Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SAINT JOSEPH COLLEGE - MAASIN, LEYTE

TUNGA-TUNGA, MAASIN CITY, SOUTHERN LEYTE

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

PANGALAN:___________________ KURSO AT TAON:____________


ISKOR:_______

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at Unawain ang mga pahayag sa bawat


aytem. Piliin ang titik ng tamang kasagutan. Isulat sa inyong sagutang papel.

A. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Isulat ang letra ng tamang
sagot.

1. Ano ang kahulugan ng dugong-bughaw ?


A. mayaman B. nakaririwasa C. may kaya sa buhay
D.Maharlika
2. Ano ang kahulugan ng Balat sibuyas ?
A. masayahin B. malungkot C. Iyakin D.
nagagalit
3. Ano ang kahulugan ng Butas ang bulsa?
A. mayaman B. Walang pera C. madamot D. natalo
4. Namangha ang magulang ng dalaga kaya’t itinakda nila ang kasal ng dalawa.
A. Nagulat B. nabighani C. namatanda D. walang imik
5. Mahigpit na ipinatupad ng Reyna ang mga batas sa kaharian at ang sino mang
lumabag dito ay pinarurusahan.
A. Mabagsik B. mapusok C. masungit D. masama
6. Kaagad na lumipad sa langit ang hari upang bawiin ang kaluluwa ni Prinsipe
Bantugan.
A. Kunin B. ibigay C. itapon D. ilibing

B. Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang letra ng tamang sagot.

7. Ano ang akdang pampanitikang may supernatural na katangian ang mga tauhan.
A. Sanaysay B. epiko C.anekdota D.pabula
8. Sino ang tinaguriang Ama ng Pabula?
A. Herodotus B. Socrates C. Aesop D. Aristotle
9. Ano ang karaniwang wakas ng pabula?
A. Nagbibigay-aral C. nagtatanong
B. Iniiwan sa mambabasa ang wakas D.nangangaral
May Sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang sa pagiging dugong bughaw niya,
kundi dahil din sa kaniyang mga katangian. Siya si Sultan Gutang na mayaman,
matapang, magandang lalaki, at may matipunong pangangatawan.
10. Mula sa binasa, ano ang maaring maging bunga o epekto sa tao ng mga
katangiang taglay ng sultan?
A. Paggalang B. paghanga C. pagkatuwa D. pagmamalaki
11. Lahat ay katangian ng pabula, MALIBAN sa isa, alin dito?
A. Kapupulutan ng aral C. ang tauhan ay mga hayop
B. Mga pangyayaring di-makakatotohanan D. tungkol sa pinagmulan ng mga bagay
12. Ano ang nagingibabaw na katangian ng pangunahing tauhan sa epiko?
A. matapang B.nakahihigit ang lakas sa karaniwang tao
B. bantog D. may kalooban
13. Kung nais mong ipakita ang elemento ng maikling kuwento sa akdang binasa, alin
sa sumusunod ang iyong gagamitin?
A. Character Mirror B. Plot Diagram C.Venn Diagram D.Compare and Contrast
14. Anong elemento ng maikling kuwento kung saan dito ipinapakilala ang
pangunahing tuhan na sa kanya nakasentro ang mga pangyayari.
A. Tauhan B. Tagpuan C. Kasukdulan D.wakas
15. Dito dinadala ng mga akda ang mga mambabasa sa iba’t ibang lugar at panahon
kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.
A. Tauhan B. Tagpuan C. Kasukdulan D.wakas
16. Sino ang kinikilalang Diyos ng mga Muslim?
A. Hesus B. Allah C. San Pedro D. San Pablo
17. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang pinuno.
A. magandang kumilos C. mahusay mamuno at magdesisyon
B. May matipunong pangangatawan D. mapagkawanggawa
18. “Walang nawawalang bagay sa mga pumupunta sa Kutang-bato”. Ano ang ibig
sabihin ng pahayag?
A. Matapat ang mga nasasakupan sa kanilang reyna
B. Mababait ang dumarayong mangangalakal
C. May takot ang lahat sa utos ng reyna
D. Malinis ang pamumuhay ng mga taga-kutang-bato
19. “Baka umulan nang malakas mamayang gabi.” Ano ang ipinapahayag ng
pangungusap?
A. Pag-aalinlangan B.panghuhula C.posibilidad D.pag-aalala
20. “Binata na ang iyong anak, lubos ka nang nasisiyahan ngunit ika’y nangangamba
sa panahong nagbabadya, panganib ay huwag dumalo sana.” Ano ang ibig sabihin ng
pahayag?
A. Malayo sana sa panganib ang binataC.Nagdadalawang-isip ang kausap
B. May panganib sa binata D.nagababalang panganib sa nagsasaya

C. Panuto: Piliin ang mga sagot sa bawat tanong sa apat na Roman Numeral
(I,II,II,IV). Isulat ang titik ng tamang sagot.

21. Paano naiiba ang mga salitang idyoma?


I. May matatalinghagang salita III. Salita na may literal na kahulugan
II. Walang kahulugan IV. Salita na hindi kaaya-aya
A. II & IV B. I &II C. III & IV D. I &III
22. Bakit kailan malaman ang kahulugan ng isang salita?
I. Upang magkaroon ng ideya III. Mabagal maunawaan ang kahulugan
II. Maintindihan ang nais ipabatid IV. Mas lalong malaman ang kahulugan
A. III &IV B. I,III &IV C. I,II &IV D. II,III &IV

23. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng “Maitim ang budhi”?


I. Mabait na tao III. Hindi tamang asal
II. Masamang tao IV. May hindti tamang balak
A. I &II B. II & III C. III & IV D. II lamang
24. Alin sa sumusunod ang pinakamagandang naglalarawan sa salitang “matalas ang
dila”?
I. Mahaba ang dila III. Masakit magsalita
II. Matulis ang dila IV. Madaldal
A. I & II B. III C. III & IV D. I
25. Paano naiiba ang pabula sa epiko?
` I. Mga hayop ang mga tauhan sa pabula
II.Nag-iiwan ng magandang aral sa mambabasa
III.Mga lalaki ang tauhan nito.
IV. May pambihirang lakas
A. I &II B. I &III C. I & II D. IV
26. Bakit tinawag na epiko ang isang kuwento?
I. nagsasaad ng kabayanihan ng tauhan
II. May pambihirang lakas ang tauhan
III. Walang wakas
IV. Walang kawilihan
A. I &II B. III & IV C. I &III D.II&IV
27. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng Pabula?
I. Darna II. Si Pagong at Matsing III. Si Leon at ang Daga IV. Juan
Tamad
A. I & IV B.II &III C. III &IV D. I
28. Alin ang halimbawa ng epiko?
I. Si Pagong at Matsing II. Si Juan Tamad III. Indarapata at Sulayman
IV.Bidasari
A. III &IV B.I & II C. II & III D. I & III
29. Paano ang pagkakasunod ng mga elemento ng maikling kuwento?
I. Panimula II. Wakas III.Papataas na aksiyon IV. Kasukdulan V.Pababang Aksiyon
A. I,IV,III,II,V B.I,III,IV,V,II C.I,II,III,IV,V D.I,IV,V,III,II
30. “At namatay si Aging at tumubo ang isang puno na tinawag na saging”. Alin sa
mga elemento ng maikling kuwento napapabilang ang pangungusap?
I. Kasukdulan II. Pababang Aksiyon III. Wakas D. Panimula
A. I B.Iv C.III D.III
31. Paano mo masasabing ang isang tauhan sa kuwento ay nagagalit na?
I. Ang tono ay mahinhin III. Nagiiba ang pananalita
II.Nagsimula na magbago ang ekspresyon IV. Sumisigaw sa tuwa
A. II &III B. I & IV C. III & IV D. IV
32. “Tama na! Pagod na pagod na ako!”. Alin sa sumusunod ang pinaka magandang
naglalarawan sa pangungusap?
I. Masaya II. Galit na galit III. Nagtatanong IV. Umiiyak
A. II B.I & IV C. III & IV D. I

D. Panuto: Ibigay ang tamang sagot sa bawat tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.

33. ______________ Nakakaramdam ng swerte si Aling Gloria na mananalo sa pa


raffle sa kanilang lugar.
A. Mabigat ang kamay B. Balat sibuyas C. makati ang palad D. matalas ang daliri
34. ______________ mga hayop ang tauhan.
A. Parabula B. Anekdota C. Pabula D. Epiko
35. Mayroong ilang bahagi ng elemento ang maikling kuwento?
A. 7 B. 8 C. 2 D. 5
36. “ Ano! Buntis ka? Yehey! Ano ang katangian ng nagsasabi sa pangungusap?
A. Galit - Bigla B. Nabigla -Masaya C. Masya - Galit D. Galit- lungkot

E. Panuto: Ibigay ang mga hinihingi ng bawat aytem.

37. Gumawa ng isang pangungusap gamit ang matalinghagang salita na “Ilaw ng


Tahanan”
38. Epiko : Bayani - Pabula:_______
39. Gumawa ng isang pangungusap na nagsasaad ng labis na galit.
40. Iguhit sa isang dayagram ang pagkakasunod ng mga elemento ng maikling
kuwento.

-Goodluck-

Inihanda ni:

RENZ DANIEL R. ELMIDO


BSED-F3-M

You might also like