Professional Documents
Culture Documents
FINAL
FINAL
Carilo
Section: BSBAHRMOU 2D
“PINAL NA PAGSUSULIT”
● Sa aking palagay, isa sa kahinaan ng ating bansa kung bakit hindi pa rin nakakawala sa
kahirapan ay hindi sapat ang sahod sa mga manggagawa at kakulangan sa trabaho. Ito
din ay marahil kung bakit marami sa ating kababayan ang mas pinipili ang
makipagsapalaran sa ibang bansa para sa pamilya. Dito tayo sa bansa nahuhubog ng
talino, kasipagan ngunit dahil sa kahirapan at kakulangan sa pa sahod at trabaho mas
pinipili natin na magtrabaho sa ibang bansa para matustusan ang pangangailangan.
Kung bibigyang pansin ng gobyerno ang mamamayang nagtatrabaho sa ating bansa, sa
pagbibigay pansin sa pasahod at trabaho ay siyang rason upang makawala tayo sa
kahirapan. Dahil ang mga mamamayan sa ating bansa ay may sapat na kakayahan
upang magtrabaho at paangatin ang ating bansa sa tulong na din ng ating gobyerno.
Kung tataas ang pasahod walang makipagsapalaran sa ibang bansa at magkakaroon ng
bayanihan para sa pag-unlad tungo sa kaunlaran.
b. Hidwaang pampulitika
● Ang pagkakaroon ng hidwaang pampulitika ay isang pangkaraniwang sitwasyon sa
politika, sa pagkakaroon ng iba’t ibang opinyon o pananaw at pag unawa sa adhikain, at
mga hakbang na dapat ipatupad. Ito ay maaaring pinagmulan o sanhi ng hindi
pagkakaintindihan, pagkakasundo sa pamamalakad ng isang bansa.
● Normal man sa lipunan ang ganitong sitwasyon, s pagkakaroon ng iba’t ibang pananaw
at adhikain mahalaga pa rin na magkaroon ng respeto pagkakasundo upang magkaroon
ng solusyon sa mga hakbang na gustong ipatupad.
c. Pagkabihag ng kaisipan
● Ang pagkabihag ng isipan, ay pagkakaroon ng saradong kaisipan. Kung ano lamang
ang nalalaman at kung ano ang nais paniwalaan sa buhay ay duon na lamang ang
pokus ng kaisipan. Sa ganitong paraan nagkakaroon ng limitasyon sa sarili upang
mamulat sa tamang kaisipan at pagtuklas ng katotohanan.
g. Ugali ng "Pagkahayop"
● Ang ugaling pagka hayop ay mailalarawan sa ugaling asal ng isang tao na hindi tama, o
hindi maayos. Maaaring ito ay tumutukoy sa hindi maayos na asal, pagiging marahas na
pagtugon sa mga sitwasyon. Ang ganitong uri ng ugali ay maaaring maging sanhi ng
hindi pagkakaintindihan at hindi maayos na ugnayan sa lipunan. Kailangan baguhin at
ayusin upang magkaroon ng pagbabago at pag-unlad.
h. Kamalayang makabansa
● Ang kamalayang makabansa ay naglalarawan ng pagmamahal, at pag-aalaga sa
sariling bansa. Ito rin ay isang pag-unawa at pagpapahalaga sa kasaysayan, kultura,
tradisyon. Ang kamalayang makabansa ay mahalaga sa pagpapalaganap ng
pagkakaisa at pagkakakilanlan sa loob ng isang lipunan. Sa ganitong paraan kailangan
ng pagkakaisa at malasakit sa bansa. Kailangan ito ay nagbibigay ng identidad at
nag-uugnay sa iba't ibang sektor ng lipunan tungo sa pangkalahatang pag-unlad at
kaginhawaan.
i. Nagtuturuan sa kasalanan
● Ang "nagtuturuan sa kasalanan" sa lipunan ay isang pag-uugali na may epekto. Ito ay
maaaring magpahayag ng mga negatibong ugali at kawalan ng responsibilidad sa iba't
ibang antas ng lipunan. Sa pagkakaroon ng responsibilidad sa pag-ako ng kasalanan,
masosolusyunan nito ang isang problemang kinakaharap.
● Sa aking palagay, mas gugustuhin ko isulong ang “Death Penalty for Heinous Criminals”
sa panahon ngayon na talamak ang patayan at pang-agrabyado. Mahirap man ito
isulong dahil ito ay isang kontrobersyal na usapin na nangangailangan ng balanseng
desisyon para sa katarungan at paggalang sa karapatang pantao. Naniniwala ako na ito
ay isang paraan para sa katarungan, lalo kung ito ay humaharap sa malalang krimen.
Ang ideyang ito ay babala na rin sa mga masasamang tao at gumagawa ng krimen.
Ngunit ang pagpataw ng death penalty ay may kaukulang paglabag sa karapatang
pantao na ang prinsipyo ay ang bawat tao ay may karapatang mabuhay.
Mahalagang isaalang-alang ang lahat ng aspeto ng isyung ito, kabilang ang epekto nito
sa lipunan, sistema ng hudisyal, at mga aspetong moral. Sa pagpataw ng parusang
kamatayan. Ang isyung ito ay maaaring maging bahagi ng isang mas malalim na debate
sa lipunan, ngunit kung personal na opinyon ang kinakailangan para saken naniniwala
ako sa “kung walang awa ang mga kriminal sa pagkitil ng buhay, bakit pa sila bibigyan
ng karapatan mabuhay” sa mundong ito karapatan ng lahat mabuhay pero kung aalisin
ito ng mga taong walang awa, walang prinsipyo bakit hindi natin ipatikim sa kanila ang
bagay na nagawa nila.