Pagtukoy NG Uri NG Pang Abay

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: ________________________________

Baitang at seksyon: ________________________________


REBYUWER FILIPINO 5
Pagtukoy ng uri ng pang-abay
Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay pangabay na pamaraan,
PN kung ito ay pang-abay na pamanahon, o PL kung ito ay pang-abay na panlunan.
____1. Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dina.
____2. Naglalaba ng mga damit si Aling Dina araw-araw.
____3. Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa tindahan.
____4. Matiyagang pinapaputi niya ang mga uniporme ng kanyang mga anak.
____5. Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina.
____6. Masarap magluto ng tapsilog si Ate Lorna.
____7. Tumungo sa hapag-kainan ang buong mag-anak.
____8. Darating na mayamaya ang mga bata mula sa paaralan.
____9. Naglakad nang matulin ang magkapatid.
____10. Dali-daling tumakbo si Alicia sa kanyang inay.
____11. Niyakap ni Aling Dina nang mahigpit si Alicia.
____12. Nahalata ni Alicia ang merienda sa ibabaw ng mesa.
____13. “Nagkaroon kami ng maikling pagsusulit kanina,” sabi ni Alicia.
____14. “Naunawaan mo ba nang mabuti ang leksiyon?” tanong ni Aling Dina.
____15. Pumunta muna si Allen kina Jack dahil may hihiramin siyang aklat.
____16. Nagsisimba ang buong pamilya tuwing Linggo.
____17. Binibisita nila ang kanilang lolo at lola buwan-buwan.
____18. Nakatira ang lolo at lola nila sa isang subdibisyon sa Barangay ng San Martin.
____19. Masayang nakipagkuwentuhan si Lolo Pedring sa kanyang mga apo.
____20. Nangako ang mga bata na tatawag sila sa telepono bukas.

Katotohanan o Opinyon
Isulat sa patlang ang titik K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan. Isulat ang O kung
ito ay isang opinyon.
1. ____ Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay bughaw, pula, puti, at dilaw.
2. ____ Si Benigno S. Aquino III ay mas magaling na pangulo kaysa kay Gloria Macapagal-Arroyo.
3. ____ Sa taong 2015, si Benigno S. Aquino III ang pangulo ng Pilipinas.
4. ____ Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at iba’t ibang kemikal na nakasasama sa kalusugan.
5. ____ Ang mga taong naninigarilyo ay masasama.
6. ____ Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin.
7. ____ May pitong araw sa isang linggo.
8. ____ Nakatatakot ang mga gagamba.
9. ____ Ang Pasko ay ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre.
10. ____ Dapat bigyan ng regalo ang bawat bata tuwing Pasko.

You might also like