Siay National High School: R Epublic of The P Hilippines

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

R epublic of the P hilippines

D epartment of Education
REGION IX, ZAMBOANGA PENINSULA
Division of Zamboanga Sibugay
SIAY NATIONAL HIGH SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9


Paaralan DALAMA NATIONAL HIGH SCHOOL Antas Baitang 9
Guro RAQUEL D. PEREZ Asignatura Araling Panlipunan 9
Petsa/Oras Jan. 2024 – 3:00-4:00 Markahan Ikalawang Markahan
LINGGO (MODULE 6)
I. LAYUNIN:
A. nakapagbibigay ng kahulugan sa salitang pamilihan
B. Nailarawan ang pamilihan sa pamamagitan ng pagguhit.
C. napapahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamilihan sa pang-araw-araw na pamumuhay.

A. Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay may pag -unawa sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng
demand at suplay, at sa sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng
sambahayan at bahay - kalakal tungo sa pambansang kaunlaran

B. Pamantayang Pagganap:
Ang mag-aaral ay na kritikal nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa
ng demand at suplay, at sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng
sambahayan at bahay - kalakal tungo sa pambansang kaunlaran.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto:


Naipaliliwanag ang interaksyon ng demand at supply sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan.

(AP9MYK-Iie-9)

1. NILALAMAN
Paksa: Interaksyon ng Demand at Supply
III. KAGAMITANG PANTURO:
A. Sanggunian
Pahina sa TG:
Pahina sa LM:
Karagdagang Kagamitan LR portal:
B. IBA PANG KAGAMITANG PANTURO:
Laptop, monitor, Visual Aid

IV. PAMAMARAAN
A. SIKAP :(read aloud)
- “The Sick Lion”

B. Balik aral / Pagsisimula ng bagong Aralin:


 - Ang apat na salik na produksiyon
C. Paghahabi sa layunin ng aralin:
Gawain 1: TUKLASIN NATIN
Suriin kung anong mensahe ang nais iparating ng sumusunod na larawan gamit ang mga pamprosesong
tanong.
D.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin:
Pamprosesong tanong:
1. Pamprosesong Tanong: Ano ang ipinakita sa larawan?
2. May mga familiar ba sa iyo sa mga larawang?
3. Alin sa mga larawang ito na nagkaroon ka ng ugnayan? Ipaliwanag.
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng kasanayan #1
ANG KONSEPTO NG PAMILIHAN

o Ang pamilihan ay isang lugar na kung saan nagtatagpo ang mga taong lumilikha o nagbebenta ng
mga produkto at ang mga bumili nito.
o Ito rin ay isang kaayusan kung saan nagkakaroon ng interaksyon ang mga mamimili at nagtitinda
upang magpalitan ng iba’t ibang bagay.

May dalawang aktor ang pamilihan:

1. prodyuser o tagapaglikha

- ang gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga konsyumer sa pamamagitan ng mga salik ng
produksiyon na pagmamay-ari ng mga konsyumer.

2. konsyumer o bumibili ng mga produkto.

- ang bumibili ng mga produktong gawa ng mga prodyuser.

o Ang ganap at legal na transaksyon nila ay makatulong sa kaunlarang pang-ekonomiya ng


bansa. Isa ito sa mapagkukunan ng buwis ng ating pamahalaan.

Ito ay ipinaliwanag ni Adam Smith sa kaniyang aklat na An Inquiry into the Nature and Causes of the
Wealth of Nations (1776) na ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser ay naisasaayos ng pamilihan.
Mayroong tinawag na invisible hand si Adam Smith na siyang gumagabay sa ugnayan ng dalawang aktor
na ito ng pamilihan. Ito ay ang “presyo”.

o Ang presyo ang nagtatakda sa halaga ng isang produkto o serbisyo na nakakatulong sa pag-
iwas sa pang-aabuso ng mga mangangalakal.
o ang “presyo”, na siyang instrumento upang maging ganap ang palitan sa pagitan ng konsyumer
at prodyuser.
o Ang Department of Trade and Industry (DTI) ay isa mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan
na puspusang nagbabantay sa pagtatakda nito sa mga produkto sa pamilihan.

Makikita ang mga pamilihan sa iba’t ibang lugar ng bansa at maging sa buong mundo.
o Ang sari-sari store ay isang uri ng pamilihang lokal at ang online shop naman ay isang uri ng
pamilihang pangdaigdig. Pareho silang may saklaw na kapangyarihang palaguin ang kanilang
bentahan.
o Ang pagsunod sa batas sa pamamagitan ng legal ang permiso sa pagnenegosyo at
pagbabayad ng buwis ay mga paraang matutugunan ang pangangailangan ng tao at maging
maayos ang gawaing pang-ekonomiya sa bansa.

F. Paglinang sa kabihasaan:
Gawin: Pangkatang Gawain
Gawain A: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa iyong sariling pagkaunawa.
F. Paglalapat ng aralin sa araw-araw na buhay
Pangkatang Gawain: GUHIT-OBRA KO!
Ilarawan ang pamilihan sa sarili mong pagkakaunawa sa pamamagitan ng pagguhit nito .

PAMANTAYAN:

Nilalaman -----------------25pts
Tema---------------------------15
Malikhaing pagsusulat-----10pts
Kabuuan 50pts

I.Paglalahat ng Aralin
Tanong:

1. Ano ang posibleng mangyayari kung mawala ang isa sa mahalagang aktor ng pamilihan
kagaya ng konsyumer?
2. Paano kung ang pamilihan mismo ang mawawala?
Produksiyon?
J. Pagtataya ng Aralin:

1. Ang bumibili ng mga produkto sa pamilihan.


A. Konsyumer B. Demand C. Presyo D. Supply

2. Sila ang gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga tao sa lipunan.


A. Konsyumer B. Prodyuser C.Manager D. Entreprenyur
3. Ang presyo ay mabisang batayan sa maayos na bentahan sa pamilihan. Bakit mahalaga ang
partisipasyon nito sa ugnayan ng prodyuser at konsyumer?
A. Hudyat sa paglago ng kaunlarang pang-ekonomiya.
A. Nagiging ganap at legal ang palitan ng produkto at serbisyo.
B. Katapatan ng pamahalaan sa serbisyong pang-ekonomiya.
C. Magandang hangarin sa pagpapataw ng buwis.
4. Nauuso ngayon sa buong mundo ang online shop. Paano naaapektuhan nito ang kompetisyon sa
pamilihang lokal?
A. Naging mahina ang mga lokal na pamilihan.
B. Walang pagbabago ang naganap sa pagitan ng bentahan.
C. Malakas pa rin ang takbo ng negosyo ng mga lokal na negosyante
D. Matibay ang bentahan sa lokal kay sa internasyunal na pamilihan.
5. Nagaganap sa pamilihan ang bentahan ng mga produkto mula sa iba’t ibang sulok ng bansa. Kung
ikaw ang pangulo ng Pilipinas, paano mo maaaring mabigyan ng proteksyon ang ugnayan sa
pagitan ng prodyuser at konsyumer?
A. Sisikapin mahuli ang maabusong prodyuser.
B. Isasagawang legal ang transaksyon sa bentahan.
C. Idulog sa Korte Suprema ang lumabag sa pagbabayad ng buwis.
D. Ipawalang-bisa ang pagpapataw ng taripa.
Sagot:
1. B
2. B
3. A
4. A
5. C

K. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation

Inihanda ni:
RAQUEL D. PEREZ
Arpan Teacher

Iniwasto Ni:
ELI G. BAJAO
Arpan Coordinator

Binigyang pansin:
HAIJIN S. SADDAE
School Head

You might also like