ARMANDO-CORTEZ-Malikhaing Proyekto Na Gawa Sa Kawayan (Accesories) OUTPUT Day 1

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Lesson Exemplar in EPP 5 – Sining Pang-Industriya

Aralin: Malikhaing Proyekto na Gawa sa Kawayan (Accesories)

Buwan: ______________ Petsa: _______________


Bilang ng araw: ______

PRE-TEST

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano-ano ang materyales ang maaari nating gamitin sa gawaing pang-industriya?


a. kahoy, kawayan at metal
b. plastik, elektrisidad at rattan
c. buri, abaka at pinya
2. Bakit kailangan ba nating e-resiklo ang mga patapon na plastik at metal?
a. para muling mapakinabangan
b. upang maari pang mapagkakakitaan
c. mabawasan ang basura sa kapaligiran
3. Ano-ano ang mga halimbawa ng mga gawaing pang-industriya?
a. gawaing metal
b. gawaing elektrisidad
c. gawaing kahoy
4. Paano natin mapapangalagaan ang ating likas na yaman?
a. pagsasawalang bahala
b. tamang pag-aalaga
c. pagtatapon sa pwede pang mapakinabangan
5. Alin sa materyales ang kadalasang nakikita nating ginagamit sa paggawa ng mga
produkto?
a. kahoy
b. plastik
c. seramika
6. Ano-ano ang dapat nating isaaang-alang sa pagbuo ng isang produkto?
a. sipag at tiyaga
b. pagkamalikhain
c. Interes sa gagawing proyekto
7. Upang maging pulido o makinis ang gawa, lagyan ng barnis o pintura ang produkto
o proyektong ginawa.
a. pagsusukat
b. pagpuputol
c. pagtatapos

8. Dito nakasaad ang pangalan ng proyekto, mga kagamitan,bilang at bahagi.


a. pagpaplano
b. pagsusukat
c. pagpuputol
9. Ang paggamit ng tamang kasangkapan sa pagpuputol ay mahalaga.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
a. pagpaplano
b. pagsusukat
c. pagpuputol
10. Tiyaking tama ang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi upang makabuo ng
matibay,maganda at presentable na kabuuan ng proyekto.
a. pagbubuo
b. pagsusukat
c. pagpuputol

I. LAYUNIN:

A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pagkatuto sa mga kaalaman at kasanayan sa mga gawaing
pangindustriya tulad ng gawaing kahoy, metal, kawayan, elektrisidad at iba
pa.

B. Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng may kawilihan ng pagbuo ng mga proyekto sa gawaing
kahoy, metal, kawayan, elektrisidad, at iba pa,

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
1.2 nakagagawa ng mga malikhaing proyekto
na gawa sa kahoy, metal, kawayan at iba pang
materyales na makikita sa kumunidad (EPP5IA-0b- 2)

II. NILALAMAN:
Aralin: Malikhaing Proyekto na Gawa sa Kawayan (Accesories)

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian:

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro: Manwal ng Guro, pp. 35-36


2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral: Batayang Aklat, pp. 174-181

B. Iba pang Kagamitang Panturo:


-powerpoint presentation,pictures,video clip

IV. PAMAMARAAN:

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin:


Mga halimbawa ng mga kagamitan na yari sa kawayan:

1. Papag 2. Upuan

3. Flute 4.frame

4. candle
holder

Source: https://images.app.google
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ang layunin ng ating proyektong gagawin ay nakagagawa ng kwintas na gawa


sa kawayan (accessories)

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Ito ay KWINTAS NA GAWA SA KAWAYAN. Isa lamang ito sa mga
palamuti na maari nating gawin sa kawayan.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

MGA PANUNTUNAN SA PANGKALUSUGAN AT PANGKALIGTASAN


SA PAGGAWA
1. Maglaan ng lugar, kahon o cabinet para sa mga kasangkapan at kagamitan
sa paggawa.
2. Gamitin nang buong ingat ang mga kasangkapang dekuryente at
kagamitang matatalim. Ang mga dekuryenteng kasangkapan ay ginagamit
lamang kung kinakailangan at hindi dapat na paglaruan.
3. Tiyaking ang mga kasangkapang gagamitin ay nasa maayos na kondisyon.
Iwasan ang paggamit ng mga kagamitang kinakalawang, mapupurol at
maluluwag ang turnilyo o kaya’y may sirang bahagi.
4. Ibigay ang buong atensiyon sa ginagawa. Huwag makipaglaro o makipag-
usap habang humahawak ng mga maseselang kagamitan at kasangkapan.
5. Basahin ang mga tagubilin sa paggamit ng mga kasangkapang dekuryente
bago gamitin ang mga ito. Makabubuting gamitin ang mga ito sa ilalim ng
patnubay ng guro o nakatatanda.
6. Gumamit ng mga damit pantrabaho tulad ng apron, overall, at magpalit
kaagad ng kasuotan matapos gumawa.
7. Maghugas mabuti ng kamay pagkatapos gumawa. Higit na mabuting
maligo upang malinis ang buong katawan matapos makapagpahinga sa
paggawa.
8. Maglagay ng mga panakip sa mata, ilong o bibig kung gagamitin ng mga
kasangkapan tulad ng welding machine, mga kemikal at iba pang
nakapipinsala sa katawan.
9. Hawakan nang wasto ang mga kasangkapan sa paggawa.

Ang PLANO NG PROYEKTO ay mahalagang gawin bago magsimulang


gumawa ng isang malikhaing proyekto upang maging maayos at walang
naaaksayang oras at panahon sa paggawa.

Narito ang ibat-ibang bahagi ng Plano ng Proyekto

I. PANGALAN NG PROYEKTO
II. LAYUNIN
III. TALAAN NG KASANGKAPAN, MATERLAYES O
KAGAMITAN
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
IV. KROKIS
V. MGA HAKBANG SA PAGGAWA

Talaan ng kasangkapan, materyales o kagamitan.


Ang ating mga materyales ay ang mga sumusunod:

a. kawayan b. head pins

c. yarn d. beads

e. acrylic paint f. papel de


liha

g. Paint brush

Source: https://images.app.google

Ang ating mga kasangkapang gagamitin naman ay ang mga sumusunod:

a. itak b. lagare

c. lapis d. metro

Source: https://images.app.google

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Narito ang mga hakbang sa paggawa:
1. Ihanda ang mga kakailanganing kagamitan sa paggawa ng kwintas na
gawa sa kawayan.
2. Putulin ang kawayan na may sukat na 2x2 pulgada gamit ang lagari at
itak.
3. Gamit ang papel de liha pakinisin ang nahating kawayan.

4. Guhitan ng disenyo ang pinakinis na kawayan. Kulayan ito gamit ng


acrylic paint.
5. Ilagay ang head pin sa magkabilang dulo ng pendant na yari sa
kawayan.
6. Talian ng yarn/thread ang headpin.

7. Maari ng lagyan ng ibat ibang makukulay na beads ang yarn/thread.


8. Ipasa ang natapos na proyekto sa inyong guro.

F. Paglinang sa Kabihasan

Banggitin nga nating muli ang mga kagamitan natin sa paggawa.


Ano-ano ang mga kagamitan at materyales sa pag gawa ng kwintas na
kawayan?

Ang ating materyales ay kawayan, acrylic paint, paint brush, yarn, head
pin,beads at papel de liha.
Ang ating mga kasangkapang ginamit naman ay itak, lapis, lagari at metro.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Ngayong alam na ninyo ang mga ibat ibang kasangkapan sa paggawa ng
proyekto, mga dapat tandaan pag kayo ay gagawa ng proyekto at pagpaplano
ng isang proyekto inaasahan ko na kayo ay makakagawa ng proyektong
kapakipakinabang.

H. Paglalahat ng Arallin

Laging niyong tatandaan na ang paggawa ng kapakipakinabng na produkto


mula sa mga bagay sa kapaligiran ay ginagamitan ng malikhaing pag-iisip,
talento at kakayahan. Ito ay nakakatulong upang tugunan ang mga
pangangailangan ng mga mamamayan at maari itong magsilbing
pangkabuhayan. Sa paggamit ng mga kasangkapan sa paggawa ay laging mag-
iingat upang maiwasan ang anumang sakuna.
Laging tandaan na sundin ang mga tuntunin habang gumagawa ng proyekto
at matiyak ang kaligtasan. Ang pagsunod sa plano ng proyekto ay mahalaga
upang makatipid sa oras, lakas, materyales at gastusin.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Ngayon ay natapos at nakagawa kana ng isang malikhaing proyekto na gawa sa
kawayan.

I. Pagtataya ng Aralin

Sa pagbubuo ng iyong proyekto, ikaw ba ay may kumpletong kagamitan?


Nagamit mo ba ang mga kasanayang iyong napag-aralan? Sa palagay mo,
nagawa mo ba ito nang may kahusayan? Nasunod mo ba nang wasto ang mga
hakbang sa pagbubuo ng iyong proyekto?

Narito ang rubriks ng mga kraytirya sa pagpapahalaga ng isang natapos na


proyekto.

RUBRIKS

Binigyan ng 5 puntos 3-4 puntos 1-2 punto


Tuon
Natatangi Katamtamang Nangangailangan
kagalingan ng Tulong
Pagiging Ang kabuuan Natapos ang Natapos ang
Orihinal at ng proyekto ay proyekto proyekto subalit
Pagkamalikhain nagpakita ng subalit hindi kapos ang
lubusang gaanong paggamit ng
orihinalidad at orihinal at pagkamalikhain
pagkamlikhain hindi gaanong at walang
malikhain orihinalidad
Pagsisikap at Kinakitaan ng Kinakitaan ng Kinakitaan ng
Pagtitiyaga lubusang pagsusumikap kaunting
pagsusumikap, ang natapos pagsusumikap
lampas pa sa na proyekto ang natapos na
kinakailangan, subalit may proyekto.
ang natapos ilang mga
na proyekto. kulang na
detalye.
Kasanayan sa Mahusay at Natapos ang Natapos ang
pagbubuo maganda ang proyekto proyekto subalit
nabuong subalit may lubhang magulo
proyekto. mga at hindi
depektong maunawaan.
nakita
Saloobin at Masigasig na Masigasig na Walang sigasig
responsibilidad gumawa gumawa sa paggawa at
upang subalit kailangan pang
matupad ang kinakailangan paalalahanan
layunin ng pa ng tulong nang malimit.
pangkat buhat sa iba.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Magtala ng 10 kagamitan pang dekorasyon sa bahay na yari sa kawayan.

V. Mga Tala
VI. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya


Kabuuang Bilang: _____ Nakakuha:______

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa


remediation
Kabuuang Bilang: _____ Hindi Nakakuha: _____

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa


aralin
_________________________________________________________
_________________

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation


Kabuuang Bilang: ______ Nakakuha:______

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito


nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking


punungguro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi


sa mga kapwa ko guro?
_________________________________________________________
_______________

Inihanda ni:

ARMANDO B. CORTEZ
Teacher III
Balbaloto Elementary School
Victoria West District

POST-TEST
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano-ano ang materyales ang maaari nating gamitin sa gawaing pang-industriya?


a. kahoy, kawayan at metal
b. plastik, elektrisidad at rattan
c. buri, abaka at pinya
2. Bakit kailangan ba nating e-resiklo ang mga patapon na plastik at metal?
a. para muling mapakinabangan
b. upang maari pang mapagkakakitaan
c. mabawasan ang basura sa kapaligiran
3. Ano-ano ang mga halimbawa ng mga gawaing pang-industriya?
a. gawaing metal
b. gawaing elektrisidad
c. gawaing kahoy
4. Paano natin mapapangalagaan ang ating likas na yaman?
a. pagsasawalang bahala
b. tamang pag-aalaga
c. pagtatapon sa pwede pang mapakinabangan
5. Alin sa materyales ang kadalasang nakikita nating ginagamit sa paggawa ng mga
produkto?
a. kahoy
b. plastik
c. seramika
6. Ano-ano ang dapat nating isaaang-alang sa pagbuo ng isang produkto?
a. sipag at tiyaga
b. pagkamalikhain
c. Interes sa gagawing proyekto
7. Upang maging pulido o makinis ang gawa, lagyan ng barnis o pintura ang produkto
o proyektong ginawa.
a. pagsusukat
b. pagpuputol
c. pagtatapos
8. Dito nakasaad ang pangalan ng proyekto, mga kagamitan,bilang at bahagi.
a. pagpaplano
b. pagsusukat
c. pagpuputol

9. Ang paggamit ng tamang kasangkapan sa pagpuputol ay mahalaga.


a. pagpaplano
b. pagsusukat
c. pagpuputol
10. Tiyaking tama ang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi upang makabuo ng
matibay,maganda at presentable na kabuuan ng proyekto.
a. pagbubuo
b. pagsusukat
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
c. pagpuputol

You might also like