit inulan ito kaagad ng
mga batikos galing sa mga kabataan, mag-aaral, guro, at mga magulang dahil sa kawalan ng sapat na paghahanda
at panustos ng gobyerno para rito.
Sumasang-ayon ako sa tekstong argumentatibong isinulat ni Pher Pasion na K to 12: Dagdag Aralin,
Dagdag Pasanin. Sapagakat bilang estudyante rin ay naiintindihan ko na hindi ganoon kadali ang mag-adjust sa
bagong implementasyon ng gobyerno, gayundin sa mga magulang na mayroon lang sapat na perang pampaaral
sa kanilang mga anak. Ayon sa pag-aaral ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) aabot ng 12,090 ang
magiging gastos ng bawat pamilya para lamang may pangtutos sa pag-aaral sa bawat isang miyembro sa bawat
karagdagang taon sa K-12. Sinasabing ang mga kritiko ay nagkaroon ng matibay na dahilan na ang pagdagdag ng
2 taon na senior high ay hindi lamang magiging problema sa kakulangan ng gobyerno sa mga pisikal na
kagamitan kundi pati narin sa mga bayarin sa bahay. Ang badget ng bawat pamilya lalo na sa mga mahihirap na
pamilya, kasabay ng patuloy na pagtaas ng mga babayarin, masasabing ang K-12 ay isang programang
nangangailangan na mayroon kang sapat na malaking pera, (Philippine Basic Education, 2015). Isa sa mga
dahilan rin ni Pasion kung bakit siya’y taliwas sa pagpapatupad ng K-12 ay dahil sa kakulangan sa pisikal na
kagamitan ng gobyerno na gagamitin para sa dagdag na taon ng pag-aaral. Kung tutuusin ay magiging mahirap
talaga para sa isang estudyante na mag-aral na kulang ang kaniyang kagamitan sa pag-aaral, tulad na lamang ng
libro at kompyuter kung saan siya makakakuha ng mga impormasyong makadaragdag sa kaniyang kaalaman.
Gayundin kung wala siyang siyang pasilidad o klasrum na pupuntahan upang makapag-aral ng maaayos, ay
magdudulot ito ng hindi maaayos na pagkatuto ng isang estudyante. Sa pag-aaral ni isinagawa ni Dela Cruz
(2017), sinabi niyang napakahalaga ng magkaroon ng isang kumpleto at de-kalidad na pasilidad at kagamitan ang
isang estudyante. Sapagkat kung sa mga bagay pa lamang na ito ay kulang na sila ay magdudulot ito ng hindi
maaayos na pag-aaral ng mga estudyante sa kanilang leksyon. Dagdag pa aniya na kung ang isang paaralan ay
mayroong maaayos at kumpletong pasilidad at kagamitan ay tiyak na magkakaroon ng maaayos na pagkatuto ang
mga mag-aaral. Dagdag pa, sa 2012 datos ng K to 12 Program ng Gobyerno ng Pilipinas, kulang ng 97,685 na
silid-aralan ang mga pampublikong paaralang elemetarya at hayskul sa Pilipinas noong school year 2012-2013.
Bagaman ang pangunahing layunin ng programang ito na isinagawa ng dating Pangulong Aquino ay ang
makasabay sa antas ng edukasyon ang Pilipinas sa ibang pang mga bansa, ay hindi parin naman ito magiging
solusyon sa pag-unlad ng ating bansa dahil nakadepende parin ito sa bawat isa sa atin sa kung ano ang tatahakin
natin na buhay sa hinaharap. Sa katunayan, ayon nga sa tekstong isinulat ni Pher Pasion na K to 12: Dagdag
Aralin, Dagdag Pasanin, nabanggit niya roon na “ang haba ng pag-aaral ay hindi nangunguhulugan ng mas
magandang grado”. Ang mga ilang bnasa na hindi naman nagpapatupad ng K-12 ay nakakakuha ng mas mataas
na grado kumpara sa mga bansang nagpapatupad ng programang ito.
Sabi nga ng karamihan, “ang edukasyon ay ang tanging yaman mo na hindi mananakaw ng kahit na
sinuman”. Talaga nga namang napakahalaga na mayroon kang edukasyon, lalo na’t ngayon ang ating bansa ay
nasa hindi magandang kalagayan kung saan laganap na ang mga krimen at mga kasamaan. Maraming mga kapwa
natin Pilipino ang hindi makapag-aral dahil sa kahirapan ng kanilang buhay, kung kaya’t nauuwi ito sa paggawa
ng mga krimen tulad ng pagnanakaw. Samantalang ang iba naman, kahit na hindi nakapag-aral at wala ring
kakayahan sa buhay ay patuloy na nagsumikap na kalauna’y naging matagumpay sa buhay, tulad na lamang na
ngayo’y bilyonaryo na na si Senator Manny Pacquiao. Mga kapwa ko Pilipino, hindi natin kailangan ng mas
mahaba pang edukasyon para lamang makasabay tayo sa edukasyon ng ibang bansa. Hindi ibig-sabihin nito na
hindi tayo maunlad na bansa dahilan ng hindi lang tayo makasabay sa edukasyon ng iba. Tama nga na mahalaga
PUNTOS
ang edukasyon, ngunit kung wala naman tayong disiplina, PAMANTAYAN
tiyaga, diskarte at tamang asal, ay wala ring
10 Malinaw at mahusay na inilahad
mangayayari kundi ang lumagpak. Ang mahalaga ay yoong kahit na kulang ang posisyong tinatalakay
man ang iyong sa loob
pinag-aralan ay alam
ng sinulat
mo parin paglingkuran ng tapat at taos sanaiyong
teksto.
puso ang bansang Pilipinas.
5 Mahusay at makatotohanan ang mga datos na ginamit sa akda upang
suportahan ang inilahad na posisyon.
5 Naging mabisa ang mga ginamit na datos at nakahikayat ng
mambabasang tanggapin ang puntong inilahad.

You might also like