Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII, CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF NEGROS ORIENTAL

Pangalan: _____________________________
Filipino 5
Ikatlong Markahang Pagsusulit
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.

Buod ng Pelikulang “Magnifico”

Si Magnifico ay nakatira sa Lumban Laguna. Siya ay lumaki sa mahirap na


pamilya.
Sa murang edad ay tumulong siya sa111 kanyang mga magulang tulad ng pag-aalaga sa
kanyang lola at kapatid na naparalisa. Pinapasan niya sa likod palagi ang kanyang
kapatid na babae at tinulungan din niya ang kanyang nakatatandang kapatid na
lalaki na nawalan ng iskolarship. Naging malaking problema sa kanilang pamilya ang
pagkakaroon ng kanser sa tiyan ng kanyang lola at may taning na ang buhay nito.
Sa kagustuhang makatulong sa kanyang pamilya gumawa siya ng paraan upang
paghandaan ang burol ng kanyang lola. Siya ang gumawa ng kabaong at siya ang
naghanda ng kasuotan kapag mamatay ang kanyang lola. Dahil sa likas na matulungin
at punong-puno ng kabaitan si Magnifico marami siyang kapit-bahay at kamag-anak na
natulungan.
Isang araw habang iniligtas niya si Domeng ay nahagip siya ng isang
humaharurot na sasakyan na naging dahilan ng kanyang maagang kamatayan. Ang
paghahandang
burol para sa kanyang lola ay ginamit para sa kanya. Maraming tao ang nakiramay at
mataimtim na nagdasal para kay Magnifico.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa binasang buod na nasa itaas?


A. lola C. Domeng
B. Magnifico D. nakatatandang kapatid

2. Paano inilalarawan si Magnifico sa buod?


A. matulungin at mabait c. matulungin at madaldal

B. tamad at masungit D. mapagmahal at magalang

3. Ano ang dahilan ng maagang pagkamatay ni Magnifico sa binasang buod?


A. habang naglalaro ay nahagip siya ng sasakyan
B. habang nagtitinda ay nahagip siya ng sasakyan
C. habang iniligtas niya si Domeng ay nahagip siya ng sasakyan
D. habang tumatawid sa daan ay nahagip siya ng sasakyan

4. Kung ikaw si Magnifico, gagawin mo ba ang kanyang mga mabuting ginawa? Bakit?
A. Oo, dahil iyon ang tamang gawin
B. Oo, dahil maraming tao ang nakikiramay sa kanya
C. Hindi, dahil marami pa akong gustong gawin sa buhay
D. Hindi, dahil marami akong kapit-bahay at kamag-anak na tutulungan
5. Maraming tao ang nakiramay at mataimtim na nagdasal para kay Magnifico. Alin ang
pang-abay sa pangungusap?
A. tao C. mataimtim
B. nakiramay D. nagdasal

6. Siya ay lumaki sa mahirap na pamilya. Alin ang pang-uri sa pangungusap?


A. siya C. lumaki
B. pamilya D. mahirap

7. Si Magnifico ay nakatira sa Lumban Laguna. Ano ang pang-abay na panlunan na


ginamit sa pangungusap?
A. Si Magnifico C. sa Lumban Laguna
B. nakatira D. wala sa nabanggit

8. Dahan-dahang binubuhat ni Magnifico ang kanyang kapatid na babae. Anong uri ng


pang-abay ang may salungguhit?
A. pang-abay na pamaraan C. pang-abay na panlunan
B. pang-abay na pamanahon D. pang-abay na pananggi

9. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga panyayari batay sa nabasang buod?

I. Ang paghahandang burol para sa kanyang lola ay ginamit para sa kanya


at maraming tao ang nakiramay sa pagkamatay ni Magnifico.
II. Si Magnifico ay lumaki sa mahirap na pamilya.
III. Habang iniligtas niya si Domeng ay nahagip siya ng isang humaharurot na
sasakyan na naging dahilan ng kanyang maagang kamatayan.
IV. Naging malaking problema sa kanilang pamilya ang pagkakaroon ng
kanser sa tiyan ng kanyang lola kaya pinaghandaan niya ito.

A. I, II, III, IV C. II, I, III, IV


B. II, IV, III, I D. II, III, IV, I

10. Alin sa mga sumusunod ang magandang epekto sa panonood ng pelikula?


A. Nakapagbigay aliw lamang.
B. Hindi magagawa ang mga gawain dahil mas abala sa panonood.
C. Naisabuhay at naisapuso ang mga magandang aral na napulot sa pelikula.
D. Maaring gayahin ng mga kabataan ang mga napapanood na di angkop sa kanilang
edad.

11. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang dapat isaalang-alang sa paggawa ng ulat?
A. Isulat ang mga tauhan lamang.
B. Ilahad ng lahat ng mga pangyayaring nabasa.
C. Iguhit ang mga imahinasyon mo sa pelikulang napanood.
D. Tukuyin ang pamagat, tauhan, tagpuan at mahalagang pangyayari sa kwento.
Para sa aytem 12-15, basahin ang teksto sa ibaba at sagutin ang mga katanungan.

Ang Bayani ng Aking Buhay


Ang bayani ng aking buhay ay ang aking mga magulang dahil ginagawa nila ang
lahat para lamang kami ay mabuhay. Pinag-aral nila kami mula elementarya
hanggang kolehiyo. Ang kanilang pagsasakripisyo sa pagtatrabaho, ang pagod at
hirap na kanilang dinanas upang kami ay mapag-aral ng aking mga kapatid ay
walang katumbas. Ang kanilang dugo't pawis ang maituturing kong kayamanan
dahil sa kanila ay naging maganda ang buhay ko. Nakapagtapos kami sa aming
mga kurso dahil sa pagsisikap ng aming mga magulang. Ang kanilang mga payo ay
tinanggap ko upang mapabuti ang buhay ko at isasabuhay ko at dadalhin sa aking
12. Sinopagtanda
ang tinuturing na bayani
hanggang sa akongdin
may-akda?
ay magkaroon ng pamilya. Kaya sa aking magulang
A. ako
mgaaykapatid
nagpapasalamat dahil sila ang gumabayC.saang kanyang
akin guro
mula ng ako'y isinilang
B. hanggang
mga magulangsa kasalukuyan. D. mag-aaral
C.

13. Paano naging maganda ang buhay ng may-akda?


A. Naglaro lang siya
B. Wala siyang ginawa sa kanyang buhay
C. Sinuway niya ang mga payo ng kanyang mga magulang
D. Nag-aral siya ng mabuti at sinunod niya ang mga payo ng kanyang magulang

14. Nais mong malaman ang paraan ng pagpapahalaga na ibinigay ng iyong mga kaklase
sa kanilang mga magulang, alin dito ang itatanong mo sa kanila?
A. Paano niyo pinahalagahan ang iyong mga magulang?
B. Bakit niyo pinahahalagahan ang ating pambansang bayani?
C. Kailangan ba talagang pahalagahan ninyo ang ating pmbansang bayani?
D. Karapat-dapat bang pahahalagahan ninyo ang ating pambansang bayani?

15. Kung ang sagot sa tanong ay dahil ginawa nila ang lahat para lamang sila ay mabuhay,
Ano ang magiging tanong na dapat itatanong?
A. Sino ang bayani ng kanyang buhay?
B. Saan ang bayani ng kanyang buhay?
C. Paano niyo pinahalagahan ang iyong mga magulang?
D. Bakit ang kanyang magulang ang bayani ng kanyang buhay?

16. Kung ikaw ang may-akda ng salaysay, ituturing mo rin bang bayani ang
iyong mga magulang?
A. Oo, dahil magulang ko sila.
B. Oo, dahil utang ko sa kanila ang buhay ko.
C. Hindi, kasi pinagalitan at pinarusahan nila ako noong ako’y nagkamali.
D. Hindi, kasi hindi nila ipinatikim sa akin ang marangyang buhay na gusto
ko.

17. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng pangyayari batay sa tekstong binasa?

1. Ang bayani ng kanyang buhay ay ang kanyang mga


magulang dahil ginagawa nila ang lahat para lamang sila ay
mabuhay.
2. Nagpapasalamat sila sa kanilang mga magulang dahil
sila ang dahilan ng kanilang magandang buhay.
3. Pinag-aral nila sila mula elementarya hanggang kolehiyo.
4. Nakapagtapos sila sa kanilang mga kurso dahil sa
pagsisikap ng kanilang mga magulang.

A. 1-2-3-4 C. 1-3-4-2
B. 4-2-3-1 D. 2-3-4-1
Para sa aytem 18-20, basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Ang Mga Pangulo ng Ating Bansa


Ang Pilipinas ay isang demoratiko at republikanong Estado na pinamumunuan ng isang pangulo.
Ang unang naging pangulo ng Pilipinas sa taong 1961 ay si Diosdado Macapagal at nagtapos
ang kanyang termino sa taong 1965. Sumunod na naging pangulo ay si Ferdinand E. Marcos sa
taong 1965-1986. Humalili naman sa kanya ay si Corazon C. Aquino sa taong 1986-1992.Sa
taong 1992-1998, ang naging pangulo ay si Fidel V. Ramos. Ang sunod na naging pangulo ay si
Joseph E. Estrada at nagtapos ang kanyang termino sa taong 2001. Ang sumunod sa kanya ay
si Gloria Macapagal Arroyo sa taong 2001 hanggang 2010. Si Beningno C. Aquino III naman
ang nanungkulan sa taong 2010-2016. Sa kasalukuyan, ang ating pangulo ay si Rodrigo R.
Duterte.

18. Alin sa mga sumusunod ang may tamang timeline ng mga naging pangulo ng Pilipinas?

Diosdado Macapagal Joseph E. Estrada Benigno C. Aquino III Fidel V. Ramos


(1961-1965) (1986-1992) (1998-2001) (2010-2016)
A.
(1965-1986) (1992-1998) (2001-2010) (2016-Present)
Ferdinand E. Marcos Corazon C. Aquino Gloria Arroyo Rodrigo R. Duterte

Diosdado Macapagal Corazon C. Aquino Joseph E. Estrada Benigno C. Aquino III


B. (1961-1965) (1986-1992) (1998-2001) (2010-2016)

(1965-1986) (1992-1998) (2001-2010) (2016-Present)


Ferdinand E. Marcos Fidel V. Ramos Gloria Arroyo Rodrigo R. Duterte

Diosdado Macapagal Ferdinand E. Marcos Joseph E. Estrada Benigno C. Aquino III


(1961-1965) (1965-1986 (1998-2001) (2010-2016)
C.
(1986-1992) 2001-2010) 2010-2016) (2016-Present)
Corazon C. Aquino Gloria Arroyo Fidel V. Ramos Rodrigo R. Duterte

Diosdado Macapagal Ferdinand E. Marcos Benigno C. Aquino III Joseph E. Estrada


(1961-1965) (1965-1986 (1998-2001) (2010-2016)
D.
(1986-1992) 2001-2010) 2010-2016) (2016-Present)
Corazon C. Aquino Gloria Arroyo Fidel V. Ramos Rodrigo R. Duterte

19. Ano ang mga kailangan sa pagsulat ng timeline na may maikling paglalarawan at
pagdetalye?
A. oras, petsa at pangyayari B. akda C. salita at kataga D. panahon

20. Paano gagawin ang isang timeline?

A. Pagsusunod- sunurin ang pangalan ng mga tauhan sa kuwento.


B. Gumuhit ng linya at ilagay ang lahat ng mga pangyayari sa kuwento.
C. Gumuhit ng linya at isulat ang mga pangyayaring natatandaan mo lang.
D. Gumuhit ng isang linya at isulat ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari na
ang pagkakaayos ay ayon sa petsa, taon, o oras ng kuwento.
Pag-aralang mabuti ang polmularyo sa ibaba. Pillin ang titik ng tamang sagot ng mga
kasunod na mga tanong.

Mag-aaral ng Mababang Paaralan ng Bolocboloc


Pangalan:____________________________
Edad:_________________________
Kaarawan:_________________________
Tirahan: __________________________
Kasarian: _____________________________

21. Kaninong edad ang dapat isulat sa patlang?


A. guro B. kapatid C. magulang D. mag-aaral

22. Anong sagot ang dapat mong isulat sa kasarian?


A. kasarian ng ina C. kasarian ng guro
B. kasarian ng ama D. kasarian ng mag-aaral

23. Ikaw ay may takdang-aralin sa Araling Panlipunan tungkol sa sukat o laki ng


isang lugar sa Pilipinas. Aling pangkalahatang sanggunian ang gagamitin mo?
A. Tesawro B. Atlas C. Almanak D. Peryodiko

24. Naglalaman ng detalyadong impormasyon tungkol sa ibat’-ibang paksa


at lahat ay nakaayos ng paalpabeto.
A. Peryodiko B. Almanak C. Ensayklopedia D. Diksyunaryo
25. Nabighani si Lito sa kagandahan ni Ana. Ano ang kasingkahulugan ng salitang
sinalungguhitan?
A. natuwa B. nagalit C. naakit D. nabigla
26. Aling pares ng mga salita ang magkasalungat?
A. pagsisinop-paggastos C. mabango- mahalimuyak
B. madalas-palagi D. mahalaga- makabuluhan
27. Tahimik dito sa aming lugar dahil mapayang sinusunod ng mga tao rito ang mga
batas. Ano ang dalawang salitang magkasingkahulugan?
A. lugar-tahimik C. tao-dahil
B. tahimik-mapayapa D. bataas-tao

28. Kung ang kasingkahulugan ng mayaman ay maykaya, Ano naman ang kasalungat
nito?
A. mapera C. dukha
B. makapangyarihan D. masalapi

29. Sa tingin ko uulan ngayong gabi dahil makapal ang ulap sa kalangitan ngayon.
. Anong uri ng pahayag ito?
A. opinyon C. pandiwa
B. katotohanan D. pautos
30. Si Jose Rizal ay ang ating pambansang bayani. Anong uri ng pahayag ito?
A. katotohanan C. pautos
B. pandiwa D. opinion

31. Nagtanim ng punong narra ang lahat ng magsasaka. Ano ang tawag sa sugnay
na may salungguhit?
A. simuno C. pangalan
B. panaguri D. pandiwa

32. Nagluto si Nanay ng masarap na pagkain. Aling sugnay ang simuno?


A. nagluto C. masarap na pagkain
B. si Nanay D. Nagluto ng masarap na pagkain
33. Ang aking mga sapatos ay marumi. Anong bahagi ng pangungusap ang may
salungguhit?
A. simuno B. panaguri C. pang-abay D. pandiwa

Isang araw, nakita ni Dagang-bukid na nagpupumilit makalawa sa pagkakagapos


si Haring Leon. Mabilis na kumilos ang Dagang-bukid, nginatngat niya nang ningatngat
ang lubid hanggang makalawa ang Haring Leon. Nagpapasalamat sa kanya si Haring
Leon. Ginawa ito ni Dagang-bukid upang masuklian si Haring Leon sa pagligtas nito
noon sa kanyang buhay.

34. Ano ang angkop na pamagat sa teksto?

A. Ang Daga at ang Lubid C. Ang Haring Leon at ang Dagang-bukid


B. Ang mga Hayop D. Ang Lubid at ang Leon

Matulog at magpahinga sa itinakdang oras upang mapanatili ang pagkakaroon


ng masiglang pangangatawan. Uminom ng 8-12 basong malinis na tubig. Iwasang
mapagod ang katawan. Maligo araw-araw at panatilihing malinis ang katawan. Kumain
ng prutas at gulay. Dapat sundin ang mga pamantayang pangkalusugan.

35. Ano ang angkop na pamagat ng teksto binasa mo?


A. Pamantayang Pangkalusugan C. Pamantayang Pangaraw-araw
B. Pamantayang Pangangatawan D. Pamantayang Pampagand

36. Sabi ng anak, “Ma, paano po ang tama____ paghugas ng kamay?” Alin ang tamang
pang-angkop na gagamitin upang mabuo pangungusap?
A. g B. na C. ng D. an

37. Sagot ng Ina, “Halika, tuturuan kita. O,Ayan! ang kamay ___ malinis, kaligtasan sa
kalusugan ang hatid”. Anong pang-angkop ang dapat gamitin sa puwang?

A. g B. na C. ng D. an
Basahin ang mga maiikling sulatin sa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ayon sa World Health Organization, may mga hakbang na dapat gawin


upang manatililing malusog ang pisikal, mental at emosyonal na aspeto ng ating
pangangatawan. Ito ay ang pagkain ng masusustansiyang pagkain, pag-eehersisyo,
magkaroon ng makabuluhan at kapaki-pakinabang na routine para maging positibo
ang pananaw, pag-iwas sa paninigarilyo at healthy parenting para mas maintindihan
ng mga kabataan ang mga pagbabagong nagaganap sa ating komunidad ngayon.

38. Ano ang katawagan sa maikling sulatin na binasa mo?


A. sulating pormal C. sulating di-pormal (email)
B. kathang pormal D. liham na nagmumungkahi

Ang Aking Unang Email


berchavcon65@gmail .com
39.
Ang Aking unang Email

Hello! Kumusta ka?

Matagal na rin tayong hindi nagkikita. Sana ay nasa mabuting kalagayan ka. Ako
naman masayang ginawa ang aking online classes at sinasgutan kung maigi ang
aking mga modules.

Hanggang sa muli!

Ang iyong kaibigan,


Adeth

Piliin ang katawagan sa maikling sulatin na nasa itaas?


A. sulating pormal C. sulating di-pormal (email)
B. kathang pormal D. liham na nagmumungkahi

Sibulan, Negros Oriental


Ika-5 ng Pebrero, 2021

Hon. Jun Garcia


Punong Barangay
Bolocboloc, Sibulan, Negros Oriental

Magandang araw!

Ako ay isang mag-aaral sa Mababang Paaran ng Bolocboloc at residente ng


inyong barangay na sinisilbihan. Nababahala po ako sa ilang mga residente na hindi
sinusunod ang panukala hinggil sa pagsuot ng face mask, face shield at pagsunod sa
social distancing sa panahon ngayon ng pandemya. Sana po gawan ninyo ito nang
madaliang solusyon upang hindi magkahawaan ang mga tao

Sumasainyo,

Delfin C. Oregano
40. Sa palagay mo, ano kaya ang katawagan sa maikling sulatin na nasa itaas?
A. sulating pormal C. sulating di-pormal (email)
B. kathang pormal D. liham na nagmumungkahi
Susi sa
Pagwawasto
21. D
1. B
22. D
2. A
23. B
3. C
24. C
4. A
25. C
5. C
26. A
6. D
27. B
7. C
28. C
8. A
29. A
9. B
30. A
10. C
31. A
11. D
32. B
12. B
33. B
13. D
34. C
14. A
35. A
15. D
36. C.
16. B
37. B
17. C
38. A
18. B
39. C
19. A
40. D
20. D

Inihanda nina:

BERNADITA C. OCHAVO

JHESSA JANE G. ESTRELLADO

You might also like