Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Division of City Schools

School District no. 38 - Sta Ana 2


MARGARITA ROXAS DE AYALA ELEMENTARY SCHOOL
A. Francisco St., Sta Ana, Manila

Pangalan: ___________________________________________ Iskor: __________


Baitang at Pangkat: ___________________________________

I. Sagutin ng TAMA o MALI ang pangungusap..

_________1. Kaakibat ng pagbuo ng pasya ang responsibilidad na maaaring makaapekto sa iyong sarili.

_________2. Mahirap ang pagbuo ng isang pasya.

_________3. Dapat isaalang-alang ang kapakanan ng iba sa pagbuo ng pasya.

_________4. Nararapat na suriing mabuti ang sitwasyon bago bumuo ng pasya.

_________5. Siguraduhing makalalamang ang iyong sarili bago ka bumuo ng pasya.

_________6. Agad gumawa ng isang pasya kung nahaharap sa isang mahirap na sitwasyon sa buhay.

_________7. Isang mabuting katangian ang paghingi ng gabay sa Panginoon sa tuwing gagawa ng isang
desisyon sa buhay.

_________8. Dapat isaalang-alang ang sariling kakayahan sa pagbuo ng desisyon.


_________ 9. May meeting ang inyong samahan sa EsP at napagpasyahan ng marami na sasama sa Clean up
drive ng paaralan. Hindi ka sumama dahil tinatamad ka.

_________ 10. Hindi ka sumunod sa iminungkahi ng iyong lider sa pangkat na magdala ng matulis na bagay para
madaling pumutok ang lobo sa inyong laro sa paaralan.

II. Isulat sa iyong papel ang (✓) kung wastong hakbang ang ginagawa at ekis (X) kung hindi.

______________ 11. Si Mang Andoy ay matagal nang nagta-trabaho sa Munisipyo. Siya ay kinagigiliwan ng
lahat sapagkat taos-puso niyang ginagampanan ang kanyang tungkulin. Dahil dito, hinihingi ng Mayor ang
pangalan ng kanyang anak upang gawing scholar ng bayan. Isinulat niya ang palayaw ng anak sa kontratang
papel.

______________ 12. Nasa ika-anim na baitang si Nilo. Handa na siyang pumasok sa mataas na paaralan sa
susunod na pasukan. Maagang nanghihingi ng lista ng mga magaaral ang Mataas na Paaralan ng San Jose.
Hinihingi ang mga impormasyong nauukol sa kanyang sariling pamilya. Nasagot niya lahat ang mga ito.

______________ 13. Ang Munisipyo ay naglalaan ng pundo para sa mga kabataan. Sa bakasyon, may
dalawampung araw na pagtatrabaho ang ilalaan sa paglilinis ng kalsada, mga parke at iba pang pampublikong
lugar. Tinatawag itong summer job. Gusto mong mag-apply. Hinihingi sa aplikasyon ang petsa ng kapanganakan
ng inyong mga magulang. Hindi mo alam ang tamang petsa. Sinagutan mo ng mga petsang hula mo lang.

______________ 14. Nakatanggap ka ng mensahe mula sa kaibigan mo. Gusto niyang lumabas ka ng bahay
upang makita ang tatay mo at ang kinakatagpo niya na sinasabing babae daw ng tatay mo. Hindi ka naniwala sa
kaniya dahil wala kang sapat na basihan nito.
______________ 15. Nabalitaan mo sa iyong facebook account na may isang matandang babae na palaboy-
laboy. Nalaman mo na ang nasabing matanda ay ang ina ng tatay mo. Pinuntahan mo kaagad ang matanda at
pinagalitan siya.

______________ 16. Si Mang Ernie ay may mga kaibigan. Ilan sa kanila ay nagtatrabaho sa ibang bansa.
Ibinibigay niya sa mga ito ang cellphone number at email address niya.

______________ 17. Nagkasakit ang siyamnapung taong gulang na lola ni Efren. Tinatanong ng nars ng hospital
ang PhilHealth number ng nanay niya. Ibinibigay niya ito.

______________ 18. Nagbakasyon ang buong pamilya sa Baguio. May nakilala kang isang mestiso. Tinulungan
ka niyang maghanap ng bangko na pagkukunan mo ng pera. Ibinigay mo ang PIN ng ATM mo para mapadali
ang pag-withdraw.

______________ 19. Gusto mong magkaroon ng bagong gadget. Kumuha ka ng hulugang


laptop. Sa application form isinulat mo ang buong direksiyon ng tirahan mo.

______________ 20. Nabasa mo sa iyong facebook account na may isang babaeng nanawagan kung sino ang
nakakilala sa matandang palaboy-laboy sa kanilang lugar at hinahanap ang kanyang pamilya. Nakita mo ang
mukha ng matanda. Pinaalam mo sa kapitbahay mo na ang lola nila ay nakita sa facebook na matagal na nilang
hinahanap.

III. Iguhit ang masayang mukha () kung tama ang wasto ang tinutukoy sa pahayag at malugkot
na mukha () kung di wasto.
______21. Nakikiayon sa pasiya ng nakararami para sa ikaaayos ng suliranin.
______22. Nagagalit kapag hindi pumapanig sa gusto niyang mangyari ang kanyang kagrupo.
______23. Iniisip ang mga sasabihin bago magsalita upang hindi makasakit ng damdamin.
______24. Mahinahong makisama sa mga kasama sa grupo.
______25. Inuunawa ang opinyon ng iba.
______26. Mahalagang sumangguni muna at alamin ang opinyon sa iba bago magdesisyon.
______27. Pinag-iisipang mabuti muna ang mga plano bago isagawa.
______28. Agad-agad nagpapasiya upang masolusyonan ang problema.
______29. Dahil siya ang leader gusto laging desisyon niya ang nasusunod dahil matalino siya.
______30. Marunong umunawa sa sitwasyon at nagdedesisyon ng may paninindigan para sa kapwa.
SUSI SA PAGWAWASTO

I.
1. TAMA
2. TAMA

3. TAMA

4. TAMA

5. TAMA

6. TAMA

7. TAMA

8. TAMA

9. MALI

10. TAMA

II.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

III.

1. MASAYA
2. MALUNGKOT
3. MASAYA
4. MASAYA
5. MASAYA
6. MASAYA
7. MASAYA
8. MALUNGKOT
9. MALUNGKOT
10. MASAYA

You might also like