Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Zahhak: Mitolohiyang Persian

Isinulat ni: Ferdowsi (Aklat ng Shanahmeh/Book of Kings)


Muling ikinuwento ni: Rebecca Cann
Isinalin ni: Reina Antonette P. Franco

Maraming taon na ang nakararaan, isang pinunong Arabo na nagngangalang Mardash ang may
isang anak na nagngangalang Zahhak.

Si Zahhak ay isang mabait na tao hanggang sa mapilitan siyang patayin ang kanyang amang
si Mardash dahil sa pangungumbinsi ni Ahriman, isang masamang espiritu.

Pagkatapos mamatay ni Mardash, naging pinuno si Zahhak. Muling lumitaw si Ahriman sa anyo
bilang isang kusinero at nagluto ng napakasarap na pagkain para sa kanya. Tinanong ni Zahhak si
Ahriman kung ano ang nais nito bilang gantimpala sa mga kahanga-hangang mga putaheng niluto
nito. Ang tanging hiling ni Ahriman ay mahalikan niya si Zahhak sa kanyang balikat. Pagkatapos
mahalikan ni Ahriman ang balikat ni Zahhak, bigla itong nawala. Sa pagkawala ni Ahriman, may biglang
tumubong dalawang mabagsik na ahas sa balikat ni Zahhak.

Si Zahhak ay natakot at hindi alam kung ano ang gagawin sa mga ahas. Muling lumitaw si
Ahriman sa anya bilang isang manggagamot. Sinabi niya kay Zahhak na ang tanging paraan upang
kontrolin ang mga ahas ay pakainin ang mga ito ng utak ng tao araw-araw, kundi si Zahhak mismo ang
kakainin ng mga ito.

Di naglaon, nagsimula si Zahhak na pumatay ng mga binata at ipakain ang kanilang mga utak
sa mga ahas. Sa paglipas ng panahon, nagpasya siyang magsimula ng digmaan laban kay Jamshid,
ang pinuno ng daigdig. Bumuo si Zahhak ng malaking hukbo at nagtagumpay siya laban kay Jamshid
sa isang matinding laban. Pagkatapos patayin si Jamshid, si Zahhak ay naging pinuno ng daigdig at
kinuha ang dalawang anak na babae ni Jamshid na sina Arnavaz at Shahrnavaz upang gawing mga
alipin.

Ang pamumuno ni Zahhak ay nagtagal ng maraming taon hanggang sa isang araw ay nakakita
siya ng isang nakakatakot na panaginip. Tinawag niya ang mga manghuhula na nagsabi sa kanya na
may isang taong nagngangalang Feryadoun ang siyang susugpo sa kanya. Natakot si Zahhak at
naghanap ng Feryadoun sa kung saan- saan hanggang sa sinabi sa kanya na si Feryadoun ay isang
batang nabubuhay lamang sa Bundok Alborz. Sinubukan ni Zahhak na hanapin si Feryadoun ngunit
hindi niya ito mahanap- hanap.

Pagkatapos ng maraming taon, isang araw ay dumating ang isang panday na nagngangalang
Kaveh sa korte ni Zahhak. Sinabi ni Kaveh kay Zahhak na may labing-walong anak siya at lahat ay
ipinakain na niya sa mga ahas maliban sa isa. Pinagbigyan ni Zahhak si Kaveh na hindi na ipapakain
ang huling anak nito sa isang kondisyon-- pumirma ito ng isang petisyong liham na nagsasabi kung
gaano siya kabuti at mapagpatawad.

Alam ni Kaveh na nagsisinungaling si Zahhak kaya't tumanggi siyang pirmahan ang liham. Sa
halip, pinunit niya ito sa maliliit na piraso at itinapon. Tumakbo siya palabas ng royal court, at itinaas
ang espada ng panday bilang isang tanda ng rebelyon. Bumuo si Kaveh ng isang grupo at tinawag
itong “Darafsh e Kaviani” na nangangahulugang watawat ni Kaveh.

Maraming tao ang sumunod kay Kaveh patungo sa Bundok Alborz upang tulungan siyang
hanapin si Feryadoun. Matapos ang matagal na paghahanap, natagpuan nila si Feryadoun at
kinumbinsing labanan at wasakin si Zahhak.

Sa isang laban, nahuli at natalo ni Feryadoun si Zahhak. Ipinakulong ito sa isang kuweba sa
Bundok Damavand. Pagkatapos ay pinalaya niya ang dalawang anak na babae ni Jamshid. Ang
pangyayaring ito ay nagdala ng kalayaan at kasiyahan sa Iran.

Sanggunian: https://www.zoroastriankids.com/zahhak.html
Katanungan:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa mitong binasa? Ilarawan ito.
2. Ano- ano ang mga suliranin ni Zahhak? Makatwiran ba ang kanyang pamumuno?
3. Kung ikaw si Kaveh, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?Bakit?
4. Ano- anong kaugalian ng Iran/ Persia ang masasalamin mo sa akdang binasa?
5. Anong aral ang natutunan mom ula sa binasang mitolohiya?

Sagot:
1. Ang pangunahing tauhan sa mito ay si Zahhak. Siya ay unang ipinakilala bilang isang mabait
na tao ngunit naging mapanupil na pinuno matapos siyang maengganyo ni Ahriman na patayin
ang kanyang ama.

2. Ang mga suliranin ni Zahhak ay ang mga sumusunod:


a. Pagtubo ng mga ahas sa kanyang balikat,
b. Pangangailangan na pakainin ang mga ahas ng utak ng tao araw-araw,
c. Paghahanap kay Feryadoun dahil sa takot na mapalitan bilang pinuno balang- araw

Hindi makatarungan ang kanyang pamumuno dahil sa kanyang karahasan at pag-aalipin sa iba.

3. Ang pagtutol at paglaban ni Kaveh kay Zahhak at ang kanyang pag-angat ng watawat ng
rebelyon ay nagpapakita ng tapang sa harap ng pang-aapi.

4. Ang akda ay naglalarawan ng halaga ng katapangan, at pagtutol sa maling pamumuno. Ang


kahandaan ng mga tao na sumunod kay Kaveh upang hanapin si Feryadoun ay nagpapakita
ng pagmamahal sa kalayaan at katarungan.

5. Ang mitolohiyang ito ay nagtuturo ng mga aral tulad ng kahalagahan ng kahalagahan ng


pagtutol sa maling pamumuno at ang panganib na dala ng kapangyarihan. Ayon nga kay
Spiderman, “Power comes with great responsibility”.

KATANGIAN NG MITOLOHIYANG PERSIANO (Batay sa Mitong Zahhak)

1. Kasaysayan ng Laban sa Kasamaan: Ang mitolohiyang ito ay naglalarawan ng laban sa


kasamaan, kung saan si Zahhak ay naging simbolo ng masamang pamumuno at pag-aapi.

2. Pangalan ng Tauhan: Ang pangalan ng mga tauhan, tulad nina Zahhak, Mardash, Ahriman,
Feryadoun, at Kaveh, ay nagpapakita ng kaugnayan sa kultura at pananampalataya ng mga
Persiano. Ang mga pangalan ay maaaring magkaruon ng symbolic na kahulugan.

3. Elemento ng Mahika: Ang paglitaw ni Ahriman bilang kusinero at manggagamot, at ang mga
pangyayaring supernatural tulad ng paglabas ng mga ahas mula kay Zahhak, ay nagpapakita
ng mga elemento ng mahika na karaniwang matatagpuan sa mitolohiya.

4. Pakikibaka at Pag-angat ng Bayani: Ang kwento ni Feryadoun at ang pag-angat niya bilang
bayani na nakipaglaban at nagtagumpay laban kay Zahhak ay nagbibigay diin sa ideya ng pag-
angat ng mabuti laban sa masama.

5. Kasaysayan ng Paglaya at Katarungan: Ang pagpapalaya ni Feryadoun sa mga alipin ay


naglalarawan ng tema ng katarungan at kalayaan sa kabila ng pag-aapi.

6. Simbolismo ng mga Hayop: Ang paglitaw ng mga ahas sa balikat ni Zahhak at ang
pangangailangan na pakainin ito ng utak ng tao ay may simbolismong kahulugan, tulad ng
pagkakaroon ng masamang impluwensya o kasamaan na lumilitaw sa pamumuno.

Sa pangkalahatan, ang mitolohiyang Persiano ay nagbibigay ng sining na may kultural na aspeto,


nagpapahayag ng aral, at naglalarawan ng pakikipaglaban laban sa kasamaan at pag-angat ng
katarungan.

You might also like