Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pangalan: Renz Daniel R.

Elmido FILP-20
BSED-F3-M Oktubre 18, 2023

BALANGKAS NG PAGSUSURI

I. PAMAGAT
 Abnkkbsnplako Mula sa orihina na manunulat na si Bob Ong
Sanggunian: Viva Films
Directed by Mark Meily
Isinulat ni: Ned Trespeces

II. BUOD
Si Roberto Ong ay ang isang simpleng lalaki, na ay kung sabihin,
simple rin ang hangarin sa buhay, yung ay “mag ka trabaho ng naka polo
at naka korbata.” Noon bata siya, nag aral siya sa isang pampublikong
paaralan, doon ay naranasan niya ang tipong edukasyon na ay tawagin
natin na “low quality.” Kahit papaano ay natuto rin siyang paghalagaan
ito ngunit ang Math ay isang pagkalibre. Naranasan ni Roberto ang buhay
ng isang tipical na estudyante sa elementary. Wala gaanong requirements,
pero nahahanap niya sarili niyang problemado. Naranasan niya ang pagka
makiling ng mga guro sa eskuwelahan, ang pagkakaroon ng mga
“teacher's pet” kung sabihin, at lahat ng ganyan. Nang grumaduate at
tumungo papuntang Highschool, naranasan niya ang paunti-unting
paghihirap ng tunay na buhay ng studyante. Dito niya nakilala ang iba't
ibang uri ng tao sa mundo, ang mga grupo, ang mga walang grupo, mga
bobo at mga matalino. Nakita rin niya ang mga tamad at hindi tamad
(kung meron man), na isang gabi lang gagawin ang project, na umaga
bago mag klase gumagawa ng takdang aralin. Dito ay dahan-dahan nang
nawawalan ng interes si Roberto sa pag-aaral. Ng papuntang kolehiyo,
dito ay nakita ang katalinuhan niya. Halos lahat ng i-napplayan niya ay
nai-pasa niya ang eksam. Ngunit nung kolehiyo na siya, ay nagbago lahat.
Ang pagpapatungo niya pagaaral. Madalas kung malate, kung minsan
absent, napilitan tuloy lumipat. Ng ito'y ginawa niya, hindi parin naisalba
ang problema niya sa pagaaral. Ang tanging problema niya ay katamaran,
ang katamaran niya ang taos-pusong nagpakita nung siya'y nag kolehiyo
na. Nakapagtapos siya kahit papaano, ilan taong nga lang ang inubos niya
rito. Sinumpa niya na ayaw niya ng mag aral, ngunit pagiging guro ang
naranasan niya bilang unang propesiyon. Dito natuklasan niya ang buhay
ng isang guro, at nalaman niya na ang buhay ng guro ay hindi madali.
Mas marami ka pang aaralin kaysa sa mga studyante mo, kasi nga ikaw
ang magtuturo; minsan rin raw ay magiiba ang nalalaman mo ukol sa
paksa na iyon. Hindi daw maiwasan ang tawag natin na “favoritism” sa
klase, dahil sa isang klase naman talaga, may mga bobo at may mga
matalino, laging may dibisyon. Nang “nag-sawa” si Roberto sa tatlong
taon na pag tuturo, pinili niyang isuko ang propesiyon na ay hindi naman
pala niya gusto. Pagkatapos nun ay “lumiwaliy” siya sa mga “pinang-
galingan” niya. Madami siyang nalaman na bagay na dapat pala ay
naunawaan niya pa nuon. Mahalaga ang pag aaral, at kung sabihin natin
ay mura ang isang taong pang tuition fee, pag sama samahin mo ay ang
laki ng halaga na nabayad mo. Na kahit grade 1 lesson ay mahalaga. Na
kung pinag butihan niya mas maganda sana trabaho niya. Nahiya rin siya
nung nakita niya yung mga kabatch niya nung highschool, dahil puro
mataas na posisyon nila sa trabaho, puro “big-time” ang dating, habang
siya naman, ay naging guro, at masaklap ay sinuko ay ito.

III. PAGSUSURI
A. Uri ng Panitikan
 Ang uri ng panitikan sa ABNKKBSNPLAKO ay Nobela. Dahil
ang nobela ay naglalaman ng isang kwentong may mahalagang
pangyayari. Maaari nitong taglayin ang lahat ng elemento ng
maikling kwento. Kadalasan, ito ay mapupulutan ng magandang
aral at nag-iiwan ng panibagong karunungan sa isip ng mga
mambabasa nito. Sa Kwentong ABNKKBSNPLAKO ay itoy
patungkol sa buhay ng isang mag-aaral at guro, Ipinapita dito na
sa pagiging isang mag-aaral mayroong kasayahan, kalungkutan at
mga problema at hindi madali ang ang pagkamit sa ating mga
pangarap. Kung mababasa at mapapanood mo ang nobela na ito
talagang ikaw mapapangiti sa saya dahil sa nanumbalik na mga
ala-ala noong kapanahonan ng pagiging nasa elemtarya,hangang
kolehiyo.
B. Istilo ng Paglalahad
 Ang Istilo ng paglalahad ng awtor ay isang autobiograpy o ang
kwento ng kanyang pagkabata mula paglaki, mga ala-ala noon. Sa
nobela inilahad ng awtor ang istorya ng buhay niya sa pagkabat na
kung saan isa siya masayahin, palakaibigan, mapagmahal na bata
kinuwento niya ang buhay mag-aaral. Mga ala-ala na siguradong
namimiss ng awtor at mamimiss din ng mambabasa. At suliranin
din sa pamilya at buhay pag-ibig niya.
C. Mga Tayutay
 “Hindi maiiwasan sa buhay ang bagyo. Kahit sa Classroom”
Ito ay isang personification. Na ang ibig sabihin ay hindi lang
magulo ang buhay kundi pati narin sa buhay sa paaralan ang bagyo sa
pangungusap ay kumakahukugan sa mga problema, magulong buhay.
D. Sariling Reaksiyon
1. Mga Pansin at Puna:
A. Mga tuhan.
 Jericho Rosales bilang Roberto Ong – Siya ang pangunahing
tauhan sa pelikula. Talaga namang makakarelate ako sa buhay ni Bob
o Roberto dahil kung siya ay masayahin at palakaibigan ay ganoon
din ako. Gusto ko rin ugali niya na hindi ka agad sumusuko sa mga
hamon sa buhay talagang pinagtatrabahoan ng mahirap para makamit
ang mga pangarap sa buhay.
 Andi Eigenmann bilang Special Someone ni Roberto. Sa buhay pag-
ibig niya hindi madali, ilang beses na siya nagkanobyo at lahat ay
sinaktan lang siya. Sa buhay natin kailangan din natin piliin iyong tao
na totoo at tunay na pag-ibig, may responsibilidad at mabait na
kaugalian.
 Meg Imperial bilang Portia – ang matalik na kaibigan ni Roberto.
Siya ay isang tomboy na kung saan babae din ang gusto niya sa
buhay. Isa si Portia sa paborito kong karakter sa Pelikula dahil sa
liwanag at dilim na naranasan ni Bob ay palagi siyang andiyan sa tabi
upang tulungan si Bob. Ganoon din sa buhay ko tunay na mga
matatalik kong kaibigan ay nadiyan palagi sa hirap at ginhawa, sa
tuwa at lungkot na dinaranasan ko palaging andiyan ang tulong nila.
 Vandolph bilang Ulo – matalik na kaibigan ni Roberto. Isa rin ito sa
paborito kong karakter sa pelikula dahil sa hirap at ginhawa, sa tuwa
at lungkot palaging andiyan si Ulo handang umalalay kay Bob.
B. Istilo ng awtor
 Ang istilo ng awtor sa pagsulat ay autobiograpiya. Sinalaysay
niya ang buhay niya noon sa pagiging makulit,matino,
masayahin at palaibig na tao. Dito makikita rin natin na
talagang masaya ang buhay niya kasama ang mga kaibigan.
Masaya balikan ang buhay noon.
C. Galaw ng mga pangyayari
 Ang Galaw ng mga pangyayari ay naganap sa loob ng
paaralan. Masasabi nating malaki ang tulong ng paaralan sa
paghubog ng ating kaalaman at mga ideya. Tinuruan tayong
magbasa, sumulat, magbigkas, magbilang, sumayaw, kumanta
at marami pang iba. Nahuhubog din ang ating talento.
Masasabi kong hinding hindi ko makakalimutan ang buhay sa
paaralan. Dahil hindi makakamit ang mga pangarap kung
hindi dumaan sa buhay sa paaralan.
2. Bisang Pampanitikan
A. Bisa sa Isip
 Sa kwento bisa sa isip naipapakita dito na nasa huli ang
pagsisi dahil sa pag-aaral hindi sineryoso ni Bob ang pag-aaral
noon palagi siyang nagcutting classes, hindi nakikinig,
natutulog at hindi binigyang impontansiya ang pag-aaral kaya
noong panahon na para magkolehiyo at maghanap ng trabaho
ay iba na ang takbo ng buhay.
B. Bisa sa Damdamin
 Sa Bisa sa damdamin naman talagang naagtig ang puso ko sa
pelikulang ito dahil nanumbalik sa aking isipan ang mga
pangyayari noong kapanahonan ko rin sa pag-aaral sa
elementerya at high school. Dapat bigyan nating halaga ang
pag-aaral upang maging matagumpay sa ating buhay.
C. Bisa sa kakalasan
 Sa bisang kakalasan naman ay dapat maging seryoso tayo sa
buhay. Kasama nadin ang tamang pagpili ng choice o
tatahakin sa hinaharap upang hindi tayo maiba sa landas na
gusto nating tahakin.
IV. PAGSUSURI AYON SA PANANALIG SA PANITIKAN
Uri ng Pananalig Patunay o Pagpapaliwanag
sa Pampanitikan Katibayan
1. Romantisismo  Ang pag-  Ang pag-iibigan nina Jericho at Andi
iibigan ni Eigenman ay nagpapatunay na
Jericho romantisismo ang pelikula dahil may
Rosales at Ani naganap na ibigan sa daloy ng kwento
Eigenman sa
Pelikula.
2. Realismo  Pagpapakita ng  Sa ipinapakita na karanasan ng mga
mga karanasan karakter sa pelikula ang buhay estudyante
bilang buhay ay talaga namang nasa realidad din iyon
studyante. dahil kung anong mga galawan ng karakter
ay ganoon din sa totoong buhay.
V. SARILING PAGPAPAHALAGA

Sa buhay natin kailangan din minsan maging seryoso para sa


hinaharap nating buhay. Sa buhay pag-ibig ay kinakailangan din na
balansihin ang buhay pag-ibig at pag-aaral. Sa pagpili ng mga tunay na
kaibigan kailangan din dahil sila ang mga taong masasandalan mo sa
hirap at ginhawa. Ang suporta din ng pamilya ay dapat taglayin at
pahalagan. Mabuti na ang maging seryoso sa buhay kesa sa huli ang
pagsisisi.

You might also like