Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Buwan ng Pagbasa 2023, matagumpay na ginunita ng baitang walo

Sa selebrasyon ng Buwan ng Wika taong 2023, nakibahagi ang mga guro at mag-aaral ng baitang walo ng
Imus National High School (INHS) sa pagkakaroon ng mga makabuluhang proyekto na makatutulong sa
pagpapayaman ng kaalaman ng mga estudyante sa pagbabasa.

Inilunsad ng mga kabahagi ng baitang walo ang iilang programa na tumatalakay sa pagbasa tulad ng
Chorale Reading, Spelling Bee, at The Search for Mr. and Ms. Afro-Asian Reader Headdress Competition
noong Nobyembre na naglalayong magbigay ng kamalayan at sa mga mag-aaral tungkol sa literatura at
kultura ng mga karatig bansa ng Pilipinas.

Nakatanggap ng karangalan ang mga nagwagi sa Spelling Bee na sina Queen Gabrielle Mangina ng 8 –
Honesty na nagkamit ng ikatlong karangalan, ikalawang pwesto naman si Jonash Padasas ng 8 – Justice,
at nakuha naman ng pambato ng 8 – Pythagoras na si Juliana Ingrid Arcilla ang kampeonato.

Nag-uwi rin ng parangal ang mga nanalo sa Chorale Reading na ang 8 – Diligence at 8 – Industrious na
ikatlong pwesto, 8 – Wisdom na pumapangalawa, at 8 – Euclid na nakatanggap ng ika-unang parangal.

Nagwagi naman sina Celros Parino at Cyrene Rivero bilang Mr. and Ms. Afro-Asian Reader mula sa 8 –
Love na siya ring magsisilbing Reading Ambassador and Ambassadres ng paaralan bilang isang tungkulin
sa kaniyang pwesto.

Isinaad ni Gng. Gina Belarma, English 8 Key Teacher ng INHS, na nagging matagumpay ang mga
isinagawang proyekto ng baitang 8 sa Buwan ng Pagbasa 2023 dahil tunay na tinutukan ng mga guro ang
mga ito at nakitang nasiyahan ang mga estudyante.

Samantala, ang pangunahing layunin ng Buwan ng Pagbasa ay ang hikayatin at mabigyan ng motibasyon
ang mga mag-aaral na mahalin at pahalagahan ang pagbabasa sa kanilang pag-aaral.

You might also like