ESP 5-DLP-March 3, 2023

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

03 MARCH 2023

BIYERNES

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5


1:30-2:00-DAHLIA
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan nang pagpapakita ng mga natatanging
kaugaliang Pilipino, pagkakaroon ng disiplina
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa nang may disiplina sa sarili at pakikiisa sa anumang alituntuntunin at batas na
may kinalaman sa bansa at global na kapakanan
Kompetensi
Nakakasusunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan.
Pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at paalaala kung may
kalamidad
EsP5PPP - IIc – 26
I. LAYUNIN
a. Apektiv
Napahalagahan ang mga paalala para sa panoorin.
b. Saykomotor
Nakapagsasadula sa sitwasyon na ibinibigay batay sa paalala sa panoorin.
c. Kaalaman
Nakasusunod sa mga paalala para sa mga panoorin at babasahin.

II. PAKSANG-ARALIN
Paalala para sa mga Panoorin
Kagamitan: Mga larawan, Batayang Aklat pahina 130-133, Dyaryo
Sanggunian: Curriculum Guide 2016, Patnubay ng Guro 38-39
www.kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/espgrade-5
Kasanayan: Pagpapahalaga
Pagpapahalaga: Paggiging matalino at masusi sa pagpapasiya para sa kaligtasan

III. PAMAMARAN
A. Panimula Gawain
Gawain bago magsimula ang klase
a. Panalangin
b. Paalala
c. Attendance
d. Kamustahan
e. Drill
Basahin ang mga sumusunod na mga salita
1. kaligtasan
2. sunog
3. alituntunin
4. pagbaha
5. sakuna

1. Balik – aral
1. Bilang mga bata ano-ano ang inyo nababasa?
2. Paano kayo nagpapakita ng mapanuri sa babasahin?
2. Pangganyak
Tanong:
1. Ano ang nakabubuti sa panonood ng telebisyon?
2. May limitasyon ba kayo sa panonood ng gadyet at telebisyon?
3. Kailangan bang pinipili lang ang papanoorin?
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain (Activity)
Magkaroon ng pagbubunot ang bawat grupo at suriin ang sitwasyong na bunot.
Sitwasyon1 - “online challenge” – Mga bata, pinag-iingat sa kumalat na
challenge na nag-uutos daw na manakit ng kapwa at sarili.
Sitwasyon2 - Mga site sa internet na mga malaswa. Kailangan ang
matinding pagsubaybay ng mga magulang.
Sitwasyon 3 - Mga marahas na balita at pelikula.
Sitwasyon 4 - Mga teleserye na palabas na may rated PG.

2. Pagsusuri (Analysis)
Tanong:
1. Ano ang responsibilidad ng mga magulang sa mga natatanggap na sitwasyon?
2. Bilang bata, ano ang inyong gagawin para sa inyong kaligtasan?
3. Paghahalaw (Abstraction)

Ang pagsunod sa mga paalaala at tuntunin ay isang halimbawa ng matalinong


pagpasya para sa kaligtasan ng iyong sarili lalong-lalo ng nakararami.
Kailangang gabayan ng mga magulang/nakatatandaang mga anak.

“Noon, pagbababad lang sa TV ang inaalala namin. Ngayon, nariyan na ang video game,
computer at cellphone. Masyadong nakakaengganyo ang mga ito sa maliliit na bata, kaya
puwede silang maadik dito . . . Nasasanay ang utak nila na maraming naririnig at nakikita—
at kapag wala nito, hindi na sila mapakali.”— Mali Mann, M.D.
NABUBUHAY tayo sa daigdig ng Internet at makabagong teknolohiya sa komunikasyon.
Maraming kabataan ang hindi makaalis ng bahay nang walang cellphone o portable media
player. Palibhasa’y mas mura na ang mga ito at mas marami na ring features o gamit,
usung-uso na ang mga elektronikong kagamitan. Kaya naman nagiging mas mahirap para
sa mga magulang na subaybayan, sanayin, at disiplinahin ang kanilang mga anak.
Ginagamit din ng ilang kabataan ang kanilang cellphone para magpadala ng
malalaswa nilang litrato sa kanilang mga kaibigan. Hindi lamang ito kahiya-hiya, kundi
kamangmangan din, dahil anuman ang intensiyon ng nagpadala, madalas na naipapasa ito
sa iba.
https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102009403
Tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng mga gabay ng magulang sa panonood?
2. Ano-ano ang mga hindi dapat natin papanoorin?
3. Sino ang gagabay sa mga bata kung manonood ng telebisyon at mga gadyets?
4. Sa palagay ninyo nasa tamang panahon naba kayo na Malaya ng makabukas ng iba’t-
ibang link sa internet na walang pahintulot sa mga nakatatanda?Bakit?
4. Paglalahat (Generalization)

Basahin:“Magandang habang nanonood ang bata ay katabi ang magulang para may
follow up at pagpapaliwanag na maganap sakaling may maseselang eksena o kaya
naman ay may mga katanungan ang anak.

” https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2014/12/12/1401719/tamang-
panonood-ngtv#xZeoAHHG7wA1xBwP.99
5. Paglalapat (Application)
Gamit ang ang parehong pangkat sa pagsasanay, buuin ang hugis puso sa graphic
organizer.

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang T kung tama at M kung mali.
_____1.Nakatutulong sa mga mag-aaral ang pagbabasa at panonod ng mga malalaswang gawain.
_____2. Isumbong sa mga awtoridad ang mga nagtitinda ng mga malalaswang at babasahin.
_____3. Isipin lagi ang magiging epekto ng gagawing pagpapasya.
_____4. Hindi dapat lumalahok sa mga kampanya laban sa mga malalaswang at babasahin.
_____5. Humingi ng tulong sa nakakatanda para sag awing research sa internet.

V. Takdang aralin
Magbigay ng limang paraan na nagpapahayag o nagpapakita ng matalinong pagpapasya
para sa kaligtasan.

VI. Index of Mastery


ITEM DAHLIA
5x
4x
3x
2x
1x
0x
TOTAL

Prepared by: Checked by:

RACHELLE MAE D. PEDRO CHERYL B. BIDBID


Teacher 1 Master Teacher 1

You might also like