Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO 2

PAGBASA AT PAGSULAT SA
IBA’T IBANG DISIPLINA

PRELIM
MODYUL 3

IBA’T IBANG PARAAN O URI NG PAGBASA

GINALYN O. QUIMSON
Guro
IBA'T IBANG PARAAN O URI NG PAGBASA

Bawat tao ay may dahilan kung bakit siya nagbabasa. Subalit kahit ano pa man ang ating dahilan
ang mahalaga'y bigyan natin ng panahon ang pagbasa at siguruhing ginagawa natin ito para sa
pagpapalusog ng ating isipan at pagpapaunlad ng ating kaalaman dahil ang mga ito ang tunay na
layunin ng pagbabasa.

1. Iskaning (Scanning) - Ito ay paraan ng pagbasa na ginagawa nang mabilisan upang makuha
kaagad ang mga impormasyong kailangan. Hindi nito binibigyang-pansin ang mahahalagang
salita o paksa manapa'y ang kailangan ng mambabasa na makuha sa aklat o teksto batay sa
kanyang layon ng pagbasa. Ang halimbawa nito ay ang mga naghahanap ng trabaho na angkop
sa kanilang kwalipikasyon at natapos o kaya naman ay ang paghahanap ng proyekto ng mag-
aaral batay sa paksang ibinigay ng guro. Kapag naghahanap ng resulta sa mga board exam o
kaya ay anunsyo sa mga nanalo sa patimpalak ay sa mga pahinang tukoy na lamang sila
bumubuklat.

2. Iskiming (Skimming) - Ang paraang ito ay isinasagawa nang mabilisan at masaklaw upang
makuha ang kaisipan o ideyang kailangan. Ginagamit ito upang makuha ang mahahalagang
impormasyon na kakasangkapanin sa pagsulat halimbawa ng pananaliksik o pamanahong papel.

3. Pribyuwing (Previewing) - Ito ay pagbasa nang buo at ganap na hindi muna kinukuha ang
pagpapakahulugan sa nilalaman bagkus ay tinitingnan at iniisa-isa ang mga detalye kung saan ay
makagagawa siya ng pangkalahatang pagkaunawa sa kabuuan. Ito ay maaaring gawin sa mga
rebyu ng aklat at pagsusuri upang makilatis ang bawat anggulo o bahagi bago magbigay ng
pangkabuuang pakahulugan sa binasa.

4. Kaswal - Ang paraang ito ng pagbasa ay magaan at ginagawa lamang hindi upang makakuha
ng mga kailangang impormasyon, magpakahulugan o magsuri manapa'y upang magpalipas ng
oras habang may hinihintay o walang magawa.

5. Pagbasang pang-impormasyon Ang ganitong paraan ng pagbabasa ay ginagawa upang


makakalap ng mga tiyak na impormasyon na maaring kailangan sa araw-araw gaya ng pag-alam
sa lagay ng panahon, kalakalan, presyo ng mga bilihin o kaalamang tutugon sa mga proyekto at
tak lang-aralin ng mga mag-aaral.

6. Matiim na pagbasa - Ito ay ang masusi, malalim at maingat na pagbasa na ginagawa upang
lubos na maunawaan ang mga impormasyon na kailangan ng mambabasa. Ang ganitong paraan
ng pagbasa ay ginagawa ng mga nagsusuri, nagsasaliksik o gumagawa ng mga ulat.

7. Muling pagbasa Ginagawa ito upang lubos na maunawaan ang mga kaisipang nais ihatid ng
manunulat sa mga mambabasa. Kung may mga salita na hindi pamilyar o di karaniwan, maaring
ulitin ang pagbasa at gumamit ng diksyunaryo upang mabigyan ng kahulugan ang mga salitang
banyaga sa sariling pang-unawa.
8. Pagtatala Sa paraang ito ng pagbasa ay gumagamit ang mambabasa ng talaan ng mga datos o
impormasyong mahalaga na kailangan niyang makuha sa binabasa. Maari rin namang lagyan ng
marker o salungguhitan ang mga detalye o bahaging kailangan upang hindi makalimutan kung
ang binabasa ay sarili at hindi pag-aari ng iba. Sa pagkuha ng mahahalagang datos ang pagtatala
ang pinakamainam na gawin upang hindi makalimutan, makaligtaan o mawala ang mga
impormasyon na kailangan ng mambabasa.

GAWAIN 1

Panuto: Talakayin kung alin sa mga uri ng pagbasa ang madalas mong gamitin.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

GAWAIN 2

Panuto: Sa tulong ng tsart, isa-isahin ang mga paraang nagamit mo na sa iyong karanasan
sa pagbasa.

Paraan/Uri ng Pagbasa Karanasan kung saan o kailan ito ginamit


1. Iskaning
2. Iskiming
3. Pribyuwing
4. Kaswal
5. Pagbasang Pang-impormasyon
6. Matiim na Pagbasa
7. Muling Pagbasa
8. Pagtatala

You might also like