Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tunay na yaman ng bawat silid-aklatan

Tila unti-unti nang kinakalimutan ang hiwagang matatagpuan sa mga silid kung saan iba’t ibang mga
kwento ang namamalagi, nangingibabaw ang amoy ng mga libro, at lugar na napupuno ng kaalaman.

Upang muling buhayin ang diwa ng mga Imuseno sa kahalagahan ng mga silid-aklatan, pinangunahan ng
Local Government Unit (LGU) ng Imus at City Librarian na si Rosena Roman, kabalikat ang Imus National
High School (INHS), ang ‘Library Tour’ sa City Library ng lungsod noong Nobyembre 24 2023 bilang
paggunita sa Buwan ng Pambansang Pagbasa.

Sa tila lakbay-aral na ito na nilahukan ng 150 mag-aaral mula INHS, tinalakay ang ‘Library Orientation’,
importansya ng silid-aklatan, at ang gamit ng mga pisikal na silid-aklatan kung saan sinusunod pa rin ang
Dewey Decimal System.

Dito muling nabigyang-pansin ang mga natatanging yaman ng mga silid-aklatan, ang mga librong
naglalaman ng iba’t ibang kaalamang makatutulong sa mga mamamayan.

Ayon kay Catherine Nunez, mag-aaral mula INHS, magandang karanasan para sa mga estudyante ng
Imus ang isinagawang ‘tour’ ng LGU dahil nakatulong ito upang mas pahalagahan nila ang mga pisikal na
librong kanilang nababasa’t nasusulat at mga silid-aklatang kanilang napupuntahan.

Binigyan din ng pagkakataon ang mga mag-aaral at mga guro na makanood ng ‘Elemental’ sa LED screen
sa ‘Function Hall’ ng bagong munisipyo ng lungsod.

Huwag naman sanang ibaon na sa limot ang mga silid-aklatang naglalaman ng mga natatanging yaman
na hindi na binibigyang-pansin ng mga mamamayan. Patuloy na pagpapahalaga sa mga kaalamang nasa
loob nito ang magiging susi sa isang maayos na bukas.

You might also like