Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang Laruan

BOLAAGAA!!!!!! Gulat kayo noh! Magandang hapon! Kamusta na kayo? Balita ko’y sabik na sabik na kayong
marinig ang bago kong kwento. O sige, maupo na kayo at sisimulan ko na ang aking kwento.

Isang araw, ay may isang kayumanggi at walang lamang kahon ang naiwan sa isang sulok ng tindahan. Maya-
maya’y may isang lolong nagdikit ng isang papel sa kahong walang laman. Hindi maintindihan ni kahon kung anong
nakadkit sa kanya pero ang sabi niya sa kanyang sarili, “Mabuti na lang at mayroon pa pala akong isang silbi kahit
isang basurahan”. Dati kasi siyang kahon ng sigarilyo.

Pagkalipas ng ilang araw ay may isang kasambahay ang naglagay ng isang manikang madumi ang damit at hindi
pantay ang gupit. Masayang-masaya si kahon sapagkat mayroon na siyang kasama. Sabi niya kay manika.

Uy! Manika maligayang pagdating dito sa akin “Uy, kaibigan, maraming salamat at nandito din ako. Sabi ni Manika.

“Ay, tila yata pinabayaan ka ng batang sa iyo’y umampon. Ano bang nangyari sa iyo Iha! Sabi naman ni Kahon.

Ganito kasi yan. Ako’y isang magandang manika. Maganda ang aking buhok, mabango ang aking damit at maraming
bata ang nahuhumaling sa akin. Ngunit isang batang salbahi ang naglublob sa akin sa putikan. Ginupit-gupit niya ang
aking buhok. Tignan ninyo ang pangit-pangit na niya. Sabi niya kay kahon.

Pagkalipas ng ilang araw ay may isang amang naglagay ng isang asul na robot sa kahon.

“Kamusta kaibigan?”.”Maligayang pagdating sa basurahan.” Pagbati nina Manika at Kahon.

Ah! Ito hindi ako masaya sapagkat iniwan ako ng mga batang nagmamay-ari sa akin. Naku! Kaibigan kawawa ka
naman. Tutal tayo-tayo lang naman dito, gusto mo bang sabihin sa amin kung anong nangyari sayo.

“O, sige. Ganito kasi yan. Ako ay isang robot na modelo ng isang sikat na robot sa telebisyon. Binili ako ng ama para
sa kanyang bunsong anak na siya namang kinainggit ng panganay. Kaya naman tinapon nalang ako dahil nag-away
sila. HU.HU.HU.

“Kawawa ka naman.” “Yan kasi maraming bata ang hindi marumong magpahalaga.

Kinabukasan ay may isang binatang naglagay ng isang itim at magarang kotse-kotsehan.


BRUM….BRUM….BRUM…..

“Kamusta, Kaibigan,” “Maligayang pagdating sa basurahan.”

BRUM….BRUM….BRUM….. “Ito malungkot, iniwan ako ng binatang nagmamay-ari sa akin.” “Ito hindi ako masaya.”

“Kawawa ka naman kaibigan, huwag kang mag-alala nandito naman kami.” “Kung gusto mo, ikwento mo na lang
sa amin kung anong nangyari sa iyo.

“Ganito kasi yan, ako’y pagmamay-ari ng isang binata sabi niya aalis na daw siya papuntang ibang bansa. Kaya
iniwan na lang ako, hindi niya ako pinili. HU.HU.HU……...
Malungkot na malungkot si kotse-kotsehan

Kinabukasan ay may isang dalagitang naglagay na laruang Oso.

Kamusta kaibigan? Maligayang pagdating sa basurahan. Pagbati nila Manika, Kotse-kotsehan Robot at Kahon.

“BRUHHHH.........Ako ay isang laruang Oso, pero walang nagmamahal sa akin, iniwan ako ng dalagitang nag
mamay-ari sa akin.” Sabi naman ni Oso.

“Naku, kaibigan kawawa ka naman.

“Sige huwag kang mag-alala, nandito naman kami. Huwag kang mag-alala. HU.HU.HU…….Sabi naman ni Robot.

“Ganito kasi yan, ako’y iniwan ng isang dalagitang nag mamay-ari sa akin, sabi niya hindi na raw ako karapat-
dapat. Dahil ang mga laruang katulad ko ay para lang sa mga maliliit na bata. (IIYAK ANG OSO)

Malungkot na malungkot si laruang Oso. Ngunit malapit ng mapuno ang kahon. Pinuno na ito ng iba’t ibang klaseng
laruan. May maliit, may Malaki, may maganda at mayroon din namang pangit. At ang pinakahuling laruan na inilagay
rito ay ang Laruang Luwad. “LUWADD”

“Kamusta kaibigan, maligayang pagdating sa basurahan. Pagbati nila Manika, Kahon, Robot, Kotse-kotsehan at
Laruang Oso.

“Ay! Mabuti lang ako.”

“Anong klaseng laruan ka?”

“Ako’y isang Luwad, ako’y isang Luwad! Kaya kong gawin ang sarili ko ng iba’t ibang klaseng bagay, kaya kong
gumawa ng iba’t ibang klaseng bagay na hindi kaya ng iba. Pagmamayabang ni Luwad.

Oh Talaga! “O sige nga, anong kwento mo?”

“Ako’y isang luwad, pag mamay-ari ako ng isang batang bulag, iniregalo ako ng kanyang lolo. Tignan mo ngayon
nahasa ang kanyang galing sa sining. Pagmamayabang ulit ni Luwad.

Malayo ang narating ni Kahon, lagi niyang sinasabi na sana ay may isang bata na mapapakinabangan ang mga
laruang iyon.

Laking tuwa ni kahon, dahil nakita niya ang kanyang kapwa kahon sa isang bahay ampunan na may nakasulat na
“KAHON NG KASIYAHAN, PANAHON NG PAGBIBIGAYAN, LARUAN PARA SA BAHAY AMPUNAN.”
At dito nagtatapos ang aking kwento, may napulot ba kayong aral? Lagi nating pakatatandaan na lahat ng bagay sa
mundo ay may halaga, may buhay man ito o wala, maging basura man o hindi. O ano nabitin kayo noh? Naku! Wala
ng oras eh! Kaya hanggang sa muli. Paalam!

You might also like