“communis” na ibig sabihin ay saklaw lahat na binubuo
ng lipunan. Ito rin ay proseso ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe. Sangkot sakomunikasyon ang mga sumusunod na makrong kasanayan na Pagsasalita, Pakikinig, Pagbasa, Pagsulat at Panonood. Elemento at Proseso ng Komunikasyon Maraming modelo ng komunikasyon, ngunit narito ang tipikal na ilustrasyong makikita sa ibaba na tumuturol sa tagapaghatid, tagatanggap, mensahe, tsanel at balik- tugon. o Tagapaghatid – Nagsisimula ang proseso ng komunikasyon sa kung ano ang nais ipahatid na mensahe ng tagahatid na sumasailalim sa malalimang pagiisip sa bawat detalye na partikular na paksa. Tinatawag din siya bilang communicator o source.
o Mensahe – Ito ay naglalaman ng opinyon, kaisipan at
damdamin na karaniwang nakabatay sa paniniwala at kaalaman ng ng tagahatid patungong tagatanggap upang magkaroon ng komunikasyon.
o Tsanel – Mayroong dalawang anyo ang tsanel upang
maipahayag at maihatid ang naturang mensahe. Ang una ay pandama (sensory) tulad ng paningin, pandinig, pang- amoy, panlasa at pakiramdam; at Institusyunal (institutionalized) na tuwirang sabi o pakikipag-usap, sulat at kagamitang elektroniko.
o Tagatanggap – Ang nagbibigay ng kahulugan sa
naturang mensaheng inihatid ng tagapaghatid na tumutugon sa mensaheng natanggap. Mayroong tatlong antas ang tagatanggap, Pagkilala, Pagtanggap at Pagkilos.
o Balik-tugon – Hindi magiging matagumpay ang
komunikasyon kung walang tugon sa bawat mensahe. Dito rin makikita ang kabisaan ng paghahatid ng mensahe dahil ito ang magiging batayan ng susunod na siklo ng komunikasyon.