F7 UM A1 Lecture

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

UNANG MARKAHAN

Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao

ARALIN 1
MINDANAO (Lupang Pangako ng Pilipinas)
 Pangalawang pinakamalaking pulo sa bansa
 Tahanan ng maraming Muslim
 Nahahati sa anim na Rehiyon
 REHIYON IX Peninsulang Zamboanga
 REHIYON X Hilagang Mindanao
 REHIYON XI Rehiyon ng Davao
 REHIYON XII SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato, Sultan
Kudarat, Saranggani, General Santos)
 REHIYON XIII Caraga
 BARMM Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao
SI USMAN, ANG ALIPIN (Kwentong Bayan Ng Maguindanao)

Maguindanao (Maguindanaon, Maguindanau, Magindanaw)


 Taong tagakapatagang bahain o people of the flood plains
 Nabibilang sa rehiyon ng Cotabato

SI USMAN, ANG ALIPIN


Muling pagsasalaysay ni Arthur P. Casanova
Batay sa pagkukuwento ni Datu Abdul Sampulna (isang Maguindanaon mula sa Lunsod ng Cotabato1983)

*Pangunahing tauhan
 Usman
 Sultan Zachariah
 Potre Maasita

KUWENTONG-BAYAN
 isang uri ng panitikan na nasa ANYONG TULUYAN kung saan masasalamin ang kultura, kaugalian,
pananampalataya at mga suliraning panlipunan sa panahon kung kalian ito naisulat.
 Ito ay bahagi na ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa man dumating ang mga
Espanyol.
 Lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita.
 Pumapaksa sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari tulad ng mga nilalang na may kapangyarihan,
diwata, engkantada, sirena, siyokoy, at iba pa.

MGA HALIMBAWA NG KUWENTONG-BAYAN SA MINDANAO


1. Si Manik Buangsi
2. Si Monki, Si Makil, at ang mga Unggoy
3. Si Usman, Ang Alipin
TATLONG URI NG KUWENTONG-BAYAN
 Alamat
 Pabula
 Mito
ALAMAT
 Kwentong-bayan na sinasalamin ang pinagmulan ng bagay, lugar, panagalan o hayop

PABULA
 Kwentong bayan na ang gumaganap ay mga hayop ngunit ito ay kumikilos at nagsasalita tulad ng
isang tao.

MITO
 Tungkol sa mga Diyos at Diyosa. Sinasalamin din nito ang pakikipag-ugnayan sa mga tao.

MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG PATUNAY

1. MAY DOKUMENTARYONG EBIDENSYA


 May ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan, o nakavideo.

2. KAPANI-PANIWALA
 Ipinakikita ng salitang ito na ang mga ebidensya, patunay, at kalakip na datos ay kapani-paniwala at
maaaring makapagpatunay.

3. TAGLAY ANG MATIBAY NA KONKLUSYON


 Isang katunayang pinalalakas ng ebidensya, pruweba, o impormasyong totoo ang kongklusyon.

4. NAGPAPAHIWATIG
 Hindi direktang makikita, maririnig, o mahahawakan ebidensya subalit sa pamamagitan ng pahiwatig
ay masasalamin ang katotohanan.

5. NAGPAPAKITA
 Ang salita ay nagsasaad ng katotohanan at katotohanan ng isang bagay na napatunayan.
6. NAGPAPATUNAY/KATUNAYAN/PATUNAY
 Ito ay ang salitang nagpapahayag o nagpapahayag ng pananampalataya o paniniwala sa sinabi.

7. PINATUTUNAYAN NG MGA DETALYE


 Makikita mula sa mga detalye ang patunay sa isang pahayag.

You might also like