Professional Documents
Culture Documents
Filipino Reviewer G10 Q2
Filipino Reviewer G10 Q2
Filipino Reviewer G10 Q2
DUMLAO
NOBELA
Ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan.Binubuo
ito ng mga yugto na naglasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod
sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.
Ang isang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin ito ay ang sumusunod:
a) maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
b) pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan
c) kawili-wili at pumupukaw ng damdamin
d) pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at
relihiyon
e) malikhain at may dapat maging maguniguning paglalahad
f) nag-iiwan ng kakintalan.
ELEMENTO NG NOBELA
Tagpuan-lugar at panahon ng mga pinangyarihan
Tauhan - sa nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela
Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
Pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda
a una-kapag kasali ang may akda;
b. pangalawa ang may-akda ang nakikipag-usap,
c. pangatlo-batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
e. Tema paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela
f. Damdamin-nagbibigay-kulay sa mga pangyayari
g. Pamamaraan- estilo ng manunulat/awtor h. Pananalita- diyalogong ginamit
i. Simbolismo- nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari
Ang salitang MITOLOHIYA ay hango sa salitang Griyego na myhtos na ang ibig sabihin ay kuwento. Ang
mitolohiya ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura ng mga Diyos o bathala
at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa tao.
Elemento ng Mitolohiya:
TAUHAN
1. Ang mga tauhan sa mitolohiya ay mga diyos o diyosa na may taglay nakakaibang kapangyarihan.
TAGPUAN
2. May kaugnayan ag tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinaunang panahon.
BANGHAY
a. maraming kapana-panabik na aksyon at tunggalian.
b. maaring tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na pangyayari.
c. nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas.
d. ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng diyos at diyosa.
e. tumatalakay a pagkakalikha ng mundo,pagbabago ng panahon at interaksiyong nagaganap sa
araw, buwan at daigdig
TEMA
a. magpaliwananag sa natural na pangyayari
b. pinagmulan ng buhay sa daigdig
c. pag-uugali ng tao
d. mga paniniwalang panrelihiyon
e. Katangian at kahinaan ng tauhan
f. Mga aral sa buhay
Ang aking pag-ibig (How Do I Love Thee Sonnet XLIII ni Elizabeth Barrett Browning Isinalin sa Filipino ni
Alfonso O. Santiago) Sinulatan ng tula: Robert Browning
Sipi mula sa Sintahang Romeo at Juliet (Dula mula sa England in William Shakespeare) Salin ni Gregorio
C. Borlaza
Ang TAYUTAY ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.
Sinasadya ng pagpapayahag na gumamit ng talinghaga o di-karaniwang salita upang bigyan diin ang
saloobin ng naghahayag.
Tauhan:
Odin - Bathala ng mga Diyos at lumikha sa mga tao.
Balder - Pinakamamahal sa lahat ng mga Diyos
Thor - Pinakamalakas sa lahat ng Diyos sa Aesir
Freyr - Tagapangalaga ng mga prutas sa mundo
Hemdall - tanod ng bilfrost
Tyr - Diyos ng Digmaan