Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII – Central Visayas
Division of Bohol
Ubay III District
DON AGUEDO Reyes MABOLOC MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Villa Teresita, Ubay, Bohol

Pangalan: ___________________________ Petsa: __________________

KWENTONG BAYAN

Si Usman, Ang Alipin


Nang mga nagdaang panahon, may isang lalaking nagngangalang Usman. Pinaniniwalaang nananahanan siya sa
malayong sultanato at isa siyang alipin. Matapang, malakas, mataas at kayumanggi si Usman. Higit sa lahat, siya’y
matapat.

Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa palengkeng malapit sa palasyo ng namumunong sultang nagngangalang
Zacaria. Masama ang ugali ni Zacaria. Siya’y malupit at pangit ang hitsura. Dahil hindi niya matanggap ang kanyang
anyo, nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat kitlin at
maglaho.

Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-ulat ang mga tauhan sa sultan sa pagkakita
nila kay Usman na sa tingin nila’y mas makisig kaysa sa sultan. Kagyat na nag-utos ang sultan na ibilanggo si Usman at
pagkatapos ay patayin ito. Agad na sinunod ng mga tauhan ang kautusan ng sultan.

Nang makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan, si Usman ay nakadama siya agad ng pag-ibig sa unang
pagkikita nila ng binata. Nagmamadali siyang pumunta sa kanyang amang sultan at nagmakaawang patawarin at
pakawalan si Usman.

“Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang pagmamakaawa ng dalaga sa ama.

Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi siya nakinig sa pagsusumamo ng kanyang anak.

“Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang wika niya sa sarili.

“Hu,hu,hu, maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni Potre Maasita ngunit hindi siya pinansin ng sultan.
Nagmatigas ito sa kanyang kagustuhan.

Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng lalaking labis niyang iniibig. Lihim
siyang nagpadala ng mga mensahe sa mga guwardiya ngunit ang lahat ng ito’y ipinaparating nila sa sultan. Bunga niyon,
nagpupuyos sa galit ang sultan. Dahil nga sa siya’y tunay na malupit, kanyang iniutos na pati si Potre Maasita ay ikulong
din.

Sa bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong maging mas malapit sa isa’t isa sina Usman at Potre Maasita. Higit na
tumitindi ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Sa panahong iyon, lumabas ang pinal na kautusan. Kamatayan ang inihatol ng sultan para sa kanila. Habang nasa daan
ang sultan patungo sa silid na pagbibitayan sa dalawa, biglang lumindol nang malakas. Yumanig sa palasyo at nagiba ang
pook. Napulbos ang buong palasyo.

Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo ng sultan na naging sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay. Isa itong malupit
na kamatayan para sa malupit na tao.

Samantala, sinubukan nina Usman at Potre Maasita na makalaya mula sa bilangguan. Nang makalabas sila’y hindi
nagdalawang-isip si Usman. Mabilis pa sa kidlat niyang tinutulungan ang mga sugatan at ang mga nasawi. Sa kabilang
dako, tumutulong din si Potre Maasita sa mga naulila at mga nangangailangan ng tulong at pagkalinga.

Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan. Mabuhay si Usman! Mabuhay si Potre
Maasita!” ang pagbubunyi at labis na pagpapasalamat ng mga ito kina Usman at Potre Maasita. Labis ang kanilang
kasiyahan nang matanto nilang mabait na tao si Usman at si Potre Maasita nama’y may mabuting kalooban.

Nang sumunod na araw, isang kasalan ang naganap. Si Usman, na isang alipin, ay naging sultan at si Potre Maasita naman
ang itinalagang sultana.

Villa Teresita, Ubay, Bohol, Philippines, 6315


Cel. No.: 09260514527 / 09997303369
Email add.: alger.muring@deped.gov.ph
Mula noon, biniyayaan ang sultanato ng pagmamahalan kasabay ng kaunlaran sa buong kaharian. Natagpuan ng
taumbayan ang kagandahan at kaunlarang kabaliktaran ng nagdaang panahon kung saan namayani ang kapangitan at
kalupitan.

(-Pinagyamang Pluma 7, 2017)

PAGSASANAY:
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot na nagpapahiwatig sa mga kaugalian ng mga tauhan sa akda.

1. Dahil hindi matanggap ng sultan ang kanyang itsura, nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng
mga lalaking nakahihigit sa kanya ang pisikal na anyo ay dapat kitlin at maglaho. Sinunod lahat at hindi man lang
ito tinutulan ng kanyang mga tauhan. Mahihinuha sa pahayag na ito na . . . . .
a. kinamumuhian ng mga tauhan ang sultan.
b. kinatatakutan ang makapangyarihang sultan.
c. matulungin ang sultan.
d. Mabuti at mapagmalasakit ang sultan.
2. “Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang pagmamakaawa ni Potre
Maasita sa kanyang ama subalit hindi man lang siya pinansin nito. Mahihinuhang si Sultan Zacaria ay . . . . .
a. matigas ang kalooban.
b. maawain.
c. mapagbigay.
d. mayabang.
3. Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng lalaking labis niyang
iniibig. Mahihinuha sa ginawang ito ng dalaga na . . . . .
a. mabiglain siya at madaling sumuko sa mga pagsubok.
b. matalino siya at laging umiisip ng paraan.
c. mapagmataas siya at hindi basta nakikinig sa magulang.
d. matibay ang kanyang loob at hindi siya basta-bastang sumuko.
4. Nang bumalik sa normal ang sitwasyon sa palasyo ay ipinagbunyi sina Usman at Potre Maasita ng taumbayan.
Mahihinuha sa bahaging ito na ang dalawa ay mga . . . . .
a. Mabubuting tao.
b. Masasamang tao.
c. Mapaghiganti.
d. Matalinong tao.

You might also like