Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 51

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Ang panitikan ay salamin ng lahi. Mayaman sa iba’t ibang uri ng panitikan ang

Pilipinas. Sa bawat uri nito ay masasalamin ang pag-uugali, paniniwala,

karanasan, adhikain at kultura ng bawat Pilipino. Nakilala ang isang bansa sa

kanyang panitikan. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng pagkakaisa at

pagkakaunawaan ang iba’t ibang lugar sa isang bansa. Nagsisilbi itong tali na

nagbibigkis-bigkis sa mga mamamayan ng ibang lugar upang madama nila ang

pagiging kabilang sa isang lahi.

Ayon kay Belvez (2003), ang panitikan ay nagbibigay-lugod at impormasyon

upang makalikha o makagawa ng kabuluhan sa sarili, sa kapwa at sa bansa. Ito

ay mangyayari kung naituturo nang mabuti sa paarlan ang larangang nabanggit.

Sa panitikan ang Pilipinas ay hindi magpapahuli. Bago pa man dumating ang

mga Español mayroon na tayong ipagmamalaking mga obra maestrang gawa ng

mga tanyag na kababayan. Bahagi na ng ating kasaysayan ang iba’t ibang

likhang pampanitikan. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga awiting makabayan

at panunumpa sa watawat.

Ang mga awiting makabayan at panunumpa sa watawat ay kilala sa buong

mundo bilang pagkakakilanlan ng kasarinlan. Bata, matanda, mayaman at

mahirap ay bahagi sa mga awiting ito. Sa bawat linya ng kanta ay kakabit ang
kalayaan at maayos na buhay na tinatamasa natin ngayon. Sa bawat tono nito

ay kakambal ang pasakit na dapat nating pinapahalagahan at pinagyayaman.

Naglalarawan ito ng pagkakaugnayan, pagpapahalaga sa pamamaraan ng

pamumuhay, pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan. Higit sa lahat, ito ay

nagpapahayag ng damdamin ng kaligayahan, kalungkutan at pagmamahal sa

bayan.

Sinabi ni Rodriguez (1991), mahalagang balikan ang kasaysayan ng

Pilipinas upang makilala ang sarili bilang Pilipino at maitanim sa bawat

mamamayan ang mga hangarin ng bansa sa kinabukasan. Simbolo ang mga

awiting makabayan at panunumpa sa watawat ng pagiging isang demokratikong

bansa. Pinaiigting din ng mga ito ang damdaming nasyonalismo. Bahagi na ng

ating kasaysayan ang mga awiting makabayan at panunumpa sa watawat na

naglalahad ng iba’t ibang uri ng damdaming makabansa ang awitin at

panunumpa sa larangan ng panitikan ay naglalarawan din ng iba’t ibang

kaugalian. Mahalaga ang mga awiting makabayang ito, hindi lamang sa mga

taong sakop nito kundi pati na rin sa mga ipinagmamalaki nating panitikan.

Napagkukunan ito ng impormasyon at nagiging bahagi rin ng kayamanan ng

kanyang karanasan.

Ayon kay F. Sionil Jose (2006), marami sa mga Pilipino ang walang ganap

na pag-unawa sa kanilang pagiging nasyon. Ang kakulangang ito ang sinasabing

isa sa mga dahilan kung bakit walang tunay na pagmamahal sa bayan ang

maraming mamamayan. Sa panahon ngayon na kaakibat ang modernisasayon,


kapansin- pansin ang mga Pilipinong hindi kabisado ang pag-awit sa awiting

makabayang Lupang Hinirang, Ako’y Pilipino, Pilipinas kong Mahal at panatang

makabayan. Sa madaling salita, sila’y makakalimot na sa kanilang pangako sa

bayan. Ipinakikita lamang nila na animo’y isa lamang itong palamuti sa ating

bansa na ipagsasawalang bahala na lamang.

Alinsunod sa konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV seksyon 15, Dapat

tangkilikin ng estado ang mga sining at panitikan. Dapat pangalagaan,itaguyod

at ipalaganap ng estado ang pamanang historikal at kultura, ang mga likha at

mga kayamanang batis artistiko ng bansa.

Ang isyu ukol sa tamang pag-awit ay lumitaw sa mga laban ng boxing

superstar at ngayo’y Kinakatawan ng Sarangani na si Manny Pacquiao. Sa mga

nakaraang laban ni Pacquiao, iba’t-ibang sikat na mang-aawit ang inanyayaan

upang awitin ang Lupang Hinirang. Subalit karamihan sa mga mang-aawit na ito

ay iniba ang tono ayon sa kanilang istilo ng pag-awit. Ikinagalit ito ng ilang

mananalaysay na nagsasabing isang paglalapastangan ang ginawang rendisyon

ng Pambansang awit ng ilang sikat na mang-aawit.

Kasama pa rin sa ipagbabawal sa ilalim ng panukalang-batas ay ang paggamit ng

watawat ng pilipinas sa mga patalastas, kasuutan at sa mga fashion accessories.

Mabigyan diin ang mga estudyante na maturuan at mabigyanng kaalaman

sa mga awiting makabayan ,panunumpa sa watawat at panatang makabayan


ang kahalagahang ito,dahil mas mabigyang pagpapahalaga at pagtangkilik sa

ating sariling mga panitikan na naglalarawan sa pagkapilipino.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, makikita natin kung ano na nga ba ang

estado ng pagiging makabayan ng isang Pilipino. Naglalayon ito na lalo pang

paigtingin ang patriyotismo sa ating bansa, ang Pilipinas. Ang pagpapahalaga sa

panitikan kapag kinawilihan ng mambabasa ay pagsusumikapan nila itong

matutunan. Sa paulit-ulit nilang pagtangkilik nagiging bahagi ito ng kanyang

kaalaman at karanasan. Bilang mga Pilipino, nakasalalay sa atin ang pagkaroon

ng pagmamalasakit sa ating kultura na magdudulot ng pagkakaisa at

pagkakaroon ng isang nasyonalismong bansa.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Malaman ang Antas ng Kamalayan sa mga Awiting Makabayan at

Panunumpa sa Watawat.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na

suliranin:

1. Ano ang antas ng kamalayan ng mga piling mag-aaral ng Tinago National

High School sa mga awiting makabayan at panunumpa sa watawat.

a. Lupang Hinirang

b. Pilipinas kong Mahal

c. Panunumpa sa Watawat
d. Panatang makabayan.

2. Gaano nakaka-apekto ang mga salik sa kawalan ng kamalayan ng mga mag-

aaral sa mga awiting makabayan at panunumpa sa watawat sa mga piling mag-

aaral ng Tinago National High School?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay dag-dag kaalaman na mahalaga

sa mga sumusunod:

Mga Mag-aaral. Makakatulong nang malaki ang pag-aaral na ito sa

mag-aaral sapagkat mas matututunan nila ang kahalagahan ng panitikan,

mabibigyan sila nang mas malawak na kaalaman tungkol sa mga awiting

makabayan at panunumpa sa watawat na mas lalo nilang dapat bigyan halaga at

mahuhubog sa kanilang isipan ang pagiging makabayan.

Mga Guro. Magkakaroon ang mga guro ng karagdagang kaalaman at

paraan sa pag-tuturo upang mas lalo nilang bigyan pansin ang mga mag-aaral

na turuan ng tamang pagpapahalaga sa bayan at pagtangkilik ng ating panitikan

at maibahagi sa kanila ang pagiging isang makabayan.

Mga Mananaliksik. Malaking tulong ang maidudulot ng pag-aaral na ito

sa mga mananaliksik na mag bibigay sa kanila ng lakas upang mas lalong

saliksikin ang tungkol sa ating sariling panitikan. Maaring nilang ibahagi sa mga

kabataan ang pagiging isang nasyonalismo


Sa mga namumuno ng paaralan. Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito

ay makakatulong sa mga namumuno ng paaralan sa pagbibigay ng malinaw na

larawan ng mga piling awiting makabayan nakalilinang ng pagkaroon ng

kamalayan sa ating panitikan naimumungkahi nila sa mga guro lalo na sa mga

baguhan ang mga awit na magpapakita sa kanila ng pagmamahal sa bansa at na

mas lalong bigyan pansin diin sa kanilang pagtuturo.

Tagagawa ng kurikulum. Ang pag-aaral na ito’y ay magsisilbing

batayan ng mga tagagawa ng kurikulum upang lalo nilang matuklasan ang mga

suliranin na kinakaharap ng kagawaran ng edukasyon,kultura.at Isports,

makakatulong ito sa kalutasan upang matamo ang pinakalayunin ng edukasyon

na ikakaunlad ng bawat mag-aaral na mas lalo payamanin ang pagiging

makabayan.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang pag-aaral na ito na may paksang “ Kamalayang Pampanitikan sa mga

Piling Awiting Makabayan at Panunumpa sa Watawat.” Ay sumasaklaw sa Anim

napu (60) sa mga piling mag-aaral ng paaralang Tinago National High School na

antas sampu. Ang mga hindi kabilang na mga respondente sa pangangalap ng

datos sa Tinago National High School ay ang mga nasa antas Pito, walo at

Siyam. Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang paaralan ng Naga College

Foundation at Camarines Sur National High School.


KATUTURAN NG TERMINOLOHIYA

Ang mga terminolohiyang ginamit sa pag-aaral na ito ay binigyang

pagpapakahulugan konseptwal at operasyunal.

Awit. Ito ay isang sining na pagpapahayag ng damdamin sa suliranin,

tagumpay, pagmamahal sa bayan sa Diyos at sa iba pa.

Awiting makabayan. Ito ay ang mga awiting alam ng lahat ng Pilipino, na lagging

inaawit bilang isang tradisyunal, kultura at simbolo ng pagiging isang Pilipino.

Kamalayan. Isang katangian ng kaisipan, nangangahulugan ito ng

pagiging gising, alisto at tumutugon sa kapaligiran. Ito rin ay sang kaalaman o

pakiramdam sa anumang nangyayari sa paligid. Tumutukoy ito sa kamalayan ng

mga mag-aaral tungkol sa ating mga Awiting makabayan at sa ating sariling

panitikan.

Makabansa. Ito ay katangian ng tao na nagmamahal , nagtataguyod at handang

ipagtanggol ang kapakanan at interes ng kaniyang bansa.

Makabayan. Tao na tagapagtaguyod ng nasyonalismo, ito ay isang malaking

pagmamalasakit sa bayan, pagiging magiting, matulungin alang-alang sa bayan.

Nasyonalismo. Ito ay pagiging pagkamakabansa, katapatan ng interes ng

bansa, Identipikasyon nang may pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng bansa

at pagnanasang matamo ang pambansang pagsulong.


Pampanitikan. Ito ay kabuuan ng karanasan ng isang bansa, mga kaugalian,

mga paniniwala, pamahiin, kaisipan at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag

sa mga piling salita, sa isang maganda at masining na paraan.

Panunumpa sa watawat. Mataimtim na pangako sa pagtupad sa pinag-

usapan,pagtanggap ng tungkulin bilang isang tunay na Pilipino. Ito’y isang

sagisag ng isang bansa.

ASAMPSYON NG PAG-AARAL

1. May kamalayan ang mga mag-aaral na sa mga awiting makabayan at

panunumpa sa watawat.

2. Walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kamalayan ng

mga piling mag-aaral ng Tinago National High School sa mga piling awiting

makabayan at panunumpa sa watawat.


MGA TALA

Diksyunaryo Filipino-English, Pangalawang Edisyon, 2000

Diksyunaryo Sentral ng Wikang Filipino (Roco Library)

Florante Garcia, 2008 Panitikang Pilipino (Interaktibo at integratibong ) 2008,

https://brainly.ph/question/358973
KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito inilalahad ang mga kaugnay na pag-aaral at literatura

na isinagawa ng mga mananaliksik na may malaking kapanibangan sa pag-aaral

na ito.

KAUGNAY NA LITERATURA

Sa pag-aaral ni Flores D. (2016) . ang awiting makabayan ay isang tulang

inaawit na nag papahayag ng damdamin, kaugalian, karanasang pampanitikan ,

gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook.

Batay sa website ng affordable cebu.com (2016), ang awiting bayan

lamang ang nakakapag panatili sa ating moral. Nanatiling paksa ng ating mga

awiting bayan ang ating katutubong kultura, damdamin at mga paksain .

karamihan sa ating mga awiting bayan ay batay sa mga damdamin ayon sa

kapaligiran ng tao, kahalagahan ng paggawa, paglalarawan ng kagandahan ng

kapaligiran , pag-asa, pag-ibig, kaligayahan at pagpapahaya g ng iba ibang ugali.

Ayon kay Cabatu C. (2013), ang awiting makabayan ay tinaguriang

matandang sining ng pilipinas pagkat ito’y mula sa ating mga ninuno, sino nga

ba ang hindi nakakarining o natuto nito na isinasama sa aralin sa paaralan o di

naman kaya laro sa mga bata sa labas ng tahanan , walang makakapagsasabi


wala silang alam na awitin dahil ito’y kaputol ng ating kasaysayan,karamay ay

pagiging marubdob ng Pilipino.

Batay kay Espina L. (2013), ang panitikan ay pakikilaban, isang

rebulusyong saglit lamang na matitindig ng mga haligi, upang sa susunod na

daluyong ay muling maguho, mamahinga, maguhong muli at sa metamorphosis

ay magiiwan ng mga sabog na utak ipokrisya ng mga bangkay ng sanggol ng

mga pangarap sa isang hindi maiiwasang pagluluwal ng mga bagong supling na

sa paglakit pagbubunga muling papatayin.

Sa pagpapakahulugan naman ni Bro Azarias (2008) sa kanyang pilosopiya

ng literatura,ito ay ang pagpapahayag ng mga damdamin ng tao tungkol sa ibat

ibang bagay sa daigdig,sa pamumuhay,sa pamahalaan,sa lipunan at kaugnayan

ng kaluluwa sa dakilang lumikha.

Ayon kay Garcia F. (2008), ang pag-aaral ng panitikan ay naglalayon ng

mga sumusunod: (a) Mapalalim ang pagunawa tungkol sa mga paraan ng

pagbibigay-buhay sa mga saloobin pagnanasa at paniniwalang Pilipino sa

pamamagitan ng Panitikan bilang produkto ng lipunan at kasaysayan,

(b).Makatulong sa paglikha ng kritikal na paraan sa pamamagitan ng

pagpapakita ng mga layunin ng panitikan,maging salamin ng buhay,

sumangayon o bumalikwas sa namamanaying kalagayan; at, (c) Makabuo ng

kamalayan na tumugon sa panitikan bilang mayamang bukal ng mga saloobin at


paniniwala tungkol sa makatwirang ugnayan ng tao sa sarili,tao sa kapwa,tao sa

kanyang pamayanan at sa tao sa kanyang lumikha.

Sa aklat ni Servillano M. (2008) , may layunin ang pagaaral ng panitikan, Ito

ay kailangang-kailangan sapagkat ito ay isang magandang paraan ng

pagpapalaganap at Pagbibigay halaga sa ating kultura. Higit sa lahat makatulong

ito upang lalong mapatingkad ang ating wikang pambansa. Sa pamamagitan ng

mga akdang pampanitikan naipapahayag nang lubusan ang ating pag-uugali,

paniniwala at mga kakaibang uri ng karanasang higit na mag papalawak sa ating

kakayahan.

Sa Kautusan ng CHED Memorandum No. 59 na nagtatalaga ng tatlong (3)

yunit para sa pagtuturo ng Literatura ng Pilipinas sa General Education

Curriculum at ang CHED Memorandum NO.44 kung saan itinalaga ang tatlong (3)

yunit para sa pagtuturo ng panitikan ng Rehiyon. Pinapakita dito na tunay na

malaki ang gampanin ng mga guro upang mapreserba at tangkilikin ang

panitikang sariling atin.

Ayon kay Editha Honradez, (2014). Ang saling kanta sa Filipino ay dapat

awitin nang ayon lamang sa tugtog o komposisyon ni Julian Felipe. Dapat

madamdamin ang pag-awit ng Lupang Hinirang bilang paggalang. Lahat ng

umaawit nito ay dapat nakaharap sa nakaladlad na pambansang watawat ng

Pilipinas (kung mayroon) at kung walang watawat ay dapat nakaharap sa

bandang tumutugtog o sa konduktor o tagakumpas. Bilang pagpupugay, ilagay


ang kanang kamay sa tapat ng kaliwang dibdib mula sa unang nota ng awit

hanggang matapos ito.

Ayon sa Artikulo XIV Seksyon 3 EDUKASYON, SYENSYA AT TEKNOLOHYA,

MGA SINING, KULTURA, AT ISPORTS sinasabi na : Dapat nilang ikintal ang

pagkamakabayan at nasyonalismo, ihasik ang pag-ibig sa sangkatauhan,

paggalang sa mga karapatang pantao, pagpapahalaga sa gampanin ng mga

pambansang bayani sa historikal na pagpapaunlad ng bansa, ituro ang mga

karapatan at mga tungkulin ng pagkamamamayan, patatagin ang mga

pagpapahalagang etikal at espiritwal, linangin ang karakter na moral at

disiplinang pansarili, pasiglahin ang kaisipang mapanuri at malikhain, palawakin

ang kaalamang syentipiko at teknolohikal, at itaguyod ang kahusayang

bokasyonal.

Ayon sa Artikulo XIV Seksyon 15 : Dapat tangkilikin ng Estado ang mga

sining at panitikan. Dapat pangalagaan, itaguyod, at ipalaganap ng Estado ang

pamanang historikal at kultural at ang mga likha at mga kayamanang batis

artistiko ng bansa.

Ayon sa REPUBLIC ACT NO. 8491 Seksyon 35 at 36 na nagsasaad na:

Ang ating Pambansang Awit ng Pilipinas ay minarapat na bigyang pamagat na

“Lupang Hinirang”. Ang ating Pambansang Awit ay kailangan palagi awitin na

gamit ang pambansang wika o lenggwahe sa loob at labas man ng bansa. Ang

mga sumusunod ay ang pangunahing kanta o liriko ng ating pambansang awit:


Ayon sa Republika ACT NO. 8491 Seksyon 25 ang sumusunod ay

panunumpa ng katapatan sa pambansang watawat ng Pilipinas:

Gayun paman ang nasabi panunumpa ay kailangan bigkasin habang

nakatayo ng matuwid kasabay ang pagtaas ng kanang kamay. Ang bawat isa ay

may pananampalataya o may relihiyoso paniniwala at kailangan boung puso ang

respeto ipinapakita kasabay ang pagtayo na may boung atensyon.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ayon kay Montecillo (PASATAF 2014) tinukoy na ang Awiting Filipino ay

mahalagang kawing ng buhay ng tao, ito ay nakatutulong sa mag-aaral upang sa

pagkakaroon ng mataas na marka sa mga kursong inaaral tulad ng

pagpapayaman ng linggwistikang kakayahan at kasanayan.

Ayon sa pag-aaral ni Monforte (2015) ang Panitikan ang magsisilbing tulay

upang makita at mabatid natin ang kaugnayan ng kasalukuyan sa nakaraan,

sapagkat napakaloob dito ang mahahalagang pangyayari sa kabihasnan ng isang

pook at ang lahat-lahat, simula sa kaugalian, tradisyon, batas, rehiyon,

pamamahala, moralidad at ang mga paniniwala.

Dagdag pa niya ang kultura ay ang kalipunan at bunton ng mga

karaniwan karanasan, pag-uugali, tradisyon, paniniwala at kaugaliang natutunan


ng tao mula sa kangyang pakikisalamuha sa pamayanang kangyang

kinabibilangan.

Sa pag-aaral ni Gulab Malaque (2012) ng Philippine Normal University na

nalathala sa Modern Teacher (vol 61, 2012) ay hinggil sa Dekonstruksyon ng

dalawampu’t isa (21) Maikling kwento ni Liwayway Arceo nilayon na masuri ang

mga nakapaloob na katangiang pampanitikan at matukoy ang implikasyon ng

mga maikling kwento ni Arceo sa edukasyon. Kaakibat pa rin ang kanilang pag-

aaral ang matulungan ang bawat guro na palalimin ang pag-aaral ng Literatura

sa pamamagitan ng pagsusuri, pagtataya at pagpapahalaga sa bawat Panitikang

Pilipino.

Ayon sa Pag-aaral ni Wangiwang at Onalan ng Kalinga Apayao State

College na inihaharap din sa Internasyunal na Kumprehensya at Worksyap sa

Lenggwahe, kultura, Multikulturalismo, Multilinggwal na Edukasyon at ang K ⁺12

Kurikulum (2014) ay tungkol sa pagsasatititk sa mga pasalingdilang Literatura ng

Kalinga upang matugunan ang suliranin sa mga akdang tatalakayin sa mga

araling pampanitikan at lunsaran sa pagtuturo ng wika sa Filipino. Nakita sa pag-

aaral na may umiiral pang mga literaturang kalinga na nasa anyong tugma,

kwentong bayan, awiting-bayan, alamat at pabula sa kalinga. Natagpuan din na

hindi popular sa kasalukuyang henerasyon ang mga nabanggit na anyo ng

literaturang kalinga kung kaya’t iminungkahi na gamiting lunsaran sa pagtuturo

ng mga aralin sa Panitikan at Filipino.


Ayon sa pag-aaral ni Elma Tanamor (2015), Ang mga akdang

pampanitikan ay tumatalakay sa Identidad ng ating pagka-Pilipino. Naglalarawan

ito ng ating damdamin at karanasan bago, pagkatapos ng digmaan at nagging sa

kasalukuyan. Noong Panahon ng pagtuturo, gamit ang tradisyunl na pamaraan,

kinakitaan na nito ang kabisaan sa kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral.

Napatunatan na ang tradisyonal na paraan ng pagtuturo ay naging epektibo rin

sapagkat nagpakita ng magandang resulta sa larangang pang-akademiko at

pampanitikan ang mga mag-aaral na nagtapos gamit ang ganitong estratehiya

ng mga nagging guro.

Ayon sa Pag-aaral ni Jessie Guevarra (2011) ang Lupang hinirang at

panatang makabayan ito raw ay nagpapaala-ala, bumibigkis at nagpapakilala sa

atin kahit kaninuman, kailanman, at saan man panig ng mundo. Pinagtitibay nito

ang pagiging makabayan at pagmamalasakit sa ating katutubong kultura at mga

sining. Sa Kangyang pag-aaral napag-alaman niya na karamihan sa mga Pilipino

ay hindi nabibigkas ng tama ang Pambansang awit at panatang makabayan na

nagpapakita nang pagiging isang huwad at mapagkunwaring Pilipino.

Ayon sa pag-aaral ni Alexander Martin Remollino (2017) sa kangyang

pagpapahalaga at pagpapakahulugan niya sa panitikan ay : Ito’y hindi ang

luwalhati ng nakaraan na kakaunti lamang o wala naman. Ito’y hindi lang poklor,

ito’y hindi lang pagbuhay na muli sa tradisyon. Higit sa lahat, ito’y asng kabuuan

ng mga pangangailangan ng sambayanan, ang paglalarawan ng kanilang

nakaraan at kasalukuyang kalagayan, isang kapahayagan ng kanilang mga


pinaniniwalaan, iniisip at nadarama, ito’y ang paglalarawan ng kanilang

makasaysayang mga pakikibaka upang palayain ang kanilang mga sarili. Ang

tunay na pambansang kultura’y may di-mapapatid na kaugnayan sa mga

pangangailangan, iniisip, nadarama at gawi ng sambayanan. Ang pambansang

panitikan, sining, musika at lahat ng iba pang anyo ng kultura’y nararapat kung

gayon na mahugot at kumuha ng inspirasyon mula sa buhay ng sambayanan at

mag-alay ng kanilang tampok na mga nagawa sa sambayanan.

Ayon sa pag-aaral ni Charina Agcaoili na may paksang “ kasaysayan bayan

at tradisyonal na kasaysayan: Epekto sa nasyonalismo at pamnbansa Identidad

ng mga mag-aaral.” Ang nais na layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang

epekto ng paggamit ng dalawang pananaw at paraan ng pagtuturo ng

kasaysayan ito ay :Tradisyunal at kasaysayan bayan na magbibigay identidad at

pagiging nasyonalismo ng mga mag-aaral.

Ayon sa pag-aaral ni Gregorio Bituin jr. (2008) na may paksang “dati,

bago at proposal ng panatang makabayan”. Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy

sa pagkakaiba-iba ng dati, bago at bagong proposal para sa panatang

makabayan. Nais nya ipakita ang kahalagahan ng bawat taludtod sa panatang

makabayan na hindi gaya ng isang bulag na tagasunod kundi kailangan

maunawaan ng bawat magsasalita nito, kahit batang mag-aaral, sa kanilang

puso’t isipan ang kahulugan ng kapayapaang may hustisyang panlipunan,

karapatang pantao, pagkakapantay-pantay, pagpapakatao at pakikipagkapwa-

tao.
Ayon sa pag-aaral ni Raymund Bustinera (2011) na may paksang

“ Paggalang sa pambansang Awit.” Ipinaliwanag niya na nagkaroon ng isyu

pagtungkol sa tamang awit ng pambansang awit na Lupang hinirang, lalo na pag

dating sa pag-awit sa bawat laban ng ating Senador na si Manny Pacquiao, iba’t-

ibang sikat na mang-aawit ang inanyayaan upang awitin ang Lupang Hinirang.

Subalit karamihan sa mga mang-aawit na ito ay iniba ang tono ayon sa kanilang

istilo ng pag-awit.

Ayon sa Republic Act 8491 na naglalaman ng mga kautusan o batas

patungkol sa tamang paggalang at pagpapahalaga sa pambansang awit,

watawat, motto, coat-of-arms, at iba pang patungkol sa Heraldi codes at divices

ng Pilipinas. Sa Seksyon 43 na kapag ang Pambansang Awit ay tumugtog sa

pampublikong pagtitipon-tipon, kahit ito ay isang grupo ng banda, may umaawit

kahit sila ay pangdalawahan umaawit o kahit sa ano man paraan isinagawa ang

pag-aawit ng pambansang awit, lahat ng publikong nagsipagpadalo ay kailangan

umawit ng nasabing kanta. Ang pag-awit ay minarapat na awitin ito na buong

Puso at boung kalooban kinakanta ang pambansang awit.

Ayon sa pag-aaral ni Emiliana A. (2007) na may pamagat na “ Mga piling

awiting Pilipinong lilinang ng mga magagandang Gawiin sa ikatlong baitang.” Isa

sa mga napili awitin sa pag-aaral na ito ay ang mga: Lupang hinirang, Pilipinas

kong Mahal at Ako ay Pilipino. Sa kinalabasan ng pag-aaral na ito ay ang mga

awiting Pilipino na nalikom ay may magagandang Gawain na nakalilinang sa


katauhan ng mga mag-aaral na siyang magbubukas ng magandang adhikain sa

buhay.

BALANGKAS TEORITIKAL

Ang pananaliksik na ito ay binigyan ng konseptong teoritikal upang higit

na malaman ang kamalayan ng mag-aaral sa mga piling awiting makabayan at

panunumpa sa watawat. Bibigyan linaw ng bawat teorya ang pananaliksik na ito.

Ang Socio-cultural ni Lev Vygotsky na nagpapaliwanag na ang pagkatuto

ay isang prosesong sosyal at pinagmulan ng talino ng isang ng lipunan at

kultura. Ang pinakapaksang diwa sa teorikal ni Vygotsky ay ang pagganap ng

mahahalagang papel ng interaksyong pang sosyal sa paglinang ng kaisipan.

Naniniwala si Vygotsky na ang lahat ay natutuhan ng dalawang antas. Una, sa

pamamagitan ng interaksyon sa iba at naiuugnay sa pang-indibidwal na pag-iisip

ng isang bata. Bawat tungkulin pangkulturang paglinang ng isang bata ay

lumalabas ng dalawang beses.

Ang Ethnosymbolism theory ni A. Smith na nagpapaliwanag na

nakakatulong sa kanilang sarili sa paghubog ng nasyonalismo. Malaki ang

bahaging ginagampanan ng pag-aaral ng kasaysayan sa buhay ng mga

mamamayan. Nakatutulong ito sa kanilang pagkabuo bilang lipunan.

Nakatutulong din ito sa pagkilala nila sa sarili at sa paghubog ng nasyonalismo.

Kaya naman batay sa Ethnosymbolism Theory, nagbibigay-kapangyarihan sa

nasyonalismo ang mga mito, alaala, tradisyon, at mga simbolo ng pamanang


etniko. Gayon din, nagpapalakas dito ang pagtuklas at pagbibigay-interpretasyon

ng modernong intelligentsia sa nakaraan.

Ang Trondike’s law of exercise, ipinaliliwanag ng teoryang ito ang

kahalagahan ng pagsasanay sa pag-aaral o pagkatuto. Kapag ang pagtugon o

pagsagot ay paulit-ulit na sinasagawa, ito ay napapanatili sa ating isipan at ang

pagsasanay ng paulit-ulit ay magbibigay sa atin ng lakas sa pakikipag-ugnayan,

ang magiging bunga nito ay mapapadaling matandaan.

BALANGKAS KONSEPTWAL

Ang pag-aaral na ito ay binigyan konseptong konseptwal upang higit na

maintindihan at malinawan ang tutuhungin ng pag-aaral na ito.

Ayon sa Pigura may tatlong proseso para maisakatuparan ang pag-aaral

na ito. Ang makikita sa unang kahon na tinatawag na mga salik na nakakaapekto

sa kawalan ng kamalayan sa mga awiting makabayan at panunumpa sa

watawat. Makikita naman sa pangalawang kahonang Antas ng kamlayan ng mga

mag-aaral.

Ang panghuling kahon ay ang Awtput na mapaigting ang kamalayan ng

mga mag-aaral sa mga piling awiting makabayan at panunumpa sa watawat at

ninanais na makagawa ng Pumplets bilang gabay sa mga Mag-aaral.


KAMALAYANG PAMPANITIKAN SA MGA PILING AWITING
MAKABAYAN AT PANUNUMPA SA WATAWAT

INPUT AWPUT
PROSESO
1. Ipinagbabawal sa Napaigting ang
relihiyon Antas ng Kamalyan ; Kamalayan ng mga
2. Kakulangan sa
mag-aaral sa mga
motibasyon mula sa 1. Lupang Hinirang
guro 2. Panunumpa sa Piling Awiting
3. Impluwensya ng Watawat Makabayan at
barkada o kaklase 3. Pilipinas kong Panunumpa sa
4. Problema sa Mahal Watawat
pamilya 4. Pantang
5. Kawalan ng interes Makabayan
sa pagdalo sa flag
ceremony Paggawa ng
6. Lokasyon ng PUMPLETS
tirahan
7. Palaging huli sa
pagpasok sa paaralan
8. Pagliban sa Klase

Pigura. 2

Balangkas Konseptwal
MGA TALA

Azarias, Bro.(2008), Panitikang Pilipino (Interaktibo at Integratibong Talakay)

(Makati City: Book quick Marketing )

Espina, Leticia D.(2013),Panitikan ng Iba’t-ibang Rehiyon ng Pilipinas.

(Intramuros , Manila:Mind shapers Co. Inc. )

Garcia Florante C.,(Panitikang Pilipino ( Interaktibong Talakay) ( Makati City :

Book quick Marketing 2008)

Monforte, Joan Alarcon “Mga salaysaying-bayan sa partido: sulyap sa

pagkakakilanlan.” 2015

Cabatu, Carl Jeffry., http://awitingbayan.weebly.com./ 2013

http://www.affordable cebu.com /load/literature/awitingbayan/22-1-0-956

Flores, Darlene Shien M.,https://www.scribd.com/doc/ 175523653/Awiting-

Bayan-o kantahing- Bayan Copyright © 2016 Scribd Inc.

www.gov.ph ARTIKULO XIV EDUKASYON, SYENSYA AT TEKNOLOHYA, MGA

SINING, KULTURA, AT ISPORTS

http://www.gov.ph/1998/02/12/republic-act-no-8491/

http://www.ceebl.manchester.ac.uk/events/archive/

aligningcollaborativelearning/Vygotsky.pdf
http://www.preservearticles.com/201102033842/write-a-brief-note-on-

thorndikes-law-of-exercise.html

http://www.psychologyandsociety.com/interferencetheory.html

http://theriskyshift.com/2012/04/introduction-to-nationalism-theory-html/

Dennis Raymundo 2017,http://emanila.com/philippines/nasyunalismo-at-

panitikan-balik-tanaw-sa-isang-porum-at-sa-paksa-nito/

Jessie Guevera 2011, http://wagasmalaya.blogspot.com/2011/04/panatang-

makabayan.html

Gregorio V. Bituin Jr, http://asinsasugat.blogspot.com/2008/03/dati-bago-at-

proposal-na-panatang.html

Sam Dizon 2016, Katapatan nga ba. http://www.unipronow.org/blog/katapatan-

nga-ba
KABANATA III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Ang bahaging ito ay naglalahad ng metodolihiya ng pananaliksik. Ilalahad

din ang mga respondyente, kagamitan sa paglilikom ng datos, dokumentong

pagsusuri at Istadistikang ginamit. Tatalakayin sa bahaging ito ang paraan ng

paglikom ng datos at propayl ng mga mag-aaral na sangkot sa pag-aaral.

Kabilang na ang teoritikal at konseptuwal na balangkas.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang disenyo ng pananaliksik ay deskriptibo. Sinuri ang antas ng

kamalayan sa mga piling awiting makabayan at panunumpa sa watawat. Inalam

ng mga mananaliksik ang mga salik na nakakaapekto sa kawalan ng kamalayan

ng mga mag-aaral, tinukoy ang pagkakaiba-iba ng antas ng kamalayan sa mga

piling awiting makabayan at panunumpa sa watawat ng mga piling mag-aaral ng

Tinago National High School at ginamit ang talatanungan upang masagot ang

pananaliksik na ito.

MGA RESPONDENTE

Ang respondente ng pananaliksik na ito ay animnapu (60) mag-aaral mula

sa kabuang bilang 198 ng antas sampu ng Tinago National High School sa mga

piling mag-aaral.
Talahanayan Blg. 1

Propayl ng mga Respondente

Kasarian Bilang Gulang

Lalake 35 14-20

Babae 25 15-18

Kabuuan 60

Nanguna ang mga lalake na may pinakamataas na bilang 35 na mag-

aaral, sumunod ang mga babae na may bilang na 25 at ang nasa ikatlong hanay

ay ang gulang na mula 14-20 sa mga mag-aaral na lalake at ang mga babae na

may gulang na 15-18, malaki ang bilang ng mga lalake kumpara sa babae at sa

gulang ay nakatatanda rin ang mga lalake.

KAGAMITAN SA PAGLILIKOM NG DATOS

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatatanungan sa pag-aaral na ito

sa pag-alam sa mga salik na nakakaapekto sa kamalayan ng mga mag-aaral at

ang iba’t-ibang antas ng kamalayan at nag obserba sa kung paano ang pag-awit

at pagbigkas ng mga respondente sa mga piling awiting makabayan, panatang

makabayan at panunumpa sa watawat.

Sa pamamagitan ng paghingi ng pahintulot sa Principal ng Tinago National

High School ang mananaliksik ay namudmud ng mga talatanungan sal Animnapu


(60) na mag-aaral ng Tinago National High School. Ang pamudmud ay isinagawa

sa pangapat na markahan. Ang mga mananaliksik ang siyang mismong nagbigay

ng talatanungan na ukol sa mga piling awiting makabayan at panunumpa sa

watawat. Ang mga mananaliksik ay kumuha rin sa isang website sa internet

upang maging gabay sa paggawa nang talatanungan Ginamit ito upang malaman

ang antas ng kamalayan sa mga panitikan katulad ng mga awiting bayan at

panunumpa sa watawat.

DOKUMENTONG PAG-SUSURI

Ang mga mananaliksik ay nag pamudmod ng mga talatanugang

nagbibigay ng walong mga salik na maaring makaapekto sa kawalan ng

kamalayan ng mga mag-aaral, ang mga respondente ay maglalagay ng tsek ( ̸ )

batay sa kanila kung gaano nakakaapekto ang mga salik. Ang pinakamataas ay

(4) na ang ibig sabihin ay Lubhang nakakaapekto at ang pinakamabababa ay (1)

na ang ibig sabihin ay hindi nakakaapekto. Sa pangalawang bahagi ng

talatanungan ang mga mag-aaral ay pupunan ang mga patlang ng tamang salita

o sagot. Nagbigay ang mga mananaliksik ng tanong sa pakikipanayam sa mga

respondente sa pag-interbyu sa 15 na katao.

ISTASDIKANG GINAMIT

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng isradistikang bahagdan upang

malapatan ang mga nakalap na datos at impormasyon sa isasagawang surbey.


Ang mga mananaliksik ay napagkasunduan na gamitin ang sumusunod na

pormula.

Ang istadistikang ginamit ay ang pabahagdang teknik sa pagraranggo sa

salik na nakakaapekto sa kamalayan ng mga respondente.

Ang pormula ay:

n
P= ∗100
N

Na kung saan:

P – Pabahagdang paraan

n - Bilang ng kasagutan

N – Bilang ng mga Respondent

Weighted mean ang ginamit upang matukoy ang mga kasagutan ng mga

respondyente patungkol sa kamalayan ng mga mag-aaral sa mga awiting

makabayan.

Ang pormulang ginamit ay:

TMF
WM=
N

Kung saan:
WM – tamtamang bigat

TWF – Kabuuang weighted frequency

N – bilang ng responyente

Ang dalawang panukatan na ginamit sa pagbibigay ng interpretasyon sa mga

kasagutan ng mga respondyente sa pagtukoy sa Antas ng Kamalayan at mga

Salik na makakaapekto sa pagkawala ng kamalayan.


Mga Tala

T-Test Definition | Investopedia http://www.investopedia.com/terms/t/t-

test.asp#ixzz4XiLvYiJx

http://www.investopedia.com/terms/s/sample.asp
KABANATA IV

ANALISIS AT INTERPRETASYON

Sa kabanatang ito nakapaloob ang talakay patungkol sa resultang nakalap

sa sarbey, obserbasyon at pakikipanayam. Sa pamamagitan ng mga

talahanayan at grapikong pantulong higit na napadali ang pagorganisa ng mga

impormasyon patungkol sa antas at salik na nakakaapekto sa kamalayan ng mga

piling mag-aaral sa antas 10. Sa kamalayan ng mga mag-aaral, inilahad ang

interpretasyon sa mga nakalap na datos mula sa mga mag-aaral sa antas 10 ng

Tinago National High School.

Ang susunod na talahanayan ay naglalahad ng resulta ng mga salik sa

kawalan ng kamalayan sa mga mag-aaral.


Antas ng Kamalayan ng mga mag-aaral sa awiting makabayan

at panunumpa sa watawat

Talahanayan 3

Antas ng kamalayan ng mga mag-aaral sa awiting makabayan at

panunumpa sa watawat

INDIKASYON MEAN RATING PASALITANG

DESKRIPSYON

Pilipinas kong Mahal 4.32 Mataas ang kamalayan

Panunumpa sa Watawat 4.35 Mataas ang kamalayan

Lupang Hinirang 4.63 Mataas ang kamalayan

Panatang Makabayan 3.92 May kamalayan

ISKALA:

4.25-5.00-mataas ang kamalayan

3.60-4.24-may kamalayan

2.25-3.50-medyo may kamalayan

1.00-2.24-walang kamalayan
Makikita sa talahanayan 3 ang resulta ng antas ng kamalayan ng mga

mag-aaral sa mga piling awiting makabayan at panunumpa sa watawat.

Nanguna ang lupang hinirang na may mean na 4.62 o pasalitang deskripsyon na

mataas ang kamlayan, pangalawa ang panunumpa sa watawat na may mean na

4.35 o mataas ang kamalayan, Pilipinas kong Mahal na may mean na 4.32 o

mataas ang kamalayan at panghuli Panatang makabayan na may mean na 3.92

at pasalitang deskrisyon na may kamalayan. Batay sa resulta sa antas ng

kamalayan ng mga mag-aaral, may mataas na kamalayan sa mga piling awiting

makabayan ang mga respondente ng Tinago National High School patunay nito

ang resulta na nakita sa mean. Ang pagkahantad ng mga respondente sa mga

awiting makabayan ay nagsimula noong nasa pre-school at unti-unting

pinalalalim at ng mga guro sa elementarya hanggang sa secondary kung saan

ang mga respondente ay kasulukuyang lalo pang hinahasa. Kailangang alam at

isabuhay ang mga awiting makabayan ng mga Pilipino, lalo na ng mga kabataan

upang mapanatili ang pagiging makabayan ng bawat Pilipino. May kamalayan

naman sa panatang makabayan ang mga respondente dahil sa nakitang resulta

ng pag-aaral. Ang pagkaunawa sa bawat salita sa Panatang Makabayan ay

mahalagang pagtuunan ng pansin ng mga guro upang lubos na maisabuhay ng

mga respondente.

Ayon sa REPUBLIC ACT NO. 8491 Seksyon 35 at 36 na nagsasaad : Ang

Pambansang Awit ng Pilipinas ay minarapat na bigyang pamagat na “Lupang

Hinirang” na kailangan palagi awitin gamit ang pambansang wika o lenggwahe


sa loob at labas man ng bansa. Ang mga sumusunod ay ang pangunahing liriko

ng ating pambansang awit:

Ang artikulong ito ay kailangang masunod at mapaalam ang kautusan na

naglalaman ng tamang liriko ng pambansang awit ng Pilipinas.

Ayon sa Republika ACT NO. 8491 Seksyon 25 ang sumusunod ay

panunumpa ng katapatan sa pambansang watawat ng Pilipinas.

Ayon sa Pag-aaral ni Jessie Guevarra, ang Lupang hinirang at

panatang makabayan ay nagpapaala-ala, bumibigkis at sa nagpakilala atin kahit

kaninuman at saan man panig ng mundo. Pinagtibay nito ang pagiging

makabayan at pagmamalasakit sa ating katutubong kultura at mga sining. Sa

Kangyang pag-aaral napag-alaman na karamihan sa mga Pilipino ay hindi

nabibigkas ng tama ang Pambansang awit at panatang makabayan na

nagpapakita nang pagiging isang huwad at mapagkunwaring Pilipino.

Ayon kay Lozano J. sa kangyang pag-aaral ang bawat taludtud ng bagong

Panatang makabayan ay binigyang pagpapakahulugan at pagpapahalaga sa

paraan ng pag-uugnay ng mga karanasan at tunay na nangyari sa kasulukuyan.

Batay sa mga naobserbahan ng mga mananaliksik; Hindi sumunod ang

mga mag-aaral sa oras ng pagsimula ng flag raising ceremony,Mayroong

dalawang flag pole ang Tinago National High School. (a) Maliit at naalis na flag

pole; (b) mataas na flag pole; Tatlong beses nagkakaroon nagflag ceremony,

Ang mga nagsasagawa ng flag ceremony ay mga student council. Mas mahigpit
ang student council sa mga nahuhuling mag-aaral sa pag-awit ng flag

raising.Halos kalahati ng populasyon ang nahuhuli. Sa pangatlong flag ceremony

isang seksyon lamang ang dumalo. Hindi seryoso sa pag-awit ang karamihan sa

mag-aaral.

Batay sa mga itinanong ng mga mananaliksik sa mga nakapanayan na

mga mag-aaral sa Tinago National High School, ito ang mga isinagot ng mga

repondente.

(1) Bakit kailangan awitin ang mga awiting Makabayan ? , Base sa mga

kasugatan ng mga respondente ; Sa unang nakapanayam ,”Paggalang sa ating

bansa’’. ; Pangalawa, “Para mapukaw ang pagiging Pilipino’’. ; Pangatlo, “

Simbulo po siya sa pag-alaala sa mga naging bayani’’. ; Pang apat, “Dahil ditto

nakilala ang ating bansa’’. ; Panlima,’’Upang mahikat ang mga Pilipino na awitin

ito ng paulit-ulit.’’

(2) Dapat bang obligahin ang mga mag-aaral na dumalo at umawit nang

maayos ng awiting makabayan ? ; Una, ‘’ Oo, para lahat na kabataan ay

matutuhan ang awiting makabayan”. ; Pangalawa,’’ Opo, pakikiisa sa paggalang

sa mga naging bayani’’. ; Pangatlo,”Opo, dahil ito ang sagisag sa pagiging

Pilipino natin.’’ ; Pang apat,’’ Opo , para irespeto ang ating bansa at watawat” ;

Panglima,” Para sa iba pwedeng mag-awit ang pambansang awit, pero sa amin

hindi pwedeng awitin dahil ang relihiyon namin ay jehuva witnesses”.


(3) Bakit kailangan sundin ang mga alituntunin sa pag awit ng awiting

makabayan? ; Una, ‘’Para sa respeto”. ; Pangalawa,’’ Dahil ang awiting

makabayan ay nakabatay sa mga bayani’’. ; Pangatlo ’ Para may pagkakaisa”.

(4) Bilang isang mag-aaral bakit kailangan huminto kapag tinataas ang watawat?

; Una,” Simbulo ng pagrerespeto”. ; Pangalawa ’’ Bilang paggalang sa mga

awitin’’.; Pangatlo, Bilang paggalang sa bansa’’.

(5) Bilang mag-aaral paano mo naipapakita ang pagiging isang makabayan? ;

Una, “Sa pagdalo sa flag ceremony”. ; Pangalawa,’’ magcommunity service

kapag hindi nakadalo sa flag ceremony”. ; Pangatlo,” sumunod sa mga

patakaran tungkol sa pag-awit."


Talahanayan Blg. 2

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA KAMALAYAN NG MGA MAG-AARAL

AYTEM KABUUAN MEAN RANGO PASALITANG


RATING DESKRIPSYON
Ipinagbabawal sa Medyo
reheliyon 137 2.28 8 nakakaapekto
Kakulangan sa nakakaapekto
motibasyon mula 160 2.67 5
sa guro
Impluwensya ng nakakaapekto
barkada o kaklase 185 3.08 1

Problema sa 4 nakakaapekto
pamilya 162 2.70
Kawalan ng nakakaapekto
Interes sa pagdalo 152 2.53 7
sa flag ceremony
Lokasyon ng nakakaapekto
tirahan 169 2.82 2
Palaging huli sa nakakaapekto
pagpasok sa 155 2.58 6
paaralan
nakakaapekto
Pagliban sa klase 165 2.75 3
nakakaapekto
KABUUAN 480 2.67

ISKALA:

1.00-1.75 Hindi Nakakaapekto

1.76-2.50 Medyo Nakakaapekto

2.51-3.25 Nakakaapekto

3.26-4.00 Lubhang Nakakaapekto


Makikita sa talahanayan 2 ang naging resulta ng mga nakalap na datos

kung gaano nakakaapekto ang mga salik sa kawalan ng kamalayan ng mga

mag-aaral sa mga piling awiting makabayan at panunumpa sa watawat.

Ang ‘ Impluwensya ng Barkada o kaklase’ na mayroong mean na 3.08 at

pasalitang deskripyon na ‘ nakakaapekto’ ang nangunang salik, sapagkat ang

mga mag-aaral sa Tinago National High School na inuuna ang pagbabarkada/

pakikipagbarkada bago dumalo sa flag ceremony, kailangan hintayin ang

kaibigan upang sabay-sabay na dumalo sa Flag Ceremony. Base sa obserbasyon

sa pagsagawa ng flag ceremony tuwing 7:15 ng umaga sa araw ng Lunes, kapag

nasa kalagitnaan na ng pag- awit nawawala ang atensyon ng karamihan dahil

nakikipag usap sa kaklase o katabi, ang iba naman ay nakatingin sa labas ng

gate, ang iba ay panay gamit ng kanilang cellphone, karamihan ay nagtutulakan

sa pila at sa pag-awit ng mga awiting makabayan ang isang grupo ng mag-aaral

ay pasigaw ang pag-awit, karagdagang nakita sa obserbasyon tuwang-tuwang

sila habang inawit at pagbigkas ng mga awiting makabayan at panunumpa sa

watawat . Ito ay nagpakita na walang respeto at hindi buong pusong inaawit at

isinasabuhay ang gawain Kaya ang salik na nanguna ay nagpapakita ng

pagpapahalaga ng mag-aaral sa barkada o kaklase kaysa sa tamang pag-awit

sa awiting makabayan at panunumpa sa watawat.

Ayon sa Republic Act 8491 na naglalaman ng mga kautusan o batas

patungkol sa tamang paggalang at pagpapahalaga sa pambansang awit,

watawat, motto, coat-of-arms, at iba pang patungkol sa Heraldic code at divices


ng Pilipinas. Sa Seksyon 43 na kapag ang Pambansang Awit ay tumugtog sa

pampublikong pagtitipon-tipon, kahit ito ay isang grupo ng banda, may umaawit

kahit sila ay pangdalawahan umaawit o kahit sa ano man paraan isinagawa ang

pag-awit ng pambansang awit, lahat ng pampublikong nagsipagpadalo ay

kailangan umawit ng nasabing liriko. Ang pag-awit ay minarapat na awitin ng

buong Puso at buong kaloobang awitin .

Ang pangalawang salik na nakakaapekto sa kawalan ng kamalayan ng

mag-aaral ay ang lokasyon sa tirahan na mayroong mean na 2.82 at pasalitang

deskrisyon na nakakaapekto, dahil karamihan sa mag-aaral ng Tinago National

High School ay malalayo ang tirahan mula sa paaralang kanilang pinapasukan.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon ang paaralang Tinago National High

School ay tumatanggap ng mga estudyanteng pinaalis sa ibang paaralan o kick

out mula sa kanilang dating pinapasukan na paaralan. Karamihan sa mga mag-

aaral ay nahihirapang maghanap ng transportasyong masasakyan papunta ng

paaralan sa kadahilanang malayo ang lokasyon ng tirahan subalit sa

naobserbahan ng mga mananaliksik halos kalahati ng popolasyon ng mga mag-

aaral ng Tinago ang nakadadalo ng Flag Ceremony sa oras na 7:15 ng umaga

ang opisyal na oras ng pagsisimula ng seremonya sa kanilang paaralan, may

ikalawang flag ceremony para sa mga nahuli o hindi nakaabot na mga

estudyante kalahati ng populasyon ng Tinago National High School ang nandoon,

ang Student Council ng paaralan ang namumuno sa pagpaawit sa mga mag-

aaral na nahuli, binigyang pansin at tinutukang nang mabuti ang pag-awit nang
maayos at pagbigay atensyon sa watawat. Makikita na kahit ang lokasyon ng

tirahan ang pangalawang salik na nakakaapekto sa kamalayan ng mga mag-

aaral ay nagkakaroon pa rin ng pagkakataon na dumalo sa Flag ceremony.

Ang panghuling salik na nakakaapekto sa kawalan ng kamalayan ng mga

mag-aaral ay ang salik na ipinagbabawal sa relihiyon na mayroong mean na

2.67 at pasalitang deskripsyon na medyo nakakaapekto. Ayon sa nakapanayam

na mga mag-aaral ng Tinago National High School iba ang relihiyon at isa na

rito ay ang isang estudyante na Jehuva witnesses , kaya lumabas na karamihan

ay ipinagbabawal sa pagsunod sa tuntunin sa pag awit ng awiting makabayan at

panunumpa sa watawat. Masasabi na ito ang panghuling salik na nakakaapekto

sa kawalan ng kamalayan, sapagkat lahat ay Romano Katoliko ang relihiyon ng

mga mag-aaral sa Tinago National High School na nangangahulugang hindi

ipinagbabawal sa relihiyong katoliko ang pag-awit at pagbigkas ng mga awiting

makabayan at panunumpa sa watawat malaki ang bilang ng respondeting

katoliko sa Tinago high School kaya’t hindi nakakaapekto ang relihiyon.

Ayon sa aklat ng Servillano M. (2008), may layunin ang pagaaral ng

panitikan. Ito ay kailangang-kailangan sapagkat ito ay isang magandang paraan

ng pagpapalaganap at Pagbibigay halaga sa ating kultura. Higit sa lahat

makatulong ito upang lalong mapatingkad ang ating wikang pambansa. Ang

Pilipino sapagkat sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan ito

naipapahayag nang lubusan ang ating pambansang pag-uugali,paniniwala at

mga kakaibang uri ng karanasan higit na mapalawak sa ating kakayahan.


MGA TALA

Joselito Lonzano,2010 http://toklits72.blogspot.com/2010/04/iniibig-ko-ang-

pilipinas.html

Jessie Guevera 2011, http://wagasmalaya.blogspot.com/2011/04/panatang-

makabayan.html

http://www.gov.ph/1998/02/12/republic-act-no-8491/
KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON at REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito tinalakay ang paglalagom, konklusyon, at

rekomendasyon ng mga mananaliksik batay sa kinalabasan ng pag-aaral.

PAGLALAGOM

Ang paglathala ng pag-aaral tungkol sa mga kamalayang pampanitikan sa

mga piling awiting makabayan at panunumpa sa watawat ay naglalayong

malaman kung gaano ang kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa mga awiting

makabayan at panunumpa sa watawat. Malaman kung ano ang kamalayan ng

mga mag-aaral tungkol sa maayos, tamang pag-awit at pagbigkas ng mga ito.

Matuklasan kung gaano nakakaapekto ang mga salik na kinahaharap ng mga

mag-aaral sa kamalayan sa mga piling awiting makabayan at panunumpa sa

watawat. Mabatid ang iba’t-ibang antas ng kamalayan sa mga awiting

makabayan at panunumpa sa watawat ng mga mag-aaral ng antas 10 ng Tinago

National HighSchool.

SULIRANIN 1

Ano ang antas ng kamalayan ng mga piling mag-aaral sa Tinago National

High School sa mga Awiting Makabayan , at panunumpa sa Watawat?


NATUKLASAN

1. Sa antas ng kamalayan, Lupang Hinirang ang pinakamataas na resultang

nakuha na may mean na 4.63 at pasalitang deskripsyon na Mataas ang

kamalayan dahil ang mga respondente ay mas madaling ibinibigkas at

memoryado ang lyrics ng awitin.

KONKLUSYON

1. Ang awiting Lupang Hinirang ay may pinaka mataas na kamalayan at

Panatang Makabayan naman ay may mababang kamalayan.

REKOMENDASYON

1. Turuan ang mga mag-aaral ng tamang pag-awit at pagbigkas ng mga awiting

makabayan at panunumpa sa watawat;

2. Ang mga guro ay kailangang nakagabay sa mga estudyante tuwing may Flag

Ceremony at flag retreat upang lubos na madama at maisabuhay ng mga mag-

aaral ang kahalagaan ng mga awiting makabayan at panunumpa sa watawat.

3. Mag daos ng isang seminar sa bawat taon tungkol sa Heraldic Code o ang

Republic Act 8491. Na naglalaman ng mga kautusan sa pambansang awit at

panunumpa sa watawat upang mas lumalim ang pagkaunawa at pagpapahalaga

ng mga mag-aaral.
4. Magdaos ng mga patimpalak ang mga organisasyon ng paaralan tungkol sa

kamalayan ng mga mag-aaral sa mga piling awiting makabayan at panunumpa

sa watawat.

5. Binabalikan ng mga guro ang mga gawi at mga dapat isaalang- alang ng mga

mag-aaral sa tuwing inaawit ang mga awiting makabayan sa loob at labas man

ng paaralan lalo na sa asignaturang edukasyon sa pagpapahalaga.

SULIRANIN 2

Gaano nakakaapekto ang mga salik sa kawalan ng kamalayan ng mga piling

awiting makabayan at panunumpa sa watawat?

NATUKLASAN

1.Sa salik na nakakaapekto sa kawalan ng kamalayan ng mga mag-aaral sa piling

awiting makabayan at panunumpa sa watawat, ang nangunang salik ay ang

Impluwensya ng barkada o kaklase na may mean na 3.08 na may pasalitang

deskripsyon na nakakaapekto dahil mas mahalaga pa ang barkada o kaklase

kaysa sa pagpapahalaga sa mga piling awiting makabayan at panunumpa sa

watawat, matindi ang impluwensyang dulot nito sa unti-unting pagkawala ng

kamalayan sa mga panitikan. Ang pinakamababang salik ay ang ipinagbabawal

sa relihiyon na may mean na 2.28 at may pasalitang deskripsyon na medyo

nakakaapekto dahil karamihan sa mga respondente ay Romano katoliko na ibig

sabihin hindi ipinagbabawal sa relihiyon ang pag-awit ng mga awiting

makabayan.
KONKLUSYON

1.Malaking salik na nakaapekto ang Impluwensya ng barkada o kaklase

kamalayan sa mga piling awiting makabayan at panunumpa sa watawat.

REKOMENDASYON

1.Iwasan ang pakikipag-usap sa barkada, kaklase o katabi tuwing umaawit ng

Pambansang awit ganoon din ang mga guro at iba pang may katungkulan sa

paaralan para magsilbing huwaran ng mga mag-aaral.

2. Maging modelo ang mga guro, mga magulang at ang punong guro sa

pagiging isang makabayan;

3. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng mga awiting makabayan lalo

na mga guro sa ibat ibang asignatura


APPENDIKS
Appendix A

Liham ng Pagpapahintulot

February 10, 2017

LOURDES G. CERVANTES
Principal
Tinago National High School
Naga City

Dear Madam:

Greetings!
We, the fourth year students taking up Bachelor of Arts in Filipino Language
from the College of Arts and Sciences of Naga College Foundation , are
presently writing our undergraduate thesis with the title “Kamalayang
Pampanitikan sa mga Piling Awiting Makabayan at Panunumpa sa Watawat’’.
In connection with this, we are asking your permission to allow us to conduct a
survey to the Sixty (60) Grade 10 students of Tinago National High School on
February 13,14 and 15, 2017.
Hoping for your positive response on this matter.
Thank you very much and God bless.
Respectfully yours,

Princess Camille B. Arias


Mica Benito
Marites A . Mimay
Sunshine C. Mediarito
Noted:

PROF.TERESITA R. BERCASIO
Adviser, Undergraduate Thesis

Dr. AIDA P. OSEA


Dean, College of Arts and Sciences

Approved by:

LOURDES G. CERVANTES
Principal
Appendix B

Talatanungan

Pangalan (opsyunal): Edad:

Antas at Seksyon: Kasarian:

I. Lagyan ng tsek kung gaano nakakaapekto ang mga salik sa kawalan ng


kamalayan sa mga awiting makabayan at panunumpa sa watawat.

Mga salik 4 3 2 1
Lubhang nakakaapekto Medyo Hindi
nakaka nakaka nakakaapekto
apekto apekto
ipinagbabawal sa
relihiyon.
Kakulangan sa
motibasyon sa guro.
Impluwensya ng barkada
o kaklase.
Problema sa pamilya.

Kawalan ng interes sa
pagdalo ng flag
ceremony.
Lokasyon ng Tirahan

Palaging Late.

Pagliban sa Klase.

II. Kumpletuhin/punan ang mga blanko upang mabuo ang mga awiting
makabayan, panunumpa sa watawat at panatang makabayan.

Panunumpa sa watawat.

I. Lupang Hinirang
Bayang magiliw,

Perlas ng

Alab ng puso

Sa dibdib mo’y

Lupang Hinirang,

Ka ng

Sa

Di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok,

Sa simoy at sa langit mong

May dilag at tula

At awit sa paglayang minamahal.

Ang ng watawat mo’y

Tagumpay na

Ang bituin at araw niya,

Kalian pa ma’y di

Lupa ng araw, ng

Buhay ay langit sa piling mo;

Aming ligaya na pag may mang-aapi,

Ang mamatay nang dahil sa’yo.

II. Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas.

Ako ay Pilipino,

Buong nanunumpa sa watawat

Ng Pilipinas,
At sa bansang kangyang

Na may dangal, at kalayaan,

Na pinakikilos ng sambayanang

, maka-kalikasan, maka tao at .

III PILIPINAS KONG MAHAL.

Ang bayan ko’y tanging ikaw,

Kong mahal.

Ang ko at buhay man,

Sa iyo ibibigay,

Kong gagampanan

Na lagi kang

Ang laya mo’y

Pilipinas kong hirang.

IV. PANATANG MAKABAYAN

Iniibig ko ang Pilipinas, aking Lupang .

ng aking lahi, kinukupkop ako at tinutulungan

upang maging , masipag, at marangal.

Dahil mahal ko ang ,

ko ang payo ng aking mga magulang.

Susundin ko ang tuntunin ng ,

tutuparin ko ang tungkulin ng , makabayan;

naglilingkod, , at nagdarasal ng buong katapatan.

Iaalay ko ang aking buhay, pangarap at

sa bansang .
50

III

Mga katanungan sa informal interbyu.

1. Bakit kailangan awitin ang mga awiting Makabayan ?

2. Dapat bang obligahin ang mga mag-aaral na dumalo at umawit nang maayos
ng awiting makabayan ?

3. Bakit kailangan sundin ang mga alituntunin sa pag awit ng awiting


makabayan?

4. Bilang isang mag-aaral bakit kailangan huminto kapag tinataas ang watawat ?

5. bilang mag-aaral paano mo naipapakita ang pagiging isang makabayan?


51

You might also like