COVID-19 Vaccines FAQs (Tagalog)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Paano nilalabanan ng

bakuna ang sakit?

Answer
Ginagaya ng bakuna ang virus o bacteria
na nagdudulot ng sakit at naghuhudyat ng
paggawa ng katawan ng antibody. Ang mga
antibody ang siyang magbibigay
proteksyon sa pagkakataong mahawa ng
aktwal na virus o bacteria na nagdudulot
ng sakit.
Paano nagkakaiba ang
mga bakuna?

Answer
Nagkakaiba ang mga bakuna kung saan ito gawa at
kung paano ito naghuhudyat ng immune response
para gumawa ng antibodies. Itong antibodies ay
panlaban sa mikro-organismo na kalaunan ay
magiging proteksyon laban sa totoong impeksyon.
Ang bakuna ay maaring pinahina o patay na
organismo, o isang genetic product (tulad ng mRNA)
na gagawa ng protina ng isang virus o bacteria nang
hindi nagdudulot ng sakit.
Ano ang maaaring
antabayanang side effects
matapos magpabakuna?

Answer
Maaaring makaramdam ng pananakit,
pamumula, pangangati o pamamaga sa parteng
binakunahan na maaaring magtagal ng ilang
oras; lagnat; panghihina ng katawan; pananakit
ng ulo, pagkahilo, pagtatae; o pagduduwal. Agad
na sumangguni sa isang healthcare professional
kung makaranas ng alinman dito.
Kailangan bang
magpabakuna ang
lahat?

Answer
Hindi sapilitan ang pagbabakuna,
ngunit inuudyok ng gobyerno na
magpabakuna ang publiko para
maprotektahan mula sa sakit na
maaari namang maiwasan.
Bakit kailangang
magpabakuna kontra sa
COVID-19?

Answer
Kasama ang BIDA steps at pagsunod sa
minimum public health standards, ang
pagbabakuna ay isang mahalagang
paraan upang maprotektahan ang sarili
sa pagkakaroon ng malubhang
COVID-19.
Kailan magkakaroon ng
bakuna sa COVID-19?

Answer
Ang gobyerno ay kasalukuyang
nakikipag-negosasyon sa mga
gumagawa ng bakuna. Inaasahang
darating ang unang supply ng
bakuna sa unang sangkapat ng
2021.
Ano ang Emergency Use
Authorization (EUA)?

Answer
Ang Emergency Use Authorization (EUA) ay
awtorisasyong binibigay ng Food and Drug
Administration (FDA) para sa gamot o bakuna sa
panahon ng public health emergency. Ang Center for
Drug Regulation and Research (CDRR) ng FDA at ng
mga dalubhasa sa Expert Panel ang magsusuri at
sisigurado na ligtas at mabisa ang isang gamot o
bakuna bago mabigyan ng EUA.
Sino ang unang
mabibigyan ng bakuna?

Answer
Bibigyang prayoridad ng gobyerno
ang mga frontline health workers,
senior citizens, indigent population,
at uniformed personnel para sa
bakuna.
Bakit sila ang binigyang
prayoridad para sa
bakuna?

Answer
Dala ng limitadong supply ng bakuna, binigyang
prayoridad ang mga frontline health workers at
uniformed personnel upang mabigyang proteksyon ang
mga nasa linya ng trabahong mataas ang posibleng
exposure sa virus at mapagpatuloy nilang gampanan ang
kanilang responsibilidad sa publiko at pribadong sektor.
Uunahin ding bakunahan ang mga bulnerableng grupo
tulad ng matatanda at indigent population dahil sila ay
higit na apektado kung magkaroon ng malubhang
COVID-19.
Pwede ba akong bumili
ng bakuna sa pribadong
klinika o parmasya?

Answer
Hindi maaaring bumili ng bakuna mula sa
pribadong klinika o parmasya. Sa kasalukuyan, ang
gobyerno lamang ang awtorisadong bumili at
mamigay ng bakuna. Hangga’t wala pang
nabibigyan ng Emergency Use Authorization o full
market authorization ang FDA, walang maaaring
magbenta ng kahit anong bakuna sa COVID-19 sa
publiko.
Libre ba ang bakuna
para sa mga prayoridad
na grupo?

Answer
Ang gobyerno ang sasagot sa bayad
sa bakuna para sa ating mga
kababayan na kabilang sa mga
prayoridad na grupo.
Kung hindi ako kasama sa
prayoridad na mga grupo,
paano ako makakakuha ng
bakuna?

Answer
Patuloy ang pakikipag-negosasyon ng
gobyerno para masiguro ang sapat na
supply para sa lahat ng Pilipino,
kabilang ang mga hindi nasama sa
prayoridad na mga grupo.
Ligtas at epektibo ba
ang bakuna sa
COVID-19?

Answer
Oo, sinisigurado ng Food and Drug
Administration (FDA) na tanging ang mga
bakunang may Emergency Use
Authorization (EUA) o full approval ay
garantisadong ligtas at epektibo laban sa
pagkakaroon ng malubhang COVID-19.
May panganib ba ng
Komplikasyon ang
bakuna sa COVID-19?

Answer
Oo, tulad ng lahat ng ibang bakuna, may panganib o
porsyento ng komplikasyon ngunit ang mga malubha o
mapanganib sa buhay na reaksyon ay bihirang bihira.
Mas matimbang ang proteksyon laban sa malubhang
COVID-19 sa panganib o porsyentong nabanggit. Lahat
ng mababakunahan ay maayos na susuriin at
susubaybayan ng maigi ng mga health professionals
upang mabawasan pa ang panganib na dulot nito.
Ano ang maaaring
magawa habang
naghihintay sa paparating
na bakuna?

Answer
Hinihikayat ang publiko na mas maging mapanuri
sa mga impormasyong nakikita sa internet.
Ugaliing sumangguni at kumpirmahin ang bagong
nakuhang impormasyon mula sa DOH Facebook
page, DOH website, WHO website, at PIA website.
Ipagpatuloy natin ang pagsunod sa minimum
public health standards sa lahat ng pagkakataon
upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

You might also like