Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TRANSCRIPT

Question: Ang mga stock po ba ng mga pagkain niyo po ay binibili or meron na po talagang
stock sa store niyo?
: Sa meal, siguro mga 80% is everyday, or every other day, nagpapakuha ako sa market kasi
usually naman ang mga meal namin, dito lang eh. Pero sa drinks, yan, stocks yan.
Question: Bakit po kayo nagtayo ng negosyo? Ano po yung purpose niyo?
: Ah, wala akong pagkukuhanan ng pera eh. Ibig sabihin, from employee ako, syempre, gusto ko
naman ako yung employer.
Question: Magkano po yung kita niyo?
: 5 (5k), pataas.
Question: Ano po yung kinakaharap niyo pong problema ngayon?
: Hindi kinakaya ng OPEX (Operating Expenses) ko yung kita namin, kasi more on drinks, sa
kape, mababa. Yun ang isang problema ko. Yung monthly sales, hindi na kaya imeet yung needs
naming. Yung mga expenses like renta, kuryente, tubig, pa-sahod, salary ko. Ako nga di na
nakakapag salary eh.
Question: Sa tauhan po kaya, di po kayo nagkakaproblema?
: Normal yan, pero hindi everyday. Kelangan kasi, pag naghahandle ka ng tao, parang strict, di
ba minsan pag may leadership, yon. Actually, di naman problema yon, walang perpektong kahit
anong bagay eh, sa business mo.
Question: Anong araw po yung madalang po yung mga customer, at bakit?
: Actually, nagooperate lang ako for 5 days e, Monday to Friday lang. Minsan, nagsasarado na
nga ako e, kasi naiinip nako. Yun yung isang rason kung bakit ako nagnegosyo, gusto kong
hawakan yung business ko. Pag ayaw ko na magtinda, (inaudible).
Question: Kung okay lang po sa inyo na gagawan po naming ng parang website or application
po yung mga paninda, like yung ilalagay po namin sa application or website.
: Okay lang naman yun sakin, bibigyan ko kayo ng trivia kasi hanggang this week nalang ako
magtitinda dito. Lilipat na ako ng place, pero dito lang din, sa harapan. Kasi yun nga, dun sa
OPEX (Operating Expenses), para ma less ko yung, yun yung isang way ko kasi, diba problem
nga yung opeks ko, hindi ko siya nakukuha sa sales ko, gumawa ako ng paraan, para wala akong
rentang bayaran, lilipat ako. Wala nakong dine-in na ganito. Siguro after ng class, sarado na yung
store, dun samin, maglalatag ako ng tables sa labas, hanggang gabi nako non. Yun yung isang
way ko, by next year, January siguro. Diko lang sure, pero target ko January. Nagpaalam nako sa
STI, hanggang this month nalang. And since, wala na kayong klase next year, sarado nadin ako,
di na ako magtitinda kaya lugi na kaagad ako ng kalahating buwan, di ba? Half ng January
babayaran ko pero wala, di ako magooperate.
Question: Para pong medyo tago po kasi (yung business).
: So ang solusyon ko, lalabas ako, para makita ako sa kalsada. Although, kahit walang pasok,
pwede akong mag-operate diba? Hindi man mataas ang benta ko, okay lang, wala akong
masyadong expense kasi dadalawa lang yung tao ko e, yun nalang yung proproblemahin ko.
Hindi na ako mamomroblema sa renta, ang kuryente ko hindi na ganoon kalaki, naabot ng
walong libo (8k), nine thousand (9k), gawa nang syempre pag may customer kailangan may
electric fan, may ilaw, tubig.

You might also like