Timeline Wika

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

• behikulong ginamit sa pakikipag-usap at pagpaparating

ng mensahe sa isa’t isa

• Ayon kina Paz, Hernandez at Penerya, ang wika ay


tulay na ginagamit para maihayag at mangyari ang
anumang minimithi o pangangailangan natin.

• isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na


pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong kabilang sa isang kultura (Henry Gleason 1988)
• Ayon naman sa isang siyentipikong si Charles Darwin,
ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng isang
serbesa o paggawa ng cake. Hindi ito tunay na likas
sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-
aralan bago matutuhan

• Ayon kay Emmert at Donagby, 1981 isang sistema


ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay
mga pasulat na letra na inuugnay natin sa mga
kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao
• isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga
tunog, salita, at gramatika na ginagamit sa
pakikipagtalastasn ng mga mamayan sa isang bayan o
sa iba't ibang uri ng gawain
Timeline ng mga Pangyayaring Nagbigay daan sa
Paghirang ng Wikang Filipino Bilang Wikang Pambansa
1934 - dahil sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa
tinalakay sa Kumbensyong Konstitusyunal nt taong ito,
ang pagpili ng wika.
• matatag ang grupo ni Lope K. Santos na ang wikang
Pambansa ay dapat ang wikang umiiral sa Pilipinas.
• ang mungkahing ito ay sinusugan ni Manuel L. Quezon
(Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas)
Batay sa Pag-aaral na Isinigawa ng Surian

Napili ang Tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa


dahil sa sumusunod na pamantayan:

• wika ng sentro ng pamahalaan


• wika ng sentro ng edukasyon
• wika ng kalakalan
• wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat
sa panitikan
• 1935 -Ang pagsusog na ito ni Pangulong
Quezon ay nagbigay-daan sa probisyong
pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV,
Seksiyon 3 ng Saligang Batas 1935 na
nagsabing:
“ Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagkakaroon ng isang wiiang pambansang ibabatay
sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t
hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila
ang siyang mananatiling opisyal na wika”
• 1937 - Noong Dec. 30, 1937 ay iprinoklama ni
Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog
upang maging batayan ng wikang Pambansa base sa
rekomendasyon ng Surian sa bisa ng Kautusang
Tagapagganap Blg. 134. Magkakabisa ang kautusang
ito pagkalipas ng dalawang taon

• 1940 - Dalawang taong matapos mapagtibay ang kautusang


Tagapagganap Blg.134 nagsimulang ituro ang wikang Pambansa
na batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado.
• 1946 - ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating
Kalayaan. Sa araw ng pansarili ng Pilipinas,
ipinahahayag din ang wikang opisyal sa bansa ay
Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang
570
• 1959 - Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang
Pambansa mulaTagalog ito ay naging Pilipino sa bisa ng
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na pinalabas ni Jose E.
Romero na Kalihim ng Edukasyon noon. Ito ang wikang
ginamit sa tanggapan, gusali at mga dokumentong
pamahalaan katulad ng pasaporte at iba pa gayundin ang sa
iba’t ibang antas ng paaralan at media.
• 1972- nagkaroon ng pagtatalo sa Kombensyong
Konstitusyon
Sa huli, ito ang naging probisyong pangwika sa
Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon 3 blg, 2:
Ang batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga
hakbang na magpapaunlad at pormal na nagpapatibay
sa isang panlahat na wikang Pambansang kikilalaning
Filipino
• 1987 - Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng
Komisyong Konstitusyonal na binuo ni dating
Pangulong Corazon Aquino ang implementasyon sa
paggamit ng wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV,
seksyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na
nagsasabing :
“Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika”
• Pangulong Corazon Aquino- lubos na nagbigay
suporta sa paggamit ng Filipino sa pamahalaan sa
pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye
ng 1988
• Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 - nag-
aatas sa lahat ng mga kagawaran , kawanihan,opisina,
ahensiya, at instrumentaliti ng mamahalaan na
magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa
layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga
transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya
• Brother Armin Luistro, kalihim ng DepEd
ngunguna sa pagtaguyod ng mga pagbabagong dala
ng Kto 12 Kurikulum
• may 19 na wika at dayalekto ang pinangalanan ng
DepEd upang gamitin sa pagtuturo ng mga mag-aaral
mula kindergarten hanggang Grade 3
• Ayon sa itinatadhana ng Saligang Batas ng 1987,
Artikulo XIV, Seksyon 7 mababasa ang sumusunod:

“Ukol sa layunin at komunikasyon sa pagtuturo, ang mga


wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga't walang
ibang itinatadhana ng batas, Ingles. Ang mga wikang
panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga
rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang
panturo noon.
Assessment blg. 1
A. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa
pagkakaroon natin ng isang wikang nagbubuklod sa ating
mga Pilipino? (7 hanggang 10 pangungusap)

B. Paano makatutulong sa isang tao ang pagiging


multiligguwal? (5-7 pangungusap)
1. Wikang Pambansa - Filipino
Saligang batas 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 6
• ang natatanging wika na representasyon ng isang
bansa at may koneksyon sa lahat ng wikang umiiral
sa bansa
2. Wikang Opisyal - Filipino at Ingles
Saligang batas 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7
3. Wikang Panturo - Filipino at Ingles
• wikang ginagamit sa pagtuturo at
pag-aaral sa loob ng paaralan
Daluyan ng Pagpapakahulugan
• Tunog
• ponosentrismo (phonocentrism)"una ang bigkas
bago ang sulat"
2. Simbolo - biswal na larawan, guhit, o hugis na
kumakatawan sa isa o maraming kahulugan
hal. simbolo ng krus
3. Kodipikadong pagsulat - paggamit ng cuneiform o
tableta
Daluyan ng Pagpapakahulugan

3. Galaw - ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, at


galaw ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan o
mensahe

5. Kilos - ganap na kilos ng tao tulad ng pag-awit,


pagtulong at iba pa
• talastasan
• lumilinang sa pagkatuto
• saksi sa panlipunang pagkilos - mga wika ng
rebolusyonaryo ang nagpalaya sa sa mga Pilipino
• lalagyan o imbakan - taguan, hulugan o deposito ng
kaalaman ng isang bansa
• tagapagsiwalat ng damdamin
• imahinatibong pagsulat - paglikha ng tula, kuwento at
iba pang akda na nangangailangan ng malikhaing
imahinasyon
Kategorya at Antas ng Wika
1. Pormal
• ginagamit ng higit na nakararami sa
pamayanan, bansa, o isang lugar
• ginagamit din sa mga paaralan at opisina

2. Di- pormal
• ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan

1
Antas ng Wika
1. panlalawigan - ginagamit ito sa partikular na pook o
lalawigan, may pagkakaiba sa tono at kahulugan sa
ibang salita
hal. adlaw (araw), balay (bahay)
2. balbal - katumbas ng slang sa Ingles, nagbabago sa
pag-usad ng panahon
hal. utol (kapatid), sikyu (gwardiya)
3. kolokyal - ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipag-usap
hal. musta, ewan, kelan meron
Maraming Salamat sa
Pakikinig!

You might also like