Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

IKALAWANG MAGKAHANG PAGSUSULIT SA MAPEH 4

S.Y. 2023-2024 I. Music – ____ /15


II. Art - ____ /10
III. PE – ____ /10
IV. Health - /15
TOTAL
Pangalan: __________Iskor:
Baitang at Pangkat: Guro: _________________

PANUTO: Piliin ang wastong sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang sa sagutang papeL.

I. MUSIKA (MUSIC)

________ 1. Alin sa sumusunod ang simbolong inilalagay sa unahan ng staff na nagtatakda ng mga pitch name?

A. ᴤ B. C. # D. ῼ
________ 2. Anu-anong mga pitch name ang makikita sa mga guhit ng musical staff?
A. FACE B. EGBDF C. DEFGA D. AABDC

________ 3. Ano ang Pitch name ng mga note sa staff na nasa ibaba?

A. FACE B. EACE C. FADE D. ABCD


________ 4. Anong staff ang may pitch name na A C E D ?

A. C.

B. D.

________ 5. Ano ang pitch name na bumubuo sa melodic pattern na ito?

A. CCDCD B. BBCBC C. DDEDE D. FFGFG


B. Suriin ang daloy ng melody sa bawat measure . Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba
A. Pantay o inuulit B. Pataas na Pahakbang C. Pababa na Pahakbang
D. Pataas na Palaktaw E. Pababa na Palaktaw

________ 6.

________ 7.

________ 8.

Panuto: Isulat ang salitang MALAWAK sa patlang kung ang pagitan ng mga nota ay malawak. MAIKLI naman
kung Maikli ang range nito.

________ 9.

________ 10.
________ 11.

Panuto : Hanapin sa Hanay B ang tamang sagot na hinihinging pangalan ng mga intervals sa hanay A. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B
________ 12. A. 3rd intervals

________ 13. B. prime or 1st

________ 14. C. 7th intervals

_________ 15. Ano ang tawag sa uri ng linyang melodiya na inaawit ng payak o isang himig na melodiya lamang
at walang instrumenting pansaliw na kalakip?
A. unison o single melodic lines C. round song
B. multiple melodic lines D. partner song
II. SINING (ARTS)

________16. Ang pintor ay naglalagay ng foreground, middle ground, at background upang maipakita ang
tamang espasyo ng mga bagay sa larawan. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa mga bagay na nasa
likod at kadalasang maliliit?
A. Foreground C. Middle ground
B. Background D. Underground
________17. Kapag ang mga bagay na iyong iguguhit ay ibig mong magmukhang malayo sa paningin , ano ang
dapat mong gawin?
A. Gawing mas maliit ang pagkakaguhit kumpara sa mga bagay na dapat makita sa malapit
B. Gawing malaki ang pagkakaguhit kumpara sa mga bagay na dapat Makita sa malapit
C. Iguhit ito sa pinakamahabang bahagi ng papel
D. Iguhit ito sa pinakamataas na bahagi ng papel
________18. Alin sa mga sumusunod na disenyo ang nagpapakita ng overlapping technique?
A.

B.

C.

D.

________19. Ang kasuotan at palamuti ay nagiging kaakit-akit kung maganda ang


A. Disenyo C. Hugis
B. Linya D. Porma
________20. Ang mga Pilipino ay may iba’t ibang uri ng tanawing kultural, alin sa mga sumusunod na tanawin ng
pangkat-etniko ang kakikitaan ng disenyong okir ang kanilang tahanan at nakasentro ang kanilang
pamumuhay sa Lawa ng Lanao?
A. Bahay ng Ivatan C. Bahay ng T’boli
B. Bahay ng Maranao D. Bahay ng Ifugao
________21. Sila ay pangkat – etniko na makikita sa bulubundukin ng Cordillera.
A. T’boli B. Ivatan C. Maranao D. Ifugao
________22. Anong pagdiriwang ang idinaraos sa Lungsod ng Baguio?
A. Panagbenga B. Moriones C. Pahiyas D. Maskara
________23. Sa pagguhit ng pagdiriwang tulad ng Panagbenga, Pahiyas at Maskara, anu-anong mga kulay ang
ginagamit ng isang pintor upang maipakita ang masayang damdamin?
A. Pula, dilaw at dalandan C. Asul, berde at lila
B. Berde at dilaw-berde D. Itim, abo at puti
________24. Bakit iba-iba ang mga likhang-sining ng mga pangkat-etniko sa mga pamayanang kultural?
A. Iba-iba ang kanilang kultura at kapaligiran
B. Nagpapagalingan sila ng disenyo
C. Wala silang kamalayan sa mga bagay-bagay sa kapaligiran
D. Kaniya-kaniya sila mag-isip ng mga disenyo

________25. Paano nakatutulong ang pagguhit at pagpipinta sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga


pamayanang kultural?
A. Nagpapakita ito ng tamang estilo ng pagguhit.
B. Namumulat ito ng kamalayan tungkol sa mayayamang kultura nila.
C. Nakapaloob ditto ang lahat ng element ng sining
D. Nagiging inspirasyon ito para magaya mo ang mga kaugalian nila.

III. EDUKASYONG PANGKATAWAN (PHYSICAL EDUCATION)

________ 26. Ang _____________ ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng


mabigat na bagay.
A. Lakas ng kalamnan
B. Tatag ng kalamnan
C. Lakas ng kasukasuan
D. Tatag ng kasukasuan
________ 27. Ang tatag ng kalamnan naman ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mas
magaang bagay nang paulit-ulit o sa _______ na panahon.
A. mas mabagal B. mas matagal C. mas mahirap D. mas madali
________ 28. Gustong maglaro nila Mark at ng kaniyang mga kaibigan. Mayroon silang 2 grupo na may tig-
limang (5) miyembro. Anong larong Pinoy ang pwede nilang laruin?
A. Patintero B. Sungka C. Tennis D. Volleyball
________ 29. Bakit kailangang linangin ang liksi ng isang tao bilang sangkap ng Physical fitness?
A. Upang hindi mahuli sa pagpasok ang mga bata.
B. Upang hindi madaling mapagod ang mga bata.
C. Upang mapabilis ang pagpapalit-palit ng direksyon o kilos.
D. Upang mapabagal ang mabilis tumakbo.
________ 30. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tamang gawin habang naglalaro?
A. Umiiwas makasakit ng mga kalaro.
B. Tinitiyak na ligtas ang lugas na paglalaruan.
C. Pagsusuot ng tamang kasuotan sa paglalaro.
D. Sinusunod ang sariling kagustuhan sa paglalaro.
________ 31. Ang larong ito ay tinatawag din na “Touch the Dragon’s Tail” o “Hablutin mo ang Buntot Ko” kung
saan kailangang magsimulang iikot ang bawat pangkat at sikaping maagaw ng lider ang panyo na
nasa likod ng huling manlalaro sa pangkat ng kalaban at kapag naagaw ang panyo, bibigyan sila ng
punto
A. Lawin at Sisiw B. Patintero C. Agawang Beys D. Clash of Clans
________ 32. Alin sa mga sumusunod ang nagpapalinang sa bilis at liksi ng isang batang gaya mo?
A. Shuttle Run C. Pagbibisikleta at pagrollerblades
B. Push-up at Pull-up D. Paglangoy at pagsayaw
________ 33. Bakit mahalagang matutunan natin ang mga iba’t ibang larong Pinoy?
A. Para lagi tayong makasama sa laro at manalo.
B. Para makilala natin ang ating kultura at kaugaliang Pilipino.
C. Para hindi tayo maliitin ng mga kalabang ibang bansa.
D. Para hindi na natin laruin ang mga banyagang laro.
________ 34. Kapag nadapa ang iyong kalaban sa laro, alin sa mga sumusunod ang gagawin mo?
A. Pagtawanan siya. C. Tutulungan siya.
B. Titingnan siya. D. Isumbong sa guro ang nangyari.
________ 35. Magkakaroon ng palaro sa inyong baranggay at isa ka sa mga napiling isali sa larong Patintero.
Nagkausap kayo ng iyong mga kamiyembro at ang mainam ninyong gawin para manalo ay
__________________________.
A. Gumawa ng magandang plano para manalo.
B. Umisip ng istratehiya kung paano malalampasan ang mga kalaban.
C. Magkaroon ng pagkakaisa kung paano mabilis na matataya lahat ng kalaban.
D. Lahat ng mga nabanggit ay tama.

IV. PANGKALUSUGAN (HEALTH)

________ 36. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasabi ng MALI tungkol sa mga nakakahawang
sakit?
A. Ang nakahahawang sakit ay nagmumula sa mga mikrobyo na pumapasok at
sumisira sa mga selyula (cells) ng katawan.
B. Ang nakahahawang sakit ay hindi naipapasa ng isang tao, hayop o bagay sa
ibang tao kung kaya’t kilala rin ito bilang “lifestyle” disease.
C. Ang isang taong may mahinang resistensiya (immune system) ay madaling
kapitan ng sakit at karamdaman.
D. Halimbawa ng hindi nakahahawang sakit ay asthma, alzheimer’s, appendicitis, at cancer.
________ 37. Pinakamalaking uri ng pathogens o mikrobyo at umaagaw sa sustansiya ng katawan. Ano ito?
A. Bacteria B. Bulate C. Fungi D. Virus
________ 38. Paano naging elemento sa pagkalat ng mikrobyo ang kapaligiran?
A. Dahil madali itong madumihan at dapat linisin palagi.
B. Dahil ito ay tumutukoy sa mga yamang lupa, at yamang tubig.
C. Dahil ito ang palaging ginagalawan ng isang komunidad.
D. Dahil ang mikrobyo ay maaaring sumasama sa himpapawid at hangin, at tubig.
________ 39. Ano ang iyong maimumungkahi para maiwasan ang pagkakahawa ni Ana sa kanyang kapatid na
may ubo?
A. Laging paghuhugas ng mga kamay. C. Pakikipaglaro sa kapatid.
B.Pagkain ng mga matatamis na pagkain. D. Lahat ng nabanggit.

________ 40. Pag-aralan ang diagram. Ano ang nawawala sa “chain of infection”?

A. Transmission connection C. Circuit of transmission


B. Transmission line D. Mode of transmission
________ 41. Ito ang lugar kung saan naninirahan at nagpaparami ang mga mikrobyo. Anong elemento ng
“chain of infection” ang tinutukoy nito?
A.Infectious agent B. Portal of Entry C. Reservoir D. Portal of Exit
________ 42. Ito ay mga mikrobyo o mikroorganismo na nagdudulot ng nakakahawang sakit.
A.Infectious agent B. Portal of Entry C. Reservoir D. Portal of Exit
________ 43. Anong hayop ang nagdadala ng sakit na dengue?
A. Daga B. Ipis C. Lamok D. Langaw
________ 44. Paano mo mapapanatiling mabuti ang iyong kalusugan upang makaiwas sa nakahahawang sakit?
A. Umiwas sa taong may sipon o ubo.
B. Ugaliin ang palagiang paghuhugas ng kamay upang makaiwas sa sakit.
C. Kumain ng masusustansiyang pagkain para lumakas ang resistensya ng katawan.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
________ 45. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng
paliwanag tungkol sa pagkalat ng sakit MALIBAN sa isa.
A. May tatlong mahalagang elemento ang pagkalat ng nakahahawang sakit. Ito
ay ang susceptible host o tao, mikrobyo (pathogens), at ang kapaligiran.
B. Ang mga mikrobyo ay maaaring humalo sa tubig, at sa hangin na magiging dahilan
ng pagkalat ng sakit sa komunidad.
C. Masusugpo ang pagkalat ng mga sakit sa ating pagsunod sa mga health protocols.
D. Dahil sa kahirapan ng mga tao kaya madaling kumalat ang mga sakit sa lungsod.
________ 46. Anong maaaring mangyari kung patuloy kang maglalaro sa tubig baha?
A. Makakatipid sa tubig si nanay dahil nakaligo na ako.
B. Lalagnatin at mahahawa ng sakit na tuberkulosis.
C. Pagkakasakit ng leptospirosis mula sa ihi ng daga.
D. Ito ay isang masayang karanasan kasama ang mga kalaro.
________ 47. Nabalitaan mong may trangkaso ang iyong kalaro, ano ang dapat mong gawin?
A. Sasabihan ko siyang huwag ng lalapit sa akin.
B. Sasabihan ko siyang magpagaling bago pumasok.
C. Aalagaan ko siya sa kanilang bahay.
D. Dadalawin ko siya at yayakapin.
________ 48. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pag-iingat sa pagkakaroon ng sakit?
A. Si Mario ay nagpabakuna sa klinika ng barangay.
B.Ininom ni Jess ang natirang jiuce ng pinsan niyang may ubo’t sipon.
C. Dalawang beses sa isang taon nagpapakonsulta si Gem sa doktor.
D. Nagsusuot ng face mask si Ben tuwing papasok sa paaralan.
________ 49-50. Magbigay ng mga pamamaraan kung paano mapapanatiling malusog ang katawan at
makaiwas sa mga sakit.

A. ________________________________________________________________

B. ________________________________________________________________

You might also like