Thesis For Shits

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

COLLEGE OF ST.

CATHERINE QUEZON CITY


# 362 Quirino Highway, Sangandaan, Quezon City

Pag-aalis ng Filipino at Panitikan bilang Core Subject


sa kolehiyo; Isang Pag-aaral tungkol sa Pagtingin
ng mga mag-aaral ng Senior Highschool sa
College of St. Catherine Quezon City,
taong 2019-2020

Andrei Elecsion

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


Panimula

Ayon kay (Prop. Ramilito Correa ,Disyembre 7, 2012) “Isulong ang Ating

WikangPambansang Filipino, ItaguyodangKonstitusyunalnaKarapatanng Filipino, Ituro sa

Kolehiyoang Filipino bilang Larangan at Asignaturang may Mataas na Antas.” Ang

pinakatinututukan ng mga mananaliksik ay ang mga papanaw ng mga ika-labing dalawang (12)

baiting na nasa GA Istrand na estudyante sa paraang ito makikita ang kanilang mga opinion sa

pag aalis ng asignaturang Filipino at panitikan bilang core subject sa kolehiyo.

Ayon kay Prop. Ramilito Correa nararapat lamang naisulong ito sa kadahilanan na bilang

isang Pilipino, kailangan pag-aralan ang sariling atin. Ito'y isang aksyon na tatanggalan ng

karapatan ang mga mag aaral sa kolehiyo na mas mapalawak ang kaalaman sa antas ng Filipino.

Ang pagtanggal lamang nito ay senyales ng pagkawalangrespeto sa atingwika, mas binibigyan na

ng pansin pa ang ibang lengwahe kaysa sa sariling wika.

Ang mga mananaliksik ay tumugon sa isang nakakabiglang balita:CHED Memorandum

Order No. 20, na nagtatanggal sa Filipino at panitikan bilang core subjects sa kolehiyo.Sa

panahon ngayon lumalaganap na ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa iba’t ibang wika. Ito ay

maituturing na isang krisis para sa wikang Filipino at ang asignaturang Filipino at panitikan sa

kolehiyo ay balak pang alisin. Tila parang basura na itinatapon na ng Korte Suprema ang ating

wika at panitikan kung ito ay magiging opsyunal na lamang.

Ayon kay (Bie, 2009) Maituturing na higit sa anumang yaman sa mundo ang wika. Ito

ang dahilan ng pagkakaunawaan, pagkakalapit-lapit ng mga tao at pagkakakilanlan sa isang

bansa. Wika rin ang kasangkapan upang maihayag ng tao sa higit na mabisang paraan ang

kanyang saloobin, hinaing, opinyon at hangarin sa iba pang tao. Sadyang napakahalaga nito sa
isang bansa sapagkat hindi uunlad at lalago ang ekonomiya ng isang bansa kung walang

pagkakaisa at hindi nagkakaunawaan ang mga tao.

Dito maipapakita ang kahalagahan ng asignaturang Filipino sapagkat ang wikang Filipino

and dahilan ng pagkakaunawaan, pagkakaintindihan, pagpapahayag ng mga opinyon at ditto rin

makikita ang pagkakakilanlan ng tao batay sa kanyang pagsasawika ng sarili nyang wika.

Bukod dito ayon kay (San Juan, November 26, 2018) "Kung magiging optional lamang

ang Filipino, kakaunting estudyante nalang ang kukuha nito at baka ang gawin nalang ng mga

eskuwelahan ay huwag na itong ipaturo sa kanilang mga teachers."

Ayon sa mga mananaliksik kung ang asignaturang Filipino at panitikan sa kolehiyo ay

magiging opsyunal na lamang o kanilang aalisin ang mga kabataang Pilipino ay may mga kulang

na kaalaman patungkol sa sariling wika. Ang wikang Filipino ay dapat inaaral at ang mga

kabataan o kung sino man ay dapat lumalim ang pag gamit ng wikang Filipino at ito ay dapat

dinadalubhasa ng mga mamamayang Pilipino.

Batay sa posisyong papel ni (Harline Gonzaga, wp) na ang mga kanyang napapansin sa

kasalukuyang henerasyon na ang wikang Filipino ay hindi na napapahalagahan ng mga

kabataang Pilipino gayon pa man ay mas dapat ituro ang asignaturang Filipino at panitikan sa

kolehiyo at pagyamanin pa ang wikang Filipino sapagkat ang wikang Filipino ay isa sa may

pinakamalaking bahagi sa kultura ng mga Pilipino.

Batay sa kanyang opinyon at obserbasyon ang mga kabataang Pilipino ay hindi na

napapahalagahan ang kanilang sariling wika kaya mas nararapat itong ituro upang mas

mapalalim at lumawak ang kanilang kaalaman sa Filipino at panitikan.


Ayon kay (Vlademeir Gonzales UP Department of Filipino Chairman, wp) “Ang

malalang krisis pang-ekonomiya na kinakaharap ng bansa ay kinokomunika gamit ang ating

wika. Ang panawagan ng mga drayber at manininda sa unibersidad ay naririnig natin sa ating

wika. Ang wika ng mga ordinaryong mamamayan ang wikang dapat inaaral at dinadalubhasa,”

Pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa Wikang Filipino, na hindi pag-uulit lamang ng mga

sabjek sa Filipino sa antas sekundarya, kundi naglalayong magamit at maituro ang wika

mula sa iba’t ibang disiplina na pagkilala sa Filipino bilang pintungan ng karunungan at

hindi lamang daluyan ng pagkatuto, at upang matiyak ang pagpapatuloy ng intelektuwalisasyon

ng Filipino”

Batay sa mga mananaliksik ang pag-aaral ng wikang Filipino at panitikan ay hindi pag-

uulit ng mga asignaturang Filipino sa iba’t ibang antas sapagkat ang paggamit at pagiging

dalubhasa sa sariling wika ay ang magiging daan upang malaman ang pagpapakilanlan na ikaw

ay isang ganap na Pilipino.

Sa pag-aaralnaito ay malulutas sa pagkakalap ng mga impormasyon at pag-susurvey

upang malaman kung ano ba ang mga pagtingin ng mga mag-aaral General academic istrand sa

pag-aalis ng Filipino at panitikan bilang core subject sa kolehiyo at makikita din ng mga

mananaliksik kung nararapat lang ba na dapat itong tanggalin o dapat pa itong pagyamanin.

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang taong makakabasa nito at sila ay

magkakaroon ng kaalaman patungkol sa mga pagtingin ng mga mag-aaral ng general academic

istrand sa pag-aalis ng Filipino at panitikan bilang core subject sa kolehiyo. Sa pag-aaral na ito

ay makakatulong sa mga estudyante sapagkat magkakaroon sila ng kaalaman patungkol dito at

sila ay magkakaroon din ng kamalayan sa isyu patungkol sa asignaturang Filipino at panitikan sa


kolehiyo. Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pag-aaral sa kadahilanang ang mga

estudyante o kabataan ay hindi na gaanong napapahalagahan ang wikang Filipino at bilang

mananaliksik kami ang magsisilbing boses ng wikang Filipino. Ang pag-aaral na ito ay

mayroong 3 mga layunin una ay malaman kung ano ba ang mga tingin ng mga mag aaral ng

general academic istrand dito, pangalawa ay para malaman kung ano ba ang kahalagahan nito

para sa mga mag-aaral at sa mga mamamayang Pilipino at huli para masukat kung sinu- sino ba

ang mga tumututol dito at sumasang-ayon na mga respondante dito.

Kaligirang Kasaysayan

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang sariling wika ay dapat pahalagahan at aralin ng

mabuti sapagkat ang wikang Filipino ay isa sa mga pagkakakilanlan ng mga mamamayang

Pilipino at ito ay isang bahagi ng ating kultura. Ang wikang Filipino ay isa sa mga ipinaglaban

ng mga bayani ng bansang pilipinas.

Ayon kay (Palencia, 2014). “Ang pagkakaroon ng sariling wika ay masasabing katumbas

ng pagkakaroon ng sariling mga paa sa pagkatuto ang mga tumatayong instrumento upang tayo’y

magkaunawaan at magkaisa.” Ang wika Filipino ay ang wikang pambansa ng pilipinas at ito ay

nagbibigay daan upang magkaroon ng ugnayan sa pangkat o ng isang grupo sa pamamagitan ng

pakikipagtalastasan ng sa gayon ay magkaroon ng pagkakaisa o pagkakaayos ng grupo.

Ang asignaturang Filipino ay tumatalakay sa pag-aaral ng tamang paggamit ng ating

wika, mga kayamanang literature sa ating bansa, tulad ng mga akda ng mga batikang manunulat,

at iba pang mga kaalaman na kailangan natin bilang mga Pilipino. Pag ang asignaturang Filipino

ay tuluyan ng nawala ang mga mamamayang Pilipino ay parang tinanggalan ng pagka-pilipino

sapagkat ang wikang Filipino ay nakaugnay sa kultura ng mga Pilipino at ang ito ay nagbibigay
ng kaalaman sa lahat kung paano ito gamitin ng tama at ang wikang Filipino ay mas dapat

pagyamanin.

Ayon kay (Brian Angelo Cortez, Batchelor's Degree Engineering, PATTS College of

Aeronautics, 2019) “Para sa mga taong hindi unang nagsasalita ng wika ng wikang Filipino,

isang pagkakataon para sa kanila na maisama sa pambansang yugto. Ang mga negosyong nasa

pambansang kabisera at iba pang mga lungsod, kung saan nagkikita ang mga tao na may iba't

ibang wika, ginagamit ang Filipino bilang isang pangkaraniwang wika, bukod sa Ingles, na may

mas kaunti sa mga nagsasalita.”

Ayon sa may akda isang prebilihiyo sa isang taong matutunan at mapagaralan at mas

mapalalim ang kaalaman sa wikang Filipino sakadahilanan na kulang ang kanyang kaalaman at

mas matutulungan pa itong mapalalim sa paggamit ng wikang Filipino at maraming banyagang

gustong matutunan ang wikang Filipino kaya nararapat lamang na panatilihin itong ituro sa

kolehiyo upang mas mapalalim pa ang mga estudyanteng darating dito sa paraang ito bago sila

lumabas sa tunay na mundo ay may sapat silang kaalaman at dala dala nila ang wikang Filipino

at ang kanilang pagkapilipino.

Ayonkay (Sen. Nene Pimentel ,September 5, 2007) "Kapag nawalan ka ng isang wika

nawalan ka ng isang kultura, intelektuwal na kayamanan, isang gawa ng sining".

Pinaniniwala ni Sen. Nene Pimentel, na ang wikang Filipino ay isang intelektuwal na

kayamanan sapagkat isa ito sa parte na ng ating kultura na dapat ipinayayabong kung hindi mo

aaralin ang wikang Filipino at hindi palalalimin ang kaalaman mo mawawalan ka mismo ng

sariling pagkakakilanlan bilang Pilipino sa iba’t-ibang bansa sa mundo. Kinikilala ng bawat tao

sa kanilang pinagmulan sa pamamagitan ng gamit ng kanilang wika.


Ayon kay (Clarissa SombilloAug 17, 2019) “Bilang isang Pilipino, mahalaga ang

paksang Pilipino. Ito ay bahagi ng kulturang Pilipino, pinahuhusay nito ang wika at pag-intindi

ng sentenong indibidwal na nag-aaral nito. Maraming mga dayuhan ngayon ang nagsasabi.

Pagsasalita at nakikipag-usap sa wikang Filipino. Bakit? Dahil madaling maunawaan at matuto.

Sa kasamaang palad, maraming mga Pilipino na ang pagkakaroonng mental na itong crab, ay

pinili na magsalita ng iba pang mga wika kaysa sa kanilang sariling katutubong wika.

Mga kadahilanan ng pagalis ng Filipino makakalimutan ng henerasyon ng batang Pilipino

ang kanilang sariling wika. Ang pagpapahayag ng sarili sa pamamagitan ng pagsulat sa wikang

Filipino ay magiging mahirap. Sapagbabasa, ang ilang mga terminologies ng Pilipino ay hindi

madaling maunawaan ng mambabasa. Ang ilang mga pagpapahalaga ng Pilipino ay hindi na

maaaring maging kasanayan at maipasa sa bagong henerasyon. At, Hindi kana matatawag na

Pilipino kung hindi hindi mo papalalimin at dadalubhasain ang wikang Filipino at paghindi ka

marunong magpahalaga, magsalita at sumulat sa wikang Filipino.

Ang target ng pag-aaral na ito ay upang matukoy ang mga pagtingin sa pag-aalis ng

Filipino at patinikan bilang core subject sa kolehiyo at ang mga papanaw dito sa College of St.

Catherine Quezon City, taong 2019 – 2020. Tiyak na nais nitong sagutin ang profile ng

demograpikong mga respodents, edad, kasarian at seksyon ng iyong mga respondente. Ang pag-

aaral na ito ay nagbibigay ng impormasyon at ideya sa pumapanahong isyu ng pag-aalis ng

Filipino at panitikan sa kolehiyo. Ang kinahinatnan ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa

komunidad at lalo na ang mga mag-aaral at mga mamamayang Pilipino na makakuha ng higit na

kaalaman tungkol sa pumapanahong isyu patungkol sa pag-aalis ng asignaturang Filipino at

panitikan sa kolehiyo. Makikinabang din ang mga mananaliksik mula sa pag-aaral na ito dahil

apektado din tayo sa pag-aalis ng Filipino at panitikan.


Teoretikal na Balangkas

Ang mga sumusunod na teorya ay nagpapakilala at naglalarawan ng teorya na

nagpapaliwanag kung bakit umiiral ang problema sa pananaliksik sa ilalim ng pag-aaral. Ang

teoretikal na balangkas na ito ay ang mga istruktura na maaaring suportahan ang pag-aaral sa

pananaliksik.

Social Cognitive Theory (Bandura, 1986) Sa papel na ito masusuri ang iba’t ibang

pamamaraan ng pag-aaral sa kung paano makaka-impluwensya sa indibidwal at ang pagkilos ng

iba, tinatalakay din ditoang pagbibigay ng mga pagkakataon para sa suporta sa lipunan sa

pamamagitan ng pag-instill ng mga inaasahan, pagiging epektibo sa sarili, at paggamit ng pag-

aaral sa pag-aaral at iba pang mga pagpapalakas upang makamit ang pagbabago ng pag-uugali.

Isa rin ito sa paraan kung saan kinukuha at pinapanatili ng mga indibiduwal ang pag-uugali,

habang isinasaalang-alang din ang kapaligiran sa lipunan kung saan ginagampanan ng mga

indibidwal ang pag-uugali.

Ang teoryang Social Cognitive Theory ay pag-aaral patungkol sa iba't ibang paraan ng

pagdedesisyon at perspektibo na nagbibigay komplikado sa isang bansang lipunan. Ang

pagkakaroon ng tiwala sa sarili ang magtutulak para mailabas mo ang iyong opinyon at mas

mapalawak ang kaalaman na maiiuugnay sa iba't ibang pananaw ng mga tao sa isang usapin

dahil may iba't ibang paniniwala ng bawat tao.

Ang teoryang nagbibigay-malay na panlipunan ay isang teorya ng pagkatuto batay sa

kaisipang natututo ng mga tao sa pamamagitan ng pagmamasid sa iba. Ang mga natutunan na

pag-uugali ay maaaring maging sentro sa pagkatao. Habang ang mga social psychologist ay
sumasang-ayon na ang kapaligiran ng isang tao ay lumaki sa nag-aambag sa pag-uugali, ang

indibidwal na tao ay mahalaga lamang. Natuto ang mga tao sa pamamagitan ng pag-obserba sa

iba, kasama ang kapaligiran, pag-uugali, at kognisyon na kumikilos bilang pangunahing mga

kadahilanan na nakakaimpluwensya sa pag-unlad sa isang magkakaugnay na relasyon sa triadic.

Ang bawat pag-uugali na nasaksihan ay maaaring magbago ng paraan ng pag-iisip ng isang tao.

Katulad nito, ang kapaligiran ng isang tao ay naitaas ay maaaring makaimpluwensya sa pag-

uugali sa paglaon.

E. Konseptuwal na Balangkas

Pag-aalis ng Filipino at
Panitikan
Social Cognitive Theory

Epekto ng pag- Mga hakbang sa


Demograpikong alis ng pagtataguyod ng
pagkakakilanlan asignaturang Filipino bilang wika
filipino ng intelektuwalisasyon

Pagtingin ng mga mag-aaral sa Pag-aalis


ng Filipino at Panitikan sa Kolehiyo

Pigura 1. Paradigma ng Pag-aaral

Ipinapakita sa balangkas na ito ang isyung kinahaharap ng asignaturang Filipino maging

ang pagkakaugnay-ugnay ng mga nakapaloob na mga baryabol.

Kukunin ang mga datos ng mga demograpikong pagkakakilanlan, epekto ng pag-alis ng

asignaturang Filipino at ang mga mungkahing hakbang tungo sa pagtataguyod ng Filipino bilang

wika ng intelektuwalisasyon. Sa pamamagitan ng tulong ng teoryang Social Cognitive na

nagsasabj na kapag ang mga tao o mag-aaral ay nagmamasid sa isang nasabing modelo na

nagsasagawa ng isang pag-uugali at ang mga kahihinatnan ng pag-uugali na iyon ay daan upang

makapag-impluwensiya sa mga nagmamasid.

Ang pagkasunod-sunod ng mga kaganapan ay ginagamitan ng impormasyong ito upang

gabayan ang mga kasunod na pag-uugali. Sa pagmamasid sa isang modelo maaari rin itong

magtulak sa manonood o mga mambabasa na makilahok sa isang pag-uugali na kanilang

napansin o natutuhan.
Ipinapakita ang daloy ng pag-aaral upang malaman at masagot ang mga persepsyon ng

mga mag-aaral ng Senior Highschool sa Pag-alis ng asignaturang Filipino at Panitikan sa

kolehiyo.

Hipotesis

Hn: Walang negatibo at pasitibong kasagutan sa bawat katanungan ng mga responde.

Ha: May negatibo at pasitibong kasagutan sa bawat katanungan ng mga responde.

Lokal ng Pag-aaral

Pigura 2. Lokasyon ng mapa


Ang kasaysayan ng Baranggay Sangandaan District Ika-6, proyekto 8 lungsod ng Quezon. Ang

orihinal na pangalan nito ay kinuha mula sa salitang sanga, sangangdaan na nangangahulugang

"Cross road", ang daan ng Cross ay kung saan may iba't ibang landas o mga paraan na maaaring

humantong sa iba't ibang patutunguhan.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang mga pagtingin ng mga respondante sa

pag-aalis ng Filipino at panitikan bilang core subject sa kolehiyo. Ang pag-aaral na isinagawa sa

sangandaan quezon city year 2018-2019. Nais ng mga mananaliksik na tulungan ang mga

sumasagot na magbigay ng higit na kaalaman at upang matulungan ang mga sumasagot na

maging higit na malaman ang tungkol sa pag-aalis ng Filipino at panitikan sa kolehiyo.

Ang pag-aaral na ito ay may limitadong mga respondents lamang, dahil ang mga

respondente ay napili lamang at nais na magkaroon ng isang pakikipanayam. Isinasagawa ng

mananaliksik ang pag-aaral na ito dahil ang mga mag aaral na darating sa kolehiyo sapagkat sila

ang magdadala ng wikang Filipino.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay may paksang “Pag-aalis ng Filipino at panitikan sa kolehiyo, isang pag

aaral tungkol sa pagtingin ng mga mag-aaral ng general academic istrand baitang ika-11 at ika-

12 ng College of St. Catherine Quezon City, sa taong 2019-2020” ay makakatulong ng malaki at

maghahatid ng mga impormasyon sa mga sumusunod. PAG-AALIS NG FILIPINO AT

PANITIKAN BILANG CORE SUBJECT SA KOLEHIYO, ISANG PAG-AARAL TUNGKOL

SA PAGTINGIN NG MGA MAG-AARAL NG GENERAL ACADEMIC ISTRAND SA

COLLEGE OF ST. CATHERINESANGANDAAN QUEZON CITY, TAONG 2019-2020


Para sa mamamayan, ang pag-aaral na ito at nagbibigay sa kanila ng kaalaman ukol sa

kahalagahan ng wika bukod dito mapapalalim pa nila ang sarili nilang wika at kung paano ito

makakatulong sa pag-unlad ng bayan.

Para sa Estudyante, para mapagtanto nila na pinipili nilang iwanan ang kulturang Pilipino

dahil iniwan nila ang Filipino at panitikan.

Para sa mga Guro, upang sabihin ang kanilang mga tinig tungkol sa kanilang mga

saloobin sa pag-alis ng Filipino at panitikan sa mga asignatura sa kolehiyo.

Para sa mga susunod na mananaliksik, ang ibinigay na data ay magsisilbing gabay sa

pagsasagawa ng mga bagong pananaliksik. Bibigyan din nito sila ng naunang kaalaman tungkol

sa pag-aaral na ito, kung gayon ang ibinigay na impormasyon at Mga ideya tungkol sa

Pangmalas na alisin ang Filipino at panitikan sa mga asignatura sa kolehiyo ay makakaya silang

magkaroon ng kamalayan at pagkakaroon ng kaalaman para sa karera o hinaharap.

Katuturan ng mga salita

Upang maunawaan ang mga salitang ginamit sa pag-aaral, narito ang kahulugan ng mga

termino:

Filipino -na may kaugnayan sa Pilipinas, mga Pilipino, o kanilang wika.

Lengwahe- Ang lenggwahe o language ay salitang Kastila na tumutukoy sa wika. Ito ay

ginagamit sa pakikipagtalastasan. Ang lenggwahe o wika ay koleksyon ng tunog, simbolo at

kaugnay na bantas upang magpahayag ng kaisipan.


Pambansang pagkakakilanlan- Ang ibig sabihin ng pambansang pagkikilanlan ay dapat

ang mismong mga bansa ay makakikilala sa isang tao o bagay tulad ng pambansang bayani o

pambansang kagamitan.

Panitikan - Ang panitikan, pinaka-mapagbigay, ay anumang katawan ng mga nakasulat

na gawa. Mas mahigpit, ang panitikan ay tumutukoy sa pagsulat na itinuturing na isang form ng

sining o anumang sinulat na itinuturing na may artistikong halaga o pang-intelektwal, madalas

dahil sa pag-aalis ng wika sa mga paraan na naiiba sa karaniwang paggamit.

Paglalahad ng suliranin

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang matukoy ang pananaw ng mga pangkalahatang

mag-aaral sa akademiko sa pag-aalis ng mga Filipino at panitikan bilang isang pangunahing

paksa sa College of st. catherine, Quezon City taong 2019- 2020.

1. Ano ang Demograpikong pagkakakilanlan ng mga sumasagot sa mga sumusunod:

1.1 Edad;

1.2 Kasarian

1.3 Baitang

1.4 Strand

2. Ano ang persepsyon ng mga mag-aaral sa Ched memorandum 20 series of 2013?

3. Ano ang epekto ng pag-aalis ng asignaturang Filipino sa mga sumusunod na baryabol:

3.1 Disiplinang Filipino


3.2 Pagkakakilanlan

4. Ano ang mungkahing hakbang upang maitaguyod ang Filipino bilang wika ng

intelektwalisasyon?

KABANATA 2

Ang panitikan at pag-aaral na nabanggit ay tumatalakay sa iba’t ibang konsepto, pag-

unawa at ang ideya, kalahatan o konklusyon at ang iba’t ibang pagbuo na nauugnay sa pag-aaral

sa pag-aalis ng panitikan at Filipino bilang core subject sa kolehiyo na nagsisilbing gabay ng

mga mananaliksik sa pag-buo ng isang pananaliksik na papel.

Kasaysayan ng Wikang Filipino

Mahalagang maintindihan ang kasaysayan ng Wikang Pambansa – kung paano ito

nagsimula bilang Tagalog (kung saan umalma ang mga Bisaya), naging Pilipino, at ngayon nga

ay Filipino na. Isang arkipelago ang Filipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong

wika. Ang maganda sa penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang

bawat etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat na mga kritiko katulad ni Isagani

R. Cruz ang nagsasabing “isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng

Filipinas." Noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng

wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga

hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa

mga umiiral na katutubong wika." (Art. 14, Sek. 3) Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel

Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng

Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng

wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na


nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa."

Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-

aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa. Dahil sa

pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan, hinirang

siyang “Ama ng Wikang Pambansa." Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang

Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang

Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang

Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa. Noong 1959 nagpalabas si Kagawaran ng

Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang opisyal na

tawag sa wikang pambansa. Sa 1973 Konstitusyon noong kapanahunan ng diktador na si

Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang

Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng

pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang

mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas." Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong

Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon noong

1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay

Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na

wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika." Mahalaga ang papel ng mga wikang katutubo sa

pagpapayaman ng Filipino, na sa ngayon ay nagbabago ang anyo. Idinagdag sa alfabetong galing

sa Tagalog ang mga letra na f, j, q, v, at z. Dahil dito, ang dapat na maging baybay ng pangalan

ng ating bansa ay Filipinas at ng pambansang wika ay Filipino, gaya ng ipinanukala ng

Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura Virgilio Almario sa kaniyang librong Filipino
ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa.

Tama rin na isama ang mga letrang tulad ng f at v

Tulad ng nakasaad ayon kay Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon noong

1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay

Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na

wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."

Wikang Pambansa

“Kayo’y nagkaisa upang ibigkis ang inang bayan sa espanya gamit ang mga kwintas na

rosas ngunit ang totoo, iginagapos n’yo sya sa pamamagitan ng mga kadenang matibay pa sa

diyamante! Humihingi kayo ng pantay na karapatan, ng hispanisasyon ng inyong mga pag-

uugali, at hindi ninyo mapagtantong ang inyong hinihingi ay pagpapatiwakal, ang pagkawasak

ng iyong pagkamamamayan, ang pagdurog sa inyong lupang tinubuan, ang papatay ng diktadura!

Magiging ano kayo sa hinharap? Isang bansa walang sariling diwa, bansang walang laya, lahat

ng taglay ninyo’y hiram lamang, pati na ang inyong mga depekto! Nagmamakaawa kayo na

lukuban ng hispanisasyon at ni hindi na kayo nahiya!” (Simoun sa nobelang “El Filibusterismo”)

Napakatagal na simula nung ipahayag ni Dr. Jose Rizal ang kaniyang pagtuligsa dito ang

nais ipabatid ng ating bayani ay ang magkaroon tayo ng malayang bansa at may sariling wika

ngunit di natin matatanggi na ang mga kabataan sa panahon ngayon at may tinatangkilik ang

ibang wika.

Ayon kay (Tasic, 2016) isinulong ni dating pangulong Manuel L. Quezon noong 1940

ang Executive Order No. 263 na nag-uutos sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan na

isama sa kurikulum ang pagtuturo ng wikang pambansa. Ito ngayon ay tinatawag nating
asignaturang Filipino. Ito ang pag-aaral ukol sa tamang paggamit ng ating wika at mga

literaturang itinuturing nating payamanan.

Nakasaad dito na si Manuel L. Quezon ang nagtatag ng pambansang wika ay ang nais

nito na ituro sa lahat upang ang mga mamamayang Pilipino ay may sapat nakaalaman patungkol

sa ating wika at sila ay magiging isang ganap na Filipino sapagkat sila ay dalubhasa na sa

paggamit nito.

Ayon kay (San Juan, wp) "Madalas bihirang pagbigyan ang second motion for

reconsideration pero kailangan nating gawin kasi papatayin ng korte mismo ang ating wikang

Filipino at panitikan,"

Batay dito nakasaad na mababa ang posibilidad na dinggin ang mga Filipino na

ipinaglalaban ang pagtuturo sa wikang Filipino at panitikan dahil alam nila na ang pagtuturo ng

wikang Filipino at panitikan ay katumbas ng kultura ng bansang Pilipinas.

Ayon kay (Chancellor Michael Tan, wp) "Kung nais natin ang isang wikang pambansa, at

paggalang sa lahat ng ating mga wika sa Pilipinas, dapat lumaki ang ating mga kabataan sa

pakikinig at paggamit ng mga wikang ito bilang bahagi ng pang-araw-araw na kasanayan - hindi

lamang para sa kaswal na pag-uusap kundi bilang wika ng transaksyon para sa agham, negosyo,

sining . Ito ay dapat na isang pang-araw-araw na kasanayan na nagiging bahagi ng sa amin,

bahagi ng paraan na iniisip natin, at mabuhay, "

Ayon sa kanya kung ang wikang pambansa ay hindi igagalang at dapat ito ay

dinadalubhasa sapagkat ito ang kanilang wikang pambansa at kasama nila sa paglaki ang paglago

nila sa wikang ito at ito ay hindi lang para sa formal o kaswal na pakikipag usap kundi maging

bahagi ito n gating pamumuhay.


Ayon kay San Juan (2014), "Bata pa ang wikang pambansa at hindi pa ito ganap na

intelektwalisado o nagagamit sa iba’t ibang larangan. Upang maging ganap ang

intelektwalisasyon nito, nararapat lamang na pagbutihin at palawakin pa ang pagtuturo nito sa

lahat ng antas, lalo na sa kolehiyo.”

Ayon sa isang propesor na si San Juan kinakailangan na dalubhasain ang pag-aaral sa

asignaturang Filipino sa kolehiyo at kung saan pang unibersidad sapagkat kung gagawing

opsiyonal ang pag-aaral ditto o nais talaga itong tanggalin ang wikang Filipino ay malabong

madalubhasa ng mga Pilipino dahil kung gaano katatag ang wika kung gaano ito katibay ganon

din ang tindig ng mga Pilipino. Kung ang wikang ingles ay mas binibigyan natin ng pansin o mas

pinapalawak at inaaral natin mas nararapat na pagyabungin natin ang wikang Filipino.

Ayonkay (Vicente L. Rafael, August 24, 2015) “Ito ay ang Pilipino ay maaaring maging

tunay na pambansa lamang kung tiyak na nasasakop nito ang maraming mga Tagalog sa iisang

Pilipino. Ang pagiging pambansang sa makatuwid ay sumasang-ayon na maitaguyod ng Pilipino

ang sarili sa tuktok ng Tagalog, naisinalin ang huli sa isang instrumento kung saan makamit ang

isang trans-lokal na pag-abot bilang wika na hindi sa isang pangkat kundi ng lahat ng nasa

kapuluan.”.

Magiging isang ganap kang Pilipino kapag natutunan at napalalim mo na ang iyong

kaalaman sa iba’t ibang lengwahe sa Pilipinas. Ginagawa ito upang mapalawak at i-endurso ang

wikang Filipino at ipagmalaki ito. Ang pagtaguyod ng wikang Filipino ay napakalaking bagay

sapagkat isang itong hakbang upang ang wika ay hindi maglaho at hindi mawalan ng buhay.

Wikang Filipino bilang bansang pagkakakilanlan


Ang wikang binibigkas ng isang tao ay ang wika kung saan malalaman o maihahayag

niya ang kaniyang pinagmulan. Ito rin ang isa sa mga instrumento o daan upang magkaintindihan

at magkaunawaan ang mga tao sa iisang bansa. Ang wikang ay nararapat lamang na pahalagahan

dahil ito ay kinakailangan ng isang bansa at nararapat lamang na ang wika ay dinadalubhasa

sapagkat ito ang ginagamit ng mga mamamayan upang makipagtalastasan, komunikasyon, at iba

pa sa bawat mamamayan. Ang wika ay higit na napakahalaga sapagkat kung wala ang wika ay

ekonomiya nito ay lalago o uunlad at ang mga mamamayan na nakatira dito ay di magkakasundo

o magkakaunawaan.

Ayon kay (Martin, 2016) Malaki ang ginagampanan ng wika sa pagbuo ng isang

pambansang identidad, pagkakakilanlan o kaakuhan, lalo na sa pagbabagsak sa proseso ng

globalisasyon. Mahalagang mabuo muna ang identidad ng isang bansa, para makasabay sa

hamon ng kasalukuyang panahon. Ang wikang Filipino ay isang isyung sosyo-politikal, isang

krusada na nangangailangan ng pag-unawa at atensyon mula sa mamamayan at pinuno na

nangunguna sa pagpapaunlad nito bilang kaluluwang ng isang bansa. Subalit sa Pilipinas bunga

ng globalisasyon, sa halip na paunlarin ang sariling wika, bakit unti unting humihina ang wikang

Filipino?

Dito makikita ang malaking ginagampanan ng wikang pambansa sapagkat ito ay

pambansang identidad, pagkakakilanlan at kaluluwa ng bansa. Ang pagtuturo ng asignaturang

Filipino ay ang daan ng pagtuturo kung paano maging Pilipino. Nakasaad din ditto na ang

kalagayan ng wikang Filipino ay sadyang humihina gamit ang isang pag-aaral nais ng mga

mananaliksik na mapamulat ang mga kabataan at estudyanteng Pilipino na makakabasa ng pag-

aaral na ito.
"KAHALAGAHAN NG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO"

Ayon kay (Gng.Reyno, wp) "Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating

wika. Isa itong daan upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan."

Ang paggamit ng wikang Filipino ng wasto ay isang karangalan para sa bansang

Pilipinas. Ang pag-aaral o pagdadalubhasa sa wikang Filipino ay makakatulong sa kanilang

pagkatao bilang isang ganap na Filipino.

Ayon kay (Edward Sapir, wp) ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng

paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mihiin.

Gamit ang asignaturang Filipino mas makakatulong ito upang mapalalim at

mapadalubhasa ang mga kabataang Pilipino at iba pa sa pagsasawika, pagsusulat at paghahatid

ng mga kaisipan.

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na

binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming

dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay

tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa

iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon sa nakasaad na dapat ang wika ay isa sa mga Sistema ng mga Pilipino na di dapat

nawawala sa lipunan sapagkat unti-unting nagbabago ang mga wikang Filipino pero hindi yon

ang dahilan upang tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo dahil ang wikang Filipino ay

daynamikong nagbabago at ito ay dapat mas dinadalubhasa at inaaral.


Ayon kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal

at multicultural, nabubuklod an gating mga watak-watak na isla n g iisang mithiin na

ipinapahayag hinidl amang sa maraming tinig ng iba’t-ibang rehiyon kundi gayon di nsa isahang

midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa

pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.

Ang wikang Filipino ay isa sa nagbubuklod sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, ang wikang

Filipino ang ginagamit na midyum upang magkaintindihan ang mga Pilipino kaya nararapat

lamang na ang asignaturang Filipino ay patuloy na maituro sa kolehiyo sapagkat ang tunay na

Pilipino ay hindi kakalimutan ang kanyang pagkapilipino.

Ayon kay France Castro (2013), pangkalahatang kalihim ng ACT, “Ang CHED at si

(Pangulong) Noynoy mismo ang nangangamoy malansang isda sa kanilang ginawang opsyon na

lamang na ituro ang Wikang Filipino at opsyon para gawing midyum sa pagtuturo. Dadag pa ni

Castro, sa pagpapatupad pa lamang ng K to 12 noong 2011, ipinakikita na ng gobyerno ang

pagiging kolonyal nito sa pagpapatupad ng programang ito kahit na hindi handa ang gobyerno.

Kabahagi ang CHED Memo No. 20 ang K to 12 na naglilingkod lamang sa pangangailangan ng

malalaking negosyante at dayuhan.

Ayon nga sa kasabihan na sinabi ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal na “Ang hindi

marunong magmahal sa sariling wika, masahol pa sa hayop at malansang isa” Sapagkat alam nya

na ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Napaka-importante sa isang bansa na

magkaroon ng pambansang wika upang lubos na makilala ang yaman ng ating kultura. Dito sa

Pilipinas, ang ginagamit nating wika ay Filipino. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Pilipino

sa Luzon, Visayas at Mindanao. Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang


nagkakaisa ng bawat mamamayan. Ang pag-unlad ng sariling wika ay isa ring pag-unlad sa

sariling bansa.

Sinabi ni Ridon (2014), na isa ring abogado, na dapat pag-aralan ng Kongreso ang

posibleng epekto ng direktiba ng CHED sa mga estudyante at guro.

Ano nga ba ang mga posibilidad na mangyari kung ang asignaturang Filipino at panitikan

sa kolehiyo ay aalisin bagamat ito ay pinag-aaralan pa, ang pananaliksik na ito ay makakatulong

sa kanilang pag-aaral sa mga posibleng epekto ng pagsasagawa ng CHED memorandum 20 in

series of 2013.

Ayon din kay Ruby Ann Bernado (2014), guro ng Filipino sa Sta. Lucia High School,

matapos ang ilang taong implementasyon ng K to 12, hindi pa rin kumpleto ang kanilang mga

modulessa pagtuturo nito. Nananatiling kulang ang mga guro at iba pang rekisitos para sa

programang ito. Tinatayang nasa mahigit kumulang 100,000 na mga propesor sa kolehiyo sa

buong bansa ang pinapangambahang mawawalan ng trabaho pagdating ng 2016 sa kabuuang

implementasyon ng K to 12.

Katulad ng pagpapatupad ng K to 12 sa pilipinas sadyang di pa handa ang bansa dito

gayon din sa ngunit ito ang daan upang mapataas ang ating pinag-aralan ngunit kung

susumamohin ang K to 12 sa amerika ay naituturo pa din ang asignaturang Ingles dahil alam nila

ang halaga nito sa kanilang bansa gayon din sa bansang Pilipinas ang asignaturang Filipino ay

nararapat na ituro sa mga mag-aaral lalo na sa mga kolehiyo sapagkat sila ang madadala at

magsasagisag ng wika.

“Imbes na magsayang ng oras at pondo sa pagpapalit ng kurikulum sa edukasyon para

lamang matugunan ang pangangailangan ng mga malalaking negosyo ng dayuhan, dapat gawing
prayoridad ng gobyerno ang pagpapaunlad ng kalidad at abot-kayang edukasyon na may

kakayahang lumikha ng pambansang industriya at ekonomiyang nakakatindig sa sarili.”

(Velasco, 2015).

Ang nais ipabatid niya na dapat pinapaunlad o pinapayabong ang edukasyon ang

pagpapayabong ng edukasyon, ekonomiya at bansa ay nagsisimula sa pagyabong ng wika kung

ang asignaturang Filipino ay hindi na maituturo maliit ang posibilidad na yumabong ito.

Ayon naman kay Wilmor Pacay III (2014), isang guro sa kolehiyo sa pribadong

pamantasan, may diskriminasyon na noon pa man sa Wikang Filipino at Wikang Ingles, ngayon

tahasan nang tinanggal ang Wikang Filipino.

Ayon sa mga mananaliksik ang dalawang wika ay sadyang may diskriminasyon na noon

pa man bagamat sa panahon ngayon ang basehan ng pagiging matalino o mahusay ay nakabase o

nakatuon na lamang sa kung paano ka kagaling magsawika ng Ingles, ang wikang Ingles ay

nararapat din natin matutunan sapagkat ito ang wikang pang internasyonal ngunit mas nararapat

na tangkilikin muna natin ang sariling atin katulad ng wikang Filipino. Bago tayo mag-aral ng

iba’t ibang wika dalubhasain muna natin ang wikang meron tayo.

“Karapatan ng mga mamamayan na matutunan ang Wikang Filipno at obligasyon ng

gobyerno na ituro ito sa mga mamamayan. Pero ginawa itong krimen ng CHED sa inilabas

nitong memo,” sabi pa ni Pacay.

Ayon dito ang pagtuturo ng wikang Filipino sa mga mamamayang Filipino ay nararapat

lamang sapagkat ang pagkafilipino ay hindi lamang nababase sa kung saan ka nagmula kundi

kung gaano ka kadalubhasa gumamit ng iyong wika. Ngunit ang nais ng CHED ay ipatanggal o

alisin ang pagtuturo ng wikang Filipino sa kolehiyo sa paglabas nila ng memorandum 20.
Ayon kay San Juan (2014), isa sa mga hakbang na isinagawa ng Filipino Department ang

paghahain ng position paper sa CHED na naglalaman ng mga hinaing ng mga propesor ng DLSU

patungkol sa pagpapanatili ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Ayon dito ipinapakita lamang ng mga guro, propesor at iba ang kanilang pagmamahal sa

sariling wika sapagkat ang wika ay higit pa sa kanilang propesyon.

Ang pahayag ni Dr. Elena R. Mirano (2014) “Dapat lahat ng pumapasok sa kolehiyo ay

mayroong isang kabuuan ng kaalaman hindi lang isang makitid na larangan. Kung kaya’t kami

sa mga ibang sining at iba ring larangan at siyensiya sa Unibersidad ay nakikiisa dito sa isyung

ito.”

Batay ditto nararapat lamang na ang asignatura at panitikan sa kolehiyo ay panatilihin

sapagkat ito ang sumasalamin sa kanilang pagkafilipino kung aano sila magsawika ng Filipino at

ano ang mga alam nila sa ito. Ang mga literaturang Filipino lubos na nakakatutulong sa pag-

bibigay kaalaman at pagpapalawak ng imahinasyon katulad ng mga alamat, komiks at iba pang

mga sulatin na nakasalin sa wikang Filipino.

Sa perspektiba naman ni Flores (2014) tungkol sa bagong kurikulum at sa K to 12, hindi

pa handa ang Pilipinas para sa K to 12 at sinabing “Ang balangkas talaga ng trahedya sa

akademya ay iyung K to 12 kasi ilang libo ang kulang na guro, mga upuan at kuwarto, at ilang

milyong teksbuk ang kulang? Sampung milyon hanggang 15 milyong teksbuk pero tinapatan na

naman ng dagdag na tatlong taon. Hindi mo pa nasusukat o naaresto iyung problema ng dating

sitwasyon sa basic education.”

Sinuportahan ni San Juan ang pahayag ni Guillermo at binigyang-diin na maging sa

Estados Unidos kung saan kinopya ng CHED ang balangkas ng K to 12, “Ang hindi nila
sinasabi, iyung K to 12 ng Amerika, pagdating ng college, sa GEC ay required pa rin iyung

national language at iyun ay ang Ingles. Sa ibang kaso ay 6 units, sa ibang sitwasyon ay 3 units

at sa iba naman ay 9 units pa ang required na English subjects sa Estados Unidos.”

Ayon ka kaniyang pahayag na sinusuportahan ni San Juan na hindi dahilan ang K to 12

upang alisin ang asignaturang Filipino sapagkat ang K to 12 ng amerika ay naituturo pa ngunit

ayon sa CHED nais nila na ang wikang Filipino o asignaturang Filipino at hindi lang basta

maituro bilang paksa kundi sa pagsasawika. Ang pag-aalis ng asignaturang Filipino hindi

nararapat sapagkat kakambal na nito ang mga kultura.

Filipino ang opisyal na wika ng Pilipino ayon sa 1987 konstitusyon, artikulo XIV,

seksyon 6-9. Dito sa Pilipinas, amrami tayong dialektong ginagamit gaya na lamang ng

Hiligaynon, Waray, Bisaya at iba pa. Kaya marahil ginawang asignatura ang Filipino sa paaralan

mula elementarya ay upang matuto tayong gumamit n gating wika. Kaya natin pinag-aaralan ang

Filipino ay para maging bihasa tayo sa paggamit nito. Higit sa lahat, kaya natin pinag-aaralan

ang Filipino dahil ito ang opisyal na wika ng bansa at magagamit mo ito kung pupunta ka sa

ibang bahagi ng bansa na di mo alam ang kanilang dialekto. Dahil sa Filipino ay

nagkakaintindihan tayo, kaya bakit tatanggalin ito sa kolehiyo? Dahil ba mula elementarya ay

pinag-aaralan na natin ito? At hindi na kailangang pag-aralan sa kolehiyo dahil eksperto na kami

sa paggamit? Nagkakamali kayo, hindi pa kami eksperto, marahil ay marunong kaming gumamit

ng wikang ito pero hindi pa sapat ang aming kaalaman. Marami nga sa atin, kahit nasa kolehiyo

na,, eh nahihirapan pang magbaybay ng mga salita sa Filipino at nahihirapan ding bumuo ng mga

pangungusap. - Kathy Rose O. Vilbar BSA – 2 (2014)


Nakasaad ditto na maging ang mga propesyonal ay na may kakulangan pang kaalaman

patungkol sa asignaturang Filipino kung ang ito ay aalisin sa kolehiyo paano na ang mga

kabataang Filipino? Kung ang asignaturang Filipino ay sadyang aalisin sa kolehiyo. Ang

asignaturang Filipino ay isa sa daan upang maging ganap na Filipino at upang maging dalubhasa

sa paggamit ng Filipino sa pagsasawika man o sa pagbabaybay,

Ayon kay (Dabu, 2014) na sumusuporta ditto, bagamat araw-araw na ginagamit ang

wikang Filipino sa tahanan man o sa kalsada, maraming mga Filipino pa rin ang hindi bihasa

rito. Marami pa ring mga Filipino ang patuloy na nagkakamali sa tamang paggamit ng mga

salita. Dahil sa pamamagitan ng pag-aaral ng asignaturang Filipino, magiging mulat ang bawat

mag-aaral tungkol sa tamang paggamit ng wika at mapapalawig mismo ang ating pambansang

wika.

Sabihin mang wika ang pinaka kailangan ng bansa , di maitatago na mismong iilang mga

Pilipino ang di dalubhasa sa gamitin ito kung ang mga Pilipino at pamahalaan ay mamumulat

dito gamit ang pagtuturo ng asignaturong Filipino ang wika ay mapapayabong at ang mga

Pilipino ay likas na magiging Pilipino at dalubhasa sa pagsasawika at pagsusulat nito.

Ayon kay Roxanne J. Templa BSA2 (2014) “Ang wika ay isang pundasyon ng isang

mamamayan na kung gaano katatag ang wika na kanilang ginagamit ganon din katatag o kalakas

ang mga mamamayang ito.” “Tatag ng wika, Lakas ng mamamayang Pilipino.”

Batay sa kaniya na ang wika Filipino ay dapat dinadalubhasa sa pagsasawika, sa paggawa

ng mga sulatin sapagkat ditto masusukat ang iyong pagiging likas na Pilipino.

Ayon pang muli sa pananaliksik ni Martin (2016), bilang mga mananaliksik,

napakahalaga ng wikang Filipino. Sa katunayan, malaki ang naitutulong ng sariling wika sa


pagsusulong ng kahusayang pang-akademya sa iba’t ibang paaralan at unibersidad dito sa

Pilipinas. Nakapaloob ang kurikulum sa mga programang ito na nagsisilbing talaan ng mga kurso

o asignatura at ang batayan at gabay ng mga guro at mga mag aaral.

Ayon kay Bautista (2018) Ang Filipino ay isang maganda at mayamang wika. Wala

akong alam na eksaktong inggles ng salitang naiimbyerna, tulad ng naiimbyerna ako sa mga

nagsasabing hindi naman ito mahalaga, na buwis-buhay kung ipagtanggol ang pag-aalis dito ng

CHED sa kolehiyo – ano nga sa inggles ang buwis-buhay? Hindi naman puwedeng tax-life, ‘no?

Anak kayo ng pating. Child of shark, you? Walang dating ‘yan, hindi hagip ang magkahalong

inis at patawa ng anak kayo ng pating. ‘Yung tokhang, may inggles kayo? Ang Filipino ay hindi

lang patuloy na pinayayaman ng mga bagong salita kundi simple pa at eksakto. Halimbawa,

sasabihin natin, umaaraw. Sa inggles iyan, apat na salita ang kailangan para ipahayag. The sun is

shining. Sa Filipino, isang salita lang, nagkakaintindihan na. Umaaraw. Ano, kakaryo pa kayo?

Ang karyo ay hindi carioca, at hindi rin basta palayaw ng Macario. Malinaw? (w.p)

Dito mapapakita ang lubos na kahalagahan ng pag-aaral ng asignaturang Filipino

sapagkat ang wika ay daynamiko, nagbabago bago kaya nararapat lamang na ang asignaturang

Filipino ay dinadalubhasa ng mga mamamayang Pilipino at may mga salitang sa wikang Filipino

na hindi kayang tumbasan sa wikang Ingles ang wikang Filipino ay patuloy na yumayaman sa

mga bagong salita na umuuso at ito sakto sa nais ipahiwatig.

CHED Memorandum 20

Ang pagpapatupad ng rebisyon sa kurikulum sa kolehiyo ng CHED. Samadaling

salita,hindi na ituturo ang asignaturang Filipino sa kolehiyo, at idadagdag na lamang ito sa

kurikulum na hain ng K to 12 Program. Nilalaman ng CMO No. 20 Series of 2013 ngCHEDna


inilabas noong Hunyo 28, 2013 ang pagtatanggal ng Filipino sa kurikulum ng kolehiyo at

paglipat nito sa sa ika-11 at ika-12 na baitang o Senior Highschool.

Ayon sa Commission on Higher Education, ang pangunahing layunin ng CHED

Memorandum no 20 series of 2013 ay ang sumusunod:

“General education thus lays the groundwork for the development of a professionally competent,

human and moral person. It also prepares the Filipino for the demands of 21st century life and

the requisite abilities to anticipate and adapt to swiftly changing situation, to think innovatively

and create solutions to problems. General education enables the Filipino to find and locate

her/himself in the community and the world, take part in and hopefully assert her/his identity and

sense of community and nationhood amid the forces of globalization.”

Nakasaad ditto na ang ng ating mundo ay sadyang patuloy na umuunlad kaya’t mas

nararapat lamang na paunlarin ang Sistema ng ating bansa, lalo na sa edukasyon sapagkat ito ang

huhubog at upang makasabay sa agos ng makabagong henerasyon sa mga mag-aaral, kabataang

Pilipino.

Gamit ito mapagtutuunan ng maraming oras o pansin ang asignaturang kailangan ng mga

mag-aaral ng naaayon sa propesyon na kanilang ninanais. Ang nais iparating nito ay upang mas

mapalawak ang kanilang kaalaman patungkol sa kanilang larangan na gusting tahakin. Ayon kay

Tabora (2013) Ang General na Edukasyon ay hindi lamang tungkol sa edukasyon o sa pag-aaral

sapagkat ito ay nakaayon sa buhay na mayroon tayo ngayon at ang buhay na nanaisin natin.

Makakatutulong ito sa pagbibigay liwanag sa mga mag-aaral upang maging dalubhasa at maging

propesyonal sila balang-araw


Kalakip man ng pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, mananatili naman ito

sa Senior High School o ang itinuturing na pagsasanay sa kolehiyo. Mananatili ding medium ang

asignaturang Filipino kung nanaisin ng mga guro.

Ngunit ayon muli kay Tasic (2016) “Paano maaalala ng mga kabataang Pilipino ang

paggamit ng sariling wika kung ang asignaturang Filipino ay aalisin? Mas nararapat lamang na

ang asignaturang Filipino lalo na sa mga kolehiyo sapagkat sila ang magsasagisag ng ating wika

at sila rin ang makikipagsapalaran at tutungo na sa realidad. Kung ang asignaturang Filipino ay

aalisin paano pa natin mapapaunlad ang ating sariling bayan kung ang sarili nating wika ay hindi

natin kayang tangkilikin? Ang kahalagahan ng asignaturang Filipino ay sumasalamin sa ating

pagpapahalaga sa ating sarili sapagkat ito ay nagsisilbing repleksyon sa ating pagkapilipino

sapagkat ang pag-aaral ng asignaturang Filipino ay daan upang mapalinaw at mapatibay ang

pakikipagkomunikasyon sa mga tao.

Ayon kay (De Vera, wp) "The accusation of critics that CHED is anti-Filipino is wrong,"

Nakasaad na ang CHED ay hindi sila tumutuligsa sa wikang Filipino sapagkat ang

paniniwala ng CHED ay ang malaking ginagampanan ng wika sa edukasyon. Na ang Filipino ay

hindi dapat ituro bilang isang paksa ngunit dapat sa oral na pakikipag-usap at sa mga sulatin.

Ngunit paano nga ba magiging dalubhasa ang mga mamamayang Pilipino sa pagsasawika at

pagsusulat kung ang asignaturang Filipino ay nais nilang alisin sa kolehiyo.

Ayon sa CHED (Chairman na si Prospero E. De Vera III, wp) Malinaw na ipinakita ng

desisyon ng SC na hindi tinanggal ng CHED ang Filipino at Panitikan sa Kurikulum ng

Pangkalahatang Edukasyon. Sa halip, ang mga ito ay inilipat sa antas ng Senior High School
dahil ang mga ito ay mahalagang mga bloke ng gusali sa paghahanda ng mga senior high

students na maging handa sa unibersidad kapag nagtapos sila.

Ayon dito hindi nais ng CHED ang pagpapatanggal ng asignaturang Filipino at panitikan

sa kolehiyo bilang core subject ito ay ililipat sa senior high school upang ito ay mapag-aralan

dahil nais nilang maihanda ang mga estudyante na aakyat sa kolehiyo ngunit mas nararapat

lamang na ang asignaturang Filipino ay patuloy na ituro upang sila ay makapaghanda sa realidad

ng buhay.

Ulat pa ni De Vera. "Ang isyung ito ay matagal nang pinagtatalunan at nanawagan ang

CHED sa lahat ng mga sektor na igalang at sundin ang desisyon ng SC upang ang buong

binagong kurikulum para sa iba't ibang mga programa sa degree ay maipapatupad nang ganap sa

pamamagitan ng malapit sa 2,000 Higher Education Institutions (HEIs) sa buong bansa, " Dapat

na ngayon ay ginagamit ng mga IP ang kanilang kalayaan sa akademya upang maisama ang mga

makabagong pagbabago sa kanilang iba't ibang mga kurikulum na maaaring magsama ng

kasanayan sa wika hindi lamang sa wikang Filipino kundi pati na rin ang iba pang mga wika ng

Pilipinas tulad ng Ilocano, Waray, Cebuano, Ilonggo, Pangasinan, Bicolano, at mga wikang

Asyano na gagawa ng mga nagtapos rehiyonal at global mapagkumpitensya.

Susuportahan ng CHED ang mga HEI na magsusulong ng pagbabago sa wika habang nagbibigay

ng tulong sa iskolar at propesyonal na edukasyon sa mga apektadong guro ng Filipino at

Panitikan sa pamamagitan ng K to 12 Transition Program Fund.

Pagbubuo

Ang wikang pambasa at ang asignaturang Filipino sa mga mag-aaral ay sadyang

napakalaki dahil ito ay nagsisilbing pambansang pagkakakilanlan. Ayon kay Tasic isinulong ni
dating pangulong Manuel L. Quezon noong 1940 ang Executive Order No. 263 na nag-uutos sa

lahat ng pribado at pampublikong paaralan na isama sa kurikulum ang pagtuturo ng wikang

pambansa. Ito ngayon ay tinatawag nating asignaturang Filipino. Ito ang pag-aaral ukol sa

tamang paggamit ng ating wika at mga literaturang itinuturing nating payamanan. Ang pag-aaral

na ito ay upang makilala at malaman ang pagsasatupad ng dating pangulong si Manuel L.

Quezon na ito ay ituro sa mga bawat mag-aaral at sa mga Pilipino.


KABANATA 3

Pamamaraan at ang disensyo ng Pananaliksik

Inilalarawan ng kabanatang ito ang mga pamamaraan na ginamit upang mangolekta ng

data sa pag-aaral na ito at ipaliwanag ang kanilang populasyon, sampling technique at

paglalarawan ng mga respondente.

Pamamaraan

Ang magiging proseso ng mga mananaliksik sa kanilang pagkuha ng mga datos ay ang

Kwantitatibo at ito ay ang Deskriptib method sa paraang ito ay medaling makukuha ng mga

mananaliksik ang mga datos at ang bilang mga respondante. Ang gagamitin ng mga

mananaliksik sa pagkalap ng mga datos ay ang mga talatanungan. Gamit itong prosesong ito

malalaman ng mga mananaliksik ang mga pagtingin nila sa pag-aalis ng Filipino at Panitikan sa

kolehiyo.

Gumamit ng Deskriptib na metodo ang mga mananaliksik dahil sa pag-aaral na ito matutukoy o

mailalarawan ang mga pagtingin ng mga mag-aaral ng Senior Highschool sa pag-aalis ng

Filipino at Panitikan bilang Core Subject sa kolehiyo.


References

https://www.scribd.com/doc/56032425/Multilinggwalismo-Salbabida-Ng-Wikang-Filipino-at-Mga-

Dayalekto-Bagong-Kahingian-Sa-Global-is-a-Dong

https://www.academia.edu/32046723/

Pagtatanggal_ng_Asignaturang_Filipino_sa_Kolehiyo_Epekto_sa_mga_Mag-

aaral_ng_Bachelor_of_Secondary_Education_sa_Bulacan_State_University?fbclid=IwAR2EHIL4JZXIHEsy-

xZnCeZU1nTOZvu3KNFexvo8xNBbZUVKalymMhTdVsY

https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/171158/kasaysayan-ng-wikang-filipino/story/

http://seulbiradio.info/thesis-tungkol-sa-asignaturang-filipino-sa-kolehiyo-17/
https://www.researchgate.net/publication/

320558204_Alyansa_ng_Mga_Tagapagtanggol_ng_Wikang_FilipinoTANGGOL_WIKA_Int

ernal_na_Kwento_Mga_Susing_Argumento_at_Dokumento_2014-2017

https://www-gmanetwork-com.cdn.ampproject.org/v/s/www.gmanetwork.com/news/

news/nation/695972/ched-we-are-not-anti-filipino-for-not-requiring-filipino-subjects-in-

college/story/?amp_js_v=a2&amp_gsa=1&amp&usqp=mq331AQCKAE

%3D#aoh=15754818226817&csi=1&referrer=https%3A%2F

%2Fwww.google.com&amp_tf=From%20%251%24s&ampshare=https%3A%2F

%2Fwww.gmanetwork.com%2Fnews%2Fnews%2Fnation%2F695972%2Fched-we-are-not-

anti-filipino-for-not-requiring-filipino-subjects-in-college%2Fstory%2F

https://www-interaksyon-com.cdn.ampproject.org/v/www.interaksyon.com/trends-

spotlights/2018/11/15/138235/why-removal-of-filipino-pantikan-from-college-curriculum-

is-being-criticized/amp/?amp_js_v=a2&amp_gsa=1&usqp=mq331AQCKAE

%3D#aoh=15754830122476&referrer=https%3A%2F%2Fwww.google.com&amp_tf=From

%20%251%24s&ampshare=http%3A%2F%2Fwww.interaksyon.com%2Ftrends-spotlights

%2F2018%2F11%2F15%2F138235%2Fwhy-removal-of-filipino-pantikan-from-college-

curriculum-is-being-criticized%2F
Kagawaran ng Filipinolohiya Kolehiyo ng Artes at Literatura Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta.

Mesa, Maynila

https://news.abs-cbn.com/news/05/27/19/pag-alis-sa-filipino-panitikan-sa-kolehiyo-muling-iaapela

You might also like