Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

INHS, bahagi ng unang Library Tour; INHSians nakiisa

Nagsagawa ang Imus National High School (INHS) ng kauna-unahang Library Tour sa Imus City Public
Library na nilakuhan ng mga guro at estudyante sa lahat ng baitang bilang isa sa mga proyekto ng
paaralan sa selebrasyon ng National Reading Month 2023.

Nilahukan ng 150 mag-aaral ng INHS mula baitang 7 hanggang 10, kabilang sina Gng. Gina D. Belarma,
Key Teacher ng asignaturang English ng baitang 8, G. Daniel Gaad at Gng. Kristine Vitancol ng English
Department, kasama ang iba pang guro ng paaralan ang Library Tour noong Nobyembre 24, 2023 sa
ganap na ika-10 ng umaga hanggang ika-12:30 ng tanghali.

Sa tulong ng Local Government Unit (LGU), at Imus City Librarian na si Rosena B. Roman, naging posible
ang kauna-unahang pagsasagawa ng lakbay aral sa bagong library ng lungsod ng Imus na siyang nagbigay
ng libreng library orientation, pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa pagbasa, at nagpakita ng
kahalagahan ng physical library sa mga mag-aaral sa kabila ng makabagong paraan ng pagbabasa.

Bukod sa pisikal na mga libro, mayroon ding Electronic Library ang gusali na naglalaman ng mga
makabagong gadyet na makatutulong sa mga mamamayan ng lungsod, kasama na ang isang LED Screen
sa Municipal Function Hall na siyang pinanooran ng mga estudyante ng isang educational animated film
na “Elemental”.

“Magandang experience kasi ang laki ng library. First time ko makapunta sa library na hindi sa school
‘yong lugar.”, pahayag ni Catherine Nunez mula sa baitang 10, tungkol sa kaniyang naging karanasan sa
nasabing lakbay aral.

Sa kabilang banda, bukas ang Imus City Public Library sa publiko na siyang naglalayon na mapalawak pa
ang interes at kaalaman ng mga Imusenyo sa pagbabasa.

You might also like