LP in Esp 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Grade 7 – GUMAMELA

July 25, 2019


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
 Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kanyang mga tungkulin bawat
gampanin bilang nagdadalaga / nagbibinata.
B. Pamantayan sa Pagganap
 Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng
kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga / nagbibinata.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
 Natutukoy ang kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang
nagdadalaga/nagbibinata. (EsP7PS-Ig-4.1)
 Napatutunayan na ang pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin sa sarili,
bilang anak, kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, konsyumer ng midya
at bilang tagapangalaga ng kalikasan ay isang paraan upang maging mapanagutan
bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay. (EsP7PS-Ih-4.3)

II. NILALAMAN
A. Paksa: Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan
B. Batayang Konsepto: Tayong mga tao ay ipinanganak sa mundo upang gampanan ang ating
mga misyon sa buhay. Ito ay ating makakamit sa pamamagitan ng pagtupad ng iba’t ibang
tungkulin. Hindi lang natin kailangang isagawa o isakatuparan ang mga ito, mahalaga ring
maglaan ng panahon upang ito ay tuklasin. Patunay lamang ito na namumuhay tayo hindi lang
para sa ating sarili, pati na rin sa ating kapwa.
C. Batayan/Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao Learner’s Module, p. 91-115
D. Pagpapahalagang Lilinangin:
 Pagmamahal sa sarili, sa kapwa, sa bayan, at sa Diyos
E. Iba pang Kagamitang Panturo: TV, Laptop, manila paper, double sided tape, pentel pen

III. PAMAMARAAN

A. Pagganyak (Find the Word)


Maghanap ng mga salitang magka-ugnay sa aralin at ibigay ang kahulugan ng mga ito.

K R T Y T N M D G K L Q B S
A A Z U K O N S Y U M E R I
L C P W N X D F Y U M L Z M
I F A A S G U R O U A H N B
K H M J T T K E T A G J M A
A J A L W I P U Y D U K I H
S K Y M I T D I L F L I Y A
A O A Y D G L K H I A G V N
N L N K A I B I G A N U B V
D P A A R A L A N F G R N F
Q P N Q O I L O H C J O J Q
W R D W A G H J T E D K P W
B. Gawain
 Lecturette

1.1. Sa pamamagitan ng interaktibong talakayan, ipaliwanag kung ano ang tungkulin at


kanilang mga tungkulin.

Sa bawat araw na dumaraan, nahaharap ka sa iba’t ibang gawain na dapat mong tuparin.
Napakaraming takdang kailangang gawin sa paaralan. Napakaraming gawain sa sariling
tahanan. May mga obligasyon ka sa iyong simbahan at pamayanan. Naghahanap ng panahon
at atensyon ang iyong mga kaibigan. Marahil sa mga pagkakataon na ikaw ay nakaramdam na
ng pagod, tinatanong mo na ang iyong sarili kung paano mo hahatiin ang iyong katawan.
Ngunit sabi ng isang linya ng awitin, “Ganyan talaga ang buhay…”. Maraming tao ang
nagsasabi sa iyo na hindi ka na bata. Habang nadaragdagan ang iyong edad ay nadaragdagan
din ang iyong tungkulin. Mulat ka na ba sa iba’t iba mong tungkulin?

1.2. Tanungin ang iba’t ibang tungkulin bilang isang kabataan, ipaliwanag kung bakit
mahalagang tuparin ang mga tungkuling ito. Talakayin ang walong tungkulin bilang
nagdadalaga’t nagbibinata.

a. Tungkulin sa sarili e. Tungkulin sa pamayanan


b. Tungkulin bilang anak f. Tungkulin bilang mananampalataya
c. Tungkulin bilang kapatid g. Tungkulin bilang konyumer ng midya
d. Tungkulin bilang mag-aaral h. Tungkulin sa kalikasan

C. Pagsusuri: Upang makita at malaman kung naintindihan ba ng mga mag aaral ang aralin,
kanilang sasagutin ang mga katanungan.
1. May mga tungkulin ka pa ba sa sarili na di nabanggit sa sanaysay? Banggitin at
ipaliwanag.
2. Alin sa mga tungkulin ng mga nagdadalaga / nagbibinata ang madalas na
napapabayaan? Patunayan.
3. Bakit mahalagang maunawaaan ang iba’t ibang tungkulin bilang kabataan?
4. Ano ang maaaring mangyari kung hindi mo tutuparin ang iyong mga tungkulin?

D. Paghahalaw: Ipaliwanag ang katagang, “Ang pagiging mapanagutan ay nagpapakita ng tunay


na pagkatao ng tao.”

E. Paglalapat: Ano ang iyong naunawaang mahalagang konsepto sa aralin? Sagutin ito gamit
ang graphic organizer sa ibaba.

Ang pag-unawa ng ay isang paraam upang


kabataan sa kanilang
tungkulin sa ________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
IV. EBALWASYON

Gumawa ng limang (5) pansariling plano ng maayos na pagtupad ng mga tungkulin


bilang Kabataan. Magsisilbi itong gabay sa pagganap ng iyong mga tungkulin bilang kabataan.
Magsisilbi din itong pagtatalaga sa iyong sarili tungo sa maayos na pagganap ng bawat tungkulin:

a. Sa sarili
b. Bilang anak
c. Bilang kapatid
d. Bilang mag-aaral
e. Bilang mamamayan
f. Bilang mananampalataya
g. Bilang konsyumer ng midya
h. Bilang tagapangalaga ng kalikasan

Kailangang malinaw na maisalaysay ang komprehensibong plano sa pagganap.


Gamiting gabay ang halimbawa sa unang hanay.

Tungkulin Pamamaraan ng maayos na Dahilan sa pagtupad ng


pagtupad ng tungkulin tungkulin
Halimbawa: Sa sarili

 Palaging Kakain ng masustansiyang Upang hindi magkaroon ng


pananatilihing malusog pagkain sa lahat ng sakit o mapabayaan ang
ang pangangatawan pagkakataon katawan.

V. TAKDANG ARALIN/KASUNDUAN

Magdala ng short bond paper, ruler, lapis at pentel pen para sa gagawing Slogan sa para
sa susunod na aralin (Modyul 5: Isip at Kilis Loob)

Prepared by:

ALYSSA MAE B. NIERVA


Subject-Teacher

Checked by:
CLARITA M. TAGUINOD
HT-VI, EsP

Noted:
ROBERTO B. QUEZON, Ed. D.
Principal IV

You might also like