Barayti Ngwika 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

VARAYTI NG WIKA

IDYOLEK
Barayti na kaugnay sa personal na kakanyahan ng tao sa paggamit ng wika
ng particular na indibidwal. Gayundin ang paggamit ng particular na bokabularyo
nang madalas ay itinuturing ding idyolekyo ng gumagamit
Isang uri ng pormal na salita na karaniwang ginagamit ng isang indibidwal sa
isang natatangi o yunit na pamamaraan. Bawat tao ay may kanya- kanyang istilo ng
pananalita (dulot ng pagbigkas, pagbibigay diin sa mga salita o parirala.
Nagkakaroon ng personal na paggamit ng wika o sariling tatak na
sumisimbolo ng kanilang pagkatao. Halimbawa: Naiibang tono sa pagbigkas ni Noli
de Castro ng mga katagang “ Magandang Gabi Bayan.” Malumanay na pananalita
ni Charo Santos Cionco sa programang Maalala Mo Kaya. “ Hoy Gising!” ni Ted
Failon
DAYALEK
Ito ay varayti ng wika na nalilikha ng dimensyong heograpiko. Ito ang salitang
gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang
kinabibilangan. Tayo ay may ibat ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay
wikain.
May pagkakaiba- iba o baryasyon sa loob ng isang wika. Ang tagalog ay isang
wika sa pilipinas na ginagamit ng mga tagarehiyong Tagalog sa Luzon. Sinasalita ito
sa Maynila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, Bataan at
Quezon. Ang wikang Tagalog ay mga barayti nito ang Tagalog- Maynila, Tagalog-
Bulacan, Tagalog- Cavite, Tagalog: Laguna, Tagalog- Batangas, Tagalog- Rizal,
Tagalog- Nueva Ecija, Tagalog- Tarlac, Tagalog- bataan at Tagalog- Quezon.
Hindi lamang sa leksikon nagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa loob ng isang
wika. Maaari ring sa pagbigkas ng mga tunog, intonasyon, pagbubuo ng mga salita o
sa pag- uugnay ng mga pangungusap.
Mga halimbawa ng Dayalek: Tagalog = Bakit? Batangas= Bakit ga? Bataan=
Bakit ah? Ilocos= Bakit ngay? Pangasinan= Bakit ei?

SOSYOLEK

Ang barayting sinasalita ng mga tao sa isang lipunan. Gayundin, nagtatakda


ito ng klasipikasyon ng mga mamamayan batay sa antas ng kanilang pamumuhay,
interes, hilig at kasarian.
Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo.
Kusa ring nawawala sa sirkulasyon kapag ito ay luma na at napagsawaan na
ng mga gumagamit nito.
May salitang pormal at di- pormal.
Pormal- mga salitang pampropesyunal Halimbawa: Takdang Aralin,
Asignatura, Kurikulum
Di Pormal - mga salitang naiimbento lamang ng mga ordinaryong tao sa
lipunan Halimbawa: Astig, Tapwe, mustah pho, Boom Panes, Chaka, Ansabe, Ala
Areps
Repapips, ala na ako datung eh. ( Pare, wala na akong pera.)
Wa facelak girlsh mo ( walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya
ay pangit ang gelpren mo)
EKOLEK
Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang nga
salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit
itong ginagamit sa pang- araw- araw na palilipagtalastasan.
Mga halimbawa ng Ekolek:
Palikuran= banyo o kubeta
Sillid tulogan o pahingahan= kuwarto
Pamingganan= lalagyan ng plato
Pappy= ama/ tatay
Mumsy= nanay/ ina

REHISTER
Barayting kaugnay sa panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa
oras ng pagpapahayag. Tumutukoy sa ispesyalisadong paggamit ng wika upang
makilala ang ispesipikong domeyn o gawain.
Halimbawa:
SALITA LARANGAN KAHULUGAN
HALIMBAWA
Bituin Pelikula Tawag sa mga sikat na artista Tila isang bituin
ang tingin ng madla kay
Sharon Cuneta.
EKONOMIKS POLITIKO EDUKASYON
LITERATURA
kita pamahalaan pagsusulit akda
kalakal kongreso klase awit
kalakal korapsyon akademiks fiksyon
 Mga salitang jejemon
 Mga salitang binabaliktad
 Mga salitang ginagamit sa teks
 Mga salitang ginagamit ng mga iba’t ibang propesyon gaya ng mga doktor
ESTILO NG WIKA
Barayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Maaaring pormal,
kolokyal at personal.
1. IDYOMATIKONG PAHAYAG- magkaiba ang literal na kahulugan ng salitang
gawa sa matalinhagang salita
2. PAGHIHINUHA- pagpapahayag ng sariling kuro- kuro o palagay o haka batay
sa obserbasyon, katotohanan o ebidensiya
3. PAGLALAHAD NG IMPLIKASYON- pag- uugnay- ugnay ng mga
pangyayari
4. PAGPAPAHIWATIG- paglalahad kung ano ang ibig sabihin ng isang salita o
pangungusap.
Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng
paggamit ng palatandaang nagbibigay ng kahulugan o katuturan ng salita.
Halimbawa: Masaya na ang pananim sa hardin makalipas lamang ang ilang araw. (
Nagsasayawan, Nananariwa, Nagkakatuwaan)
MODE
Barayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o
pasulat.
Paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunilkasyon.
Halibawa: Talakayan sa klase

You might also like