Banyuhay: Media Na Walang Magandang Naidudulot Kasi Nastuck Ako Sa Mindset Na "Maikli Lang Naman Ang Buhay" o

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BANYUHAY

Akda ni: Kelly Allyson Paraiso

“Anong bang gusto mo paglaki mo?” salitang lagi kong naririnig sa aking mga mahal sa buhay.
salitang hanggang ngayon ay hindi ko alam ang kasagutan. Ano nga ba yung nais ko paglaki ko? Bakit
parang nahihirapan nako sa mag isip at mamili ng gugustuhin ko balang araw? .Ito ang mga katanungang
nais kong malaman ang kasagutan dahil sa mga naging isipan ko nuong mga nakaraan taong lumipas na ito,
na nais kong baguhin sa bagong taong ito.

Nagsimula ito noong pumasok ang salot na halos nagtagal ng tatlong taon at dalawang taon
halos ang pagkakakulong ko sa loob ng aming tahanan. Dahil nga lockdown ay karamihan sa atin ay babad
na babad sa ating mga Gadgets at sa Social media sapagkat dito na rin kumukuha ng pangkabuhayan ang
mga taong nuon ay nagtatrabaho ay lalabas. dito rin nagtuloy ang education ng mga Kabataan o yung
tinawag nga nilang online class. And dahil nga dito ay mas naging habit ko ang manuod ng kung ano anong
balitang nagaganap sa ating mundo, isa na rito ang mga balitang tungkol sa crimes o yung mga taong
namamatay. Nung simula ay ang inaakala ko ay nakakatulong ito para mapaunlad yung pagiging awareness
ko sa isang sitwasyon na nangyayari sa ating buhay. Ang hindi ko alam ay unti unti na pala akong nakakaisip
ng masamang isipan. ito ang isipang “Bakit pa ako mag aaral kung mamatay rin naman ang isang tao” nang
magsimula ang isipang ito ay para bang hindi na naging Maganda yung takbo ng aking isipan na para bang
nawawalan na ako ng purpose sa aking buhay, ni hindi na rin naging Maganda ang pag aaral nuong mga
nakaraang taon dahil sa isipan na ito. Sumabay pa ang post na nakita ko isang Social Media na Facebook
na ang sabi sabi nil ana “Life is short, do whatever you want”. Na sinasabing maikli lamang ang buhay, kaya
gawin mo na yung mga gusto mong gawin sa buhay, Dahil sa mga pahayag na iyan ay hindi naging
Maganda yung mindset ko sa buhay. Samakatuwid ay Parang iniisip ko na lamang ay yung mga bagay na
ikasasaya kong gawin. Tulad ng paglalaro na lamang palagi ng mga online games at pagtututok sa social
media na walang Magandang naidudulot kasi nastuck ako sa mindset na “maikli lang naman ang buhay” o
“mamamatay rin naman tayo”. Bunga nito ay hanggang ngayon ay hindi ko alam yung pinakaplano ko para
sa aking kinabukasan. Na minsan ko nalamang isipin na “magtatagal pa ba ako sa mundong ito?”

Sa Kabuuan, hindi Maganda ang isipin natin ang mga gantong kaisipan dahil wala itong
Magandang ikahahantong sa ating buhay at pamumuhay kung iyon yung pinakaisipan mo sa buhay. na
para bang isinasantabi mo na yung magagandang opportunities mo sa buhay na dapat ay nago growth at
nagdedevelop na. siguro nga ay mas Maganda ang magpokus lamang tayo sa positive way ng ating buhay
at habang nabubuhay pa tayo dito sa mundong ito palagi lamang na lumapit at umasa sa magagawa ng
Panginoong Diyos dahil walang imposible sa kaniya.

You might also like