Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

01 MARCH 2023

MIYERKULES

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5


1:30-2:00-DAHLIA
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan nang pagpapakita ng mga natatanging kaugaliang
Pilipino, pagkakaroon ng disiplina
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa nang may disiplina sa sarili at pakikiisa sa anumang alituntuntunin at batas na may
kinalaman sa bansa at global na kapakanan
Kompetensi
Nakakasusunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan.
Pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at paalaala kung may kalamidad
EsP5PPP - IIc – 26
I. LAYUNIN
a. Apektiv
Napahalagahan ang ating kalikasan.
b. Saykomotor
Nakabubuo ng mga pangunahing lunas para makaiwas baha.
c. Kaalaman
Nakasusunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan.

II. PAKSANG-ARALIN
 Kaligtasan sa Baha
Kagamitan: Larawan, TV or projector at Batayang Aklat pahina 130-135
Sanggunian: Curriculum Guide 2016, Patnubay ng guro 38-39
Kasanayan: Pagpapahalaga
Pagpapahalaga: Paggiging matalino at masusi sa pagpapasiya para sa kaligtasan

III. PAMAMARAN
A. Panimula Gawain
Gawain bago magsimula ang klase
a. Panalangin
b. Paalala
c. Attendance
d. Kamustahan
e. Drill
Basahin ang mga sumusunod na mga salita
1. kaligtasan
2. sunog
3. alituntunin
4. lindol
5. sakuna

1. Balik – aral
Ano-ano ang mga paraan para magiging ligtas sa Lindol?
2. Pangganyak
Tanong:
1. Ano ang mga dahilan sa ating problema sa baha?
2. Bakit madali ng tumaas ang tubig pag umulan?
3. Kailangan bang paghandaan ang pagbaha?
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain (Activity)
Magpakita ng Video clip: Tungkol sa baha

https://www.youtube.com/watch?v=QzSLIGcke-w

2. Pagsusuri (Analysis)

Tanong:
1. Anu-ano ang mga gagawin para sa kaligtasan sa baha?
2. Kailangan ba tayong mag-ingat pag may baha? Bakit?

3. Paghahalaw (Abstraction)
Kaligtasan sa Baha
Bago ang Baha
1. Maging alerto, magmasid sa nangyayari sa paligid, at making ng balita. Humanap ng mataas
at ligtas na lugar.
2. Tiyaking may nakaimbak na emergency supplies tulad ng inuming tubig, pagkain, pera,
gamot, damit, de-bateryang radio, flashlight, at nakalagay ang mahahalagang dokumento sa isang
lalagyang plastik at nakatago sa ligtas na lugar.
3. Maging handa sa paglikas. Alamin ang lokasyon ng mga evacuation center, magkaroon ng
mga alternatibong daan na hindi bahain. Tiyakin din ang kaligtasan ng mga alagang hayop. Kapag
pinayuhang lumikas, huwag magatubili at gawin sa pinakamadaling panahon.
4. Pag-aralan ang plano ng pamilya. Nararapat na mabigyan ng kaalaman sa nakalaang lugar
kung saan magkikita-kita kung sakaling magkahiwa-hiwalay. Mayroon din dapat numero ng taong
tatawagan ng miyembro ng pamilya.

Habang Bumabaha
1. Maging alerto at mapagmasid sa nangyayari sa kapaligiran.
2. Iwasang lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan.
3. Kung inabot ng baha, humanap ng mataas at ligtas na lugar. Lumikas sa lugar na binabaha
kung kinakailangan lalo na kung may payo na ang mga awtoridad na lumikas.
4. Iwasan ang paglalakad o paglangoy sa umaagos na tubig.
5. Kung baha na sa kapaligiran, patayin ang main switch ng kuryente.

Pagkatapos ng Baha
1. Pakinggan ang babala kung ligtas na ang kapaligiran at kung maaari nang magsibalik ang
mga pamilyang lumikas ng bahay.
2. Mag-ingat sa pagbibiyahe. Mag-ingat ng husto at tiyaking ligtas ang mga daan at lugar na
nilalakaran.
3. Tingnan kung may mga pinsalang dulot sa bahay o gusali. Maging maingat sa mga kable ng
kuryente.
Tiyaking malinis nang husto ang bahay at siguruhin ang kaligtasan ng pamilya.
4. Paglalahat (Generalization)
Tandaan:
1. Paano natin paghandaan ang pagbaha?
2. Ano ang iyong gawin kapag ikaw ay nasa gitna ng baha?
3. Ano ang ating tandaan pagkatapos ng baha?

5. Paglalapat (Application)

https://www.slideshare.net/phillipeborde/paghahand

1. Kailan tayo maging handa sa kalamidad tulad ng pagbaha?


2. Ano ang ibig sabihin ng kasabihan sa larawan?

IV. Pagtataya
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano-anong paghahanda bago ang baha na maibahagi mo sa kaligtasan?
2. Nakarinig naba kayo ng kalamidad sa baha?
3. Ano ang dapat mong tandaan upang mapanatili ang kaligtasan sa baha?
4. Bakit kinakailangang bigyan ng sapat at wastong kaalaman ang mga tao tungkol sa kaligtasan
sa baha?
V. Takdang aralin
Ano-ano ang maidudulot sa mga tao ang pagsunod sa mga alituntunin at mga paalala sa
pangkaligtasan?Magbigay ng lima.

VI. Index of Mastery

ITEM DAHLIA
5x
4x
3x
2x
1x
0x
TOTAL

Prepared by: Checked by:

RACHELLE MAE D. PEDRO CHERYL B. BIDBID


Teacher I Master Teacher I

You might also like