Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Abstrak

- ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na
siyentipiko at , lektyur, at mga report.

- Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o
pahinga ng pamagat.

- Ito ay naglalman ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat.

Philip Koopman(1997)- sa kanyang aklat na How to Write an Abstract, bagama't Ang abstrak ay maikli lamang,
tinataglay nito Ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga kaugnay na
literatura, metodolohiya, resulta, at kongklusyon.

- Naiiba ito sa kongklusyon sapagkat ito ay naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK

1.) Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang akademiko, lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay
ritk ay dapat na makikita sa kabuoang ng papel; ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi
binantgit sa ginawang pag-aaral o sulatin.

2.) Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng
detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.

3.) Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito.

4.) Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.

5.) Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang
pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na ginawa.

Abstrak - ay ang bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang unang binabasa ng
mga propeskr o mga eksaminer ng panel kaya naman, napakahalagang maging maingat sa pagsulat nito.

1.) Basahin mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak.

2.) Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksyon, kaugnay na
literatura, metodolohiya, resulta, at kongklusyon.

3.) Buoin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoang ng papel.

4.) Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban nalamang kung sadyang kinakailangan.

5.) Basahing multi Ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahalagang kaisipang dapat isama rito.

6.) Isulat ang pinal na sipi nito.

SINOPSIS/ BUOD
- isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwenti, salaysay, nobela,
dula, parabula, talumpati, at iba pang anyone ng panitikan. Ang buod ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o
maging ilang pangungusap lamang.

- Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matuloy ang sagot sa sumusunod: sino?ano?kailan?saan?
bakit?paano?

- Pag papakilala sa mga babasa/mambabasa kung anong akda ang iyong ginawang ng buod.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSUKAT NG SINOPSIS O BUOD

1.) Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.

2.) Isulat ito batay sa Toni Ng pagkakasulat ng original na sipi nito. Kung ang damdamin naghahari sa akda ay malungkot,
dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.

3.) Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga
suliraning kanilang kinaharap.

4.) Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuod lalo na kung ang
sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.

5.) Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat.

6.) Huwag kalimitang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha Ang original na sipi ng akda.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINOPSIS O BUOD

1.) Basahin ang buong seleksiyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito.

2.) Suriin at hanapin ang pangunahin at di-pangunahing kaisipan.

3.) Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas.

4.) Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion o kuro-kuro ang isinusulat.

5.) Ihanay ang ideya sang-ayon sa original.

6.) Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaiikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging
mabisa ang isinulat na buod.

BIONOTE

- ito ay maituturing na uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.

- Higit itong maikli sa isang Autobiography at Biography.

Duenas at Sanz(2012), Ang bionote ay isang tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kaniyang academic
career.

- ginagamit ito sa paggawa ng resume at biodate, nababasa rin ito sa bahaging "tungkol sa iyong sarili".
MGA BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE

1.) Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume kailangang maisulat ito gamit ang 200
salita. Kung ito Naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat ito sa loob Ng 5 hanggang 6 na
pangungusap.

2.) Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay. Maglagay rin ng mga
detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin ang iyong mga tagumpay na nakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin
lamang ang 2 o 3 na pinakamahalaga.

3.) Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.

4.) Gawin simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong mauunawaan at makamit
ang totoong layunin nitong maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.

- May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawili-wili ito sa mga babasa, gayunman iwasang
maging labis sa paggamit nito. Tandaan na ito ang mismong maglalarawan kung ano at sino ka.

5.) Basahing multi at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaaring ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan
itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito.

MEMORANDUM O MEMO
Prof. Ma. Rovilla Sudprasert (2014), sa kanyang aklat na English for the Workplace 3, ang memorandum o
memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang
mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos.

Memorandum Para sa Kahilingan - Isang uri ng pormal na pagsulat kung saaan ito’y isang hiling o pabor na
gustong ipaabot sa taong bumabahala sa isang bagay.
Memorandum Para sa Kabatiran - Isang sulatin tungkol sa gagawing pulong o palala tungkol sa isang
mahalagang bagay na nais ipahatid.
Memorandum Para sa Pagtugon - Ang sulatin namang ito ay layuning mangalap ng mga makabagong ideya
mula sa bumubuo ng isang organisasyon para malutas ang problemang kinakaharap.
Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon.
Pink o rosas - ginagamit naman para sa request o order na nanggagaling sa purchasing department.
Dilaw o luntian - ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at accounting department.

AGENDA O ADYENDA
Sudprasert (2014), and adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang pagkakaroon ng
maayos at sistematikong adyenda ang isa sa mga susu ng matagumpay na pulong.
LIMANG KAHALAGAHAN NG PAGKAKAROON NG ADYENDA NG PULONG
1.) Nagsaad ng mga impormasyon ng mga paksang tatalakayin, mga taong tatalakay, at oras na itinakda sa
paksa.
2.) Ito ang nagtatakda ng balangkas ng mga paksang tatalakayin at kung gaano katagal ang pag-uusapan.
3.) Nagsisilbing talaan ng mahahalagang paksang tatalakayin.
4.) Nagbibigay pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang tatalakayin o
pagdedesisyunan.
5.) Nakatutulong ng malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAG SULAT NG ADYENDA
1.) Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng mga adyenda.
2.) Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang paksa.
3.) Manatili sa iskedyul ng adyenda ngunit maging flexible kung kinakailangan
4.) Mag simula o mag wakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng adyenda
5.) Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama ang adyenda.

KATITIKAN NG PULONG
Mahahalagang bahagi ng Katitikan ng Pulong
1.) Heading - ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya,samahan,organisasyon, o kagawaran. Dito rin
makikita ang petsa, ang lokasyon at ,maging ang oras ng pag sisimulan ng pulong.
2.) Mga kalahok o dumalo - Dito naka lagay ang mga nanguna sa pag papadalay ng pulong. gayun din ang
mga panauhin at lahat ng dumalo. Maging ang mga pangalan ng liban o hindi naka dalo.
3.) Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong - dito makikita kung ang nakalipas na
katitikan ng pulong ay napag tibay o may mga pag babagong isinagawa sa mga ito.
4.) Action items o usaping napagkasunduan (kasama sa bahaging ito ang mga hindi pa natapos on nagawang
proyekto bahagi ng nagdaang pulong.) Dito makikita ang ang mahahalagang tala hingil sa mga paksang
tinalakay. gayun din ang taong naguna sa pagtatalakay at ang desisyong napagkasunduan.
5.) Pabalita o patalastas - hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang balita o
patalastas mula sa mga dumalo tulad ng suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa
bahaging ito.
6.) Iskedyul ng susunod na pulong - dito tinatala kung kelan at saan ang gaganaping pulong.
7.) Pagtatapos - ininilagay sa bahagi na ito ang oras kung kelan nag wakas ang pulong.
8.) Lagda - Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng nagsagawa ng katitikan ng pulong at kung
kelan ito isinumete.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng katitikan ng pulong
Dawn Rosenberg McKay, sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang maunawan ang mga bagay na
dapat gawin bago ang pulong, habang isinasagawa ang pulong, at pagkatapos ng pulong.
Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasam Kumuha ng Katitikan ng Pulong
Bargo (2014), dapat tandaan ng sinumang kumukuha ng katitikan ng pulong na hindi niya trabahong
ipaliwanag o bigyang interpretasyon ang mga napag usapan sa pulong, sa halip, ang kaniyang taging gawain ay
itala at iulat lamang ito.
TATLONG BAHAGI NG PULONG
Bago ang Pulong - Magpasiya kung anong paraan ng katitikan ang iyong gagamitin. Maaaring gumamit ng
bolpen at papel, laptop, tablet, computer, o recorder.
Habang Inasagawa ang Pulong - Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito
ng bawat isa. Mula rito madali mong matutukong kung sino ang liban sa pulong at maging ang panauhin sa
araw na iyon.
Pagkatapos ng Pulong
- Gawin agad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos ng pagpupulong.
- Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan, orgamisasyon, pangalan ng komite, uri ng pulong, at
maging layunin nito.
- Itala kung anong oras ito ngasinula at natapos.
Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nagpapadaloy ng pulong. Huwag rin kalimutang
ilagay sa katapusan ang "Isinumite ni" kasunod ang iyong pangalan.
- Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan para sa huling pagwawasto nito.
- Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinaukulan.

PANUKALANG PROYEKTO
Feasibility study para sa program o project sa iyong club, o brgy, ngunit ito ay higit na sistematiko at pinag-
aaralan.
Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective, ang samahang tumutulong sa non-
government organization (ngo), ang panukala ay isang proposal na inilalatag ang mga plano para sa isang
samahan.

PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY


UP Diksyonaryong Pilipino (Binagong Edisyon, 2010), ang pag lalahad ay isang detalyado at
komprehensibong pag papaliwanag ng isang bagay, pook o ideya.
Jose Arrogante (2000) sa kanyang aklat na Filipino Pangkolehiyo: Kasiningan, Kakayahan, at Kasanayan
sa Komunikasyon , “Sa ingles, ang paglalahad ay tinatawag na expository writing.
SANAYSAY - hango sa salitang Pranses sa essayer na ang ibig sabihin ay “sumubok” o “tangkilikin”
DALAWANG URI NG SANAYSAY
PORMAL - Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos at mariin at bunga ng isang maingat na
pag titimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan.
- impersonal o siyentipiko sapagkat ito’y binabasa upang makakuha ng impormasyon.
IMPORMAL - Tinatawag din itong pamilyar o personal, at nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas
ng katauhan ng may-akda.
- naglalarawan ng pakahulugan ng may-akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagbubulay-
bulay, at naglalahad ng kanyang kuro-kuro o pala-palagay.

NAHAHATI ANG SANAYSAY SA TATLO (3)


PANIMULA – Dapat na nakatatawag ng pansin o nakakapukaw ng damdamin ng mambabasa.
KATAWAN – Pinaka nilalaman ng akda na dapat ay mayaman sa kaisipan, at nagtataglay din ng kaisahan ang
mga detalye nito.
WAKAS – Pangkalahatang impresyon ng may-akda o buod at kongklusyon nito.

REPLEKTIBONG SANAYSAY - ayon kay Michael Stratford, isang guro at manunulat, ay isa sa mga tiyak
na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksiyon na pagsasanay.
- pagbabahagi ng mga bagayna nasaisip, nararamdaman, pananaw, at damdamin. (journal).
Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University at University of Akron, ang replektibong sanaysay
ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari.

HALIMBAWA NG MGA PAKSANG MAAARING GAWAN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY


 Librong katatapos lamang basahin
 Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
 Pagsali sa isang pansibikong Gawain
 Praktikum tungkol sa isang kurso
 Paglalakbay sa isang tiyak na lugar
 Isyu tungkol sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot
 Isyu tingkol sa mga pinag-aawayang teritoryo sa West Philipppine Sea
 Paglutas sa isang mabigat na suliranin
 Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral
 At marami pang iba

You might also like