PAGKAKAISA NG S-WPS Office

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGKAKAISA NG SINING: ISANG PAGHAHATID NG KULTURA AT TRADISYON

Ibat ibang paniniwala,kultura , at pananaw ngunit iisang paraan ng pagpapakita ng pagkakaisa. Sa ika sampu ng
Nobyembre ng biyernes , pagpapatunay na kahit ibat ibang kultura maaring magkaisa.

Unang nagpakita nang talento ang drum and lire, may pagsayaw ng mga banga,bao at tapis bilang pagbibigay
pugay sa mga tradisyon ,pagkumpas ng mga kamay at kasamana ang pag galaw ng mga paa sinamahan pa nila nito
ng isqng masigabong musica na sumisimbolo sa Saya ng tradisyon at kanilang kultura.

Ikalawa naman ang bago tribe ,may kasamang tradisyonal na slogan pa silang pinamalas at ibat ibang galaw
gaya nalang ng parang ahas at bilog na pormasyon at hindi lang yon meron pang pagkakataon kung saan may mga
grupo na sumasayaw sa gitna habang pinapapaligiran sila at iniikot ng kanilang mga kasama ,habang tumutugtug
ng napakasiglang musika ,ang kanilang sayaw ay sumasagisag sa pagkakaisa.

Ikatlo naman ang spa dancers na kung saan ipinakita nila ang kultura ng mga muslim kung saan ipinakita nila
ang proseso ng kambadak o ang paggawa ng pulbos.habang ang lanters nmn ay sumasagisag sa liwanag tuwing
gabi na nagsasabing sa gitna ng gabi may liwanag lagi.

Pang apat nmn ang gadang tribe na kung saan ipinamalas nila ang pagkakaisa,Kaligayahan at,kasaganahan sa
kanilang presentasyon, dahil nais nilang panatilihin ang kanilang tradisyon at ibahagi pa ang mga ito.

pang-apat naman ang binanga kung saan ipinagmalaki nila ang kanilang tradisyon na sumisimbolo sa
kaligayahan ,pagkakaisa at pagmqmalaki sa kanilang tradisyon ang mga mahinahon, at mga banayad nilang mga
pagkumpas ay sumasalalamin eto sa ugali nilang pagiging palakaibigan at mahinahon.

panglima naman ay ang Kalinga na kung saan ipina saksi nila ang "salidsid" na kung saan may dalawang tao
(babae at lalake)Ang nasa gitna ng isang hugis bilog ng kanilang mga kasama, sumasalamin ito sa pagmamahalan at
pag kakaisa ng dalawang nag-iibigan. Ang mensahe ng kanilang ginawa ay tungkol sa kanilang pamumuhay at
pagpapatuloy parin ng mga tradisyon kahit pa sa pagtagal ng panahon.

Ang panghuli ang Mt.province na nagpamalas naman ng isang namumukod tanging presentasyon Na punong
puno ng mga mensahe ang isa sa mga ito ay ang kasaganahan ,at nagpamalas pa sila ng sayaw na may ibat ibang
anyo nang sayaw sumasagisag ng pagmamahal sa tradisyon at pagkakaisa para sa ika bubuti ng lahat.

Sa pangkalahatan, ang pagdiriwang na ito ay isang makulay at masiglang pagtatanghal ng iba't ibang kultura at
tradisyon, nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba. Ang mga tribong nagbigay ng
kanilang natatanging presentasyon ay nagpapakita ng pagsusuri sa kanilang sariling kultura, tradisyon, at
pagkakakilanlan.Sa pamamagitan ng musika, sayaw, at iba't ibang pagtatanghal, naging malinaw ang mensahe ng
pagmamahalan, respeto, at pagpapahalaga sa sariling kultura. Ang pagtatanghal ng mga tribu ay nagpapahayag ng
pangarap na mapanatili at maipasa ang kanilang mga tradisyon sa kabila ng pag-usbong ng modernisasyon.

You might also like